'Tang'na! Naiwanan ko 'yung wallet ko! 'Di ko pa naman dala si Amber! Ang tanga-tanga ko talaga! Ughh!'
BUONG GIGIL kong pinagsisipa ang kaharap na pader nang mga oras na iyon. Nasa labas pa rin kasi ako ng Victoria's Restaurant at yamot na yamot sa sarili dahil nawawala ang letseng wallet ko. s**t! Pa'no ko makaka-uwi? Pero nabuhayan ako ng pag-asa ng maalala si Seiichi. Mai-text nga ang kumag. Sana 'di siya busy, wika ko sa sarili habang hinagilap ko ang cellphone sa bulsa. Napangisi pa ako nang makapa ang aparato roon. Thank you Lord! Mabilis akong nag-compose ng text Kay Seiichi.
To: Seiichi
Pick me up at Victoria's Restaurant, near Ayala mall. 'Di ko dala si Amber and I lost my wallet, too. Be here, asap. Thanks!
'Agad kong pinadala ang text na iyon pero halos maibato ko ng sariling cellphone ng mabasa ang text message ng network provider. Tang ina! 'Pag minamalas nga naman! Ba't ngayon pa? Hayop!
From: TNT
You have 0.00 balance.
Peste! Ano'ng gagawin ko? 'Di pwedeng dito lang ako sa kalye! f**k! Bakit kasi iniwan-iwan ko pa 'yung motor ko, eh! buong gigil Kong wika sa sarili habang sabu-sabunot ang maikling buhok.
Lakarin ko na lang kaya? Tutal medyo maaga pa. . . Pero marahas akong napailing ng maisip iyon. Sa palagay ko kasi, kulang pa ang isang magdamag bago ko marating kahit man lang ang racing club. Nanghihinang napaupo na lamang ako sa gutter habang nakasabunot ang kamay sa ulo.
"f**k! Ang tanga-tanga mo kasi, Alexandria! Bobo! Inutil!" nangigigil kong sermon sa sarili. Para na akong isang baliw ng mga sandaling na iyon. Literal kasi na kinakausap ko na ang sarili dahil sa sobra kong pagkaasar. May ilang nagdaraan pa na napapatingin sa 'kin na marahil ay iniisip nilang nababaliw na ako. So what? I don't care! Wala naman silang ambag sa buhay ko! Ilang saglit pa muna akong nakaupo sa gutter habang nagpupuyos ang kalooban dahil sa galit nang biglang may baritonong boses ang tumawag sa pangalan ko.
"Alex!" Sino 'yon?
Kunot-noo kong hinanap kung saan nanggaling ang boses na iyon at hindi ko maiwasang magulat nang makitang si Heinz ito. Yawa, timing talaga! Ang sabi ko naman, may importante pa akong lakad tapos 'eto ako ngayon, makikita mo akong nakasalampak dito sa gutter! Nice one, Alexandria! Mabilis akong tumayo nang makitang patungo s'ya sa direksyon ko. Umasta naman akong normal lamang ang lahat at sinalubong siya ng tingin.
"Why are you still here? Akala ko, umuwi ka na?"
"May hinintay ako." Muntikan pa akong mautal pagkasabi niyon. Nakaramdam rin ako ng hiya sa lalaking ito dahil marahil, iniisip niyang nagdadahilan lamang ako kanina no'ng umalis ako sa restaurant. Subalit ang totoo, nagmamadali talaga akong makaalis kanina. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko na kasama ang lalaking ito. No'ng nagkadaiti nga ang aming mga balat kanina, nakaramdam na ako ng kawirdohan. Hindi ko malaman kung ano iyon o kung ano ang ibig sabihin noon. Kung kaya't minabuti ko na lamang na umalis na.
"Okay. 'Di pa ba s'ya dumadating? Gusto mong samahan muna kita?" kaswal na alok pa niya.
Ang totoo ay wala naman ako'ng hinihintay, gusto ko sanang sabihin iyon ngunit sa halip ay umiling ako. "No, I'm okay. Baka maabala ka pan Isa pa, parating na raw s'ya," pagsisinungaling ko.
Tumango-tango naman ito "Okay, if that's what you want. I have to go. Nice to meet you again, Alex," ngumiti pa siya ng malapad dahilan upang mapansin niya ang mga biloy niya sa pisngi. "Take care, okay?"
"Thanks. And nice to meet you, too," kunwaring sagot ko na lang. Muli namang ngumiti si Heinz sa'kin saka tumalikod na. Bumugtong-hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang papalayong bulto niya na patungo kung saan. Sayang! Dapat pala nangutang na lang ako ng pamasahe! nanghihinayang kong usal sabay umiling-iling.
Sa sobrang yamot sa sarili ay marahas kong inihilamos ang mga palad sa mukha. Padabog akong bumalik sa pagkakaupo sa gutter at panay ang mura. Panay rin ang sipa ko sa kalsada. Hindi ko malaman ang gagawin ng mga oras na iyon at aaminin kong nawawalan na ako ng pag-asa. Malayo kasi talaga ang lugar na ito sa Makati kung saan ako umuuwi. At dahil nga malayo iyon ay malabong makauwi ako dahil sa paglalakad lang. Nasa gan'on akong pag-iisip nang may humintong motorsiklo sa aking harapan. Napakunot-noo ako ng makita iyon. Isang black and gold Ducati Diavel. Well, alam ko 'yon. Mahilig ako sa motorsiklo, eh. Woah! Ano naman ang kailangan ng isang 'to?
Pero labis kong ipinagtaka na hindi man lamang gumawa ng pagkilos ang sakay niyon. At sa aking palagay ay nakamasid lamang ito sa akin. Hindi rin ito nag-abalang bumaba ng motorsiklo o kahit man lamang maghubad ng helmet.
Tang'na! Trip ba 'ko ng gagong 'to? Baka killer 'to, s**t! Dahil sa mga naisip ko ay sumikdo ang matinding kaba aking dibdib. Kaya naman mabilis kong kinapa ang maliit na balisong na nakatago sa loob ng pantalon. Nakasukbit ito sa aking hita. Lagi ko itong dala upang gamitin kung sakaling hingin ng pagkakataon. Mahirap na, sa panahon ngayon, kaliwa't kanan na ang nangyayaring p*****n. Mabuti na iyong handa.
Tsk! 'Wag kang magkakamali, animal ka! Nakiramdam ako sa bawat kilos nito at handa na ako sa ano mang magiging kilos nito nang bigla itong mag-alis ng helmet na labis ko namang ikinabigla. 'Lang-hiya talaga! Ang dami mo pang dama! May pa-suspense effect ka pa! Ikaw lang pala 'yang animal ka! inis kong wika sa isipan. Pero sa kabilang banda naman, nakaramdam ako ng relief.
Nakangiti ng wagas si Heinz habang nakatunghay sa akin pero sinuklian ko lamang iyon ng masamang tingin, dahilan upang humalakhak ang damuho. "Hey! I'm sorry kung natakot kita," hinging-paumanhin niya saka parang aliw na aliw akong pinagmamasdan. "Nakita ko kasing nandito ka pa kaya dinaanan na kita. Medyo malalim na rin ang gabi. Come on! Sumakay ka na. Ihahatid na kita sa inyo!" nakangiting alok ng niya sa akin na ikinamaang ko naman.
Seriously? Nakaramdam ako ng relief nang marinig ang sinabi niya at lihim na nagpasalamat. Pero agad din akong natigilan nang maisip na sa oras na sumakay ako sa motorsiklo niya, may chance na magkalapit ulit kami niya. Iyon pa naman ang iniiwasan ko, ang lumapit rito. Hindi ko kasi gusto ang pakiramdam noon. Nagdudulot kasi iyon ng wirdo at nakapapanibagong pakiramdam na hindi ko mapangalanan. Sandali pa muna akong nag-isip dahil nagtatalo ang aking kalooban kung tatanggapin ang alok niya o hindi.
"Hey! Sasakay ka ba o tititigan mo lang ako?" nakangising tanong niya sa akin. "Don't worry, harmless ako kung 'yan ang iniisip mo," tumawa pa ang damuho pagkasabi noon saka binuhay ang ng motorsiklo.
Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ng binata at napagpasyahan kong pumayag sa alok nito. Tutal ay wala akong choice. Ayaw kong matulog sa kalsada. "Sige, sasabay na lang ako sa'yo. Sayang 'din ang pamasahe, eh. 'Tsaka sabi rin kasi n'ya di raw siya makakarating," pagdadahilan ko. Mabuti na lamang at hindi ako nautal pagkasabi niyon.
"Okay, shoot!" Umayos ito ng upo at iniabot ang isa pang helmet niya sa akin bago isinuot ang sariling helmet.
"Thanks!" tipid na sagot ko pagkatapos ay agad akong sumampa sa likurang bahagi ng motorsiklo niya saka nagsuot ng helmet. Pagsampa ko ay agad kong naamoy ang pabango nito. Lacoste Red! Lihim akong humanga dahil magaling itong pumili ng pabango. Lalaking-lalaki ang amoy. Pansin ko ring magaling din itong magdala ng pananamit. Casual lang ang suot niya ngunit hindi naitago na magandang lalaki ang damuho.
Ang totoo, ngayon ko lamang napansin ang mga iyon sa binata. Kanina kasi sa restaurant ay hindi ako komportable na kasama siya kung kaya't naka-focus ang pag-iisip ko kung paano makakaalis doon.
Congrats, Alexandria! Tinubuan yata ng p********e ang pagkatao mo! Humanga ka sa isang lalaki sa unang pagkakataon! piping kastigo ko sa sarili.
Sinulyapan pa muna niya ako bago tuluyang paandarin ang motorsiklo. "Hold on, Alex. Medyo mabilis akong pagpatakbo," paalala pa niya na nagpangisi sa akin.
Sanay nga akong nakikipaghabulan kay Kamatayan, eh! "Sige lang."
"Okay good, let's go!" saad nito pagkatapos ay pinaandar na ang motorsiklo.
Pinilit kong iniignora ang kakaibang pakiramdam sa binata habang nakasakay sa motorsiklo niya. Pasimple pa nga akong umurong sa pinakadulong bahagi ng upuan ng motorsiklo niya para h'wag mapadikit sa damuho. Ngunit nananadya yata ang pagkakataon dahil naramdam ko ang mga tuhod kong kumikiskis sa hita niya. Mababa kasi ang unahang bahagi ng upuan ng sasakyan at dahil nga mahaba rin ang mga biyas ko, kaya ganoon ang ayos ng tuhod ko. Bahagyang nakaangat ito sa ibabaw ng hita niya. Ang simpleng pag-kiskis na iyon ay nagdudulot sa akin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam; pagkaasiwa. Ramdam ko rin ang pananalaytay ng tila kuryente bunga ng pagkakadikit naming iyon. Kinalma ko ang sarili dahil hindi maganda ang nararamdaman ko ng sandaling ito. Mabilis kasi ang t***k ng puso ko. Para akong kinakabahan at natatakot sa hindi ko malamang dahilan. Focus Alexandria! Focus!
Sa buong durasyon ng byahe ay hindi kami nag-uusap. Nag-uusap lamang kami kapag itinatanong niya ang direksyon patungo sa lugar ko. Pilit ko ring inalis sa aking sistema ang nakakaasiwang nararamdaman at ipinokus na lamang ang atensiyon sa daan. Hanggang sa marating namin ang gate ng subdivision kung saan ako nakatira at doon na lamang din ako nagpa-baba.
"Are you sure, dito na lang kita ihahatid? Pwede naman hanggang sa tapat ng bagay n'yo," aniyang nakangiti pa
Umiling ako. "No I'm okay, Heinz. Kaya ko na ang sarili ko. Masyado na kitang naaabala. Maraming salamat sa lahat," pormal na saad ko lamang rito.
"Don't mention it. 'Tsaka 'di ka abala. Gusto ko naman ang ginagawa ko," sagot niyang ikinakunot-noo ko naman. Ngumiti pa si Heinz ng matamis habang matamang nakatitig sa akin.
What did he say? tanong ko sa sarili. Pero hindi ko na iyon pinansin pa. Tumango na lamang ako saka nagmamadaling nagpaalam. "I have to go, Heinz. Thank you very much again," Nakakailang din kasi ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
"Sure! Please. . . take care." Akmang tatalikod na sana ako ng muli niya ako tinawag. "Alex!"
Maang naman akong lumingon rito. "What?"
"Can we be friends?"
Hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon kung kaya't hindi agad ako nakahuma. Sandali pa muna akong naguguluhang nakatingin lamang sa kan'ya.
"It's okay kung ayaw mo---"
"O-Okay, friends," nauutal na sagot ko. s**t!
Lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi kong iyon at saka ngumiti ng malapad. Muling lumabas ang dimples niya na sa palagay ko ay lalong nagpaganda sa ngiti niyang iyon. "Thank you Alex. I hope hindi ito ang huli nating pagkikita, but bye for now. . ." sinserong saad pa niya pagkatapos ay nagsuot na ng helmet at pinaandar na ang motorsiklo. Kumaway pa muna siya sa akin bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Naiwan naman akong nahulog sa pag-iisp kung tama ba ang desisyon kong makipag-kaibigan sa kan'ya dahil pakiramdam ko ay hindi maganda ang patutunguhan niyon.
Friends lang naman. Wala naman sigurong masama doon. Isa pa, malaki naman ang utang na loob ko sa kan'ya, kumbinsi ko na lamang sa sarili.