"DAD! 'Di na ako makapaghintay! Gusto ko nang mapasakamay ang babaeng 'yon!" Nag-iigtingan pa ang panga nito sa galit, habang ang mata'y namumula at nanlilisik nang bumaling sa ama.
Tumawa ang matanda; tawang nakakapanghilakbot. "Easy son! Don't worry, pinaghahandaan ko na ang lahat. Maghintay ka lamang. Konting tiis hijo at mapapasaiyo rin s'ya!" may himig kasiguraduhang turan nito sa anak. Pagkatapos ay sumimsim ng alak sa kopita. "Kailangan lamang na malinis ang pagkakatrabaho. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nadadawit ang pangalan ko. Mahirap na, baka mabulilyaso pa ang business natin," saad pa nito saka humithit ng usok mula sa pipa at ibinuga paitaas.
Marahas na lumagok ng alak ang lalaki at saka kinuha ang cellphone, kung saan naroon ang larawan ng babaeng kinababaliwan nito. Ngumisi pa ito habang pinakatitigan ang litrato na iyon. "You're right, Dad! Pasasaan nga ba't babagsak rin s'ya sa mga kamay ko! At kapag dumating na ang araw na 'yon, sisiguraduhin kong magmamakaawa siyang buhayin ko!" litanya pa nito pagkatapos ay humalakhak na para bang nasisiraan na ng bait.
---
Heinz's POV
"MIKAEL, can you join me now? natanggap kasi ako ng information about sa sister ko na nakita s'ya somewhere in Makati. 'Di kasi ako masasamahan ni Agent Tetsuya. He's sick," nakikiusap na tanong ni Krishna mula sa kabilang linya.
Mabilis akong nag-isip kung may aasikasuhin ako ngayong araw. At nang masigurong wala ay nagpasya akong samahan s'ya. Tutal ay mamayang gabi pa naman ako magtutungo sa hotel bar para makita si Alexandria. Ilang araw din kasi akong naging abala dahil sa sunod-sunod na meeting kasama ang big boss ng DISG. Tuloy ay nabinbin ang trabaho ko at tanging si Raiko lamang ang nagre-report ng tungkol sa dalaga.
"Okay, no problem. Saan tayo magkikita?"
"Yey! Thank you!" bulalas pa niya. "Anyway, pupuntahan na lang kita sa bahay mo. Let's use my car."
Bakit sa bahay ko?kunot-noong tanong ko sa isipan nang marinig iyon.
Hindi naman sa ayaw kong magpunta sa bahay si Krishna, ang problema lang, mag-isa lang akong nakatira roon. At alam kong hindi maganda iyon para sa isang babae. Ayaw ko ring mag-isip siya ng masama sa akin. Kahit pa nga alam ko sa aking sarili na wala akong gagawing kalokohan. Pero ayaw ko rin namang isipin niyang ayaw ko s'yang imbitahan sa bahay. Isa pa, may utang na loob ko kay Krishna.
Noong gabi kasing naaksidente ako habanh patungo kay Alexandria, ay siya pala ang sumaklolo sa akin. Siya iyong babaeng rider na muntikan ko nang makabangga. At sa kagustuhan kong iwasan ito, ay ibinangga ko na lamang sa poste ang aking motorsiklo dahilan upang mahilo ako at magtamo ng minor injuries. At si Krishna nga ang rider na sumaklolo sa akin.
Hindi rin daw n'ya akalain na magkikita kaming muli. Nang malaman niya na sa DISG ako nagtatrabaho ay ako raw ang ni-request niya kay Mr. Dominguez para hanapin ang kan'yang nawawalang kapatid. Isa pa'y malaki raw ang tiwala n'ya sa akin, at alam daw niyang magagawa ko ang trabahong 'yon. Na hindi ko naman tinanggap dahil sa aking malaking misyon. At katulad ng aking inaasahan, kay Aki naibigay ang misyon na iyon.
"Okay, I'll text you my address."
"Thank you! I'll owe you one, Mikael. Anyway, see you later, 'bye!" aniya saka ibinaba ang linya.
Ako naman ay tinungo ang sariling silid upang maligo at magbihis. Nag-ayos din ako sa bahay nang bahagya lamang. Medyo makalat kasi noon ang bahay ko dahil may ilang araw na rin akong hindi nakakapaglinis gawa nang masyado akong abala sa trabaho. Tumagal din iyon ng may isang oras at nang makitang nasa ayos na ang lahat ay naupo ako sa sofa at nagpahinga.
May ilang minuto pa lamang ako sa ganoong ayos ng tumunog ang doorbell. Marahil ay si Krishna na iyon. Agad kong tinungo ang pinto saka binuksan ang gate. At tama nga ako. Nang pagbuksan ko iyon ay ang nakangiting mukha ni Krishna ang bumungad sakin.
"Good morning. Come in," anyaya ko sa kan'ya pagkatapos niluwangan ko ang pagkakabukas ng gate.
"Good morning!" ganting-bati naman niya saka bahagyang sumilip sa nakabukas na gate. "Pwede akong pumasok?" nakangiting tanong pa niya.
Mahina naman akong natawa sa sinabi niya saka itinuro ang nakabukas na pinto. "Kaya nga kita niyayang pumasok muna," kaswal na saad ko pa.
Matamis siyang ngumiti dahilan para lalong lumabas ang natural na ganda niya. "Thank you," aniya saka nagtuloy-tuloy ng pasok sa loob ng bahay.
"Maupo ka muna," anyaya ko pa saka iminuwestra ang sofa. Mabilis naman siyang naupo roon. "You like some drinks?"
"No, I'm okay. Water na lang siguro," simple niyang saad saka naupo sa two-seater sofa habang inililibot ang paningin sa buong kabahayan.
Mabuti na lang naglinis ako, lihim kong wika sa isipan habang nakatingin sa babae.
"Are you sure? How about snacks? Do you want some? Maaga pa naman," alok ko pa saka naupo rin sa sofa na katapat niya.
Umiling siya at ngumiti. "No, I'm really fine. Thanks!"
Tumango na lang ako pagkatapos ay tumayo upang magtungo sa kusina. Ikinuha ko siya ng tubig sa fridge at nagsalin sa babasaging baso.
"Are you living alone, 'Kael?" Bahagya akong nagulat nang magsalita si Krishna sa likuran ko. Sinundan pala ako niya sa kitchen.
"Yes. I'm sorry, hindi ko nasabi sa'yo. I hope it's okay to you," hinging paumanhin ko pagkatapos ay inabot ang baso na may lamang tubig sa kan'ya. "Here's your water."
Tumango-tango siya. "I see. Okay lang. Anyway, thanks!" aniya sabay abot ng baso.
"Hmmm. . . Where's your wife, Kael?" pagkuwan ay tanong pa niya nang makabalik kami sa sala. Abala siya sa pagtingin sa wedding picture namin ni Kylie na nakapatong sa side table.
"She passed away," simpleng sagot ko saka tumingin rin sa litratong iyon at ngumiti.
Nakita kong mabilis siyang napalingon sa gawi ko habang tutop ang sariling bibig. "I'm s-sorry for asking, Kael."
Ngumiti naman ako saka umiling. "No, it's okay. And besides, 5 years na siyang wala."
Tila naman nabunutan siya ng tinik dahil sa sinabi ko. "I see. Okay lang ba sa'yong pag-usapan s'ya?" alanganin pang tanong niya.
"Of course." Tiningnan ko pa siya pagkasabi noon. Tahimik naman siya at tila naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Namatay s'ya dahil sa misyon. She's an agent, too."
Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Krishna nang marinig iyon. "I'm sorry, Kael kung pinaalala ko pa," hinging-paumanhin pa niya.
Umiling-iling ako sa kan'ya saka ngumiti rito. "Okay lang. Besides tinanggap ko nang wala na s'ya. Come on! It's been five years!" Pinasigla ko pa ang boses upang huwag niyang mahalata na naaapektuhan pa rin ako sa t'wing napag-uusapan si Kylie. "Alam kong hindi rin matutuwa si Kylie 'pag nakita n'ya akong nagmumukmok," kunwa'y natatawa pang saad ko.
"Yeah, you're right. May mga bagay talaga sa mundo na kailangan naging tanggapin. . . kahit mahirap at masakit," sang-ayon naman niyang bakas ang simpatya sa magandang mukha. "Minsan, kaya may nawawala kasi mayr'on ding darating. Pero hindi naman ibig sabihin noon, kailangan nating kalimutan 'yung nawala sa atin. Minsan, ito rin 'yung magtuturo sa atin na pag-ingatan ang kung ano man mayr'on tayo ngayon, para hindi na maulit ang dahilan kung bakit tayo nawalan," saad pa ni Krishna na ikinamangha ko naman. I admire her broad-mindedness.
Bigla tuloy ang naisip ko si Alexandria. Kung sana'y ganito rin s'ya mag-isip. Hindi sana s'ya nakakulong sa sariling mundo n'ya na puro naman galit. . .
"You're right Krishna," pagkuwan ay sang-ayon ko. "Everything happens for a reason. At saka, tanggapin man natin o hindi ang dahilan na iyon, hindi na natin mababago ang nangyari na. Sa huli, tayo lang ang mahihirapan. Tayo lang din ang talo," dagdag ko pa pagkatapos ay tumayo na. "So can we go now? Hinihintay ka na ng kapatid mo." Inabot ko pa ang kamay sa kan'ya para alalayan siyang tumayo.
Tila naman nagulat siya sa ginawa kong iyon ngunit pagkuwan ay ngumiti rin ng matamis saka iyon inabot. "Thanks, Kael. I do hope na makita ko na s'ya ngayon."
Mababakas sa tinig ni Krishna ang lungkot at pag-aalala nang maisip ang nawawalang kapatid. Kung kaya't mas lalo ko naman hinigpitan ang pagkakahawak sa palad n'ya at hindi ito binitiwan hanggang sa makalabas kami ng bahay.
"Don't worry Krishna, we'll find her. Magtiwala ka lang," pagpapalakas-loob ko pa saka nginitian siya.
Tumango-tango naman siya. "Thank you, Kael."
"You're welcome."
Nang marating ang gate ay binitiwan ko na ang kamay niya saka binuksan iyon. Na muli ko ring isinara nang tuluyan na kaming makalabas. Pagkatapos ay tinungo namin ang sasakyang niyang nakaparada sa 'di kalayuan. Inalalayan ko muna siyang sumakay sa passengers seat dahil nagprisinta akong ipagda-drive siya subalit tumutol ito at sinabing siya na lamang ang magmamaneho.
"Ako na. Nakakahiya naman kasi sa'yo, Kael. Inabala na nga kita, ikaw pang magda-drive," aniya habang minamaniobra ang sariling sasakyan palabas sa drive way.
"Wala iyon. Wala naman akong ginagawa," sagot ko naman habang nakatingin sa labas ng bintana. Sana maaga kaming makauwi. I want to see her, wika ko sa isipan na ang tinutukoy ay si Alexandria.