CHAPTER 5

2166 Words
DIOFANNIE's still sleepy. Kaya naman matapos ibaba ng mommy niya ang tawag ay bumalik din siya kaagad sa loob ng kwarto. Balak niyang matulog ulit at naggising siya ng maaga kanina. Dapat ay alas dyes pa siya ng umaga gigising lalo na at sabado naman ngayon. Anong oras na rin siyang natulog last night. Late na rin kasi siyang nakauwi galing club. She took a shower lalo na at pakiramdam niya ay nanlalagkit siya dahil na rin sa tilamsik ng tubig ng dagat sa balat niya kanina sa bangka. Nabaasa rin ang pangtulog niya nang mapaupo siya sa buhanginan. And good thing at matitinong damit naman niya ang nilagay sa maleta niya nang buksan niya iyon para magbihis matapos niyang mag-shower. Malakas din ang kutob niya na ang mommy niya ang nag-empake ng gamit niya especially may mga swim suits doon. Supportive kasi ang mommy niya kapag tungkol sa mga damit at gamit niya. And knowing na beach ang lugar kung saan siya pinatapon, sigurado maglalagay ito doon ng kasuotan na angkop sa lugar. Bukod din doon ay walang ibang nakakahawak sa mga gamit niya kundi ang mommy lang niya. "Hays! Whatever!" Hindi maiwasang mapairap ni Diofannie dahil sa bagay na iyon. Masyado naman yatang supportive ang mommy niya at kahit hindi niya gusto dito ay hinanda pa rin ang mga gamit niya. Isang maxi dress ang sinuot ni Diofannie. Well she has no other choice dahil puro bistida ang laman ng maleta niya. Karamihan ganoon at mga swim suits. Parang magbabakasyon lang siya ah! Siguro pampalubag loob ito sa kanya ng mommy niya. Hindi na nag-abala pa si Matilde na tingnan ang sarili niya sa salamin dahil alam naman niya na bagay sa sa kanya ang suot niya. She stood five eight. Makurba rin ang katawan niya. Kaya alam niyang anu man ang suotin niya ay babagay talaga sa kanya. She's confident enough that she's beautiful. Former beauty queen kaya ang nanay niya. At doon siya nagmana ng kagandahan niya. No doubt about that. Matapos magbihis ay bumalik ni Diofannie ay bumalik siya sa balkonahe para kunin ang cell phone niya. She picked it up then checked it kung tumawag ba ulit ang mommy niya. Pero imbis na pangalan ng huli ang mabasa niya, tadtad ng message ang chat group nila ng kaibigan niya. At kinakamusta siya tungkol sa nangyari kagabi. Diofannie wanted to leered. Halatang kagigising lang ng mga kaibigan niya at ngayon lang nag -ingay sa group chat nilang tatlo. At talagang ngayon pa lang makikibalita ang mga ito sa nangyari sa kanya. Samantala ay kanina pa siyang gising at inis na inis na. Diofannie started a video call to their chat group. Kaylangan malaman ng mga kaibigan niya kung nasaan siya. She wants them to comfort her! Ilang segundo pa nga lang ang lumipas ay sinagot na ni Tianna at Amanda ang tawag niya. At agad na bumungad sa paningin niya kung gaano kasarap ng buhay ng dalawa. Si Tianna ay nakahiga sa sun lounger at naka bikini lang. Nasa mansyon nila ito at halatang nagre-relax malapit sa pool. Samantala si Amanda naman ay nasa kama at nagmo-movie marathon. "Ugh! I hate you guys!" bungad na sambit ni Diofannie sa mga ito. Narinig naman niyang natawa ang dalawa. "Why? What's wrong?" tanong ni Tianna sa kanya. Bumangon ito mula sa pagkakahiga habang kagat kagat ang isang strawberry. "Oo nga, Anne. What's wrong? What happened ba last night after ka sunduin ni Tito Doni?" tanong naman ni Amanda sa kanya. "Mukhang wala ka sa room mo. Hindi familiar ang background mo," the latter added. Diofannie heaved a sigh then started pouting her lips. Inalis niya rin sa mukha niya ang cell phone at saka pinakita kung nasaan siya. At taliwas sa reaksyon niya ang naging reaksyon ng dalawa. "Wow! Where are you, Anne? Pinsgbabakasyon ka ni Tito?" ani Tianna sa kanya. Mababakasan pa ng pananabik sa boses nito. "Oo nga, Anne. We thought you're grounded. Eh mukhang nasa bakasyon ka ngayon," Amanda uttered. Mula sa pagkakadapa sa ibabaw ng kama ay bumangon ito. Binalik naman ni Diofannie ang cell phone sa mukha niya. Ngumuso siya. "You're both wrong, girls. How I wish na nasa bakasyon ako! But I am not!" naiinis na saad niya. Napairap pa siya. "Then what are you doing there? Ang ganda ng place. Ugh! Perfect lalo na at malapit nang mag-summer. Kung wala lang tayong school activities, pupuntahan ka namin diyan. And wait, kaylan ang balik mo? Hindi mo kami niyaya!" ani pa ni Amanda na sinangayunan naman ni Tianna. Muling napairap si Diofannie. "I'm still grounded. And I don't know where am I. Hindi ko alam kung nasaang parte ako ng Pilipinas. Basta pinatapon ako dito ni Dad sa Isla Valdez! For me to learn daw my lesson!" nakasimangot pa rin na saad niya sa mga kaibigan niya. Narinig naman niyang mahinang natawa si Tianna. "Ang ganda naman ng parusa sa 'yo ni Tito. Kung ganyan din ang gagawin sa akin nila Mom once may nagawa akong mali, well I don't mind making a mistake again," anito pa. Hindi naimik si Diofannie. Sumimangot lamang siya. "Mas mag-eenjoy ako kung nandidito kayo," aniya mayamaya. "Anne, anu ka ba! Ayaw mo nun! That's an Island, may hotel, may turista. Paniguradong madaming pogi riyan. Ayaw mo nun? Mas malaya kang makakapaglandi!" Amanda said then wiggle her brows at her. "True, girl. Ang ganda ng resort ah. For me lang hindi 'yan parusa. Parang nagkaroon ka pa ng kalayaang gawin ang lahat ng gusto mo!" si Tianna naman ang nagsalita. "And wait! Wala bang pogi diyan?" Natigilan siya at napatitig kay Tianna. Kapagkwan ay napailing. "I don't know. Hindi ko pa nalilibot ang lugar," aniya na lang. Yes, pogi si Fabian. Pero ekis na ang lalakeng iyon. Kaya para sa kanya ay hindi na pogi sa paningin niya ang huli. Narinig niya ang paghagikhik ni Amanda. "Siguro naman may night life din diyan. Pwede kang magtungo sa club. May mga pogi naman siguro doon," anito sa malanding boses. "Yeah, I'm planning to do that later kasi bored na ako. Ilang oras pa lang ako dito but I want to go home already. You know naman girls na sa city ang buhay ko," reklamo pa niya. Ano bang gagawin niya dito? She doesn't like swimming. Ang gusto niyang gawin sa mga ganitong lugar ay umawra lanf para sa mga social media accounts niya. Pero ang lumangoy? Thanks but no thanks. Kung may ayaw man siguro sa ganitong lugar ay siya na 'yon. "C'mon, Annie. Don't be sad. Malapit na rin ang vacation. I will search for that Isla Valdez. Pupuntahan ka namin diyan." Tumango siya sa sinabing iyon ni Tianna. Kahit papaano ay natuwa siya sa sinabi nito. And she was about to say something when she heard the buzzer outside. At kasunod nun ay pagkatok ng pinto sa labas. "Wait up girls. Someone's knocking at my door," aniya at saka inilapag sa mesa ang cell phone niya. Bumalik siya sa loob ng kwarto at nagtungo sa pinto. Binuksan niya iyon at awtomatikong umarko ang kanang kilay niya nang bumungad sa paningin niya ang isa sa dalawang babae na tinawanan siya kanina sa bangka. "Yes? What do you want? And what are you doing here?!" pagsusungit niya dito. Pinasadahan niya pa ito ng tingin at nakitang nakausot ito ng uniporme ng staff ng hotel. Napakunot noo siya dahil doon. Kung ganito ka-attitude ang staff dito ay siguro nararapat nang magtanggal ng empleyadong. Narinig niya ang pagtikhim nito. "Good morning, Miss Valdez. I am Kikay po. At may dala akong pagkain niyo," anito sa magalang na boses. Na akala mo ay hindi siya pinagtawanan kanina dahil sa paghihirap niya sa bangka. "Did I requested a food? Hindi mo ba alam na baka ayaw ko namang kumain at nakakaabala ka lang at nagpapahinga ako?" muling pagsusungit niya dito. Yes, Diofannie wouldn't deny na bigla siyang nagutom nang makita ang pagkain. Lalo na rin at huling kain niya ay kagabi pa. She's already famished at gusto niya nang kainin ang pagkain na dala-dala nito. "I'm sorry, Ma'am. Pero utos ho ni Sir Terrence na dalhan ka ng pagkain," anito, mukhang hindi man lang maapektuhan sa pagsusungit niya Inirapan niya naman ito. "Whatever. Just put that in the table," ani naman ni Diofannie at mabilis na tinalikuran ang babaeng si Kikay. Bumalik siya sa balcony. At mula sa gilid ng mata niya ay nakita niyang inilalapag na ni Kikay sa glass table ang mga pagkain niya. Ang bagal lang kumilos. Gutom na gutom na siya. Kinuha ni Diofannie ang cell phone niya at muling nakipag-usap kina Tianna at Amanda. "Hindi ako magtatagal dito, Girls. Ang daming judgemental sa place na 'to. Hindi ako kilala pero they already called me maarte," ani pa ni Diofannie. Nilakasan niya ang boses niya at pinarinig kay Kikay matapos niyang sumulyap dito. Nakita naman niyang natigilan ito hanggang sa tahimik na itong lumabas ng kwarto niya. She leered at her. Kung hindi lamang siya naaawa sa pamilya nun ay baka tinanggal niya na iyon mismo sa hotel. Kaso she's not that bad naman. Ayaw niyang may mawalan ng trabaho nang dahil lang sa kanya. She will give that woman second chance. Basta ayusin lang nito ang pag-uugali nito. Palibhasa ay hindi alam kung sino ang binabangga. Narinig niya ang sabay na pagtawa ni Amanda at Tianna. "What? What's funny? Bakit kayo tumatawa?" salubong ang kilay na tanong niya sa mga ito. "My God! Annie. It's true naman kasi na you are maarte..." Amandia uttered. "That's a fact. Add to that you're also masungit," panggagatong naman ni Tianna sa sinabi ng huli. She rolled her eyes with her friends. "I know that!I won't deny that! But the point is, why are they judging me agad? They didn't know me personally. Anong karapatan nila na tawagin akong maarte? We're not even close. At saka, employee sila ng hotel. They should respect the daughter of the owner especially alam nila na ako 'yon!" Hindi talaga matanggap ni Diofannie na pagtapak na pagtapak pa lamang niya dito sa place na 'to ay malalaman niyang iyon ang tingin sa kanya. And she couldn't also accept that they laughed at her kanina pagbaba sa bangka. "Well, you have a point, girl. But you can't also please anyone. Hindi lahat magugustuhan ka..." Tianna shrugged her shoulders. "The point there is, I am the daughter of the owner of this Island. Kahit anu pa ang ugaling meron ako, dapat hindi nila sinasabi mismo sa harap ko na maarte ako! They even laughed at me pagkababa ko ng bangka just because nahilo ako..." Diofannie heaved a sigh. Hindi pa man sumasapit ang hapon ay sira na ang araw niya dahil sa mga narinig niya. Dagdagan pang wala siyang planong tulungan ng mommy niya. "Talk to them, Anne. Tell them na hindi ka dapat ginaganun. Give them a warning that they will lose their job once they did that again," si Amanda ang nagsalita. Napatango siya. "I will do that. Hindi sa akin pwede na ginaganun ako. I'm a queen. They should respect me." Madami pa silang napag-usapan na magkakaibigan. Hanggang sa napunta iyon tungkol sa university. "How about your studies pala, Anne? Patapos na ang semester." Nailing siya sa tanong na iyon ni Tianna. "I don't know. Siguro it's up kay Daddy kung anung mangyayari since investor naman siya ng Uni. Magagawan ng paraan." She shrugged her shoulders. Diofannie's on her third year now. Magkakatulad sila nila Tianna at Amanda. Pare-pareho rin sila ng course na business management. "You're so lucky talaga. You're grounded pero parang hindi." "That's a fact," pagsangayon naman ni Tianna sa sinabi ni Amanda. "Ang ganda ng resort ninyo. The place was relaxing. Nakaka-restor ng mental health. Kaya if I were you, I'll just enjoy my stay there," she added. She pouted her lips. "Bahala na. Mamaya titingnan ko kung may club dito. I'll fine a cute guy for me to have some fun..." Matutulog lang si Diofannie. Pero mamaya maya ay lalabas siya at mag-iikot sa Isla. Kaylangan niyang maghanap ng paglilibangan dahil kung hindi ay baka mabaliw lamang siya. "You go girl! We will support you. Balitaan mo kami ah!" napapahagikhik na ani ng dalawa. Ngumisi naman siya. Madami pa silang napag-usapan na tatlo. Hanggang sa pare-pareho nang nagpaalam sina Tianna at Amanda sa kanya. "Take care always, girls," sabay sabay na sambit pa nila bago natapos ang pag-uusap nila. After that ay umalis na si Diofannie sa balkonahe at saka nagtungo sa mesa kung saan nilapag ni Kikay ang pagkain niya. Umarko ang kilay niya nang matakam siya bigla sa sea foods na nasa mesa. She bit her lower lip. Takam na takam na siya at gusto niya nang kainin iyon but her pride's stopping her na pumwesto ng upo para kumain. "Ugh! I'm already famished! Wala naman siguro itong lason, right," pagkakausap niya sa sarili niya at saka naupo doon. Bahala na nga! Hindi naman siguro ganun kasama si Kikay para lasunin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD