CHAPTER 3

1228 Words
DONI Valdez, was preaching Diofannie like a priest. Sermon ang abot niya sa kanyang ama matapos siya nitong sunduin mismo sa club kanina matapos itong tawagan ni Sancho Dominguez. Galit na galit ito at hindi raw niya sinunod ang bilin nito. "For petes sake, Diofannie! You are grounded! Talagang hindi ka na nakikinig sa amin ng mommy mo! You're already twenty pero matigas pa rin ang ulo mo! Ano nang kahihiyan ang ginawa mo sa pamilya natin! You're a woman pero ikaw pa ang nauunang dumiskarte sa isang lalake!" saad nga nito pagkapasok nila ng mansyon. Napabuga naman ng hangin si Diofannie. "But Dad! It's just a bet! I'm grounded! You freeze my bank accounts! And I need money! That's why I did that!" sagot naman niya dito. Napalingon pa siya sa mommy niya na ngayon ay tahimik lamang sa tabi ng Dad niya. Halata ring dismayado ito sa kanya. Nakita niyang napahilot ng sintindo ang huli. "Matutuwa pa ako kung talagang dumiskarte ka para magpakapera. Ibig sabihin lamang ay natuto ka! But not that way, Diofannie Valdez! Hindi ka malanding babae! Mabuti na lamang at kay Sancho mo nagawa 'yon! Pwede pang pagtakpan!" Hindi naimik si Diofannie. Napakuyom pa siya ng kanyang kamao dahil sa galit sa lalakeng iyon! Damn that man! Hindi niya alam na magkakilala ito at ang Daddy niya. At talagang nagsumbong pa sa huli. "Daddy, I'm already sleepy..." Kunwari ay humikab si Diofannie. Tumayo na rin siya para matapos ang panenermon sa kanya ng kanyang ama. Nakakabingi na kasi. Palagi na lang ganyan. "That's right! You should sleep already. Magpahinga ka na. Dahil maaga ka pa bukas. Ipapahatid kita ng chopper..." Natigilan sa paghakbang ng kanyang mga paa si Diofannie dahil sa sinabing iyon ng Daddy niya. Napalingon niya ito. At bago pa man siya makapagsalita upang magtanong ay naunahan na siya ng kanyang mommy Steffannie. "Why Hon? Saan pupunta si Diofannie?" tanong nga nito sa malamyos na boses at saka bahagyang sumulyap sa kanya. Narinig niya ang pagbuga ng hangin ng Daddy niya. "Sa Isla Valdez. Doon muna siya manuluyan sa resorts natin. Aralin niya kung paano patakbuhin ang resorts at hotel. Saka lamang siya makakaalis doon kapag may natutunan na siya. I will wait for her presentation when she's already ready..." Her eyes bulged because of that. "What? No! Daddy! You can't do this to me! Alam mong nandidito sa City ang buhay ko! You can't do this!" pagprotesta niya. Sinulyapan niya ang mommy niya ngunit umiwas lamang ito ng tingin sa kanya. Halata mong sangayon din ito sa sinabi ng Daddy niya. "I can, Diofannie. Lalo na at hindi ko na kaya ang pagka-spoiled brat mo. Lahat binigay namin sa 'yo. At iyon ang pagkakamali namin. So pack your things now. Bukas na bukas din ay aalis ka na..." saad nito at saka tinalikuran siya. Hinila din ng Daddy niya sa palapulsuhan ang mommy niya at sabay na umalis ang dalawa. "No! Dad! Mom! I won't leave tomorrow!" galit na saad niya. Napapadyak pa siya sa sahig bago siya pumanhik sa hagdan patungo sa kwarto niya. *** DIOFANNIE said to herself na walang magagawa ang Daddy niya kung ayaw niyang sumangayon sa sinabi nito. Pagkapasok niya sa kwarto niya ay ni-lock niya ang kwarto niya. She didn't even pack her things dahil wala naman siyang planong sundin ang kagustuhan nito. What? Her? Ipapatapon sa Isla Valdez na hindi niya alam kung saang parte ng Pilipinas iyon? No way! Mangingitim lamang siya doon. Sayang ang maputi at makinis niyang kutis! Kaya hindi siya papayag. Walang magagawa ang Daddy niya. Or she only thought. Because the next morning, nagising na lamang si Diofannie na nasa loob na siya ng chopper at bumabyahe na iyon sa hindi niya alam kung saan patungo. How come na hindi niya naramdaman na binuhat siya ng kung sino sa mga guard nila patungo sa chopper? At kahit malalim siya kung matulog ay napaka-imposible naman iyon. "Oh my God! Ibalik niyo ako sa mansyon! I don't want to go to the island! Oh God!" maarteng sigaw ni Diofannie ngunit walang umintindi sa kanya. Hanggang sa namaos na lamang siya ay hindi pa rin nasunod ang kagustuhan niya. Hanggang sa unti-unting lumapag ang chopper. Wala nang ibang makita pa si Diofannie kundi karagatan. "This is kidnapping! You took me without my consent!" sigaw pa niya sa lalakeng katabi niya kanina sa upuan nang buhatin siya nito palabas ng chopper. "This is not kidnapping, Ma'am Diofannie. Utos ho ito ni Sir Valdez," sagot naman sa kanya ng lalake. Napairap siya. "Whatever! Dinala niyo pa rin ako dito ng wala akong kaalam alam! My God! Give me sunblock! It's so hot!" reklamo niya. Kahit malakas ang hangin ay ramdam pa rin niya ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa kanyang balat. "Faster! Oh my God! Ayoko kong mangitim!" natataranta nang saad niya. Nailing na lang din ang lalake at may kinuha sa bag na dala nito. Mayamaya pa ay nag-abot ito sa kanya ng sunblock. Padabog naman iyong kinuha ni Diofannie at hinaplos sa balat niya. Pinanlisikan niya pa ng tingin ang lalake nang mapansing nakapantulog pa siya. "Oh my God! Nakakahiya talaga! You took me here nang hindi man lang ako nakapagbihis! I hate you!" singhal niya dito. At mas lalo pa siyang nainis nang tinawanan lang siya ng lalake habang napapailing ito. "What's so funny huh? Isusumbong kita kay Dad! He will fire you!" gigil na saad niya dito. Ngunit hindi naman na siya inintindi nito. Patuloy lamang na naglakad ang lalake hanggang sa nakita ni Diofannie na nasa sea port na sila. "Where are we going? Bakit may maliit na barko? I don't want to ride there! Baka tumaob iyan!" reklamo niya. Umiling pa si Diofannie at saka napaatras. Ngunit hinabol naman siya ng lalake. "Tatawid ho tayo sa kabilang Isla, Ma'am Diofannie kung saan nanduduoon ang Isla Valdez. Ihahatid kita doon.." "What?! No way! Ayoko ko! I don't know how to swim! Baka malunod ako!" pagreklamo pa niya. Napapangiwi na siya dahil sa lakas ng hangin. Nililipad na ang buhok niya. "Ma'am, 'wag ho kayong mag-alala. Hindi ho tataob ang bangka na iyan. De makena iyan. Madali lang tayong makakarating doon. Kaya tara na," saad naman ng lalake sa kanya at saka siya binuhat patungo sa bangka. Napatili naman si Diofannie nang tuluyan siyang makaupo doon at naramdaman niyang gumalaw iyon na animo'y tutuwad. "Oh my God!" pagtili niya. Narinig niya naman ang tawanan ng ilang pasaherong nakaupo sa likod. Pinanlisikan niya ito ng mga tingin. "What's so funny huh?! You're not helping me with my situation! I don't even want to go here!" galit na saad niya at saka sinuot ang salamin niya. Padabog niya pang sinuot iyon. Natigilan naman ang nasa likod. Hanggang sa bulungan na lang ang narinig niya. "English speaking at mukhang maarte. Feeling ko iyan na 'yong anak ng may-ari ng Isla Verde. Balita ko ngayon daw ang dating nun. At hindi ba't iyon ang sabi sa atin ni Fabian? Na maarte iyong anak ng may-ari ng resort?" Napakunot si Diofannie ng kanyang noo. At sino naman ang Fabian na iyon na mukhang minarites siya sa mga tao doon? Whatever! Kung sino man ang lalakeng iyon ay humanda ito sa kanya dahil pahihirapan niya ito kung empleyado ito ng resort. Ito ang unang pagbabalingan niya ng init ng ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD