Heinz's POV
Home Sweet Home!
NAKARAMDAM agad ako ng kahungkagan sa sarili pagpasok sa loob ng bahay. Agad akong nagtungo sa sala at naupo sa single sofa na naroon at sumandal. Inilapat ko ang batok sa sandalan kung kaya't bahagya akong nakatingala. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ng mga sandaling iyon, kahit wala naman akong ginawa kung hindi umupo maghapon, kaharap ang laptop at pag aralan ang panibago kong misyon.
Naramdaman kong muli ang pamimigat ng aking dibdib, katulad nang dati. Hindi man lang nawala ang sakit o kaya naman ay nabawasan. Ang pamilyar na sakit sa aking dibdib ay hindi na yata maaalis pa. '5 years na! Pero pakiramdam ko ay kailan lang nangyari. I feel nothing but pain and sadness. . . usal niya sa isipan.
Ibinaba ko ang paningin at dumako iyon sa wedding picture namin ni Kylie na nakapatong sa side table. Dinampot ko ito at pinakatitigang maigi. Napangiti ako ng mapait. Ang maganda at maamo niyang mukha sa larawang iyon ay lubos na nagparamdam sa akin ng pangungulila. Ang mga mata niyang bilugan ay punong puno ng buhay sa larawang iyon.
Pakiramdam ko ay lalong tumitindi ang bigat ng aking dibdib habang nakatunghay sa larawan niya. Ang pamilyar na kirot na unti-unti kong nararamdaman ay nakaapekto na sa aking paghinga. God knows how I miss you, Honey! madamdaming usal ko pagkatapos ay niyakap ang picture frame na iyon nang mahigpit at hinalikan.
Pumikit ako nang mariin ng maramdaman ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Namuo na ang luha roon at nagbabadya ng mahulog. Gustuhin ko man itong pigilan ay huli na. Dahan-dahan ng pumatak ang mga ito sa aking pisngi. Yumuko ako at sinapo ang mukha ng aking palad at doon ko tahimik na umiyak. s**t! I'm so gay! natatawa kong usal sa sarili.
Iiling-iling pa ako na tila ba may kausap. Ang bigat ng dibdib ko ng mga sandaling iyon ay nakaapekto sa aking normal na paghinga. Bumigat ito na para akong kinakapos ng hangin. Ang t***k ng aking puso ay napakabilis kaya pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit ang totoo ay hindi. "I love you so much, Honey!" usal ko habang nakayuko sa aking palad at patuloy ang pagbuhos ng luha.
Siguro nga ay nababaliw na ako. Sino ba naman ang taong minamahal pa ang isang taong wala na? Sino ang gaya niyang minamahal pa ang taong alam mong malabo ng magbalik pa sa'yo. . . dahil kinuha na ng iba? Nakakaloko 'di ba? Nakagagago sa panginin ng iba. Pero 'eto ako, I can't stop my f*****g self for loving Kylie. . .even she's gone. . . forever. Kahit sabihin pa ng iba na nasisiraan na ako ng bait.
"s**t! Kailangan ko na yata'ng magpunta sa psychiatrist," tatawa-tawa kong saad sa sarili. Literal na kinakausap ko na ang sarili ng mga sandaling iyon.
But what can I do? I love my wife more than myself. Kaya kahit na limang taon ng wala ito, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko para sa aking asawa. Hindi nagbago. . .
Hindi nawala. . .
Hindi kumupas. . .
Sa tuwing umuwi ako sa aming bahay ay naaalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko siya.
Kasamang kumain. . .
Kasamang matulog. . .
Kasamang gumising. . .
Kasamang maligo. . .
Kasama sa lahat ng bagay. . .
Kaya marahil hanggang ngayon ay nababaon pa rin ako sa lungkot at sakit. Hindi maka-
ahon. O mas tamang sabihin na, hinayaan ko na lamang ang sarili na malugmok ako sa lungkot at pangungulila. Dahil hindi ko pa rin kayang bitawan ang lahat ng tungkol kay Kylie. Lahat-lahat ng tungkol sa kanya, pangit man o maganda. Kapag natutulog ako, pakiramdam ko ay katabi ko pa rin siya sa kama.
Naaamoy ko ang kan'yang buhok. . .
Naaamoy ko ang kan'yang balat. . .
Naaamoy ko ang kan'yang mabangong hininga. . . Kaya ang unan niyang madalas gamitin ay hindi ko inaalis sa aking tabi. Hindi ko ito nilalabhan. Dahil kapag yakap ko ito, pakiramdam ko ay yakap ko na rin siya.
Paggising ko sa umaga, pakiramdam ko ay kasama ko pa rin siya sa hapag-kainan. Kung kaya't t'wing kumakain ako ay may isang plato na may lamang pagkain ang nakahanda para sa kan'ya. Sa gano'ng paraan ay nararamdaman kong kasama ko pa rin siya.
Hindi ko rin tinatapon o ipinamimigay ang mga gamit niya. Hindi ko ito ginalaw kahit isang beses man lamang. Katabi lamang ito ng mga gamit ko kung kaya't pakiramdam ko ay nandoon pa rin siya. . . sa loob ng aming tahanan.
Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng aking luha ng mga sandaling iyon at hinahayaan ko lamang ito. Nanatili lamang akong nakasubsob sa aking dalawang palad.
Ang sakit. . .
Ang sakit-sakit. . .
Napakasakit kapag ang isang taong mahal na mahal mo at inaasahan mong makakasama mo habang buhay ay bigla na lamang kinuha sa'yo.
Kinuha sa'yo nang wala kang kalaban-laban. . .
Akala ko nga noong una ay hindi ko kakayanin ang paghihirap at nakababaliw na sakit. Araw-araw akong nagpapakalango sa alak. Hindi ako kumakain at puro alak lamang. Nagkukulong ako sa bahay at doon nagpapakamatay sa kakainom. Wala akong kinakausap. Ang aking mga magulang ay hindi malaman ang gagawin. Maging si Aki ay hindi ako makausap o maski malapitan man lamang.
Nasira din ako sa'king trabaho. Hindi na ako pumapasok. Matutulog ako ng umiinom, gigising akong umiinom pa rin. I feel so lost and wasted that time. Pakiramdam ko ay wala ng halaga pa ang mabuhay kung hindi ko kasama ang aking mahal. Kaya madalas kong ipanalangin noon sa tuwing matutulog ako, sana ay hindi na ako magising pa. Wala ng saysay ang buhay ko dahil wala na ang taong minamahal ko.
Subalit, nagising na lamang ako isang umaga na ayaw ko na. Ayaw ko ng magmukmok. Ayaw ko ng umiyak. Ayaw ko ng tuluyang sirain ang buhay ko, dahil naisip ko ang madalas na sabihin noon ni Kylie. . .
"Kakambal na ng buhay natin ang sakit, honey. Hindi tayo matatawag na tao kung hindi tayo nakararanas masaktan. Pero 'wag mong hayaan na talunin ka ng sakit na nararamdaman mo. Ikaw dapat ang tumalo sa kaniya. "
Simula noon, sinikap kong bumangon. Sinikap kong harapin ang sakit. Sinikap kong huwag magpaapekto sa lungkot. Sinikap kong alisin ang galit. Pinilit kong ibalik ang buhay ko sa dati. Nilabanan ko ang lahat. . .
Dahil alam ko, kung nasaan man si Kylie ngayon, malulungkot siya at lubos na masasaktan dahil sa ginagawa ko sa aking sarili. Pinilit kong umahon sa pagkakalugmok sa tulong ng aking mga magulang at kaibigan.
Nag-angat ako ng mukha mula sa matagal na pagkakasubsob sa aking mga palad. Hilam ng luha ang aking mata. Bahagya na rin akong sumisinghot dahil sa sipon. 'Tsk! Such a cry baby, Heinz! My god! You are 28 already!'
