IT'S still hot outside. Lalo na at malapit nang mag-alas dose ng tanghali. Diofannie wants to enjoy the place kagaya ng sinabi nina Amanda lalo na at no choice na rin siya at wala na siyang magagawa at nandidito naman na siya. Pero hindi niya iyon magagawa ngayong oras na ito. May sunblock naman sa maleta niya pero takot pa rin siyang lumabas ng ganito kainit. Baka mangitim lang siya. Sayang ang kutis na iniingat ingatan ni Diofannie.
Naubos niya rin pala ang pagkaing dala ni Kikay kanina. At mukhang wala namang lason coz she's still alive until now especially dalawang oras na ang nakalipas nang kainin niya iyon. Sapat na rin iyon hanggang lunch especially she's on a diet. Ayaw niyang masira ang body figure niya. Baka pagbalik niya ng City ay dumoble na ang laki niya.
Ano na lang ang iisipin sa kanya ng mga kaibigan niya? At ng mga cute guys na nagkakagusto sa kanya sa University? Baka ma-turn off sa kanya ang mga ito.
Diofannie never had a boyfriend. Madami ang nagtangkang manligaw sa kanya ngunit walang nakapasa sa standards niya. Bukod pa doon ay ayaw na muna niyang magseryoso lalo na at hindi pa niya nahahanap ang lalakeng magpapatibok ng puso niya.
Kaya laro-laro na muna ngayon hanggang sa mahanap niya ang 'da one'. Hindi naman siya nagmamadali. She's still young.
Diofannie decided to take a nap muna. Panay ang hikab niya kanina pa lalo na at antok na antok pa siya. Hindi siya sanay gumising ng maaga kapag weekend dahil galing sila niyan ng bar nila Amanda at Tianna at madaling araw na silang nakauuwi.
Nagambala lang talaga ang tulog niya kanina dahil kay Terrence.
Pabagsak na nahiga si Diofannie sa kama at saka siya napatitig sa mga chandeliers na nakasabit sa kisame.
She heave a sigh. "I hope hanggang dreame lang ang lahat ng ito. And when I woke up later, nasa room na ako. Not with this place," she uttered at herself before closing her eyes.
Napahikab pa siya. Hanggang sa tuluyang kinain ng antok si Diofannie.
***
DIOFANNIE woke up because of the knock on her room. Bukod pa doon ay sunod-sunod na rin ang pag-buzzer sa labas. Pupungas pungas pa siyang bumangon at saka napasulyap sa orasang nakasabit sa dingding. It's already four in the afternoon. Apat na oras pala siyang nakatulog. Sapat na iyon sa kanya para makabawi ng puyat niya kagabi.
"Who's knocking ba?" salubong ang kilay na aniya sa sarili niya bago siya bumaba ng kama at binuksan iyon.
"What do you want? You're disturbing my sleep, Terrence!" bungad na sambit niya sa body guard niya. Na ngayon ay halatang bagong ligo at basa pa ang buhok.
"I'm sorry, Madam. Kanina ko pa ho kayo pinatatawag kay Kikay pero walang sumasagot..."
She leered at Terrence. "I don't care! Sinabi ko na hindi ba? I'm sleeping. Malamang. Paano ako makakasagot niyan?" Muli ay napairap siya. Hindi naman na inaantok si Diofannie. Pero naiinis lang siya at sa pangalawang pagkakataon ay sinira na naman ni Terrence ang tulog niya.
"It's already four in the afternoon, Ma'am Diofannie. At hindi pa ho kayo kumakain ng pananghalian. Kaninang alas dose ko pa ho pinapunta dito si Kikay para katukin ka. At nang sabihin niya na hindi ka sumasagot ay hinayaan ko na lang. Bale, apat na oras na ho akong naghihintay sa 'yo."
She heaved a sigh. She even massage her temple. Terrence stressing her already "Sinabi ko bang hintayin mo ako? Malamang, I am resting. What do you want ba?" Mainit na naman tuloy ang ulo ni Diofannie. Maghapon nang sira ang mood niya. Nakakapanget pa naman iyon.
"Ma'am, hindi ho kayo pwedeng malipasan ng gutom. Kaya pinatatawag ko kayo kay Kikay. Baka magkasakit kayo. Magpapadala ho ako ng pagkain ninyo dito."
"Fine!" She rolled her eyes. "Pero wala bang ibang staff dito? At si Kikay na lang lagi ang makakaharap ko? I don't want her. Hindi ko siya gusto..." Baka kasi ay lalo lang mag-init ang ulo niya kapag nakita niya ang babaeng iyon.
"Madam, we have staff here. Pero mas pinagkakatiwalaan ko si Kikay. Even your dad. Lalo na at matagal tagal na siya dito."
Umirap si Diofannie. "Whatever!" saad niya at saka bumalik sa loob ng kwarto. Padabog niya pang sinara iyon.
Nagtungo si Diofannie sa harapan ng salamin upang mag-ayos ng sarili niya. Inayos niya ang kulot niyang buhok at nagulo iyon kanina sa pagtulog niya.
Bukod pa doon ay hindi na rin siya naglagay ng make up dahil kahit wala nun ay maganda naman na siya. She's a chinita. Singkit ang kanyang mga mata, matangos ang maliit niyang ilong at mapupula ang pouty lips niya. Effortless na ang ganda niya. Nasa genes na iyon ng family nila.
Umalis din kaagad sa harapan ng salamin si Diofannie at nagtungo sa balcony bitbit ang cell phone niya.
She checked her all social media accounts. Wala namang masyadong ganap doon. Kaya naman ay inilinga niya na ang paningin sa buong paligid. Kalmado ang dagat at hindi na rin mainit. Maybe right now is the best time to stroll around the place.
Kinuhanan niya ng picture ang harap ng resort and upload it on her all social media accounts. She even tagged the location with a caption, 'Alone with this beautiful place'. Matapos nun ay pinatay niya na ang cell phone niya at hindi naman online sina Tianna at Amanda. Hindi na rin tumawag ang mommy niya. Kaya anu pang silbi. Mas lalo lamang siyang malulungkot nun.
Diofannie heaved a sigh. Nakatulala lamang siya sa magandang tanawin nang makarinig muli siya ng tunog ng buzzer.
She rolled her eyes. Makikita na naman niya si Kikay. Pinagbuksan niya ito ng pinto. At napansin niyang hindi ito makatingin sa kanya ng diretso.
"Good afternoon, Ma'am Diofannie. Nagdala ho ako ng pagkain..." bati nito sa kanya.
"Just put it on the table," saad naman niya matapos niyang lakihan ang awang ng pinto. Tumalikod siya at naupo sa sofa. She even crossed her shoulder sa harapan ng dibdib niya habang pinagsisilbihan siya ni Kikay.
Pinagmasdan niya ang huli at maingat naman ito sa ginagawa. At nang okay na ay akmang tatalikod na sana ito ngunit tinawag niya ito.
"Wait up."
Lumingon naman ito sa kanya. "Yes, Ma'am Diofannie? May kaylangan pa ho ba kayo?" tanong nitong hindi pa rin makatingin ng diretso sa kanya.
"May club ba sa place na 'to?"
Tila napaisip naman si Kikay. Hanggang sa tumango ito. "Yes Ma'am..."
"Okay. You may go now," aniya at itinuon na ang atensyon sa pagkain. Nakakaramdam na rin kasi siya ng gutom. Lalo na at apat na oras na ang nakalipas nung huli niyang kain. Ayaw naman niyang mamatay sa gutom.
"S-sige po," Kikay said saka nagmamadali naman itong lumabas ng kwarto niya.
Pwede naman niyang tanungin ang huli kung saan banda ang club. Pero mas pinili niyang 'wag na. Hahanapin niya na lang 'yon total naman ay mag-iikot ikot siya sa lugar. Ang mahalaga ay ang malamang may club nga dito. Ibig sabihin may night life. Hindi na siya mabo-bored kahit papaano.
***
MATAPOS kumain ni Diofannie ay napagdesisyunan niyang lumabas ng hotel room niya. Maghapon na siyang nakakulong doon kaya oras na rin para i-rampa niya ang ganda niya. Madami na rin siyang nakikitang mga turista na pakalat kalat sa resort.
Suot ang kanyang aviator glass ay taas noo siyang lumabas ng hotel. At kahit hindi na gaanong mainit ay nag-apply pa rin siya ng sun block lotion sa katawan niya. Mabuti nang makasiguro. Ayaw niyang mangitim kaagad.
"Good afternoon, Miss Valdez," bati ng ilang mga staff sa kanya pagkalabas niya ng hotel.
Nginitian niya ang mga ito. Well marunong naman si Diofannie makisama sa mga taong kilala siya. At isa pa ay good mood na rin siya kahit papaano. "Good afternoon too. How's your work?" bati niya sa dalawang babae sa reception desk.
Halatang nagulat pa ang mga ito sa kanya.But she just shrugged that off. Siguro nagulat at binati niya pabalik. "M-maayos naman ho," they said in chorus.
"Well good..." she uttered at saka nilagpasan ang mga ito.
Kaya naman maging mabait ni Diofannie. Maarte lang siya at minsan ay masungit pero mabait naman talaga siya. Hanggang salita lang siya pero hindi niya kaya mang-away ng tao. Ayaw niyang makapanakit.
At sigurado na sira ang images niya sa mga staff dito kaya gulat ang dalawang babae sa pagbati niya. Siguro ang alam ng mga ito ay masungit siya at maarte. Kagaya ng narinig niyang sinabi nila Kiray sa bangka.
At ang hindi niya alam ay kung papaanong nakarating sa mga ito ang ganong balita samantala ngayon lang siya nakarating dito.
Well whatever. Isip nila 'yon. Diofannie couldn't control someone's mind. Hindi niya makokontrol anu man ang isipin sa kanya ng mga ito. Isipan siya ng mabuti o masama ay wala siyang maggagawa.
Siguro, okay na rin ang ganun na maarte at masungit ang tingin sa kanya para ma-intimidate sa kanya ang mga staff. Si Kikay lang naman, ang kasama nitong babae sa bangka at si Fabian na pogi ang attitude sa kanya kanina.
Well, they should know their limit. Alam dapat nila ang salitang respeto para respetuhin niya rin ang mga ito.
Pagkalabas sa hotel ay naglakad lakad si Diofannie sa resort habang dala dala niya ang cell phone niya. Kinukuhanan niya lang ng picture ang mga bagay na maganda sa mga mata niya.
Hanggang sa napunta siya sa dalampasigan. This hotel and resort is private. Kaya hindi gaano kadami ang mga turista dito. Pang mayaman lang talaga. Kaya hindi crowded at tahimik rin ang lugar.
Diofannie continued walking. She doesn't mind kung nababasa na ang dulo ng maxi dress niya dahil na rin sa pagpulot niya ng mga shells na nakikita niya. Tiningnan niya iyon. She took a picture of it and after that ay binalik niya iyon sa buhangin.
The shells are beautiful. Pero imbis na kunin ay hinayaan niya lang iyon kung saan niya kinuha. Dahil katulad ng shell, gusto niya rin ng kalayaan sa buhay niya. But her parents are too strict para hayaan lang siya sa mga gusto niyang gawin.
Nakakatampo at pinatapos siya dito. But she hope that someday, she would understand bakit ginawa iyon ng Daddy niya.
Muling nagpatuloy si Diofannie sa paglalakad. Hanggang sa nakarating na yata siya sa pinakadulo ng isla. She's not sure about it though. Pero mukhang lagpas na ito sa boundary ng Isla Valdez. Mukhang nakarating na siya sa kabilang parte lalo na at lumagpas na siya sa mga bakod at malalaking bato.
And she was about to go back to the hotel especially she's scared at baka maligaw lang siya nang mahagip bigla ng paningin niya ang papadaong na bangka.
She was just staring at it. Nakatingin siya sa sakay nun lalo na at mukhang familiar ang itsura. Hanggang sa may isang babaeng tumakbo patungo malapit sa dalampasigan. Sinalubong nito ang pagdating ng bangka.
"Fabian!" she uttered. At doon niya lang nakilala na si Kikay ang babae at si Fabian naman ang sakay ng bangka na 'yon.
Mabilis na nagtago sa likod ng malaking bato si Diofannie nang mapansin na tila nakatingin sa pwesto niya si Fabian. Dahan-dahan siyang sumilip doon at naabutan niyang pababa na ng bangka ang binata.
"Ano kamusta? Madami ka bang nahuling isda?" she heard Kikay asked Fabian.
Diofannie's brows furrowed. Is he a fisherman? Hindi lang ito souvenir vendor?
"Madami dami naman, Kikay!" Fabian answered. Nakita pa niya ang pagngiti nito kay Kikay.
That made her brows furrowed once again. Mukhang hindi naman masungit si Fabian. Pero bakit sa kanya kanina parang iba ang treatment nito?
Dahil ba ang alam nito ay maarte siya?
Whatever!
"Syempre! Ikaw pa ba! Ang galing mo yatang mangingisda anu!" ani naman ni Kikay, natatawa ito.
"Sus! Ikaw talaga!" tugon naman ni Fabian at saka ginulo ang buhok ni Kikay. "Tara na nga! Kunin na natin itong mga isda nang maibenta na natin at para na rin may pang-ulam tayo mamaya," Fabian added.
Nakita ni Diofannie na tinulungan ni Kikay si Fabian sa mga isdang nahuli nito. Hanggang sa mayamaya ay nakaakbay na inakay ng binata si Kikay patungo sa isang maliit na bahay.
Umalis sa pagkakatago sa malaking bato si Diofannie at sinundan ng tingin ang dalawa.
"Are they mag-asawa?" Diofannie asked herself while staring at the two.