Heinz's POV "TULOY ka, Mr. Alvarez. Please, have a sit," pormal na utos ni Mr. Dominguez pagpasok ko sa pribadong opisina niya. Agad naman akong tumalima at umupo sa katapat na upuan niya. "Kaya kita ipinatawag dahil may nakuhang impormasyon ang NBI tungkol sa sa mga Montemayor," agad na panimula niya nang makaupo ako. Kumunot ang noo ko sa narinig. "What about them, Sir?" kaswal na tanong ko. Umayos naman ito ng upo at tumingin sa akin ng seryosong-seryoso. "Ang mga Montemayor ay may lahing Español at Spain naninirahan, ngunit nagpunta rito sa Pilipinas dahil nagpapalamig." Nagpapalamig? Nabuhay ang kuryosidad ko dahil sa narinig. "What do you mean, Sir?" "Si Mayor Rodrigo Montemayor, isang mayamang businessman sa Spain ay isa ring leader ng grupo roon na kung tawagin ay Sindicato d

