Alexandria's POV NASA kwarto ako habang nakahiga at nag-bro-brows ng f*******: nang tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Heinz ang rumehistro sa caller ID nang damputin ko ito. Agad na kumabog ang dibdib ko dahil d'on. Napabalikwas tuloy ako ng bangon at saka sinagot ito. "Yes?" Lihim pa akong nagpasalamat nang hindi ako mautal pagkasabi niyon. "Are you free tonight?" Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang boses ng lalaki. f**k! Bakit ba ganito ang epekto n'ya sa'kin? kagat-labi Kong tanong sa isipan. "Yeah, wala naman akong lakad. Why?" "Is it okay if I invite you out? My best friend wants to meet you," aniyang may himig kasiyahan ang tinig. No'ng una, pamilya, sunod best friend. Ano kaya next? Tang'na! "Yeah sure," agad na sagot ko kahit gusto ko sanang tumut

