Cyrus Montemayor's POV "I'll give you 24 hours para pumunta sa kinaroroonan ni Alexandria! 24 hours lang, Alvarez. Kung gusto mo pa s'yang abutang humihinga, pumunta ka sa address na ite-text ko sa'yo! At paalala ko lang sa iyo, ikaw lang mag-isa! Walang pulis o agent! Sa oras na hindi ka sumunod, papatayin ko ang babaeng mahal mo! Naiintindihan mo?!" nanggagalaiting wika ko sa kabilang linya. "Pupunta ako! Hintayin mo ako, magtutuos tayo!" Napangisi ako nang malapad nang marinig ang sinabi na na ito ni Heinz Alvarez, pagkatapos ay pinatay ko na ang linya saka itinext ang address kung saan kami naroroon. 'Di mo ako maiisahan, animal! nangingiti kong turan sa isipan. Matapos niyon, ipinasya kong magpunta sa silid ni Alexandria pero pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang abandonado

