9

2084 Words
Heinz's POV TUNOG NG cellphone ko ang pumukaw sa 'king ginagawa ng mga oras na iyon. Kasalukuyan akong nasa study table at pinasasadahan ng tingin ang ilang dokumento. Agad kong dinampot ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text na iyon. Agad na umarko ang kilay ko ng mabasa ang mensahe. *Text Message from 0912******* "Good morning Mr. Montero. Can I see you? You saved me last night. I just want to thank you personally. Victoria's restaurant; 8:00PM. Thank you." Napangiti ako ng malapad ng mabasa ang text na iyon. "Akalain mo nga naman, nangyari na ang inaasahan ko," wika ko habang nakangisi. 'Di na 'ko mahihirapang lumapit dahil ikaw na ang kusang lumapit. . . Kaagad akong tumugon sa text niyang iyon. Sure. I will come. Nang makita kong nag-send na ito ay ibinaba ko na ang cellphone at binalingan ang mga papeles na nasa ibabaw ng mesa ko. Pero 'agad din akong natigilan nang maalala ang mga pangyayari noong nakaraang gabi, at naging tulay para magkakilala kaming dalawa ng dalaga. Malinaw pa sa isipan ko ang mga naganap, mahigit isang linggo na ang nakalilipas. Flashback Kasalukuyang nasa Kawashima Hotel and Bar ako ng gabing iyon dahil sa isang malaking operasyon. Ang pinagsamang pwersa ng NBI at DISG ay nag-conduct ng isang entrapment operation sa nasabing bar. Napag-alaman namin na ang target naming si Mr. Chen ay naroon sa bar na 'yon at may illegal transaction. Si Aki ang may hawak ng kasong iyon at sa mga sandaling ito ay nasa loob siya ng bar kasama si Mr. Chen. Nagpanggap kasi itong isang mayamang negosyante na bibili ng babae sa Intsik. "Okay men, move!" Mabilis kaming kumilos ng marinig iyon at maingat na pumasok sa bar. Pinalibutan namin ang labas at loob niyon, pati na rin ang entrance at exit para hindi makatakas ang mga ito. Subalit tila natunugan ng mga tauhan ni Mr. Chen ang operasyon kung kaya't pagpasok pa lamang ng grupo sa bar ay sinalubong na kaagad kami ng tauhan ng matandang Intsik, kaya't nagkaroon na ng palitan ng putok. Nagkagulo na rin ang mga customer sa bar pero mabilis naman silang inalalayan ng mga pulis palabas roon. Mabuti na lamang at weekdays iyon kaya't iilan lamang ang customer noon. Ilang saglit pa, ang grupo na lang namin at ng mga kalaban ang naroon sa bar at nagsasagupaan. Habang gumaganti ako ng putok sa mga tauhan ni Mr. Chen ay napansin ko sa hindi kalayuan ang isang bulto ng civilian. Malayo man ay natitiyak kong sugatan ito, kung kaya't maingat at mabilis kong tinungo ito upang saklolohan. Nang makalapit ay nalaman kong babae pala ito. Naka-handusay na ito sa sahig, nakadapa at walang malay. Isinukbit ko muna sa bewang ang hawak na baril at marahan kong iniangat ang katawan nito upang maiharap sa akin. Pero nagulat ako ng makitang si Alexandria ito. Ang anak na dalaga ni Mr. Saavedra, ang aking misyon. Namumutla na ang mukha niya at wala ng malay. Nakaramdam ako ng matinding kaba, takot at pag-aalala ng makita ang itsura niyang tigmak ng dugo. Kung kaya't maingat ko siyang binuhat at inilabas ng bar na iyon. Hindi ko alintana ang palitan ng putok sa paligid at patuloy lamang sa paglabas sa bar. Mabuti na lamang at magaan si Alexandria, hindi ako nahirapan na dalhin at isakay siya sa police car na nakaantabay sa labas. Habang lulan ng sasakyan ay napagmasdan ko nang malapitan ang mukha niya. Nakahiga kasi siya sa mahabang upuan na naroon, habang nakaalalay akong h'wag s'yang mahulog. Ang kaba at takot pati na rin ang matinding pag-aalala para sa aking subject ay hindi na nawala sa dibdib ko. Lalo pa't halos naliligo na siya sa sariling dugo. Mabuti na rin lamang at may kasama kaming medical doctor sa sasakyan at ito ang nagbigay ng paunang lunas kay Alexandria. 's**t! Be strong woman! 'Wag kang bibitiw. Malapit na tayo sa hospital," mariin kong bulong sa walang malay na babae. Hindi malayo ang hospital sa lugar na iyon ngunit pakiramdam ko ay napakatagal ng aming byahe gayong mabilis naman ang takbo ng police car. Muli akong napasulyap sa walang malay na dalaga. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuohan niya. Hindi ko mawari kung bakit subalit sa kabila ng pag-aalala ay hindi ko mapigilang mapahanga sa napakaganda niyang mukha kahit pa nga namumutla iyon. Mas maganda pala siya sa personal. Bumagay kasi sa mukha niya ang maiikling buhok. She's so beautiful! usal ko sa sarili. Agad kong nakalimutan na kami ay nasa gitna ng emergency at pakiramdam ko ay natutulog lamang siya dahil sa napakaamong mukha nito. Hindi ko rin maiwasang tingnan ang labi niyang bagaman namumutla ay tila ba kay sarap halikan. "Nandito na tayo, sir!" Ang boses ng pulis escort na nasa sasakyan ang nagpabalik sa'kin sa katinuan. 'f**k! Ano'ng nangyayari sa'yo, Heinz? Ngayon ka lang ba nakakita ng babae at nawawala ka sa tino? At ngayon pa talaga ha? Nasa gitna ka ng trahedya at nanganganib ang babaeng pinagpapantasyahan mo!' Lihim kong inusig ang sarili, kasabay ng marahas na pag-iling. Umayos ka, Heinz Mikael kung ayaw mong mawalan ng trabaho! sita ko pa sa sarili. Mabilis kong binuhat si Alexandria at ibinaba sa sasakyan. Mabilis naman na umagapay ang mga nurse at doctor na naroon at isinakay siya sa stretcher saka ay agad ipinasok sa emergency room. Samantalang naiwan ako sa waiting area at naghihintay. Ngunit maya-maya lang ay may lumapit na nurse at may hawak na papel. "Sir, kaano-ano n'yo po ang pasyente?" "I'm Heinz Mikael Alvarez. I'm an undercover agent from DISG," sagot ko pagkatapos ay ipinakita ko ang badge sa nurse. Agad naman nito iyong kinuha at sumulat sa papel na hawak nito. "Aksidenteng nabaril siya habang nasa gitna kami ng operation," dagdag ko pa. Tumango-tango naman ang nurse habang panay ang sulat nito sa papel na dala. "Wala po ba kayong kilalang relatives ng pasyente, sir?" tanong pa ulit nito. Naalala ko namang dinukot ko pala ang cellphone ni Alexandria sa bulsa niya kanina upang kontakin sana si Mr. Saavedra ngunit sa pag-aalala ay nawala ito sa aking isip. Kinapa ko sa bulsa ang cellphone ni Alexandria at ibinigay ito sa nurse. "Cellphone ito ng patient, nurse. Please call her relatives. I have to go," paalam ko sa nurse. Tumango naman ito. "Okay po Sir," sagot nito sabay abot ng cellphone. "And please," baling ko pa sa nurse. "Hide my identity. When she ask any information about me, just gave this to her," pagkatapos ay iniabot ko ang aking calling card. "Yes sir, got it." Magpagaling ka Alexandria. Magkikita pa tayo. . . usal ko habang palabas ng ospital na iyon. End of Flashback. --- 7:45PM Maaga ako nang 15minutes sa nakatakdang usapan namin ni Alexandria. Um-order na din ako ng pagkain para sa aming dalawa. Naka-serve na din ito sa mesa ng mga oras na iyon. Sinipat ko ang aking sarili. Naka-white polo shirt lamang ko. Pinaresan ko ito ng maong pants at isang white rubber shoes. This is not my usual wear pero ayaw kong mapagdudahan ni Alexandria, kung kaya't mas pinili ko ang ganitong pananamit. Ilang saglit pa nga ang lumipas ay namataan ko na si Alexandria na pumasok sa glass door ng restaurant. Lihim akong napangiti ng makita siya. Palinga-linga pa siya na tila may hinahanap. Agad kong sinenyasan ang waiter na puntahan ito at akayin papunta sa table. Alam kong wala siyang ideya kung sino ang nagligtas sa kaniya. Mabilis naman na tumalima ang waiter at lumapit sa dalaga at may sinabi pagkatapos ay itinuro ang kinaroroonan ko. Tumingin naman sa gawi ko ang dalaga. Nginitian ko naman siya bilang pahiwatig na ako nga iyong hinahanap niya. Buong akala ko ay gaganti ito ng ngiti ngunit agad itong nag-iwas ng tingin at walang emosyong naglalakad papunta sa akin. Lihim akong napailing. 'Maganda nga subalit kabaliktaran naman ang ugali. . . Nang tuluyang makalapit ay diretso siyag tumingin sa akin at nagsalita, "Are you Mr. Heinz Montero?" Tumango naman ako at ngumiti bilang sagot. "Yes. Please have a sit," pagkatapos ay mabilis akong tumayo at inayos ang silya na katapat ng aking kinauupuan upang doon siya maupo. Tila naman naasiwa ito sa aking ginawa ngunit agad din naman siyang tumalima. "Thanks." Ako naman ay naupong muli sa upuang katapat niya at nakangiting bumaling sa rito. Nagtama ang aming mga paningin ngunit nanatiling poker face lamang ang dalaga. Hindi ko maiwasang pagmasdan ito kahit ganoon . Her face was perfect! Walang ano mang bahid ng kolorete sa mukha subalit mababakas pa rin na tila namumutla pa siya. Nanatiling nakatingin lamang si Alexandria at tila nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita sa amin. Ganito ba talaga s'ya? Ni hindi marunong ngumiti. . . Pinagmasdan ko ang mga mata niyang kulay tsokolate. Napaganda ng mga ito. Pero may kakaiba sa mga matang iyon. Tila hihigupin ka nito sa isang malalim na balon at anumang oras ay kaya ka nitong dalhin sa pinaka-ilalim. Dumaan ang ilang saglit na hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay nahihipnotismo ako sa titig niya. Subalit hindi maipagkakaila na tila kay lungkot ng mga matang iyon ni Alexandria, malamlam iyon at walang kabuhay-buhay. Alam kong may pinagdadaanan ka, kung ano man 'yon, aalamin ko, paniniyak ko sa sarili. "Gusto ko lang sana'ng magpasalamat sa'yo, Mr. Montero. Kung 'di dahil sa'yo, siguro ay namatay na ako." Sa wakas ay nagsalita na ito, pilit pa siyang ngumiti. "No, it's okay, Ms. Saavedra. Kahit sino naman ay gagawin 'yon lalo na kapag nasa kapahamakan ang isang tao," sagot ko naman saka ngumiti sa kan'ya. "So, how's your wound? Masakit pa ba?" tanong ko pa na ang tinutukoy ay ang tama niya ng baril sa tagiliran. "Nope. I'm okay. Thank you for saving me, Mr. Montero. Kung 'di dahil sa'yo, pinaglalamayan na 'ko marahil. I owe you one," pormal na pormal na saad niya habang walang kangiti-ngiti. Weird! Nagpapa-salamat pero she didn't even know how to smile, usal ko sa sarili. "Forget it, Ms. Saavedra. As I said, kahit sino naman ay gagawin 'yon. Nagkataon lang na naroon ako kaya ako ang nag ligtas sa'yo. At isa pa, masaya ako kapag nakakatulong sa ibang tao," sagot ko rito. "By the way, lets eat. Lalamig ang food," pagkatapos ay iminuwestra ko ang mga pagkaing nakalatag sa mesa. Sumulyap lamang siya roon at marahang umiling. "Thank you Mr. Montero, but I have to go. May importante pa kasi akong lakad. Tapos na rin akong mag-dinner. Nagpunta lang talaga 'ko para magpasalamat ng personal. Maraming salamat ulit," tuloy-tuloy na paalam pa n'ya saka nagtangka ng tumayo. Pero agad kong hinawakan ang braso niya upang sana ay pigilan. Subalit agad ko ding binawi ang kamay na nakahawak sa braso niya dahil tila may maliliit na boltahe ng kuryente ang gumapang sa aking katawan. Woah! What was that? Spark? takang tanong ko sa sarili. Ngunit marahas akong napailing ng mapagtanto ang naisip. Ang tanda mo na, Heinz Mikael Alvarez para maniwala sa spark na 'yan. Ano ka teenager? lihim kong sita sa sarili. Bumalatay rin ang pagkagulat sa mukha ni Alexandria kung kaya't humingi naman agad ako ng paumanhin sa kan'ya. "I'm sorry, 'di ko sinasadya." "No. It's okay." Tumayo na siya pagkuwan. Ako man ay tumayo na din. "I'm sorry Mr. Montero, but I really have to go," anito na tila hindi mapakali na naroon ito. O mas tamang sabihin na hindi siya mapakali dahil kasama ako. Ewan ko ngunit iyon ang aking nararamdaman. Marahil ay hindi ito sanay makipag-usap sa tao. At least may ideya na ako kung anong klaseng babae ka. Hahanap ako ng paraan upang kausapin mo ako ng hindi naiilang o nahihiya, wika ko sa isipan. "Are you sure, hindi ka muna kakain? Sayang naman ang food," nakangiting pagpupumilit ko pa. "Yes, I'm sorry," hinging paumanhin pa nito. "And again, thank you for saving my life. Utang ko sa'yo ang lahat. Nice meeting you Mr. Monte---" "Let's drop the formality. Just call me Heinz," putol ko sana ay sasabihin niya saka ako ngumiti ng matamis. "Okay, just call me Alex, then." "Okay. Ihatid na kita hanggang entrance. Shall we?" She nodded. Nang makarating sa entrance ay bahagya itong ngumiti at pagkuwan ay tumalikod na. Ako naman ay bumalik sa aming mesa at pinagmasdan ang mga pagkain na hindi man lang nagalaw. Uumpisahan ko sa sana ang kumain nang may napansin akong wallet sa ibabaw ng mesa. Agad naman akong ngumiti ng malapad ng mapagtanto kung kanino ito. Magkikita pa tayo, nakangiting saad ko sa isipan at saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD