Heinz's POV NABIGLA ako nang magising malakas na tunog ng cellphone ko. Idinilat ko ang kanang mata para kapain ito sa side table kung saan nakapatong. Sinipat ko muna sa screen kung sino ang tumatawag at nagtaka ako nang makitang si Mr. Saavedra ito. What does he need this early? Bagaman inaantok pa ay sinagot ko ang tawag. "Good morning, Mr. Saavedra." "Good morning, hijo. Pasensya ka na kung naistorbo ko ang iyong tulog. May importante lang akong sasabihin. Ang aking anak. . ." pinutol ng matanda ang sasabihin. May nangyari ba kay Alexandria? Sa narinig ay bumalikwas ako ng bangon. "May nangyari ba kay Alexandria?" agad na tanong ko. Narinig kong bumuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Magpunta ka na lang dito, hijo. Kauuwi lang niya galing hospital." Fuck! What happen to her?