Bahagya akong natawa sa naiisip na iyon. Pagkatapos ay tumayo ako at tinungo ang kusina. Binuksan ko ang ref upang kumuha ng in-can na beer, saka muling bumalik sa sala at pumunta sa CD rack, kung saan nakalagay ang mga CDs na madalas kong pinakikinggan kapag ako ay nag-iisa. Agad kong isinalang ang bala sa DVD player kung saan pawang mga kanta ni David Pomeranz ang laman.
*insert song for this part ~
On this Day by: David Pomeranz
🎶 "Here we stand today. Like we always dreamed. Starting out our life together. Light is in your eyes. Love is in our heart. I can't believe you're really mine forever. 🎶
Nagsimula ng pumailanlang ang kanta dahilan para muli kong maramdaman na pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Tinungo ko ang sofa at muling naupo saka pumikit. Ang kantang pumapailanglang ay ang 'theme song' namin ni Kylie. Ito rin ang kanta no'ng kami ay ikinasal. This song means a lot to me.
🎶 "Been rehearsin' for this moment all my life. So don't act surprised
If the feeling starts to carry me away."🎶
Nagsimula ng tumulo nang walang patid ang aking luha habang pinakikinggan ang kantang ito. Tila lahat ng mga alaala namin ni Kylie ay muling nagbalik. Isinandal ko ang likod sa sofa at saka tumingala sa kisame. Hawak ko sa kabilang kamay ang beer habang ang luha ko ay parang ulan na patuloy lamang sa pagbuhos.
🎶"On this day I promise forever. On this day, I surrender my heart. Here I stand, take my hand. And I will honor every word that I say on this day."🎶
Every lyrics of this song reminds me of Kylie. . .
🎶"Not so long ago. This earth was just a field of cold and lonely space without you. Now everything's alight. Now everything's revealed. And the story of my life is all about you."🎶
It reminds our happiest moment together. . .
🎶"So if you feel the cool winds blowing through your nights. I will shelter you. I'm forever here to chase your fears away."🎶
This song reminds our wedding vows. Kung paano kami nagsumpaan sa harap ng Panginoon na mamahalin namin ang isa't-isa habambuhay. . .
🎶"On this day, I promise forever. On this day, I surrender my heart. Here I stand, take my hand. And I will honor every word I say On this day."🎶
"In sickness and in health. . ." Naaalala ko ang mukha ni Kylie habang binibitiwan ang salitang iyon. Walang kasing saya.
🎶"Oh, I been rehearsin' for this moment all my life. So don't act surprised. If the feeling starts to carry me away."🎶
"For richer or for poorer. . ." saad ko naman noon sa kan'ya habang puno ng pagmamahal ang aking puso.
🎶"On this day, I promise forever. On this day, I surrender my heart. Here we stand, like I planned. Please say you'll always look at me this way."🎶
"'Till death. . ." Magkasabay naming sinambit iyon habang puno ng pagmamahal kaming nakatingin sa isa't-isa.
🎶"Like on this day. . ."🎶
"Do us part. . ."
🎶"On this day. . ."🎶
Ang aking tahimik na pag-iyak ay naging hagulhol. At ang hagulhol lamang na iyon ang maririnig sa apat na sulok ng aming bahay.
Nang mga oras na ito ay hindi ko na naiisip kung gaano man ako kalakas umiyak. Nang mga oras na ito, kinalimutan kong lalaki ako. Basta ang alam ko, kailangan kong ilabas ang lahat ng sakit sa aking dibdib. Kailangan kong umiyak. Ilang minuto rin akong ganoon lamang. Humahagulhol habang umiinom.
Lumipas ang mga oras na hindi ko namalayan pa kung gaano karami na ang luhang naiiyak ko. Hindi ko na rin namalayan kung ilang in-can beer na ang naubos ko. Basta nakaramdam na lamang ako ng pagkalasing, matinding pagod at antok. Kung kaya't ipinikit ko na ang aking mga mata hanggang sa unti-unti ng binalot ng antok ang aking sistema.
