“Paanong nangyari at hindi niyo napatay si Robert mga tanga! Mga bobo! Mga walang silbi! Mga inutil! Galit na sigaw ni Brenda habang pinagbabalibag ang kaniyang mga nakikitang bagay. “E-eh kasi po Madam may dumating na tatlong nakamotor buti na lang po 'yong mga driver lang ng sasakyan ang pinatay nila kun'di pati po kami namatay na.” paliwanag ng isa sa nanginginig ang boses. “Sana nga pati kayo pinatay na! Mga walang silbi! Layas! Lumayas kayo sa harapan ko! Ahhhhh!” “Sino kayong mga paki-alamira kayo? Bakit niyo iniligtas si Robert? Makikilala ko rin kayo!" Sigaw ni Brenda sabay hagis ng basong may laman na alak. “Hey Dad! How was your day?” tanong ko rito na parang walang alam sa mga nangyari. “Anak listen carefully okay! Alam ko na kong sino ang pumatay sa Mommy mo. Pero dahil sa

