37

1943 Words
Heinz's POV "I'M SORRY Krishna." Malamlam ang mga mata ni Krishna nang tumingin sa akin. Tanda na malungkot siya dahil hindi namin natagpuan ang nawawalang kapatid. "It's okay. Sobrang nalulungkot lang talaga ako dahil hindi natin nakita ang kapatid ko." Bigo naming makita ang kapatid niya nang puntahan namin ang apartment na tinutuluyan nito. Ang sabi pa ng mga nakausap namin roon, nakaalis na raw ito noong isang araw pa. Sa aking palagay, marahil ay pinagtataguan talaga siya ng nakababatang kapatid. Tinapik ko siya sa balikat upang aluin. Dahilan upang mag-angat siya ng tingin at pilit na ngumiti. "'Wag kang mawalan ng pag-asa. Mahahanap at mahahanap din natin siya okay? At least, alam nating safe s'ya. For now, let's eat. Kanina pa kasi nagwawala 'yung mga alaga ko sa t'yan," pag-iiba ko ng usapan para kahit paano ay gumaan ang dibdib niya. Natawa naman siya sa sinabi ko. "I'm sorry, I forgot. Hindi pa nga pala tayo naglu-lunch." Inabot na kasi kami ng alas-dos ng hapon dahil sa paghahanap ng lugar na iyon sa Makati. Muntikan pa nga kaming maligaw dahil pasikot-sikot ang baranggay na pinasok namin. Nahirapan pa kami dahil pagkarating sa mismong lugar ay nilakad pa namin para mahanap ang apartment. Maliit kasi ang kalsada doon at tanging tricycle at motorsiklo lang ang maaaring pumasok. "So, let's go? My treat," nakangiting alok ko pa. "Talaga?" Namilog pa ang mga mata n'ya pagkasabi noon. She's like a kid! wika ko sa isipan habang itinatago ang pag-ngiti. "Mukha ba akong nagbibiro?" "Yehey!" parang batang bulalas niya. "Oh paano? Tara na?" anyaya niya sa akin. Nasa maliit kaming park ng mga oras na iyon. Doon ko siya napiling dalhin upang kahit paano'y mabawasan ang sama ng loob niya dahil sa hindi kabiguang makita ang kapatid. Tumango ako. "Yeah. Shall we?" nakangiting tanong ko pa sabay abot ko ng aking kamay upang alalayan siyang tumayo. Tiningnan naman niya iyon pagkatapos ay matamis na ngumiti. "Yes. Gutom na rin ako, eh," aniya saka tinanggap ang palad kong nakalahad. Tinungo namin ang kotse niyang nakaparada sa 'di kalayuan. Nang makarating sa sasakyan ay agad ko siyang pinagbuksan ng pinto sa passengers seat at iminuwestra na pumasok ito. "Ako na ang magda-drive." "Are you sure?" paninigurado niya. "I'm okay, Kael. I can drive," saad pa niya sa'kin. Nginitian ko siya saka hinawakan sa kanang braso at giniya papasok sa kotse. "Yeah, ako na. Ayaw mo ba? Don't worry, hindi ko ibabangga," nakangising sagot ko naman bago isara ang pinto. "Hindi naman 'yon ang tinutukoy ko, eh," nakangusong turan niya. Natawa naman ako sa kan'ya pagkatapos ay tuluyan ng isinara ang pinto. Somehow ay masaya akong kasama ito. Para akong nagkaroon ng nakababatang kapatid sa katauhan n'ya, kahit pa nga alam kong ilang taong lamang ang tanda ko rito. "Let's go!" Inabot naman niya ang susi ng sasakyan pagkatapos ay ini-start ko na iyon. "Saan mo gusto kumain?" tanong ko pang nakatutok ang atensyon ko sa pagmamaniobra ng sasakyan. Ngumuso naman ito na tila nag-iisip. "Sa Victoria's na lang. I want French cuisines." Nang marinig ko na ang binanggit niyang Victoria's ay lihim akong napangiti. Iyon kasi ang restaurant kung saan kami unang nagkita ni Alexandria. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka-miss nang maalala ito. Magkikita rin tayo mamaya, Alexandria, wika ko sa isipan saka mabilis na lumingon kay Krishna. "Oui m'dame!" nakangiting sagot ko sa salitang French na ang ibig sabihin ay 'Yes, Ma'am'. --- Seiichi POV "Nani? Miai kekkon?" galit na tanong ko kay Papa. *What? Arranged marriage? Hindi ako makapaniwala na pinauwi lang niya ako sa Japan para sabihin ang gan'ong klaseng kalokohan. Nag-iigtingan ang aking panga habang matalim ang tinging ipinukol sa kan'ya. Ngunit siya naman ay parang wala man lang pakialam. Well, that's you, Dad! Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ko! Nakita kong sumimsim muna siya ng alak bago muling magsalita. "Hai, musuko. Kekkon shite hoshī," may pinalidad na saad pa ni Papa. *Yes, my son. I want you to get married. Fuck! I hate this! Marahas akong umupo sa sofa na naroon at madilim ang mukha ko s'yang pinagmasdan, saka ibinaling kay Mama. Gusto ko siyang kausapin tungkol doon, pero alam ko naman na wala rin siyang magagawa. My father was a dictator. Walang pwedeng bumali o tumutol sa gusto niyang gawin. Walang maglalakas-loob na lumaban sa kan'ya---kahit sino. Hindi ko nga alam kung bakit minahal ni Mama ang katulad n'ya. Samantalang kung si Papa ang titingnan ko ay hindi siya kakikitaan ng pagmamahal sa sariling asawa. Ayon sa kwento ni Mama sa'kin noon, arranged marriage daw ang nangyari sa kanila. Galing kasi sa kilala at mayamang angkan sa Pilipinas. My mother is a Filipino and my father is a Japanese. Nagpakasal ang mga ito dahil na rin sa kagustuhan ng kani-kanilang mga magulang. At dahil na rin sa kagustuhan ni Mama ay sa Pilipinas nila napagdesisyonan na tumira. Kung kaya't kung titingnan si Papa ay mahahalatang banyaga ito. Pero kapag magsalita na siya ng Tagalog ay diretso na ang dila na akala mo'y isang tunay na Pinoy. Nag-aral kasi siyang magsalita ng Tagalog kung kaya't gan'on siya kahusay. Sa Pilipinas na rin ako ipinanganak at nag-aral hanggang highschool. Pero noong magko-kolehiyo na ako ay umuwi kami ng Japan dahil sa kagustuhan ni Papa. At labag man sa loob ko, sa Japan ko ipinagpatuloy ang pagko-kolehiyo. Ang sabi ni Mama ay natutunan din niyang mahalin si Papa sa paglipas ng panahon. Nang tanungin ko naman s'ya kung gan'on din ba ang nararamdaman ni Papa sa kan'ya ay ngumiti lang siya at sinabing, "Mahal n'ya tayo anak." Lumaki akong hindi malapit sa kaniya. Lagi kasi siyang wala sa bahay, dahil sa mga negosyo niya, at madalas ay out-of-town pa iyon. Kung kaya't kami lang ni Yuki na younger sister ko at si Mama ang naiiwan sa bahay. Ni hindi nga kami nakaranas magkapatid na makipaglaro o kaya ay kahit man lamang kumain ng kasabay si Papa. Wala siyang oras na amin. Kaya doon unti-unting nabuhay ang galit ko sa kan'ya. My father was also the leader of a terror group in Japan called Yakuza. Hawak ng organisasyong ito ang pagpapalakad ng mga negosyo niya sa iba't-ibang lugar sa Japan gaya ng Okinawa, Osaka, Tokyo, Nagasaki, at Kyoto. Mayaman at kilala ang angkan ng mga Kawashima sa Japan. Iba't-ibang negosyo ang hawak ng aming pamilya, katulad ng luxury hotels, resorts, restaurants, at pati na rin ang pagbebenta ng mga luxury cars at accessories. Samantalang ang negosyo naman niyang naiwan sa Pilipinas ay sa akin niya ipinaubaya. At iyon nga ang Racing club na sa kasalukuyan ay may 8 branches na sa NCR, pati ang hotel bar na may 10 branches na rin. Masaya ako dahil successful kong napalago ang negosyong ito ni Papa. Ang ayaw ko lang ay kahit nasa wastong edad na ako ay hinahawakan pa rin n'ya ako sa leeg. Kontrolado pa rin niya ang buhay ko. Siya lagi ang nagdedesisyon ng mga bagay tungkol sa akin. Well, simula pa noong maliit ako ay ganoon na siya. Pakiramdam ko nga ay para akong asong nakakadena at hawak niya iyon. Susunod lang ako sa amo at bawal ang tumutol. Lagi rin niyang sinasabi na balang-araw, ako raw ang magmamana ng mga negosyo niya at maging ang pagiging lider ng Yakuza. Pero ayaw ko ng ganoon. Gusto kong mamuhay malayo sa impluwensya ni Papa. Subalit sa tingin ko ay malabo na itong mangyari. "Okāsan! Anata wa sudeni kore ni tsuite shitte imasu ka?" untag ko kay Mama na kasalukuyang walang imik at nakatungo lang sa tabi ng ama ko. *Mom! Do you already know about this? Nanatiling walang imik si Mama at nakatungo lang. At hindi na niya kailangan pang magsalita upang malaman ko ang sagot. Alam ko na ang ibig sabihin ng pananahimik n'ya. Fuck! Bakit pati putang inang pag-aasawa ko ay papakialam n'yo pa? Lahat naman ay ginawa ko na! puno ng hinanakit kong wika sa isipan habang palipat-lipat ang tingin sa mga ito. "Nakaplano na ang lahat at wala ka nang magagawa pa, hijo," ma-awtoridad na saad ni Papa saka tumayo at tinungo ang estante ng alak pagkatapos nagsalin sa baso. Napasabunot ako sa sariling buhok at hinilamos ang mga palad sa mukha sa sobrang frustrations. "Are you crazy, 'Pa?" masama ang tingin kong tanong pa. "Dahil ba arranged marriage ang nangyari sa inyo ni Mama ay gan'on din ang gusto mong mangyari sa akin, Pa?" asik kong pinagdiinan pa ang mga sinabi. Nakita ko kung paanong nagitla si Mama dahil sa sinabi ko saka nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Papa. Si Papa naman ay nanatiling blanko ang ekspresyon na animo'y wala lang ang pinag-uusapan. Dahilan upang lalo akong makaramdam ng poot sa matandang ito. "'Pa, for god's sake. . . I want a normal life. Ang gusto kong mapangasawa ay 'yung taong mahal ko." Bumalatay ang awa sa mukha ni Mama nang sabihin ko ito. Pero nanatili pa rin siyang walang imik ng mga sandaling iyon. Ma, sana kahit minsan, ipagtanggol mo naman ako sa magaling mong asawa. . . puno ng hinanakit ko pang turan sa isipan habang pinagmamasdan siya. "Anata mo kanojo o aisuru koto o manabudeshou," aniyang parang walang pakialam sa nararamdaman ko. Tumalikod siya sa gawi ko saka tinungo ang bintana kung saan kitang-kita ang pagbuhos ng snow sa labas. *You will learn to love her, too. Matututunang mahalin? Nababaliw ka ng talaga! Lalong nagpuyos ang kalooban ko dahil sa sinabi ni Papa. Pakiramdam ko ay umakyat na ang lahat ng dugo sa ulo ko. Marahas akong bumuntong-hininga bago nagsalita. "Why Dad? Si Mama ba ay natutunan mong mahalin?" lakas-loob kong tanong habang nakatingin sa likuran niya. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong nanlaki ang mga mata ni Mama at nangingilid ang luha. Sa palagay ko, hinihintay rin niyang marinig ang na sabihin ito ni Papa---na mahal siya nito. Pero nagdaan ang ilang sandali na tahimk lang si Papa habang nakatingin sa labas at sumimsim ng alak. Nakaramdam ako nang matinding galit sa pananahimik niya. "f**k! Answer me, Dad! Ano? Minahal mo ba ang Mama?" Humarap siya sa akin pagkatapos kong sabihin iyon. Bakas sa mukha niya ang galit habang nakatingin sa akin ng diretso. Pero agad rin siyang nagbawi ng tingin at inilipat iyon kay Mama na noon ay nakatungo lang at hindi makatingin sa asawa. Napamaang pa ako nang makitang lumambot ang ekspresyon ni Papa habang pinagmamasdan si Mama. Pagkatapos ay muling tumalikod at sumimsim ng alak. Ramdam ko ang matinding pagkabog ng dibdib dahil sa matagal na pagsagot niya. May kung ano kasi sa aking kalooban ang nagsasabing hindi ko magugustuhan ang isasagot ny'a. Lalo pa nga't naroon si Mama ay tila naghihintay din ng isasagot ni Papa. Please Dad, say it! Sabihin mong mahal mo si Mama! pagsusumamo ko sa isipan. "Yes. I love your Mom, Seiichi. Bakit kailangan mo pang itanong iyan? Kung hindi ko siya minahal, sana wala kayo ng kapatid mo sa mundong ito!" galit na sagot niya subalit nanatiling hindi humaharap. Nagulat ako sa isinagot niya at talagang hindi ko iyon inaasahan. Tila may kamay na humaplos sa aking puso nang marinig iyon. Idiot! Sasabihin mo lang na mahal mo si Mama, hirap na hirap ka pa! Nabaling ang tingin ko ay Mama nang marinig ang hikbi niya ng sandaling iyon. Marahil ay hindi siya makapaniwala sa narinig. I'm very happy for you, Mama! wika ko sa isipan habang lihim na napapangiti dahil sa kasiyahang nakikita ko sa mukha ni Mama. Pero kahit na! 'D pa rin ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman mahal! Si Alexandria lang ang gusto kong pakasalan at wala ng iba! may pinalidad ko pang saad sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD