Alexandria's POV SHIT! Ba't out of coverage ang cellphone ng Hapon na 'yon? May nangyari kaya? Napasabunot ako sa sariling buhok habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Nakailang tawag na kasi ako kay Seiichi pero hindi ko siya ma-contact. Simula kasi nang eksenang nangyari sa bar noong birthday ko, hindi ko na siya nakausap pa. Hindi rin kasi ako nakakapunta ng bar nitong mga nagdaang araw dahil madalas kong kasama si Heinz. Nawala rin sa isip ko na kamustahin siya. Isa pa, nahihiya rin ako sa nangyari. Alam kong nasaktan ko siya at ni hindi pa ako nakakahingi ng paumanhin rito. Sinilip ko muna kung ano'ng oras na sa wall clock, 8:30PM. Ayos! Maaga pa pala! Nagpasya akong magpunta sa bar. Gusto kong makausap si Seiichi at makahingi ng paumanhin sa ginawa ko. Kaya madali akong nag