---
NAGISING ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Mabilis akong bumangon at hinilot-hilot ang sentido upang maibsan kahit kaunti ang sakit. Sa sofa na naman pala ako nakatulog! saad ko ng makitang nasa sala ako.
Pinilit ko pa rin kumilos sa kabila ng hangover na nararamdaman. Napangiwi pa ako ng ilibot ko ang paningin sa sala at nakita'ng nagkalat doon ang basyo ng in-can sa sahig. Agad ko itong pinulot isa-isa at saka itinapon sa trash bin. Matapos ay dali-dali akong nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Napangiti pa ako ng makita sa tabi ng aking toothbrush ang toothbrush ni Kylie. Parehas kami ng kulay nito, kulay blue. Because Kylie hates pink and violet. She said, it's so girly. At isa iyan sa mga nagustuhan ko sa kan'ya, she's different.
Nang matapos ay agad akong nagpunta ng kitchen at nagsalang ng kape sa percolator. Habang nagsasalang ng kape ay nag-toast din ako buns. Kumuha din ako burger patty sa ref at slice cheese. Kylie loves patty for breakfast that's why I learned to love it too. Ayaw niya ng hotdog, sausage o bacon na ipalaman sa tinapay. She said, it's childish. Isinalang ko ang kawali at binuhay ang kalan saka ko inilagay ang dalawang burger patty.
Ilang saglit pa ng makita kong luto na ito ay pinatay ko na ang stove. Mainit na din ang kape kaya naman kumuha ako ng dalawang tasa sa cabinet at sinalinan ang mga ito. Kumuha din ako ng dalawang plato at inilagay ang buns na tinoast ko. Nilagyan ko iyon ng tig-isang patty pagkatapos ay nilagyan ng cheese. Nilagyan ko din iyon ng mayonnaise. Because Kylie loves mayonnaise.
Napangiti ako nang makitang maayos na ang lahat. Inilagay ko ang plato na may lamang pagkain pati ang brewed coffee sa katapat ng aking kinauupuan. Pagkatapos ay naupo na rin ako sa tabi niyon. Ang isang inihanda ko ay para kay Kylie.
Bakit ko nga ba ito ginagawa? Minsan ko na rin itong itinanong sa sarili ko. Well, it's simply because, it makes me happy. Sounds crazy right? The hell I care! I do love my wife and I'm not yet ready to let go everything about her. Araw-araw ko itong ginagawa. At hindi lang every breakfast, even lunch and dinner ay ginagawa ko iyon kapag may time ako. Hindi ako nagsasawa, hjndi ako napapagod. Siguro nga ay nababaliw na ako dahil doon. But who cares? Dito ako masaya. At kahit paano ay nakababawas ang paraang ito sa aking kalungkutan.
Nang matapos ako sa pagkain ay iniligpit at hinugasan ko ang mga pinagkainan. Pagkatapos ay agad akong nagtungo sa banyo upang maligo. Pagkaligo ay agad akong nagbihis. Isang simpleng maong pants at white V-neck shirt na tinernuhan ko ng white na rubbershoes. Nagsuot din ako ng black sunglasses. Nang makitang maayos na ang lahat ay agad akong nagtungo sa main switch ng kuryente at ini-off ito.
Mabilis akong lumabas ng bahay at ini-lock ang main door saka tinungo ang garahe kung saan naka-park ang aking red and black Ducati Diavel. Binuksan ko muna ang gate pagkatapos ay mabilis akong umibis ng aking motor at pinaandar na ito palabas. Ihinto ko iyo sa labas ng gate saka bumaba ulit ako upang i-lock naman ang gate sa labas.
Balak kong subaybayan si Alexandria Saavedra nang araw na ito at pagplanuhan ang magiging unang hakbang ko para sa misyon.