CHAPTER 4

2213 Words
SUMAMA ang pakiramdam ni Diofannie at suka lamang siya nang suka dahil sa lakas ng alon ng dagat. Hilong hilo na rin siya. Kaya naman pagkadaong ng bangka ay hinang hina siyang napaupo sa buhanginginan pagkababa niya. Hindi niya alintana na nababasa na ang kanyang kasuotan. "Oh my God! I'm dying!" mangiyak ngiyak na saad niya sa sarili niya matapos niyang tabigin ang kamay ng lalakeng nagdala sa kanya dito at inaalalayan siya sa pagbaba niya. Napakuyom pa siya ng kanyang kamao dahil sa inis na nararamdaman niya. This is all Sancho's fault! Kung hindi ito tumawag sa daddy niya at sinumbong ang ginawa niya sa club ay hindi mangyayari ito. Hindi ba makaintindi ang lalakeng iyon na dare lang ang nangyari? Anong tingin ni Sancho sa sarili nito? Na aakitin niya talaga ito? Ni hindi niya nga tipo ang lalakeng iyon! "Ma'am, tayo na ho kayo riyan. Ihahatid ko na kayo sa hotel..." Diofannie glared at the guard. Ito iyong kasama niyang ihatid siya dito sa Isla na hindi niya alam kung saan parte ng bansa. The place was beautiful. Kulay bughaw ang dagat at maputi ang buhangin. Pinong pino rin iyon at may sand bar pa. Napakadami pang tanim na punong niyog. The place was so perfect for her to relax. At kung nandidito lamang si Diofannie para magbakasyon ay malamang magugustuhan niya ang lugar. But not this time. Hindi sa pagkakataong ito lalo na at sapilitan lang naman siyang itinapon dito ng Daddy niya. Mabo-bored lamang siya dito. Add to that, ayaw niyang mangitim. This is not the perfect timing for her to get a tan color. "Can't you see na nanghihina ang mga knees ko. Hindi ako makatayo! Sobrang lakas ng alon! Buti hindi tumaob ang bangka!" Diofannie couldn't help but cry. Akala niya ay katapusan niya na talaga kanina. If Diofannie's not mistaken, halos mag-iisang oras silang bumyahe bago sila nakarating ng Isla Valdez. "Ma'am --" Napalingon bigla si Diofannie sa kanyang gilid nang makarinig siya ng hagikhikan at tumambad sa paningin niya ang dalawang babae. Ito iyong kasabay niya kanina sa bangka. Iyong pinag-uusapan siya kanina pa. Kahit nanghihina ay tumayo si Diofannie. She gave them a death glare. "You and you!" galit na asik niya. Mukhang natigilan naman ang dalawa. "What's so funny and you're laughing with someone's misery, huh!" sita niya dito. She even raised her brow at them. Mabilis namang nag-iwas ng tingin ang dalawa at nagsikuhan saka nagmamadaling umalis sa dalampasigan. "Whatever!" Diofannie leered at them. 'Wag lang magpapakita sa kanya ang dalawang babae na 'yon at malilintikan talaga 'yon sa kanya. How could they laugh habang nahihirapan ang iba? Ang sama nila! "Ma'am Diofannie, tara na ho sa hotel para makapagpahinga..." muling nagsalita ang lalakeng naghatid sa kanya. "Fine!" saad naman niya at saka nagpatiuna sa paglalakad. Ngunit mabagal lang iyon lalo na at nangangatog pa rin ang mga tuhod niya. "Ayos lang ho ba kayo?" ani ng kasama niya nang mapahinto siya sa paglalakad. She heaved a sigh. "I'm okay," she uttered then continued walking. Papasok na sana si Diofannie sa hotel nang mapansin niya ang lalakeng nagtitinda ng souvenir sa mga turistang nanduduom She stopped walking. Hindi niya alam kung anung mayroon sa lalakeng iyon ngunit hindi niya na maalis ang