LAGLAG ang magkabilang balikat na bumalik ng hotel si Diofannie. Nasa bungad pa lamang ay tanaw niya na si Terrence na mukhang hinihintay siya. "Ma'am Diofannie," bati nito sa kanya at saka nilingon si Fabian mula sa likuran niya na hindi na rin nagsalita matapos siyang kausapin kanina. He was really mad at her. Dahil sa ginawa niyang iyon ay mukhang mas lalong nagalit sa kanya si Fabian. "Saan ho kayo nagpunta? Pasado alas dose na. Kanina pa akong naghahanap sa 'yo," Terrence asked her. She shook her head. "Not now, Terrence. Wala akong time para makipagtalo sa 'yo. So please, hayaan mo na lang muna akong umakyat sa taas ng hindi mo ako pinagsasabihan," aniya sa mahinang boses. Kakakain pa lang ni Diofannie at busog na busog pa siya pero pakiramdam niya ay wala na siyang energy

