CHAPTER 8

2122 Words
IT WAS exactly seven in the evening when Diofannie heard the buzzer of her room. May kumatok din doon at nakita niyang ala-dala ang dinner niya nang buksan niya ang pinto. And good thing na hindi si Kikay iyon. Dahil baka talagang masira na naman ang mood niya. "Good evening, Ma'am Diofannie. Here's your dinner," the staff said. "Good evening. Come in," she said saka nilakihan ang awang ng pinto. Hinintay ni Diofannie na mailapag lahat sa mesa ang dinner niya bago siya pumwesto ng upo doon. "Enjoy eating, Ma'am," ani pa ng staff bago siya nito tinalikuran at lumabas ng room niya. At katulad ng request niya kay Terrence kanina ay siningang na shrimp nga ang ulam ni Diofannie. May dessert pa doon na cake. At bagaman natakaman siya doon bigla ay pinilit niyang 'wag kainin iyon. Matamis ang cake. Baka tumaba lang siya. Nagsimula sa pag kain niya si Diofannie. In-enjoy niya ang sinigang na hipon. And funny she doesn't want to eat the cake pero nakarami naman siya ng kanin. Hindi bale na lang. She will work out tomorrow. Para mawala ang carbs na kinain niya ngayong gabi. "Hmm..." Napapapikit pa si Diofannie matapos niyang tikman ang cake nang tapos na rin siyang kumain ng dinner niya. "Just a taste of it," pagkausap pa niya sa sarili niya. Pero mayamaya lang ay hindi niya na napigilan at naubos niya na iyon lahat. Pati ang juice at tubig na kasama ay ubos din niya lahat. "Ah. I'm full..." she said at herself while caressing her tummy. Mahahalatang busog na busog siya at lumaki iyon ng konti. She doesn't have a bilbil naman kaya talagang halata kung busog siya at bahagya iyong naka umbok. Matapos kumain ay niligpit ni Diofannie ang pinagkainan niya. Pinagpatong patong niya na muna iyon para hindi na mahirapan ang kukuha nun. She rose on her seat then walk towards the balcony. Agad naman siyang sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Tanaw din niya mula sa kanyang kinatatayuan na madami na ang turista sa labas. May mga nagpapatugtog din at sumasayaw habang may apoy. Someone's doing a fire dance. And she was amazed with that. Papaanong hindi sila napapaso doon? Pinanuod lang 'yon ni Diofannie habang nagpapahinga siya. And after thirty minutes, she decided to take a shower. Inabot din siya ng kalahating oras sa shower room. Masarap kasi ang tubig at warm iyon. Kahit papaano ay nare-relax din si Diofannie. Nang magsawa ay saka siya umalis doon. Naghanap siya ng maisusuot sa maleta niya pero puro maxi dress na iba-iba ang kulay at design lang ang nanduduon. Kaya namili na lang siya ng susuotin niya. It was a beige maxi dress. Mas lalo siyang pumuti dahil doon. And Diofannie likes it. Matapos magbihis ay dumiretso siya sa harapan ng vanity mirror at nag-ayos. It was just a light make up. Konting foundation at lipstick lang iyon dahil hindi naman siya mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Mabuti nga at may nilagay na make up sa gamit niya ang mommy niya. May gagamitin siya whenever she feels like using it. Matapos mag-ayos ay hindi na nag-abala pang magdala ng phone niya si Diofannie. Baka mawala lang 'yon kapag dinala pa niya at malasing siya. After spraying a perfume ay lumabas na siya ng kwarto niya. Taas noo pa siyang bumaba sa hagdan hanggang sa makarating si Diofannie sa lobby ng hotel. Naabutan niyang nakaupo si Terrence sa sofa. At nang makita siya at nilapitan siya nito. "Magandang gabi, Ma'am..." pagbati nito sa kanya. "Mas maganda pa ako sa gabi, Terrence," she uttered. At akmang lalagpasan niya na ito nang harangin naman siya ng binata. She arched her brow at him. "What? Tumabi ka nga..." "Saan ho kayo pupunta?" he asked. Hindi nito inintindi ang pagtulak niya ng bahagya sa balikat nito. "Wala ka nang pake kung saan ako pupunta. Kaya excuse me," she said and for the second time she tried na lagpasan si Terrence pero muli na naman siya nitong hinarang. "Ano ba 'yon, Terrence? You're annoying me na talaga! Kaninang umaga ka pa!" Naiinis na si Diofannie. Ano na naman ba ang kaylangan ng body guard niya at ayaw siyang padaanin? Kating kati na siya mag-clubbing. Mababaliw na siya dito at wala naman siyang makausap. Doon sa club sigurado meron. She saw Terrence glanced on his wrist watch. "Pasado alas otso na ho, Ma'am Diofannie," anito sa mababang tono. Her brows creased. "And saw? You think I'm not aware of the time? And anu bang pake ko kung anong oras na? Tabi ka na nga diyan! May pupuntahan pa ako..." Sinubukan niyang lagpasan si Terrence pero muli na naman siya nitong hinarang. "Ano ba Terrence!" Galit na si Diofannie. Nakita naman niya ang pag-iling nito. "Kabilinbilinan ho ng Daddy ninyo na bawal na kayong palagpasin kapag lumagpas na sa alas osto." "What?!" gulat na saad ni Diofannie. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. "I'm sorry, Ma'am. Sumusunod lang ho ako sa utos. Sige na ho. Pumasok na kayo sa loob." "No! You can't do that to me! Hindi 'to pwedeng gawin sa akin ni Daddy! Mamamatay ako out of boredom dito!" Nagmatigas si Diofannie. Pero umiling lang si Terrence na tila wala lang dito ang pagreklamo niya. Sinubukan niyang lagpasan ito. Pero hinarang siya ulit ng body guard niya. "Don't touch me!" pagprotesta niya. And she was about to run pero mabilis siyang nahawakan ni Terrence. At sa gulat niya ay hindi siya nakaalma agad nang bigla siya nitong binuhat like a sack of rice. "Oh my God! Put me down nga! How dare you to carry me!" sigaw niya at pinaghahampas ang balikat ng huli pero parang wala lang itong narinig at dire-diretso lang itong umakyat sa hagdan. Hanggang sa nakarating sila sa tapat ng kanyang kwarto ay saka lang siya nito binitawan. "Get inside now, Ma'am Diofannie," utos nito sa kanya. She gave him a death glare at saka padabog na binuksan ang pinto. Pabagsak niya ring sinara iyon pagkapasok niya sa loob. "Ugh! I hate you!" sigaw niya at agad na nagtungo sa kama. She breathed heavily at pinanlisikan ng tingin ang pinto na tila ay nanduduon si Terrence at ang Dad niya. Diofannie calmed herself. Mukha talagang pinaparusahan siya ng daddy niya at pati dito ay may oras lang ang paglabas niya. Akala pa naman niya ay magiging malaya siya. Nang medyo kalmado na si Diofannie ay nagtungo siya sa balcony. At doon tanaw niya na na dumami na ang mga turista. May mga nagsasayawan katulad kanina. Ngunit mukhang mas enjoy ngayon lalo na at nagsisigawan na ang mga ito habang sumasabay sa musika. There's a live band din kasi. "Ugh! Damn it!" inis na bulong niya. Naupo siya at saka binuksan ang phone niya. Sunod-sunod na dumating ang message nina Amanda at Tianna sa group chat nila. . From: Amanda You go girl. Find a cute guy huh. From: Tianna. Hanapan mo rin ako. She smiled bitterly with that. How can she find a cute guy kung bawal na siyang lumabas? Nang makita ni Diofannie na online ang mga kaibigan niya ay tinawagan niya ang mga ito. Mabilis naman iyong sinagot ng dalawa. "Hey Annie. What's up?" bungad na ani Tianna sa kanya. "Pupunta ka na ba ng bar--hey what's with the face? Bakit ka nakasimangot?" Si Amanda naman ang nagtanong sa kanya. She pouted her lips. "I can't go to the club tonight," malungkot na saad niya. "Why?" Halos sabay naman na tanong ng dalawa niyang kaibigan. She heave a sigh. "Hindi ako pinayagan ni Terrence. He said na hanggang eight lang ako pwedeng lumabas. Utos daw ni Daddy," she answered. Ang atensyon ni Diofannie ay nakatuon sa mga tao sa labas. Naiinggit talaga siya at ang saya-saya ng mga ito. She heave a sigh once again. Iginala pa niya ang kanyang paningin at nakita niya mula sa hindi kalayuan si Fabian. Nakasuot ito ng sando na mukhang ginupit lang ang sleeves. Punit punit din ang pantalon nito at may kung anu itong bitbit at inaalok sa mga turista doon. Her brows furrowed. Gabing gabi na. Nagtitinda pa rin ba ito ng mga souvenirs? Ganoon ito kasipag para buhayin si Kikay? O baka naman naghahanap iti ng bagong lalandiin? Poor Kikay. Nakapag-asawa ng hindi faithful at loyal. "And who the hell naman si Terrence? Wait, is he cute?" Tianna asked dahilan upang ibalik niya ang paningin sa cell phone niya. "Tianna..." pagsuway ni Amanda sa kaibigan nila. Tianna just giggled. "Seryoso na nga. Sino si Terrence?" "My body guard," she said nonchalantly. Muli na naman binalik ni Diofannie ang tingin niya sa labas. Talagang naiinggit siya sa mga tao sa labas. Kung hindi lang siya pinagbawalan ni Terrence ay baka kanina pa siyang nakahanap ng cute guy na makakausap niya. "Oh. May bantay ka rin pala diyan," si Tianna ang nagsalita. "Why don't you make takas, Anne?" Sa tanong na iyon ni Amanda kaya muli nitong nakuha ang atensyon niya. "Gawain mo na 'yon dito sa city para lang mag-clubbing. Bakit hindi mo gawin ngayon?" Amanda smiled develishly at her. Natigilan naman siya. At unti-unti ay umangat ang sulok ng labi niya. Oo nga no. She used to make takas whenever she's grounded. Ano pa ngayon. Partida at wala ang Daddy niya. "Ang bright mo talaga, girl," saad niya kay Amanda. "I know right," may pagmamalaki namang tugon nito sa kanya. "Good luck Diofannie. You make balita with us huh..." She nodded at Tianna. Nagpaalam na rin siya sa mga girlfriend niya para gawin ang suggestions ni Amanda. Lumabas siya ng kwarto at dahan-dahang bumaba sa hagdan. Pero nang makitang nakatingin dito banda si Terrence ay napaatras siya. Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Yes, Ma'am Diofannie? May kaylangan ho ba kayo?" anito sa malumanay na boses. She leered at him. "Nothing. I'm just thirsty," pagsisinungaling niya. Nag-iwas din siya ng tingin dito. Tumango si Terrence. "Magpapadala ako ng tubig sa room mo..." "'Wag na pala. I changed my mind. Hindi na ako thirsty," masungit na saad niya. Tinalikuran niya na si Terrence at saka siya nagmamadaling bumalik sa itaas. Pagkarating sa loob ng room ay sunod-sunod na nagpakawala ng buntonghininga si Diofannie. "Ugh! Paano ba 'to..." Naiinis na talaga siya. Gusto lang naman niya magsaya pero pinagbabawalan siya. Ano na lang ang gagawin niya dito sa resort kung hindi niya magagawa ang lahat ng want niya? Hindi na nagtangka pang lumabas ng room niya si Diofannie. Hindi na rin siya sumilip sa balcony at baka mas lalo lang siyang mainggit. Hinintay niya lang na lumalim pa ang gabi dahil panigurado namang dadalawin din ng antok si Terrence. Matutulog din ito at hindi naman siya magdamag mababantayan. Naghintay pa siya. Pero mayamaya ay narinig niya ang buzzer ng kanyang kwarto. Pero imbis na pagbuksan, nagmamadali siyang nahiga sa kama at nagpanggap na natutulog. At ilang saglit pa lang ay bumukas iyon. Diofannie open her right eyes. Pasimple niyang sinilip kung sino ang pumasok. At nakita niyang si Terrence iyon. Ang kanang kamay nito ay may hawak na phone at nakatapat sa sa kanang teynga nito. "Miss Valdez's already sleeping, Sir. Sasabihin ko na lang sa kanya bukas na tumawag ka," he said it in a low voice. Tumalikod na rin ito pagkakita sa kanya. "Yes, Sir. Thank you," iyon lang at nagtungo na ito sa pinto. Lumabas na ito at sinara iyon. Hindi muna bumangon si Diofannie. Pinakiramdaman niya si Terrence at baka bumalik bigla mahuli pa siya. At nang lumipas na ang limang minuto at hindi na ito bumalik ay saka nagmamadaling bumangon sa kama si Diofannie. Lumabas siya ng kwarto. Bawat hakbang ay dahan-dahan. Pati pagbaba sa hagdan ay maingat ang kanyang galaw. Tinanaw niya ang lobby. Ngunit natigilan siya nang makitang nanduduon pa rin si Terrence. Pero nang makitang nakapikit ito ay nagmamadali siyang bumaba doon. Napangisi siya. Matatakasan din niya ang annoying niyang guard. Dire-diretso siyang tumakbo. May pagmamadali ang bawat kilos niya. Pero bago pa man siya tuluyang makalabas ay tinawag siya ng babae sa reception desk. "Miss Valdez..." She stopped. Nilingon niya ito at pinanlakihan ng mga mata. "What? Pwede ba. Don't call me. I'm in a hurry," pagsusungit niya dito. Napaiwas naman ng tingin ang babaeng staff. "I-I'm sorry, Ma'am..." Tumango siya. "It's okay. Just don't tell that man na lumabas ako," turo niya kay Terrence. "Or else lagot ka sa akin kapag nagsumbong ka," pagbabanta niya pa. Mabuti at sumangayon naman ito sa kanya. "O-okay po, Miss Valdez." "Good..." Ngumiti na siya at saka nilagpasan ito. Dire-diretso na siyang lumabas. At pagkarating niya sa labas ng hotel ay agad na rumehistro ang malawak na ngiti sa labi niya. "Finally! I'm free!" natatawang sambit pa ni Diofannie sa sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD