“Sh*t! Talagang kumikilos ka na Brenda akala mo hindi ko alam na ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito?” Galit na bulong ni Robert habang nagmamaneho ng mabilis at hawak sa kabilang kamay ang baril nito.
Tatlong sasakyan ang humahabol kay Robert kaya alam niyang malabo na s'yang makatakas sa mga ito. Pero gagawin n'ya ang lahat alang-alang sa anak.
“Hello Robert!" bungad ng babaeng nasa kabilang linya.
“Walanghiya ka Brenda mapapatay kita!” Galit na sigaw ni Robert sa kausap niya sa telephono habang mabilis pa rin ang pagmamaneho at tinatakasan ang mga humahabol sa kaniya.
“Hey Hon, your so hot naman! Huwag masyadong mainit ang ulo at baka ikaw ay madisgrasya.” natatawang sabi ni Brenda.
“Hayop ka Brenda sisiguraduhin ko sa'yo na mapapatay kita!"
“Ang tanong Robert, makakaligtas ka kaya sa kamatayan mo ngayon? Alam mo Robert akala ko a-anga-anga ka but you prove it wrong. Matalino ka rin pala at nalaman mo kaagad na ako ang nagpapatay sa'yo ngayon. Masyado 'ata kitang minaliit.”
“Matagal na kitang minamanmanan Brenda! Alam ko rin na ikaw ang pumatay sa asawa ko! Bakit Brenda? Bakit?
“Oh Dear, i explain it to you kung makakaligtas ka ngayon sa kamatayan. Kaya if i were you gagalingan ko. Bye Hon!” natatawang sabi ni Brenda pagkatapos siyang babaan ng telephono.
“Mia ano ng plano mo?” tanong ni Santi
“Pag-iisipan ko pa o 'di kaya patayin na lang silang mag-ina at ipatapon ko sa dagat.”
“Aray ko ang saklap no'n ah!” natatawang sabi ni Rose
Magsasalita pa sana si Mia ng biglang tumumog ang kaniyang cellphone.
“Yes Boss! May nakalimutan ka?”
“Mia! Nasa panganib ang Ama mo ngayon. Hinahabol siya ng tatlong sasakyan along C-5 Kalayaan Road. Bilisan mo bago mahuli ang lahat!
“Put* ka Brenda." Sabay takbo ng mabilis ni Mia papunta sa kaniyang motor.
“Mia anong nangyari? tanong nang dalawa habang tumatakbo rin ng mabilis.
“Si Daddy hinahabol ng tatlong sasakyan! Sundan niyo ako girls!
Halos paliparin ko na ang motor sa bilis ng patakbo ko. Mabuti na lang pala at motor ang dala namin. Nakita ko si Daddy na ginigitgit ng dalawang kotse sa magkabilaan at ang isa ay nasa likuran nito.
“Tang*na niyo!” Pinagbabaril niya ang mga gulong ng mga sasakyan sabay lapit sa mga driver at pinagbabaril ang mga nasa loob nito.
“Sana sinabi mo na hindi mo na kami kailangan diba Mia? 'Di mo man lang kami tinirhan!” saad ni Santi.
“Let's go girls! Baka makilala pa tayo ni Daddy.” sabay mabilis na pinasibad ang mga motor.
“Kung sino man kayong nagligtas sa akin maraming salamat.” pasalamat ni Robert habang tanaw ang mabilis na patakbo ng tatlong naka motor.
“Humanda ka Brenda magtutuos tayo!” Galit na sabi ni Robert at mabilis na pinatakbo ang kotse pabalik ng bahay.