Alexandria's POV
KATOK MULA sa pinto ng kwarto ko ang pumukaw sa'kin habang nagba-browse sa f*******: at nakahiga. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang pinto dahil alam ko namang si Papa lang iyon. Hinintay ko na lang ang kung ano mang sasabihin ni Tanda habang patuloy sa ako ginagawa. Ganoon ang setup namin ni Papa kapag nasa bahay ako. Buong araw lang akong nasa kwarto at lalabas lang kung may importanteng gagawin. At kung may sasabihin naman si Papa ay kakatok lang siya sa pinto.
"Anak, nasa sala si Cyrus. Pakibaba mo naman. Nakakahiya naman doon sa tao kung hindi mo pakikiharapan!" anito mula sa labas ng silid ko.
Agad na uminit ang ulo ko pagkarinig ng sinabing 'yon ni Papa. s**t! Ang kulit talaga ng lalaking 'yon! Ilang beses ko bang dapat sabihin na 'di ko s'ya gusto, para magtigil na'ng kabubuntot sa'kin? Inuubos ng gagong 'to ang ang pasensya ko! Buong gigil akong bumalikwas ng bangon sa kama. Hindi na rin ako nag-abala pang mag-ayos o kaya ay tumingin sa salamin. Wala naman akong pakialam sa taong kakaharapin ko. Ni hindi na rin ako nagpalit ng suot kong pantulog. Naka-pajama pa rin ako at loose t-shirt nang lumabas ako ng kwarto. Agad akong nagpunta sa sala kung saan ito naroon.
Maagap namang tumayo ang ungas sa kinauupuan nang makita ako. Nakangiti pa ito ng malapad habang nakatingin sa akin habang ako ay masama ang mukha dahil sa kaniya. Pero tila hindi man lang siya nadismaya sa sa iritasyon na ipinapakita ko dahil sige pa rin ang pag-ngiti nito na parang wala ng bukas.
"What brought you here?" walang habang tanong ko saka umupo sa single sofa at dumi-kwatro.
"Good afternoon, Alex. Flowers and chocolates for you. I hope you like it," saad niya pagkatapos ay inilapag ang mga sa center table.
"Kailan ko pa nagustuhan ang mga 'yan?" walang modo kong tanong sa kan'ya.
"Masarap 'yung chocolates, Alex. Subukan mong tikman. Originally made in Italy 'yan. Ipinasadya ko pang ipabili para sa'yo," nakangiti namang sagot niya na parang hindi apektado sa pagiging sarkastiko ko.
Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya saka umismid. Napansin kong tila nadismaya ito sa inasal ko."Sana si Papa na lang ang binigyan mo n'yan. Tutal kayo naman ang nagkakaintindihan, 'di ba?" sarkastikong turan ko pa rito.
Sa totoo lamang ay labis kong ipinagtataka kung bakit ganon na lamang ang katindi ang pagnanais ni Cyrus na magustuhan ko. Kung tutuusin, sa angking yaman ay makukuha niya ang ano mang gustuhin in one snap of fingers. Kung kaya't bakit ako ang nagustuhan ng ungas na 'to? Gayong sa yaman niya ay maaari s'yang bumili ng babae. O kaya naman, ang paris niyang mayaman ang piliin n'ya. Kung tutuusin ay rin gwapo naman si Cyrus. Katamtaman lamang ang kulay, matangkad at malaki ang pangangatawan. Maganda ring magdala ng damit dahil nga mayaman ito at as usual, mamahalin ang mga suot.
Subalit iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Mabait naman siya kapag kaharap o kausap ko. Kahit pa nga harap-harapan ko na siyang binabastos ay hindi man lang siya nagpakita ng galit. Pero hindi ko mapaliwanag kung bakit malakas ang pakiramdam ko na pakitang-tao lang iyon ni Cyrus.
Nasabi ko iyon dahil madalas ko siyang naririnig na kapag may kausap siya sa cellphone, lagi itong nakasigaw. Halos pakainin rin niya ng mura ang kung sino mang kausap niya. Iyong akala mo ay nabili na niya ang tao kung pagsalitaan. Minsan rin ay nakita ko sila ni Papa na tila ba may malaki silang pinagtatalunan. Ngunit hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Wala naman akong pakialam d'on.
Bakas sa mukha ni Cyrus na napahiya s'ya sa sinabi ko pero pilit lang siyang ngumiti. "I-I only came here because, Tito Rodney said you were hospitalized," anito sa mababang tinig. "Kumusta na ang pakiramdam mo, Alex? May masakit pa ba sa'yo?" kunwari pang tanong niya habang pasimpleng sinipat ang kabuohan ko.
Bumugtong-hininga ako upang pigilan ang inis sa lalaki. "Thanks for your concern pero sana itinext mo na lang si Papa para kumustahin ako," matabang na tugon ko. "As you can see, buhay pa 'ko. Okay ako, walang labis, walang kulang," pambabara ko pa.
Halatang napahiya si Cyrus sa mga sinabi ko dahil napatungo siya sandali. At nang muling naman siyang mag-angat ng tingin ay hindi ko mawari kung imahinasyon ko lang ang nakita ko sa mga mata niya. Nakita ko kasing naging matalas ang tingin niya ngunit agad ding naglaho nang mahuli akong nakatingin. Pagkatapos ay alanganin siyangvngumiti. 'Sige lang, Cyrus! Itago mo pa ang sarili mo! Pasasaan ba't malalaman ko din ang totoo mong pagkatao.' I smirked secretly.
"I-I w-want to checked y-you personally. Isa pa, gan'to naman talaga ang ginagawa ng isang m-manliligaw 'di ba?"
"Why, Cyrus? Bakit ginagawa mo pa rin 'to? Alam mong kahit ano'ng gawin mo, hindi kita magugustuhan. Mayaman ka, kung tutuusin, magagawa mo ang lahat ng gusto mo. Makakabili ka ng babae kung gusto mo," mariin at mahabang litanya ko sa kan'ya. Pinipigilan ko rin ang sarili kong magtaas ng boses at magalit ng husto. "May atraso ka ba kay Papa kaya pumapayag ka sa mga gusto n'ya? O baka naman si Papa ang may atraso sa pamilya n'yo at ako ang kabayaran?" panghuhuli ko sa kan'ya sabay pukol ko sa kan'ya ng nang-uusig na tingin.
Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos kong sabihin iyon. "W-Wala," mabilis na tanggi niya. "Wala akong atraso kay Tito Rodney o s'ya sa'min," nauutal namang sagot naman niya. Pinagpapawisan din ito ng husto kahit hindi naman ganoon kainit ng mga oras na iyon.
Hindi mo 'ko maloloko, Cyrus! Alam kong may itinatago ka! "Then, bakit mo 'to ginagawa? Alam mo namang walang patutunguhan, Cyrus? Alam mong ayaw ko sa'yo. 'Di kita magugustuhan kahit kailan. So, tell me, Cyrus. I want to hear," mariin pang wika ko. Hindi ko na rin napigilang ipakita ang galit sa kan'ya. Kung pwede ka nga lang, kanina ko pa s'ya nasapak.
Wala rin akong pakialam kung lumabas akong masama. Pero kailangan kong sabihin iyon, para mapilitan siyang magsabi ng totoo niyang motibo sa pakikipaglapit sa'kin. May kutob rin ako na hindi talaga ako gusto ni Cyrus at may iba siyang agenda. Kung ano man iyon, 'yon ang gusto kong alamin.
Sa sinabi kong iyon, nakita kong bumagsak ang balikat niya at tila ba labis na nasaktan at napahiya. Mangiyak-ngiyak pa siyang humarap sa akin. "Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin o kahit man lang magustuhan, Alex? Ano bang kulang?"
"Ilang beses ko pa bang dapat sabihin sa'yo, Cyrus? Tanga ka ba? Bobo? O nagtatanga-tangahan?" mataas ang tono at walang emosyon kong tanong sa rito.
"But why? I really love you Alex. . . Bakit 'di mo kayang paniwalaan 'yon? Bakit 'di mo makita?" Bakas ang sakit sa boses niya ng sabihin iyon. Subalit sa halip na maawa, lalo pa akong napoot sa kan'ya.
Pumikit ako at humugot ng hininga upang kalmahin ang sarili. "Hindi nga kita mahal. Hindi kita gusto. Gano'n lang kasimple. Bakit 'di mo maintindihan? Tanga ka bang talaga?"
Dahil sa narinig ay napatungo siya. Ilang saglit pa s'yang nasa gano'ng ayos nang muli siyang mag-angat ng tingin. Nababasa ko rin ang sakit sa mga mata niya. "Okay. Suko na talaga ako sa'yo, Alexandria. I guess, talagang walang chance na magustuhan mo ako."
Ikinagulat ko ang sinabi niya subalit hindi ako nagpahalata. Sa halip ay maang akong tumingin sa kan'ya. "What do you mean by that?"
Mapait siyang ngumiti habang nasa ibaba ang tingin. "'Di na kita pipilitin kung ayaw mo talaga sa'kin, Alex. I will respect your decision," aniya saka nag-angat ng tingin pero muli kong nakita ang kakaibang paraan niya ng pagtingin. Pailalim iyon na tila may ibig-sabihin.
Come on, Cyrus! Reveal yourself! Dahil kung hindi, ako mismo ang mag-aalis ng maskara mong 'yan! usal ko sa isipan matapos makita iyon. Pero nagpanggap lang akong hindi 'yon napansin. "Ibig sabihin ba nito Cyrus, titigilan mo na 'ko?"
Tumango naman siya ng marahan. "I don't want to pero mahirap ipilit ang sarili sa isang taong walang nararamdamang pagmamahal sa'yo," sumusukong saad niya pagkatapos ay tumayo na. "Anyway, I'll go ahead, Alex. Thank you for making me happy. Thank you for everything," pilit ang ngiting sabi pa niya bilang pagtatapos.
Tumango lang ako bilang tugon. Wala naman kasi akong nais isabot pa sa mga sinabi niya. Aaminin kong may pagkatao ko ang nakonsenya, lalo pa't bakas sa mukha niya ang matinding sakit. Subalit mas mabuti na iyon. Kaysa naman sa patuloy n'yang paniwalain ang sarili na matututunan ko siyang mahalin. Sana nga lang, totoo ang sinasabi n'yang titigilan na niya ako. Malakas kasi ang kutob kong kasinungalingan lang iyon.
Tumalikod na si Cyrus at naglakad palabas ng bahay hanggang sa magtuloy-tuloy siya sa gate. Hindi na ako nag-abalang ihatid pabsiya palabas at pinagmasdan ko na lang siya. Ngunit labis akong nagbigla nang bago siya tuluyang sumakay ng sasakyan, lumingon muna siya sa gawi ko at walang anu-ano'y ngumisi saka nagmamadaling
umibis na sa loob ng sasakyan
Napailing na lamang ako dahil doon. Alam kong hindi 'to ang huli nating pagkakakita, Cyrus. Kung ano man ang plano mong ungas ka, paghahandaan ko 'yon, lihim kong usal sa sarili habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan niya.