8

1778 Words
Alexandria's POV "BABE? Alex? Wake up!" mahinang usal sa akin ng isang pamilyar na tinig. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, at kahit nanlalabo man ang paningin ay alam ko na kung nasaan ako. Dahil iyon sa kulay ng paligid at amoy ng silid kung saan ako naroon. Sa ospital. Naramdaman kong may mainit na palad ang nakahawak sa aking kamay. Si Seiichi. Nakaupo siya sa gilid ng hospital bed kung saan ako nakaratay. Mababakas sa mukha ni Seiichi ang matinding pag-aalala pati na rin ang relief ng makitang nagkamakay na ako. Ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking palad ay ramdam kong bahagya pang nanginginig. "Seiichi. . ." "Alex? Thanks God, you're awake!" nasisiyahang bulalas niya ng makitang dilat na ako. "I'm so sorry dahil iniwan kita do'n. Hindi man lang kita na-protektahan." Hindi na niya naitago ang panginginig ng tinig na tila maiiyak pa. Mabilis rin siyang tumayo upang yakapin ako. Masakit man ang pakiramdam ko sa aking katawan ay mahina akong tumawa dahil sa itsura niya. Hindi kasi ako sanay na makita siyang gano'n. "Gago ka talaga. . .Seii. Sabi ko sayong masamang damo ako. . . Ang masamang damo. . .matagal mamatay," mahinang biro ko sa kan'ya. "Loko ka talaga. Nagagawa mo pang magbiro sa lagay mong 'yan. Hindi mo ba alam na halos mamatay na ako sa sobrang pag-aalala sa'yo?" Nakasimangot pa ang mukha ng damuho habang nakatunghay sa akin. Hindi rin n'ya binibitiwan ang kamay kong hawak niya. Bagkus, lalo pa nga itong humigpit. Hokage moves nanaman ang gago! lihim kong wika habang nakatingin sa mukha niya. Sa pagkakataong iyon, hinayaan ko na lamang siya at hindi na ako tumutol pa. Isa pa, masarap sa pakiramdam na may isang taong nag-aalala sa'yo. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang mukha. Sa itsura niya ay mukhang s'yang pagod. Nanlalalim rin ang nga mata niya na parang wala pa siyang tulog. Pati na rin ang suot niyang long sleeve polo at slacks ay lukot at mukhang marumi. Ipinagtaka ko naman iyon kung kaya't tinanong ko ang bruho. "Teka! Sa'n ka galing? Bakit gan'yan ang itsura mo? Mukha kang nakipagbuno sa sampung kabayo, ah?" tanong ko sa kan'ya. "Hinanap kasi kita sa paligid no'ng nagkar'on ng shoot out, eh! Pinuntahan agad ako dito no'ng tawagan ako ng nurse at sinabing nabaril ka. Grabe! Halos mamatay ako sa sobrang pag-aalala sa'yo! Kaya 'eto, 'di pa 'ko nakakauwi at wala pang tulog," aniyang pilit pang ngumiti habang inaayos ang magulong buhok at gusot na damit. Nakaramdam naman ako ng konsensya dahil doon. Tsk! 'Di bale, babawi na lang ako, wika ko sa isipan. "But don't worry, babe. Pinatawagan ko na sa nurse ang Papa mo," dagdag pa niyang ikinasama naman ng mukha ko. "'Wag ka na munang makipagtalo, okay? He needs to know what happened to you. Besides, he's still your dad." Wala naman pakialam sa'kin ang hukluban na 'yon! Mabuti pa nga, mamatay na 'ko para 'di n'ya ko nagagamit! Peste s'ya sa buhay ko! Gusto ko pa sanang sabihin ang mga iyon pero pinigilan ko ang sarili. Sinamaan ko lamang ng tingin si Seiichi saka kunwaring sumang-ayon. "Oo na, sabi mo, eh. May magagawa pa ba 'ko?" sarkastikong tugon ko. "Good girl!" Tinapik-tapik pa niya ang ulo ko na parang isang aso. Tinabig ko naman ang kamay niya saka matalim siyang tiningnan. "Ano ba? 'Tigil mo nga 'yan! Hindi ako aso!" malakas na angil ko pa dahilan para mapahawak ako sa sugat ko dahil kumirot iyon. Aray! Mamatay na sana may-gawa nito! wika ko sa isipan habang sapu-sapo ang tagilirang nababalutan ng benda. Naroon kasi ang sugat bunga ng pagkakabaril sa akin. "Are you okay, Alex? Masakit ba'ng sugat mo?" maagap naman na tanong ni Seiichi saka nag-aalala niya akong dinaluhan. Sumenyas naman ako ng ayos lang. "Ang sabi ng doktor, maswerte't walang nadamay na internal organs ang pagkakabaril sa'yo. Kung hindi, baka matatagalan ka pa dito," saad ni Seiichi. Bakas sa anyo niya ang galit habang nakakuyom ang mga kamao. "Don't worry, ipapahanap ko ang may gawa nito sa'yo at pagbabayarin siya ng mahal!" Hindi na ako sumagot at hinayaan na lamang siya sa sinabi. Lihim rin akong nagpapasalamat kay Seiichi dahil sa mga naitulong niya sa akin. Siya talaga ang uri ng taong maaasahan sa lahat ng oras. "Wait, i-k'wento mo nga kung ano ng nangyari at kung sino ang nagdala sa'yo sa ospital." Bumuntong-hininga naman ako saka pilit inalala ang mga nangyari, at kinuwento ko iyon sa kan'ya. Flashback 's**t! Ano 'yon?' tanong ko sa sarili. Nakarinig kasi ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Ilang sandali pa, agad na nagkagulo ang mga tao. Naging sunod-sunod pa ang putukan kung kaya naman ay nataranta na din ako dahil sa takot at matinding kaba. Luminga-linga ako sa paligid upang tunguhin sana ang exit ng bar upang lumabas, ngunit nakita kong doon nagpapalitan ng putok ang mga alagad ng batas at ng mga armadong lalaki. Mabilis akong kumilos para sana magtago ng may maramdaman akong malakas na pitik sa tagiliran ko. Sobrang sakit niyon at para bang ano mang oras ay mawawalan na ako ng hininga. Nagpasuray-suray ako sa paglalakad habang sapu-sapo ang tagiliran na tigmak ng sariling dugo. Napakasakit ng tinamo kong sugat dahil sa tama ng baril ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko pa nga ay mauubusan na ako ng dugo. Nandidilim na kasi ang paningin ko unti-unti na akong nakararamdam ng pagkahilo. Ramdam ko ring nanlalambot na ang aking mga tuhod, kung kaya't padausos kong isinandal ang katawan sa counter. Mahigpit ko ring sapu-sapo sugatang tagiliran para pigilan ang napakaraming dugo na umaalpas doon. Subalit sa tindi ng hapdi at sakit na nararamdaman ay humandusay na ako sa sahig. Pakiramdam ko ay hinang hina na ako ng sandaling iyon. Ilang minuto akong nasa gano'ng ayos ng may matigas na braso ang nag-angat sa akin mula sa sahig. "Miss?! Are you okay?! f**k! May tama ka!" Dinig ko ang panginginig boses ng kung sino mang may dala sa akin. Hindi ko makita ang itsura nito ng mga sandaling iyon dahil hindi ko na maimulat pa ang mga mata ngunit lihim akong nagpasalamat dahil sinaklolohan niya ako. "Hold on, Miss! I'll bring you to the hospital. Just hold on, woman. Please?" Iyon na lamang ang huling narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay. *End flashback Tumango-tango naman si Seiichi pagkatapos kong i-kwento sa kan'ya ang lahat. "Dapat ko palang pasalamatan ang taong nagligtas sa'yo. Kung 'di dahil sa kaniya, baka patay ka na ngayon, Alex," saad niya habang nagbabalat ng mansanas. Napaisip naman ako ng mga sandaling iyon. Tama! Dapat ko s'yang pasalamatan. Kung 'di dahil sa kan'ya, baka pinaglalamayan na 'ko. "Seii. . ." pukaw ko rito. "Why, babe?" tanong nito sabay isinubo sa akin ang mansanas na natalupan na. Alanganin ko naman iyong sinubo at kinain. "Thanks." "'Oy, kinilig siya. First time may nagsubo ng apple sa'yo, 'no? Ang sweet ko 'di ba?" pang-aasar ng damuho pagkatapos ay kumindat pa. "Gago! Feeling ka masyado!" "Tse, sungit!" nakasimangot na sagot naman niya saka ako muling sinubuan ng maliit na hiwa ng mansanas. "Ano nga pala 'yung sasabihin mo?" Nilunok ko muna ang kinakain pagkatapos ay nagsalita, "Gusto ko sanang humingi ng pabor." Ngumiti ng nakakaloko ang bruho ng marinig iyon. "What is it, babe? Gusto mo na bang pakasalan kita?" "f**k you! Kasal your face!" Humalakhak ang bruho pero agad ding tumigil ng tingnan ko siya ng masama. "Sorry." Nag-peace sign pa ang damuho bago sumeryoso. "Okay, seryoso na. Ano 'yung favor na sasabihin mo?" "Kunin mo sa nurse station ang pangalan ng lalaking nagdala sa'kin dito. I would like to thank him personally." Napansin akong natigilan si Seiichi sa sinabi ko pero sandali lamang iyon at muli ding ngumiti. "Sus! 'Yun lang pala. 'Kala ko sasabihin mo ng mahal mo na 'ko," hirit pa niya na sinagot ko naman ng masamang tingin. "Sige, sige na! 'Eto na nga, lalabas na. High blood agad!" Mabilis nga niyang tinungo ang pinto habang ngingisi-ngisi at saka lumabas. Ilang sandali rin siyang nawala at ng bumalik ay may hawak ng maliit na papel. Inabot ni Seiichi iyon sa'kin na agad ko namang kinuha."'Yan daw ang calling card ng lalaking nagdala sa'yo dito. He left it out just in case you asked about him, sabi ng nurse." Tiningnan ko ang calling card at binasa ang pangalan na nakalagay doon. Heinz Montero, basa ko sa aking isipan. Bigla ay nakaramdam ako ng pagsikdo ng dibdib matapos mabasa iyon. Pakiramdam ko rin ay para akong na-exite, sa hindi malamang dahilan. What the hell, Alexandria? Ano'ng dapat mong ika-exite? Ni hindi mo nga alam kung anong klaseng tao 'yan! Baka mamaya, kasabwat pa 'yan ng nakabaril sa'yo! kastigo ko habang nakatitig lamang sa tarhetang iyon. Pero ako na lamang din ang tumutol sa ideyang naisip na marahil ay masamang tao ang lalaking 'to. Bakit n'ya ako ililigtas kung kasabwat s'ya ng bumaril sa'kin? Com'on, Alexandria! Mag-isip ka nga! Sa matagal kong pananahimik ay bumanat na naman si Seiichi. "Tsk! Mukhang pangalan pa lang, na-inlove ka na, ha?" Umiling-iling pa kunwari ang damuho habang pinupukol ako ng masamang tingin. "Ulol! Inlab your face! Dami mong dama!" Ngumuso pa ang kumag saka tumingin sa akin ng malungkot. "Ipagpapalit mo ba 'ko d'yan sa 'knight in shining armour' mo?" tila batang tanong pa niya sa akin. Umiling naman ako saka ngumisi; nang-aasar. "Depende kung mas matino s'yang kausap kesa sa'yo," tudyo ko pa. Lalo namang humaba ang nguso niya na tila batang inagawan ng candy. Abnoy talaga! lihim kong wika sa sarili. "Basta 'wag mo 'kong ipagpapalit." Tinaasan ko siya ng kilay. "Okay ka lang? Nauntog ba ulo mo?" Nandilat naman siya ng mata. "Oh, bakit?" "Akala ko nauntog ka. Kung anu-ano ang pinagsasabi mo, eh. Kinuha lang 'yung pangalan ng tao, inlab agad, iiwan agad ang eksena mo?" Humaba lamang ang nguso niya saka sinubuan ang sarili ng tinalop na mansanas. "Eh, bakit ba?" tanong niyang ngumunguya pa. "Baka mamaya, mas gwapo pa sa'kin 'yan, eh. Mas hot, mas habulin ng babae, magkagusto ka pa." Wow! Iba talaga! Advance thinking ang gago! "Shabu pa more," natatawang pang-aasar ko naman. Lalo naman sumama ang mukha ng bruh, pagkatapos ay humalukipkip. "Oo. Tara, shabu?" nanghahamong asik niya sa'kin. Inilapit pa niya ang sariling mukha sa tapat ko. Umiwas naman ako at may nilayo ang sarili. Mahirap na, baka mangagat ka pa. Nauulol ka pa naman, wika ko sa isipan habang nakatingin sa damuho. Nginisihan ko s'ya dahil sa sinabi niyang iyon. "Ulol! Ikaw na lang." "Ang ibig kong sabihin. . ." Ngumisi pa siya ng nakakaloko sa akin. Salubong naman ang kilay ko habang naiiling na nakatingin sa kan'ya. "Tara, shabu-hay ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD