6

1935 Words
Alexandria's POV "HERE'S your Strawberry Lemonade Vodka, Ma'am Alex." "Thanks," simpleng tugon ko naman kay Clark. Ang pinakamagaling na bartender sa Kawashima Hotel and bar na pagmamay-ari ni Seiichi. Kasalukuyan akong naririto para magpalipas ng oras. Dahil nga kaibigan ko ang may-ari ng bar kaya't kilala na rin ako ng mga employees dito. Kapag nandito ako kahit wala si Seiichi, ay pinagsisilbihan ako ng mga staff niya dahil iyon daw ay utos na rin mismo nito. Nasa counter lamang ako ng mg oras na ito habang mag-isang umiinom. Hindi ko kasama si Seiichi dahil may VIPs ito na inaasikaso ngayon na isang Chinese businessman. Marahil ay may okasyon ang mga ito na ipagdiriwang dahil marami itong mga alipores na kasama kanina na mga Intsik din na gaya nito. Kaya 'eto ako ngayon, mag-isa. Habang umiinom ay pasimple kong inilibot ang paningin sa loob ng bar. Mula sa kinaroroonan ko ay tahimik kong pinanonood ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. Ang dance floor ay isang malaking space na nababalutan ng salamin at sound proof. Kaya naman makikita ang mga taong nagsasayaw sa loob nito ngunit walang ingay na maririnig sa labas ng dance floor. Ipinasadya ang ganoon upang ang mga tao na nais lamang mag-unwind at ayaw ng magulong crowd ay naroon lamang sa labas niyon. Sa bahagi ng bar kung saan ako naroon ay mayroong mga cubicle na para sa pandalawahang tao, mayroon ding pangmaramihan, na paris ng dancefloor ay nababalutan rin ng salamin. Subalit ang pinag-iba ng mga ito ay open ang mga cubicle. Dahilan upang marinig ng mga customers ang jazz music na pumapailanlang sa bar. Sa ikalawang palapag naman ay naroon ang mga silid para sa mga VIPs. Sa ikatlo at ika-apat ay ang mga guests room kung saan maaaring rentahan ng mga customers upang pahingahan. Sa ika-lima ay naroon ang silid ni Seiichi at ng stay-in employees sa bar. Malaki at magara ang bar na pagmamay-ari ni Seiichi. Halatang para iyon sa mga mayayamang tao. Kumpleto ang bar sa mga makabagong kagamitan. Maging sa mga facilities at security system ay ganoon din. Napakarami ring nagkalat na nga bouncers at security guards sa loob ng bar. At kahit matagal na akong tumatambay dito, hindi ko pa rin mapigilang humanga sa ganda ng bar na ito. Hindi ko tiyak, ngunit sa aking palagay ay tila miyembro marahil ng Yakuza ang erpat ni Seiichi. Sa yaman ba naman nito, ay hindi maiiwasang isipin na member nga ito ng kinatatakutang sindikato sa Japan. Maraming pang business sa Pilipinas ang ama ni Seiichi sa pagkakaalam ko ay siya rin ang nagma-manage. Maraming nagtatanong sa akin kung pa'no kami nagkakilala ni Seiichi. Well, sa racing club na pag mamay-ari din nila kami unang nagkita; sa Kawashiwa Racing Club. Baguhan pa lamang ako that time at nag-aaral pa lamang magkipagkarera. Lagi akong noong sumasali sa race kahit na ang ending ay lagi naman akong natatalo. Pero one time ay lumapit siya sa'kin at nag-offer na tuturuan n'ya daw ako ng mga techniques sa pakikipagkarera. Balita ko kasi ay magaling itong motor racer sa Japan. Pumayag ako sa alok niya. Tutal, ang sabi ko sa aking sarili ay wala namang masama. Subalit may kundisyon pala ang gago. . . "Tumingin si Seiichi ng nakaloloko sa akin. Lalo pang naningkit ang mga mata ng damuho sa lapad ng pagkakangisi. "I'll teach you how to win the race, but in a condition. . ." sinadya pang binitin ng damuho ang sasabihin saka lalong ngumisi. Pinangunutan ko siya ng noo at sinamaan ng tingin. Isinandal ko ang likod sa railings at isinamsampay ang dalawang braso roon. Inis ko rin siyang tiningnan. "What is it, idiot?" This time ay humalakhak na ang bruho na akala mo ay nanalo sa lotto. Ngunit agad din s'yang huminto sa pagtawa at sumeryoso. Inilapit pa niya ang nakakainis na mukha sa tapat ko saka ngumiti ng pamatay. "Let me court you," diretsang turan niya habang nakatingin sa mga mata ko. Let me court you. . . Let me court you. . . Let me court you. . . Para isang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang sinabing iyon ng damuho. Bigla ay nakaramdam ako ng pag-iinit ng tenga at pamumula ng mukha dahil sa sinabi niya. Marahas akong umayos ng pagkakatayo saka napopoot ko siyang tiningnan. Nakakuyom din ang mga kamao ko dahil parang gusto ko siyang kantiin. "Ulol! f**k you ka! 'Wag mo 'kong pag-trip-an. Wala 'kong panahon makipaggaguhan sayo!" sigaw ko kan'ya saka basta na lamang akong tumalikod at naglakad palayo. Narinig ko pang humalakhak siya nang malakas. *End of flashback I didn't accept his offer. Bakit ko naman tatangapin? Hindi pa ako nababaliwa. Isa pa, hindi ko naman siya gusto. Hindi naman sa pangit siya kung kaya ayaw ko. In fact, gwapo siya. He looks like a model---matangkad, masculine, perpekto ang ang mukha. But still, ayaw ko pa rin sa kan'ya. Wala akong panahon sa "pag-ibig" na iyan. Kaya ang ending, wala siyang nagawa ng tanggihan ko ang 'offer' niya. Nag-practice na lamang ako mag-isa at nagsikap ako'ng matuto kahit ilang beses na akong muntikan pang madisgrasya. Subalit hindi talaga ako tinigilan ng bruho sa pangungulit. Araw-araw niya akong nilalapitan para kausapin kahit na hindi ko naman siya pinapansin. Pero sadya yata talagang may katok siya noon. Kahit kasi lantaran ko ng ipakita na hindi ako interesado sa kan'ya ay patuloy lamang ito sa paglapit sakin na tila ba close kami. Minsan pa nga, nagmimistulan na siyang baliw dahil kahit hindi ako nagsasalita at dinidedma lamang siya ay patuloy lamang siya sa pakikipag-usap na akala mo ay nakikipagkwentuhan ako sa kan'ya. Hanggang sa bumigay na nga ako sa ka-abnormalan niya. Naging magaan ang loob ko kay Seiichi. Masaya kasi siyang kausap at mapagkakatiwalaan. Pakiramdam ko ay nakakita ako ng kakampi sa ka tauhan niya kung kaya't itinuring ko na siyang matalik na kaibigan. Isang kaibigan na handang tumulong at masasandalan sa lahat ng oras. "Hey, babe! Tulala ka na naman?" Naputol ang pagmumuni-muni ko ng marinig ang pinagmulan ng tinig na iyon. Nasanay na siyang tawagin akong "Babe" na animo ay magkasintahan kami. Hinayaan ko na lamang iyon, mababaw lang naman ang kaligayahan ng hilaw na Hapon na ito. Patalikod siyang naupo sa mataas na stool sa counter paharap sakin. Kaya naman kitang kita ko ang nakangising mukha niya na nakatunghay sa akin. Um-order din siya ng alak kay Clark. "Give me in brandy on the rocks, Clark." Pagkatapos ay binalingan ako. "Ano na naman ba ang iniisip ng babe ko, ha?" pabiro niyang tanong sa akin na sinabayan pa ng simpleng pag-akbay. Sinimangutan ko lamang ang damuho at isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa braso niyang nakaakbay sa akin. "f**k you! Don't call me babe, asshole? And please, kung ayaw mong mapilayan ay pakitangal 'yang braso mo sa balikat ko. Remember? Tinuruan mo ako ng Muai Thai," maangas na banta ko sa kan'ya. Napahalakhak naman si Seiichi dahil sa sinabi ko. "Easy, babe! Ikaw naman, napaka-cold mo talaga sa'kin." Ngumuso pa ang bruho na tila nagtatampo. "Akala ko pa naman, best friend tayo. Pasalamat ka nga may nagtitiis pa sa'yong kaibigan eh," sabi nito sabay tawa ng pang-asar. "Gago! Bakit kasi nagtitiis ka sa'kin? P'wede ka namang umalis, ah? Ang dami naman d'yan!" pambabara ko naman sa kan'ya. "Loko! 'Pag iniwan kita, pa'no ka? Wala ka ng kakampi. Mawawalan ka ng gwapong best friend, Alexandria!" ganting-buska naman ni Seiichi saka ngumiti pa ng malapad. Napa-isip naman ako sa huling sinabi ng abnoy na ito. Simula kasi ng mamatay si Mama, pakiramdam ko ay mag-isa na lamang ako. Kung kaya't sa kalye ko hinanap ang kahungkagan sa buhay ko. Natuto akong mag-bisyo, natuto akong makipagbasag-ulo. Sumama ako sa mga taong halang ang kaluluwa. At ang pinakahuli, nag-aral ako at sumali ako sa karera. Naging patapon ang buhay ko kaya lalong nagalit si Papa nang malaman ang mga iyon. Subalit hindi ko na siya pinakikinggan pa. Ginawa ko ang lahat ng gusto ko na parang mag-isa na lamang akong namumuhay at walang pamilya. Hanggang sa nakilala ni Papa si Cyrus Montemayor; anak ng isang politician at businessman. Hindi ko na inalam pa kung bakit sila nagkakilala. Basta ang alam ko lamang, simula ng pumasok ang hayop na iyon sa buhay ko ay lalong nagkandaletse-letse na ang lahat. Ito ay sa kadahilanang pinipilit ako ng magaling kong ama na magkapakasal kay Cyrus kahit wala akong nararamdaman para sa lalaki. Isa pa, alam ko rin na yaman ng mga Montemayor ang habol ng hayop kong ama kaya gano'n siya kapursigido na magkatuluyan kaming dalawa ng lalaki. Nang yumao si Mama ay nalulong lalo si Papa sa bisyo. Kung kaya't ang naiwang kaunting kabuhayan na Flower shop at bake shop ay nalugi. In short, naghirap kami. Pinahinto n'ya rin ako sa pag-aaral ng kolehiyo, sa hindi ko malamang dahilan. Kung kaya't ang pagpapakasal kay Cyrus marahil ang nakikita niyang paraan upang maibalik ang buhay namin sa dati. Hindi niya iniisip ang nararamdaman ko. Naging makasarili siya. At ang mga iyan ang nagtulak sa akin upang lalo pang mag-rebelde. "'Oy, Babe! Are you still there?" untag sa akin ni Seiichi dahil sa matagal kong pananahimik. Lihim akong bumuntong-hininga saka nagsalita, "'Di ko naman hawak ang buhay mo, 'no? Kung gusto mo 'kong iwanan, bahala ka. It's your choice. Anyway, sanay na ako. Ano pa bang bago, ha?" ani ko na pilit itinago ang pair sa tinig sa pamamagitan ng paglagok ng alak. "No," umiling-iling pa siya. "I can't do that to you. We're best friends right?" nakangiti at sinserong turan pa niya sa akin. "Kung pinayagan mo nga lang sana akong ligawan ka, eh di sana may asawa na ako ngayon," bulong pa niya na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko. "Ulol! Maghanap ka na kasi ng syota mo. Dikit ka kasi ng dikit sa'kin kaya walang lumalapit sa'yo, eh. Baka akala nila syota kita. Sa gwapo mong iyan?" Sandali ko pang pinasadahan ang kabuohan niya. "Tanga na lang ang 'di magkakagusto sa'yo." "Ibig sabihin tanga ka?" "Nope. Ikaw ang tanga dahil nagustuhan mo 'ko." Sinadya kong sabihin iyon para naman matauhan siya.Alam naman kasi niyang hindi ko siya gusto at kaibigan lamang ang turing ko sa kan'ya pero 'eto pa rin s'ya, nagpapaka-martyr. "Okay lang maging tanga, at least kasama kita," nakangiting saad niya sabay lagok ng alak niya. Lihim akong bumuntong-hininga at hindi na siya sinagot. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Gusto mo pa?" basag ni Seiichi sa katahimikan. Ang tinutukoy niya ay ang baso kong wala ng laman. Umiling ako. "Dehins na, solb na 'ko. Naka-dalawa na 'ko eh," sagot ko. "Sige na, baka kailangan ka na ng mga customer sa 'taas. Don't worry about me. I can handle," pagtataboy ko na sa kan'ya. Tumayo na nga siya habang nakaharap sa akin. "Si Mr. Chen 'yon. Regular VIP customer dito. Madalas 'yon dito kapag may celebrations, o kaya naman ay gatherings. Kailangan din na on-hand ako sa kanila dahil metikoloso ang Instik na 'yo. But it's okay. Malaki naman s'ya magbigay ng tip, eh," natatawang saad pa niya. Maya-maya ay umayos siya ito ng tayo at nagpamulsa. "So, bye for now. Enjoy yourself, babe," paalam niya pagkatapos ay kumindat pa. "Okay." Tumalikod na si Seiichi at naglakad paalis ngunit muli siyang lumingon sa'kin at ngumisi. "And don't assumed too much, babe, na kaya ako nagpunta dito dahil nag-alala ako sa'yo. Nauhaw lang ako, 'no? Ang advance mo naman mag-isip?" Bumanat na siya ng layas pagkatapos sabihin iyon. "f**k you!" pahabol na sigaw ko sa kan'ya kahit hindi ko alam kung narinig pa niya 'yon. Naiwan naman akong iiling-iling na lamang
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD