IF Diofannie was Kikay and Fabian was really her asawa, baka talagang inaway niya na ang huli. At bakit hindi? He saw the latter flirting with the tourist kaninang umaga habang nagtitinda ito ng mga souvenirs. Normal nang makipagngitian sa mga customer. Especially that's one of the tactics para may mga bumili sa paninda mo. Pero ang magpahawak ng abs ay ibang usapan na. That's a no-no to her. She would be jealous talaga kung nagkataon.
Diofannie's territorial. Selosa rin siya. At kapag sinabi niyang kanya ay dapat kanya lang talaga. Kaya hindi pwede ang nakita niya kanina.
Poor Kikay. Seems like her husband is not loyal to her and Fabian's cheating behind her back. Mukhang hindi pa nakontento sa ganda nito at pati turista nilalandi.
Kung si Diofannie ang tatanungin, she wouldn't deny the fact na maganda naman talaga si Kikay kahit simple lang.
Lamang lang siya ng konti ng height dito. Kayumanggi rin ang kulay ng balat ni Kikay. Mahaba at bagsak ang itim na buhok nito at maliit din ang mukha.
She could pass as a model lalo na at petite din ito. That's a fact.
It's just that she's just malas with Fabian. Mukhang chick magnet din kasi ang isa.
Kaya talagang ekis na sa kanya ang lalakeng iyon. Bukod sa tinawag siyang maarte, masungit din ito at may asawa na.
Duh! Wala siyang planong maging kabit no pagnagkataon. She doesn't deserve that. There's a lot of cute guy sa city. Why settle for less? And she's a queen. Kaya hindi niya deserve maging pangalawa. Tinitingala siya. Siya lang dapat at wala nang iba.
And wait, bakit niya ba iniisip ang bagay na 'yon? As if naman papatol siya kay Fabian pagnagkataon. Pogi nga ito at macho at matikas ang pangangatawan. Pero hindi niya ito papatulan. Hindi sila magka-level. Bagay lang ito kay Kikay.
Umalis na doon si Diofannie at bumalik na sa resort para hanapin ang sinasabing club ni Kikay. Umalis na siya doon at baka makita pa siya ng mga ito. Isipin pang ini-stalk niya ang mga ito.
"Good afternoon, Ma'am Diofannie," bati ng lalakeng staff na nakasalubong niya. Malawak pa ang ngiti nito sa kanya.
Huminto naman siya sa paglalakad at nginitian rin ito. At katulad ng dalawang babae sa reception desk ay natigilan ito sa pagngiti niya.
At mas lalo pa ngang lumawak ang ngiti niya when she noticed that this guy in front of her was blushing. Namumula ang magkabilang pisngi nito at tila biglang nahiya sa kanya.
"Hi! Do you know kung saan banda ang club dito sa resort?" she said in her angelic voice.
Maarte siya sa paningin ng mga staff dito at babaguhin niya iyon. Kaylangan niyang magpakabait at paniguradong makakarating sa Daddy niya ang bawat ginagawa niya dito.
Malay niya. Baka matuwa ang daddy niya pauwiin na siya dahil sa natuto na siya sa nagawa niya.
The staff cleared his throat. "U-uhm yes, Ma'am. Diretso lang ho kayo diyan. At kapag nakita niyo ang pangalan na 'La Isla' ay 'yon na 'yon."
Tumango siya at saka tinapik sa balikat ang staff dahilan upang muli itong matigilan. "Okay thanks," she said then winked at him. At sa pangalawang pagkakataon ay natawa siya nang mas lalong mamula ang magkabilang pisngi nito.
Naiiling na lamang na dumiretso ng lakad si Diofannie patungo sa club. Iba talaga ang ganda niya. Masyadong makamandag. Partida, pagkindat lang 'yong ginawa niya pero todo na kung mag-blush ang staff ng hotel. Anu pa kaya kung tinanong niya na ang pangalan nito.
She giggled at herself because of that.
She continues walking at hinanap ang La Isla. At ilang saglit pa lang ay tanaw niya na iyon. Dumiretso siya doon. Hinubad niya ang aviator glass na suot niya at inilagay iyon sa ulo niya.
Pumasok siya sa loob at nakita niyang halos mga staff pa lang ang nanduduon at busy sa kanya kanyang ginagawa at wala pang gaanong tourist. It's still five in the afternoon. Mamayang gabi pa ang tamang oras ng pag-clubbing.
She roamed her eyes inside. And she was about to walk through the bar counter nang harangin siya ng isa sa mga staff ng club.
"Good afternoon, Miss Valdez..." a guy greeted her.
Pasimple namang umarko ang kanang kilay niya. Natutuwa siya at kilala siya halos lahat ng staff dito. Maybe her Dad already informed all the staff about her arrival. At mukhang nirerespeto naman siya ng mga ito. Nagkataon lang na attitude si Kikay at ang kasama nitong babae kanina.
She smiled at him. "Good afternoon too," bati rin niya at saka muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng club. Malaki naman iyon at may second floor.
"What can I do for you, Miss Valdez? Do you want liquor?" the staff asked her kaya muli siyang napalingon dito.
"Nuh. Masyado pang maaga..." She shook her head. Mamaya siya magwawalwal. Baka kapag napasarap siya ng inom ay hindi niya na ma-enjoy ang buong gabi. Sayang naman. Lalo na at mukhang malaya siyang gawin dito ang lahat. Walang magagawa ang Dad niya kung mag-inom man siya. Malayo ito. She could do everything she wants her.
"Just give me something to drink. Basta hindi liquor. And pakidala na lang sa may sea shore. I'll be on the sun lounger. Thanks," she said.
"Noted, Miss..."
Nginitian niya ang staff. At saka siya umalis sa club. Babalik siya doon mamaya after dinner. Nabitin siya kagabi sa inuman nila ni Tianna at Amanda. Kaya naman ngayon ay magpapakalasing siya dito. Hindi naman siguro siya dito mapapahamak at anak siya ng owner ng resort. Subukan lang nila. Malalagot ang mga ito sa kanya.
Dumiretso si Diofannie sa sun lounger at muli niyang sinuot ang salamin niya. Nahiga siya doon habang tanaw tanaw ang kalmadong dagat.
Parang bigla gusto niyang lumusong sa tubig. She know naman how to swim. Parang nainitan lang siya bigla kaya gusto niyang maligo.
May ilang mga turista na rin ang nanduduon sa dagat at naliligo. At parang nainggit siya bigla.
But on the second thought 'wag na lang pala at tanaw niya na ang staff bitbit ang drinks niya.
"Here's your drink, Miss..." The staff smiled at her.
"Thanks." Inabot naman niya iyon at saka sumimsim doon.
"Do you need anything else, Miss?"
"Wala na. Thanks..." she answered.
"If ever na may kaylangan ka, Miss sabihin mo lang sa mga staff dito," ani ng staff at saka ito umalis.
Tumango lang naman siya dito. Binalik ni Diofannie ang atensyon niya sa dagat. At nakatuon lang ang paningin niya doon nang sumulpot bigla si Terrence sa gilid niya.
"Ma'am..."
Halos mapatalon naman siya sa gulat dahil doon. "My God! Terrence! Are you a mushroom? Kusa ka na lang sumulpot. Ginulat mo ako!" saad pa niyang tinapik ang dibdib niya.
"I'm sorry, Ma'am."
"What do you want ba?" Binaba ni Diofannie ang suot niyang salamin at sinamaan ito ng tingin.
"Tumawag ho ang Daddy ninyo sa akin. At sinabi niyang hindi raw ho ninyo sinasagot ang tawag niya."
Napaarko siya ng kanyang kanang kilay. "I left my phone sa room ko," tugon naman niya at saka nag-iwas ng tingin dito at pasimpleng tinago sa gilid niya ang phone niya. Tinakpan niya iyon using her maxi dress.
She's lying. Pero totoo namang hindi niya sinasagot ang tawag dahil hindi naman siya mako-contact ng Daddy niya dito sa labas. Mahirap. Pawala wala kasi ang signal at mahina.
Pero kahit makita niyang tumatawag sa kanya ang daddy niya ay hindi niya parin iyon sasagutin. Nagtatampo siya dito. Akala niya ba ay prinsesa siya nito? Kung ganon ay bakit pumapayag itong mawalay sa kanila? Bakit kaylangan ipatapon siya dito.
Tumango si Terrence. "Tatawag ako kay Mister Valdez at ipapaalam ko na nasa room mo ang phone. Mamaya baka tumawag siya ulit sa 'yo."
She leered at Terrence. "Whatever," she said then sipped on her drinks.
Mula naman sa gilid ng mata niya ay nakita niyang umalis na ang body guard niya. Wala itong imik ngunit napapailing naman.
Napaismid siya. Nakakainis lang kasi talaga. Medyo okay naman na siya ngayon at nare-relax din siya sa ganda ng place. Pero hindi niya pa rin tanggap na pinatapon siya dito ng daddy niya dahil lang sa isang pagkakamali.
Inubos na ni Diofannie ang drinks niya. Bigla ay nawala siya sa mood.
Nahiga siya sa sun lounger at saka binalik sa mata niya ang aviator glass niya.
She tried to close her eyes to relax through the sounds of the waves and the touch of the wind on her skin.
At kahit papaano ay nare-relax naman siya. Nakapikit lang siya at hindi naman natutulog. Mahaba rin kasi ang naitulog niya kanina.
Hanggang sa mayamaya ay mas lumamig pa ang ihip ng hangin.
Her eyes went opened. At napabangon siya at agad na tinanggal ang salamin sa kanyang mga mata nang makita kung gaano kaganda ng paglubog ng araw.
The sunset was so beautiful and she couldn't help but to mesmerized. "Oh wow," she uttered on herself. Tutok na tutok siya doon katulad ng mga turistang nanduduon din malapit sa sea shore.
Nagmamadaling binuksan ni Diofannie ang phone niya at saka niya iyon kinuhanan ng picture at video. And when she's already satisfied sa mga shots niya, tinago niya na ang phone niya.
Tumayo na rin siya mula sa sun lounger para magtungo sa hotel room niya.
Maggagabi na. She needs to prepare para mamaya sa pag-clubbing niya. Ayaw niyang maging haggard.
Nakita niya sa lobby ng hotel si Terrence pagkapasok niya. Mabilis din siya nitong nilapitan kaya pasimple niyang tinago ang phone niya.
Naka-off naman na iyon lalo na at malakas ang signal dito sa loob ng hotel. Baka biglang tumawag ang daddy niya at tumunog iyon mabuko pa siya.
"Ma'am Diofannie," bungad na sambit nito sa kanya.
"What?" she asked then arked her brow. Talagang katulad ni Kikay ay kumukulo rin ang dugo niya kay Terrence at ito ang nagdala sa kanya dito. Kahit napag-utusan lang ito ng Daddy niya ay hindi niya pa rin maiwasang mainis dito.
"Your dinner will be at seven pm, Ma'am. What do you want to eat for dinner? And what do you prefer? Sa labas ka ba kakain o ipadadala na lang sa room mo ang pagkain?" he asked her.
Napaisip naman si Diofannie. Gusto niya sanang sa labas na lang kumain. Pero baka matagalan lang siya. Kaylangan niya pa naman mag-ayos ng sarili niya. Mapapagod lang din siya kung lalabas pa siya. She will save her energy pa naman para mamaya sa club.
"I want sinigang na shrimp. At sa room ko na lang ako kakain. And please.... 'wag nang si Kikay ang magdala ng food ko. I hate her kaya." She rolled her eyes.
Na hindi naman pinansin ni Terrence. Tumango ito sa kanya. "Noted, Ma'am," ani ng huli at saka nagbigay ng daan sa hagdan.
Nangibitbalikat lang naman siya at saka dire-diretso nang nagtungo sa hotel room niya. Pagkapasok sa loob ay nagpahinga muna saglit si Diofannie at saka in-on muli ang cell phone niya.
Nagtungo siya sa balkonahe para sa signal at saka binuksan ang mga social media accounts niya. Hindi rin niya inintindi ang sunod-sunod na pagdating ng messages ng Dad niya.
She scrolled to her social media at nakita niyang napakadami ng comment sa ni-upload niyang photos kanina.
Karamihan sa mga iyon ay namamangha at napaaga daw ang pagbakasyon niya. May mga comment din doon sina Tianna at Amanda at sinasabing mag-enjoy siya at magkikita din sila soon.
Hindi na niya tinapos ang pagbasa ng mga comments at hindi naman siya interested. Instead, she upload a photo again. In-upload nito ang mga na-capture niya kanina hanggang sa sunset na nakita niya. And after that, nagtungo siya sa chat group nila ng mga kaibigan niya.
To: My girlssss
Hey girls. I have a good news. May club nga dito and I'll be partying tonight. Hindi ako mabo-bore kahit papaano. Balitaan ko kayo what will happen later. ;)
After sending that message ay in-off na niya muli ang phone niya. Hindi naman kasi online sina Tianna at Amanda. Wala siyang ka-chika. Maybe they're both busy. At bukod din doon ay baka tumawag ang Daddy niya. Iniiwasan niya lang
Panigurado kasi na madami itong ibibilin sa kanya. At baka i-preach pa siya. Kaya 'wag na lang.
Just like what Amanda and Tianna said, ituturing niyang vacation ang pag-stay niya dito.