tingin niya doon. The man has tan skin. Matangkad ito at kung hindi nagkakamali si Diofannie ay aabot ng six feet ang taas nito. Matangos ang ilong, mapula ang labi at mapungay ang kulay itim nitong mga mata. Kung itsura ang pagbabasehan, pwede itong maging modelo dahil sa tindig at tikas ng katawan nito. The man is half naked. Walang saplot ito sa pang itaas kaya nakaladlad ang anim na abs nito. At sa tingin ni Diofannie ay iyon ang dahilan kung bakit dinudumog ito ng mga turista sa tinitindang key chain nito. Lalo na at may isang babaeng turista na humawak sa abs at tumili pagkatapos. Napaarko ng kilay si Diofannie. And she doesn't know pero namalayan na lamang niya na humahakbang na ang kanyang mga paa patungo doon. Bigla siyang na-curious. "Ma'am Diofannie, saan ho kayo pupunta?" dinig niya pang ani ng body guard niya. Pero hindi niya ito inintindi at dire-diretso lang siyang naglalakad patungo doon. Hanggang sa makarating siya sa lalakeng nagtitinda ng souvenir. Naabutan niyang abala ito sa pakikipag-usap doon sa babaeng humawak sa abs nito. Kaya tinulak niya ang babae. "Excuse me," she said at saka patay malisyang isa-isang tiningnan ang mga key chain na may naka-ukit ng salitang Isla Verde. "Ouch! What the f**k! b***h!" narinig niyang ani ng babaeng tinulak niya at saka ito nag-walk out matapos siyang irapan. Hinila nito ang mga kasamang turista dahilan upang siya na lamang ang matira doon kasama ng poging lalake Samantala ay hindi naman iyon inintindi ni Diofannie. "What are these? And how much?" nakangiting tanong niya sa lalake at saka isa-isang tiningnan ang mga souvenirs sa lalagyan nito. May mga napili naman si Diofannie na maganda sa paningin niya. Ngunit imbis na ngumiti rin sa kanya ang poging lalake ay kinunutan lamang siya nito ng noo. Pero hindi siya doon nagpatinag. "Magkano ito? Bibilhin ko," pagtatanong niya ulit habang hawak hawak ang kulay rosas na key chain na natipuhan niya. Inangat niya pa iyon sa tapat ng mukha ng poging lalake. Diofannie saw him clenched his jaw before answering him. "Tatlo singkwenta, Madam," sambit nito sa kanya sa seryosong boses. Napakunot naman siya ng noo. Bakit ang seryoso ng lalakeng ito? Parang kanina lang ay ang lawak lawak ng ngiti nito sa mga babae kanina. Tapos ngayon, susungitan siya? Siya na anak ng may-ari ng Isla Valdez? Isn't it just unfair to her?! Mapait namang napangiti si Diofannie at saka kunwaring naghanap ng pera sa bulsa ng suot niya. "Opps. I'm sorry. Wala pala akong pera na dala dito. But I will take these three key chains. Bayad mo na lang at nandidito ka sa Isla namin nagtitinda," sarkastiko namang aniya at saka tinalikuran ito. Nakita pa niya ang pag-igting muli nito ng panga. Pero wala na siyang pake. Hindi niya na rin hinintay pang tumugon ang poging lalake at saka nilingon ang body guard niya. "Let's go, Kuya," saad niya dito. Akmang maglalakad na sana si Diofannie nang sumenyas sa kanya ang gwardya. "Sandali lamang ho, Ma'am Diofannie," anito at nakita niyang nagmamadali itong lumapit sa poging nagtitinda ng souvenir. "Bayaran ko na lang, Fabian," dinig niyang sambit ng body guard niya at saka humina ang boses nito. May sinasabi ito ngunit hindi na narinig pa ni Diofannie. Hanggang sa nakita niyang inabutan ng body guard niya ang poging lalake ng isang daang piso. Napaarko ng kilay niya si Diofannie. So Fabian is his name huh. Well it suits him. Ang pogi ng datingan. Pero ekis sa kanya at ang sungit. And wait! Tama ba ang narinig niya? Fabian ang pangalan ng poging lalake na 'yon? Kanina ay pinag-uusapan siya ng dalawang babae sa bangka at tinawag siyang maarte ng tinutukoy ng mga ito na Fabian ang pangalan. Hindi kaya ay iisa lang iyon at ang kaharap niya? Sana ay hindi. Sana ay may iba pang Fabian dito. Dahil kung hindi ay talagang ekis na sa listahan niya ang poging lalake na iyon. How dare him judge her nang hindi naman siya talaga kilala ng lubusan?! People. It's natural to them na maging judgemental. Pero sana ay 'wag nilang ugaliin! "Okay lang, Terrence," tugon naman ng baritonong boses ni Fabian sa body guard niya at saka iyon sinuklian ng singkwenta. Diofannie leered. Pati boses pogi rin. Sayang lang talaga at ang sungit. Ayaw na ayaw pa naman niya sa mga lalakeng pa-hard to get. "Tara na ho, Ma'am Diofannie," ani Terrence nang makalapit sa kanya. Hindi naman na siya nagsalita at saka dire-diretso nang naglakad patungong hotel. *** "MAGPAHINGA na ho kayo, Ma'am. Mamaya ho ay kakatok ulit ako." Iniwan din naman kaagad ni Terrence si Diofannie matapos siyang maihatid nito sa kwarto niya dala-dala ang maleta niya. "Whatever. I will sleep. Maaga mo akong ginising," masungit na aniya at saka sinara ng malakas ang pinto. Napabuga pa ng hangin si Diofannie matapos niyang dumiretso sa kama. Inilinga niya ang kanyang paningin sa buong hotel room. Nakita niyang tanaw mula sa kanyang kinauupuan ang ganda ng dagat sa labas. Puro salamin kasi ang kwarto niya at natatabingan lang ng puting kurtina na nililipad naman dahil sa hangin sa labas. Maganda sa kung maganda ang lugar, ang ambiance. But she doesn't want to stay here long. Ang buhay niya ay sa siyudad at hindi dito. Namimiss niya na ang mga kaibigan niyang sina Amanda at Tianna. Paniguradong nagpa-party na naman ang mga 'yon pagkatapos ng klase. Clubbing dito clubbing doon. Mabuti pa ang mga ito. Madaming makikitang cute guy. Hindi katulad dito sa Isla Valdez. May pogi nga! Ubod naman ng sungit! "Ugh! I hate you, Sancho!" naiinis na aniya. Kasalanan kasi talaga ito ng huli. Bakit kilala nito ang Daddy niya? At bakit kaylangan pa siyang isumbong? "Nakakainis talaga!" Bumangon si Matilde mula sa pagkakaupo niya sa kama at saka siya nagtungo sa balcony ng hotel room niya. Inihawi niya ang kurtina at saka tinanaw ang buong resort. Hindi siya pamilyar sa lugar. Naririnig niya lamang sa magulang niya ang Isla Valdez at ngayon pa lang siya nakarating dito. Iginala ni Diofannie ang kanyang paningin sa kabuuan ng resort. Sure, the place was beautiful. At panigurado rin na mag-enjoy siya dito kung kasama niya ang mga kaibigan niya. But not this time. Anong gagawin niya dito maghapon? Ni hindi niya nga alam kung may night life dito eh. Oo at madami ang turista pero hindi pa siya sigurado kung may bar dito. Bigla ay napangisi si Diofannie. Maglilibot siya mamaya kapag hindi na mainit. Titingnan niya kung may club dito. Lilivangin niya ang sarili niya mamaya. Pinagsawa ni Diofannie ang kanyang mga mata sa paligid. At nang maramdaman na tumatama na ang sinag ng araw sa balat