CHAPTER 2

1564 Words
"I'LL pay you one hundred thousand pesos, Diofannie. Just make out with the mayor's Son..." Mula sa maingay at malakas na tugtugin ng bar ay pumalinlang ang boses ni Tianna, ang kaibigan ni Diofannie. Lahat sila ay lango na ng alak at napapasabay na sa malanding musika sa dance floor. Umarko ang kilay ni Diofannie. "One hundred thousand? How poor you are naman, Tianna..." nakangiwing saad niya at saka tumungga sa kopitang hawak niya. It's Saturday night. Ibig sabihin lamang ay clubbing iyon ng kanilang magkakaibigan. At nandidito nga sila ngayon sa isang high end bar. Nakagawian na nila ito. Kada weekend ay nandidito sila para mag-unwind. But look at Tianna, shes has a challenge for her pero ang baba naman ng prize. "Oh C'mon, maybe hindi mo lang kaya ang hamon ko? Hmm..." saad ng huli sa kanya. Nakataas ang kanang kilay nito at pinasadahan ng tingin ang kulay itim na dress niya. She simply leered at her friend. Narinig naman niya ang paghagikhik ng isa pa nilang kaibigan na si Amanda. Nakikinig lamang ito sa kanila ngunit halata mong interesado rin sa bet na gustong mangyari ni Tianna. "Me? Hindi ko kaya? Bakit hindi mo na lang tanggapin na ang mura-mura ng premyo? One hundred k? Excuse me, Tianna. But I'm not cheap. Allowance ko lang 'yan ng one week..." Itinirik niya pa ang kanyang mga mata. Hindi niya isasakripisyo ang katawan niya dahil lamang sa ganoong maliit na halaga. Duh. She's Diofannie Valdez. The only daughter of the business tycoon, Doni Valdez and the former beauty queen Stefannie Valdez. Add to that, she's the heiress of their shipping company. She's a queen. Kaya barya lamang sa kanya ang ganoong halagang inaalok ni Tianna sa kanya. Narinig niya naman ang muling paghagikhik ni Amanda sa gilid niya dahilan upang pati si Tianna ay mapalingon dito. "Choosy ka pa rin ha, Anne? I heard from my Mom that you're grounded? Naka-freeze ang lahat ng bank accounts mo? So I assume, tumakas ka lang tonight from your house? And now I'm wondering, saan ka kumukuha ng pang budget mo ngayon?" Nanlaki ang mga mata ni Diofannie dahil sa sinabing iyon ni Amanda. "Oh my God!" she uttered. Patili pa iyon at saka niya tinakpan ang bibig ng huli. But it's too late already dahil nasabi na nito ang tinatago niyang sekreto ngayon. "H-how did you know?" nauutal na tanong niya pa. Napairap naman sa kanya si Amanda at saka itinirik ang mga mata. "Duh you're not listening. I told you, sinabi sa akin ni Mommy. Nakalimutan mo na ba? Magkaibigan ang mommy natin..." nakangising tugon pa sa kanya nito. Napaiwas naman ng tingin si Diofannie. Nakakainis! That's her secret! Wala dapat nakakaalam na grounded siya and she has no money! Binigyan lamang siya kahapon ng pinsan niyang si Dylan ng ilang libo para pang budget niya at ngayon nga ay paubos na. And it's true na tumakas lamang siya para mag-party. "Ayun naman pala eh. I bet wala ka nang money, Anne. Sagot mo 'yong liquor natin tonight, right?" ngingisi ngisi na ring saad sa kanya ni Tianna. Pareho na ito ni Amanda na naka-cross ang magkabilang braso sa ibabaw ng mga dibdib nito. She leered at her friends. Walang hiyang Amanda kasi. Nilaglag siya. "Fine! Just make sure na ibibigay mo sa akin ang one hundred k ko! I don't have money na!" saad naman niya na kinatawa lang ng dalawa. Kung hindi lang dahil sa pinsan niya na si Dylan na paborito siya at nag-iisa lamang siyang babae ng mga Valdez ay hindi na alam ni Diofannie kung saan siya pupulutin. Kaya nga ay hindi rin siya natatakot gumawa ng mali dahil nandyan ang mga pinsan niya. May matatakbuhan siya. At hindi iyon alam ng Daddy niya. Dahil oras na malaman nito iyon ay lagot din ang mga pinsan niya. But now na ubos na rin ang pera niya ay hindi na siya pwedeng lumapit kay Dylan. Sermon lang ang aabutin niya dito at sa iba niyang mga pinsan. Kaya kaylangan niyang gawin ang challenge na pinapagawa ni Tianna para na rin may pang-budget siya. My God. She doesn't know until when she's grounded. Napupuno na ang Daddy niya sa kanya kaya ganitong pinarusahan siya. Lalo na at tumakas pa siya. Pero wala naman siyang pake. Every Saturday is their night out. Kaya walang makakapigil sa kanya kahit ang umuusok na ilong na Daddy niya. "I will add fifty thousand, Anne. Kapag hinalikan ka rin pabalik ni Sancho," tukoy nito sa anak ng mayor ng City. "Ibibigay ko rin sa 'yo 'yong Louis Vuitton na bag ko na matagal mo nang gusto," dagdag pa ni Amanda. Muling umirap si Diofannie. Alam naman ng mga kaibigan niya na no one can resist her beauty. Halos lahat ng lalake sa university ay nahuhumaling sa ganda niya. Sino ba naman ang hindi? She's a chinita girl. Maliit din ang matangos na ilong niya at pouty ang mapupula niyang labi. Add to that, she stood 5'7 at kulot ang kanyang buhok. Maputi rin siya at makinis. She's a real definition of a goddess. Ayon iyon sa mga kalalakihang nahuhumaling sa kanya. But not with Sancho Dominguez! He's the mayor's son and he's snob! Walang babaeng nakakalapit sa binata dahil sinusungitan nito. At hindi rin nagtangka si Diofannie dahil hindi niya rin type ang binata. At kung hindi lamang dahil sa challenge ng mga kaibigan niya ay nuncang lalapitan niya ito. At alam niya rin na ito ang target ng mga kaibigan niya dahil maging ang ganda niya ay tiklop sa lalake. But not tonight. She's beautiful but she's broke as f**k! Wala na siyang pera! Kaya kaylangan niyang dumiskarte. "Give me cash after this..." she confidently said. Tumayo mula sa bar stool si Diofannie at saka tinungga ang kopita ng alak na hawak niya. Nakangisi niya pang pinunasan ang gilid ng labi niya pagkatapos nun. "Game," she uttered at saka hinawi ang buhok niya at nagtungo sa pwesto nila Sancho Dominguez. "You go girl. Para sa one hundred fifty thousand pesos," tudyo pa sa kanya ng dalawa niyang kaibigan na sina Amanda at Tianna. Napairap siya sa mga ito at saka dire-diretsong naglakad patungo sa couch ng binata. *** HIYAWAN ng mga kaibigan ni Sancho ang bumungad kay Diofannie pagkalapit niya sa mga ito sa kinauupuang couch ng mga binata. Hindi pa nakatakas sa paningin niya ang pagpasada ng mga ito ng tingin sa katawan niya. At bukod pa doon ay hindi rin nakatakas sa pandinig niya ang pagsipol ng ilan. Well. Hindi naman na bago iyon sa kanya. Diofannie's a goddes. Natural lang na may humanga sa kanya. Kaya hinayaan na lang. "At ano ang kaylangan ng isang Anne Valdez sa amin?" Umangat ang sulok ng labi niya nang marinig ang boses ng isa sa mga binata na nagsalita. Hindi na talaga bago sa kanya kung madami ang nakakakilala sa kanya. She's popular in their university. Dahil sa tanong na iyon ng lalake ay agad na dumapo ang mga mata niya kay Sancho Dominguez na kanina pang tahimik sa isang gilid at nakatungo sa alak na iniinom nito. Napansin naman iyon ng mga kasama ni Sancho kaya agad na tumayo ang katabi nito. "You can take my seat, Anne," saad pa nito sa kanya. "Hmm. Thanks. What's your name?" saad niya dito. Bahagya namang natigilan ang lalake na tila gulat sa sinabi niya. "I-I'm Terrence..." "It's nice to meet you. You're so mabait and you offer your seat to me," ani Diofannie. "But nuh. 'Wag ka nang umalis d'yan. Ako na lang ang mag-adjust," dagdag pa niya na ikinataka ng mga binata. Ngumiti lamang siya ng matamis at saka walang anu-ano'y lumapit kay Sancho. She knows that the latter was just playing hard to get. Kaya uunahan niya na ito ng diskarte. No one can resist her kaya alam niyang tipo din siya ng huli. Hindi lang makadiskarte at baka torpe at nahihiya sa kanya. At dahil sa bet ng kanyang mga kaibigan ay gagawin niya ito. Nagsinghapan ang mga kaibigan ni Sancho nang walang anu-ano ay naupo siya ng patagilid sa kandungan nito dahilan din upang mag-angat ito ng tingin sa kanya. "Woah!" dinig niya pang sambit ng isa sa mga ito. Siguro ay hindi nila inaasahan na gagawin niya iyon. Bakit ba? There's no more seat available. Kaya katulad ng sinabi niya ay siya na ang mag-adjust. Pwede naman iyong ginawa niya. "Hi handsome," bati niya kay Sancho. She even cupped his face and stared at his eyes. Napatitig naman sa kanya ang huli. Wala siyang makitang reaksyon sa itsura nito at blangko lamang iyon. Kaya naman ay kinuha ni Diofannie ang pagkakataong iyon. Kahit madami ang nakakita ay hinalikan niya si Sancho. But the latter's not kissing her back! Imbis ay bahagya itong lumayo sa kanya sa kabila ng hiyawan ng mga kaibigan nito. Nakita ni Diofannie na may kinuha si Sancho sa bulsa nito hanggang sa inilabas nito doon ang isang cell phone. Napatitig naman siya sa binata habang may tinitipa itong kung anu doon. Hanggang sa itinapat nito iyon sa teyngs nito at nagsalita. "Tito Doni, get your daughter here in the club. She's drunk and wasted and she's flirting with me..." Dahil doon ay nanlaki ang mga mata ni Diofannie sa narinig niyang iyon. Magkakilala ang Daddy niya at si Sancho? At nagsumbong pa talaga ito? Fuck it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD