Heinz's POV "SO pa'no? I-te-text na lang kita kapag nakauwi na 'ko ng bahay," nakangiting paalam ko kay Alexandria. "Thanks for tonight. Sana nag-enjoy ka, Alex." Inihatid ko si Alexandria sa bahay pagkatapos namin sa bar. Hindi na rin kami nagpaabot pa ng hating-gabi dahil alam kong mag-aalala si Mr. Saavedra sa anak. Mabuti na lang at hindi tumutol ang dalaga. Ngumiti naman siya sa akin. "Yeah, nag-enjoy naman ako. Thank you!" Napangiti ako ng malapad dahil doon. "Good. Okay, I gotta go! Where's my kiss?" nakangisi pang tanong ko. Nakita ko namang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Anong kiss ang pinagsasabi mo?" aniyang salubong ang mga kilay. Sungit! Ngumisi ako sa kaniya. "Kiss ko 'kako! Alam mo na, pampagana," pang-aasar ko pa. Lalo namang sumama ang mukha niya sa