niya ay saka siya pumasok sa loob. Ayaw niyang mangitim! Pero bago pa man siya makapasok sa kwarto ay natanaw niya sa hindi kalayuan ang poging vendor ng mga keychain kanina na si Fabian. Naglalakad ito patungo sa isang cottage at nag-aalok ng mga souvenirs. Pinanliitan pa ito ni Diofannie ng mga mata nang makitang kasama nito ang dalawang babae na kasama niya rin sa bangka kanina na pinag-usapan at pinagtawanan siya. Diofannie heaved a sigh. So it's confirmed. Na ang tinutukoy ng mga ito na Fabian na sinabihang maarte ang anak ng resort ay ang poging vendor din ng mga souvenirs kanina. Bigla ay kumulo ang dugo ni Diofannie. How could that man judge her? Kilala ba siya nito para sabihing maarte siya? Oo nga at maarte siya. Pero anong karapatan ng lalakeng iyon na ipagsabi iyon sa iba knowing na hindi nila kilala ang isa't isa personally. Napatitig si Diofannie sa key chain na hawak niya. Kaya ba ay ganoon na lang siya sungitan ni Fabian kanina? Pero paano siya nito nakilala? Ugh! Whatever! Ang daming judgemental dito sa Isla Valdez. At hindi nababagay dito si Diofannie. Bumalik siya sa loob ng kwarto at saka hinanap ang cell phone niya. Tatawagan niya na lang ang mommy niya. Mabilis niya ring hinanap ang numero huli. And she was about to call her pero natigil siya nang mapansing pawala wala ang signal dahilan upang hindi siya makatawag kaagad. "Damn it! Ano bang klaseng place 'to! I can't live here!" bubulong bulong na sambit pa niya at saka siya naghanap sa kahit saang sulok ng kwarto niya ng signal. At nang mapansin na lumalakas ang signal patungo balkonahe ay bumalik siya doon. Sumandal siya patalikod sa railings nun. She immediately dialled her mom's number again. Mabuti at ilang ring pa lang ay sinagot na nito iyon. "Sweety, how are you? Terrence called and he said na nandyan na kayo sa Isla..." bungad na sambit ng mommy niya sa kanya. May pag-aalala pa ang boses nito. Diofannie rolled her eyes. Mukhang nag-aalala naman sa kanya ang mommy niya pero bakit kaylangan pa siyang ipatapon dito. "Oh my God! Mommy! Please fetch me here! I can't live here! I almost died kanina sa bangka! Sobrang lakas ng waves Mabuti at hindi tumaob ang bangka! So please! Ayoko ko dito!" sunod-sunod na aniya. Narinig naman niya ang pagbuntonghininga ng mommy niya mula sa kabilang linya. "Anak, tiis tiis lang ha. Especially kaylangan mo harapin ang consequences ng ginawa mo," anito pa rin sa malumanay na boses. "But mom--" "Sweety, mommy have to go now. I still have a meeting to attend. Mag-iingat ka diyan okay? Don't be a hard headed to Terrence. I love you, anak. Bye." Napabuga na lamang ng hangin si Diofannie nang maibaba na ng mommy niya ang tawag. Akala pa naman niya ay tutulungan siya nito. Kung sabagay, wala ngang nagawa ang mommy niya nang pagalitan siya ng Daddy niya. Inilapag ni Diofannie ang cell phone sa table at saka pumihit paharap sa balkonahe. Awtomatiko ring dumapo ang paningin niya sa kung saan niya nakita sina Fabian kanina. At saktong pagtingin niya doon ay naabutan niyang nakatingala ito sa kanya. Inirapan lang naman ito ni Diofannie at saka siya pumasok ulit sa loob. Ekis na talaga sa kanya ang lalakeng 'yon. Kelalakeng tao, marites masyado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD