Alexandria's POV NAGISING ako dahil sa isang malakas na tunog na nagmumula sa kung ano. Ramdam ko rin na gumagalaw ang paligid ko nang mga oras na iyon. Nagpasya akong idilat ang mga mata upang aninagin ang paligid, at bagaman bahagya pang nanlalabo ang paningin ko ay tumambad sa'kin ang mukha ni Cyrus. Nakatunghay siya sa akin nang mga sandaling iyon habang nakangisi. Prente siyangnakaupo sa harapan ko at magkakrus ang mga braso sa dibdib. Noon ko rin nalaman na ang malakas na ingay na naririnig ko ay nagmumula sa helicopter. Kasalukuyan kaming nasa himpapawid at binabagtas ang nagbubukang-liwayway na paligid. "Good morning, Alex!" masayang bati ni Cyrus sa'kin. "How's your sleep? I'm sorry kung kailangan mong matulog nang nakatali ang mga kamay at paa mo. Matigas kasi ang ulo mo, eh!

