bc

SEDUCING THE HOT FISHERMAN

book_age18+
930
FOLLOW
4.7K
READ
billionaire
one-night stand
HE
badboy
powerful
drama
bxg
bold
like
intro-logo
Blurb

Laro-laro lang naman para kay Diofannie ang paghahabol niya sa mangingisdang si Fabian dahil ubod ito ng sungit sa kanya.

Pero bakit namalayan na lang niya na iniibig niya na ito?

At kung kaylan naging sila na, saka lang niya malalaman na bilyonaryo pala ang binata at mayroon lang amnesia. At ang masakit ay pagmamay-ari pala ito ng iba.

Dapat bang ipaglaban ni Diofannie ang pagmamahal niya lalo na at buntis siya?

O hahayaan niya na lang si Fabian sa totoong nagmamay-ari nito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"BAKIT ka naghuhubad, Ma'am Diofannie?" Napahagikhik si Diofannie nang pumalinlang ang malamig na boses nang masungit na lalakeng nasa kanyang harapan. Nakakunot pa ang noo nito at nakatiim ang bagang. Masama rin ang tingin nito sa kanya na animo ay kakainin siya ng buhay. Napangisi siya sa kaisipang iyon. Oh how she loves that idea. Iniisip pa lamang na gagawin iyon sa kanya ng masungit na lalakeng ito ay parang titirik na ang kanyang mga mata sa sarap. At dahil doon ay muli siyang napahagikhik. Nahihilo na si Diofannie dahil sa alak na ininom niya kanina ngunit hindi niya iyon ininda. Why? Who cares naman kung nakakalasing iyong ininum niya? Kaya nga niya ininom ang alak na iyon ay dahil para magkaroon siya ng lakas ng loob sa gagawin niya ngayong gabi. Paano ba naman kasi! Ang lalakeng ito! Ubod ng sungit! Ginagawa niya naman ang lahat ngunit hindi pa rin siya pinapansin. "It's hot. Naiinitan ako. Oh my God! Fabian!" padaing na saad pa niya sa pangalan ng huli. Bahagya niya ring iniawang ang kanyang labi na tila inaakit ang huli. Napapapikit na siya dahil na rin sa impluwensya ng alak ngunit nakita niya ang pag-iling ng huli. "Sino naman ho ang maniniwala sa sinasabi ninyo, Ma'am Diofannie? Napakalamig dito sa isla. Anong mainit ang pinagsasabi ninyo?" Mula sa katreng papag ay bumangon doon si Fabian. Pasimple pa nitong inabot ang t-shirt nito na nakasabit sa pako at saka iyon sinuot. Diofannie bit her lower lip. Bakit ba kasi napaka-hot naman ng mangingisdang ito? Unang dating niya pa lamang dito sa Isla ay napukaw na nito ang atensyon niya. At kung gaano kadami ng mga locals na nagpapapansin sa kanya ay siya namang ilap ng lalakeng ito. Until her curiosity already kill her. Hindi na mawaglit sa isipan niya ang tan na kulay ni Fabian. Maganda rin ang pangangatawan nito at may anim na abs sa tyan. Nakakaakit din ang v-line na shape sa gilid ng magkabilang puson nito dahil masyadong mababa ang waistline ng pantalon na suot ng huli. Matikas din ang pangangatawan nito. Matangkad na kung hindi nagkakamali si Diofannie ay tantya niyang nasa six feet iyon. Mahaba din ang itim na buhok nito na parating nakatali. And Diofannie thought that Fabian was also willing to flirt with her dahil minsan na rin itong napasulyap sa kanya. Hello? She's beautiful! Lahat halos ng lalake sa university na pinapasukan niya ay nahuhumaling sa kanya. Kaya napaka-imposible naman na ang island boy na ito ay hindi mabibihag ng ganda niya. And that's what she thought. Dahil hanggang doon lang pala iyon. Isang beses lang siya nitong sinulyapan at hindi na naulit pa. At sa halos dalawang buwan niyang pagtira dito sa isla ay mabibilang lamang sa kamay niya kung ilang beses siya nito kinausap. And she's so desperate already. Gusto niyang makuha ang atensyon nito. At umabot na sa puntong parang nagkakagusto na siya kay Fabian. Kaya ito ngayon ang naisip niya. Total naman walang lalakeng hindi natutukso kapag may babaeng naghubad sa harapan nila. So she will going to seduce that Island Boy! Humugot muna ng lakas ng loob si Diofannie sa alak na ininom niya bago niya napagdesisyunang puntahan si Fabian sa maliit na bahay nito dito rin malapit sa tabing dagat bago niya isasagawa ang plano niya. At ngayon nga na nasa harapan niya na ito ay hindi siya papayag na hindi niya makuha ang atensyon nito. "Umuwi na ho kayo, Ma'am. Bumalik na ho kayo sa hotel bago pa may makakita sa inyo dito," masungit pa rin ang boses na saad nito sa kanya. Lumapit si Fabian sa kanya at akmang pipigilan siya sa paghubad niya nang kanyang suot na maxi dress nang unahan niya ito. Mas naging mabilis ang pagkilos niya at dali-dali iyong hinubad sa harapan nito dahilan upang lumantad sa paningin ni Fabian ang pang-ilalim niya. Kulay pula iyon dahilan upang lumantad sa paningin nito ang kanyang makurba na katawan at kaputian. "M-ma'am Diofannie! Magdamit ho kayo!" naeeskandalong saad pa ng huli. Nag-iwas din ng tingin sa kanya si Fabian ngunit hindi nakatakas sa paningin niya ang sunod-sunod na paglunok nito. Lihim na napangisi si Diofannie. She's right. Sinasabi niya na nga ba. Maapektuhan at maaapektuhan pa rin ang lalakeng ito sa alindog niya. Huh! No one could resist her beauty! She's a goddess. Totoo naman iyon. Diofannie's just twenty ngunit kurbang kurba na ang katawan niya. It's like an hour glass dahil na rin sa malaki niyang dibdib, maliit na beywang at malaking balakang. Everybody drool at her. And Fabian is not an exception. Nagsusungit sungitan lang ang mangingisda na ito ngunit alam niyang nagagandahan din ito sa kanya. "I told you, Fabian. Don't call me Ma'am Diofannie. Just anne. Okay?" she said in a sexy voice. Mas lumapit din siya dito at saka niya inlapat ang kanyang kamay sa balikat nito. Pinadaosdos niya ang mga daliri niya doon sa senswal na paraan. Nakita niya ang paghugot ng hininga ng huli. Napatiim bagang pa ito. And Diofannie wants to stare at his black eyes. Kaya naman ay hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi nito at pilit na pinapalingon sa kanya. Sa una ay naging mailap si Fabian. Ngunit kalaunan ay magkahinang na rin ang kanilang mga mata. "Ano ba talaga ang kaylangan mo sa akin? Dis oras na ng gabi! Bumalik ka na sa hotel!" madiin pa rin na saad sa kanya ni Fabian. Matamis naman na ngumiti si Diofannie. Mas lumapit pa siya dito. Ang dalawang kamay niya ay unti-unting bumaba patungo sa leeg ng huli hanggang sa nakayakap na siya dito. "Ma'am Diofannie! Umalis na kayo!" saad nito sa kanya sa mapanganib na boses. Ngunit taliwas sa binibigkas nitong mga salita ang ginagawa ng kamay nito. Dahik nakahawak na ngayon si Fabian sa magkabila niyang beywang at napakahigpit na ng pagpisil nito doon. Ngumisi siya. "I told you it's just Anne. How many times do I have to tell you that, huh, Fabian?" malambing na saad pa niya at saka unti-unting inihakbang ang kanyang mga paa habang paatras naman nang paatras ang huli. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Napapikit din ito. At sa pagdilat ni Fabian, hindi niya na mabasahan ng emosyon ang mga mata nito. "Bakit mo ba ginagawa ito?" madiin pa rin ang boses na sambit nito. Napangisi naman si Diofannie. Bakit napaka-hard to get naman ng lalakeng ito?! "Simply. Let's just say that you cought my attention the moment na dumating ako dito," malambing na boses na saad niya. At dahil wala namang ginagawa si Fabian para pigilan siya ay mas lalo niya pang inilalapit ang sarili niya dito. "Gusto mo ba ako?" saad naman ni Fabian sa kanya. Umarko ang sulok ng kanyang labi. Hmm. Diretsahan. But Diofannie won't answer that. Maaaring gusto niya nga ang huli. But not romantically. Tila nacha-challenge lang siya dito kaya gusto niyang makuha ang atensyon nito. "Shh. Enough with the talk, Fabian," paos na saad niya. Tumingkayad si Diofannie upang maabot ang labi ng huli. At bago pa man ito makaiwas ay nailapat niya na ang labi niya dito. At dahil gulat pa si Fabian, kinuha niya na iyong pagkakataon para itulak ito paupo sa katre. Agad din siyang sumunod dito. She sat on his lap and kissed him aggressively. Masyadong mapusok ang halik ni Diofannie marahil dala na rin ng alak. At tama nga si Fabian. Malamig dito sa tabing dagat. Ngunit totoo din ang sinabi niya. Nag-iinit siya. And she wants this Island boy tonight. Mas pinag-igihan pa ni Diofannie ang paghalik niya kay Fabian. Hinintay niyang halikan din siya nito pabalik. At akmang huhubarin niya na sana ang t-shirt na suot nito nang magulat siya nang bahagyang lumayo sa kanya ang huli. Iniiwas nito ang labi nito sa kanya. "What's wrong? Why don't you kiss me back?" naka kunot ang noong tanong niya kay Fabian. Napabuga naman ito ng hangin at saka siya pinaalis mula sa kandungan nito. Tumayo din si Fabian at saka pinulot ang maxi dress na hinubad niya kanina. Inabot nito iyon sa kanya. "Bumalik na ho kayo sa hotel, Ma'am Diofannie. Wala ho kayong mapapala sa akin. Hindi ho ako kaladkaring lalake," saad nito at saka siya tinalikuran. Napaawang naman ang labi niya sa gulat dahil sa sinabi ni Fabian. What the hell?! *** PADABOG na isinara ni Diofannie ang pinto ng bahay ni Fabian pagkalabas niya doon. Pinanlisikan niya pa iyon ng tingin na ani mo ay nakatayo doon ang lalake. That Island boy! Anong hindi kaladkarin na lalake? He's so choosy! Bakit ba ay ayaw nito sa kanya? Siya na nga mismo ang nag-offer ng sarili nito sa kanya! Makikita nito! Hindi niya ito papapasukin sa resorts na pagmamay-ari ng pamilya nila para magtinda ng mga keychain sa mga turista! Makikita ng lalakeng iyon! "Ahh! Nakakainis!" galit na saad niya habang mabibigat ang hakbang na binaybay niya ang daan pabalik sa hotel kung saan siya tumutuloy. Tila nawala rin ang kalasingan niya dahil sa pag-reject sa kanya ng lalakeng iyon! Maganda naman siya! She's a goddess! Bakit ayaw sa kanya ng mangingisida na iyon? "Makikita mo, Fabian! Mababaliw ka rin sa akin!" bubulong bulong na saad pa niya hanggang sa makarating siya sa hotel. Binati pa siya ng gwardyang naka-duty doon ngunit inirapan niya lamang. "Good evening, Ma'am Diofannie Valdez," magalang na bati sa kanya. "Tell me, what's good in the evening huh?" pagsusungit niya sa pobreng gwardya. Pinagkrus niya pa ang kanyang magkabilang braso sa ibabaw ng dibdib niya. "M-ma'am..." Tila nagulat naman ang gwardya sa naging turan niya. Muli siyang napairap. "Whatever! Walang ibang maganda ngayong gabi kundi ako lang!" saad naman niya at saka iyon tinalikuran. Napabuga pa siya ng hangin. Hindi naman masungit si Diofannie. In fact, mabait nga siya sa empleyado ng kompanya nila sa Maynila. Nagkataon lang talaga na mainit ang ulo niya. Nailing siya. Hihingi na lang siya ng sorry kay manong guard kapag hindi na mainit ang ulo niya bukas. Dumiretso ng lift si Diofannie. Pinindot niya ang floor ng room na tinutuluyan niya. At pagdating niya nga sa kwarto niya ay pabagsak siyang nahiga sa kama at saka mapait na napangiti habang napatitig siya sa kisame. She already missed her city life. Kung hindi lamang dahil kay Fabian ay paniguradong magiging boring ang stay niya dito sa resort. Pero kahit na! Mukhang wala naman siyang mapapala sa lalakeng iyon! Pinaglihi ata ang huli sa sama ng loob at hindi man lang marunong ngumiti. At siya mismo na anak ng may-ari ng resort na ito ay sinusungitan ng lalakeng iyon! Huh! Hindi ba ito natatakot na baka ipa-banned niya si Fabian dito? That island boy! Ano ba ang wala sa kanya at hindi man lang siya nito magawang pansinin? Inis na nagpaikot ikot si Diofannie sa ibabaw ng kama. Napatili rin siya sa inis. Nandidito siya sa resot na ito para parusahan siya ng Daddy niya dahil sa gabi-gabi niyang pag-party pagkatapos ng oras ng klase! But what's wrong with that? Wala siyang makitang mali! Lalo na at nag-eenjoy lang naman siya mula sa nakaka-stress na school works! But look at her now! Stuck with this island. Ni hindi niya nga alam kung nasaan siyang parte ng Pilipinas at pinatapon na lamang siya dito gamit ang private chopper nila. Inis na napabangon si Diofannie mula sa kama at saka kinuha ang kanyang cell phone sa drawer. Mahigit isang buwan na nung huling hinawakan niya iyon. Talagang ayaw niyang magpa-contact sa mga naiwanan niya sa siyudad dahil sa ginawa sa kanya ng Daddy niya. Masama ang loov niya sa huli lalo na at ginawa ito sa kanya. Nasa siyudad ang buhay niya. At hindi niya matanggap na basta na lamang siyang pinatapon dito dahil lamang sa dahilan nito na gusto siya nitong magbago. Damn! Hindi na magbabago pa si Diofannie. Ganito nang buhay ang kinagisnan niya. She's a party girl. She's a Queen. At lahat ng iyon ay dahil sa mga magulang niya na binigay ang lahat ng pangangailangan niya. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit nandidito siya ngayon sa resort na ito! Nakakainis lang at maging ang lalakeng pumukaw ng kanyang atensyon ay hindi niya makuha. Diofannie heaved a deep breathe before dialing her Dad's number. Mabuti na lamang at may signal dito sa kwarto niya. Nalaman niya kasi sa ibang mga taga locals na staff din dito na ilang parte ng resorts ay walang signal. And Diofannie heaved a sighed once again nang sagutin naman ng Daddy niya ang kanyang tawag. "What's up my lovely daughter? How's your stay there? Seems liks you're enjoying there at ngayon ka lamang tumawag sa akin..." bungad na bati nito sa kanya. Napairap naman si Diofannie. Naitirik niya rin ang kanyang mga mata. "Oh please, Daddy! Stop being sarcastic," saad naman niya dito at saka siya nagtungo sa balkonahe ng kanyang kwarto. Narinig naman niya ang mahinang pagtawa nito mula sa kabilang linya. "Then why did you call? Mangangamusta ka ba?" saad muli nito. Nasa boses pa rin nito ang panunudyo. "Daddy! Ayoko ko na dito! I want to go home already!" wala na ngang paligoy ligoy na saad niya. She's getting bored here! May mga bar naman sa karatig isla. At may mga turista doon. Pero namimiss na rin ni Diofannie ang mga kaibigan niya. Namimiss niya na ang atensyong nakukuha niya sa mga kalalakihan. "No Anne. Hindi ka uuwi hangga't hindi ka natututo sa buhay mo..." seryoso nang saad nito sa kanya. "Natututo? But Daddy! Wala akong ginagawang masama--" "Really Anne? Bakit hindi mo alalahanin ang ginawa mo? You think maganda iyon? Just stay there hangga't mainit pa ang pangalan mo dito," huling saad ng kanyang Daddy bago nito pinatay ang linya. Napatili naman siya sa inis. Napahilot siya sa kanyang sintido si Diofannie at inalala kung anu ba ang pinagmulan ng lahat ng ito at kung bakit siya napadpad dito sa isla.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook