Heinz's POV "P-paano nangyaring buhay ka, Kylie?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya. Tumingin muna sa akin si Kylie saka bumuntong-hininga. "Mr. Dominguez and I planned this," sagot niya saka muling ibinalik ang atensyon sa sugat ko sa binti ko na kasalukuyang linilinis niya gamit ang alcohol. Ngumiwi pa ako nang maramdaman ang hapdi niyon. "Malaking organization ang nakalaban ko, Heinz. Isang grupo ng Mafia. At para sa kaligtasan ko at pati na rin sa'yo, pinalabas naming patay na ako para hindi na rin sila magbanta pa. Halos araw-araw noon, nakakatanggap ako ng death threats. 'Di ko lang sinabi sa'yo dahil alam kong mag-aalala ka," salaysay pa ni Kylie habang binabalutan ng benda ang sugat ko. "Kaya ba hindi na pinabuksan ang kabaong mo noon, dahil wala talagang laman 'yon? Pi

