12

1564 Words
Rodney Saavedra's POV INI-ANGAT ko ang aking ulo mula sa pagbabasa ng diyaryo nang marinig ang tawag na iyon sa aking telepono. Inabot ko ito sa side table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Umahon ang kaba sa aking dibdib nang mabasa kung sino iyon. Tumatawag lamang kasi ito kapag may problema. Pinindot ko ang answer button at kabadong sinagot. "Y-yes?" "Oh! What a nice greetings, Rodney!" sarkastikong tugon naman niya mula sa kabilang linya. "A-anong kailangan mo?" diretsong tanong ko sa kan'ya. Hindi ko rin maikubli ang panginginig ng boses. Narinig kong pumalatak siya. "Rodney, Rodney... Mukhang hindi mo nirerendahan ang pinakamamahal mong anak, ha?" Ano na naman ba ang ginawa mo, anak? Sumasal ang t***k ng aking puso dahil sa matinding kaba at takot sa kausap. Tumikhim pa muna ako upang alisin ang tila bara sa lalamunan. "A-ano n-naman ba ang g-ginawa ng aking a-anak?" Tumawa ito nang malakas sa sinabi kong iyon. "Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong anak, Rodney?!" malakas na singhal nito. "Ipinapaalala ko lang sa'yo ang ating kasunduan, Rodney! 'Wag mong hintayin na maubos ang pasensiya ko sa inyong mag-ama! Mierda!" pagbabanta pa nito sa akin. Tila ako binuhusan ng malamig na tubig dahil dahil sa sinabi niya. Nabalot din ako ng matinding takot at kaba dahilan upang manginig ang aking buong katawan, kasabay ng panghihina ng aking tuhod. Kung kaya't bigla akong napaupo sa silyang naroon habang sapu-sapo ko ang aking dibdib na tila ba ako aatakihin. "I will give you enough time, Rodney para kumbinsihin ang walang hiyang anak mo! Kapag hindi ka sumunod sa kasunduan natin, alam mo na siguro ang kapalit, Rodney! Entiendes?" Humalakhak pa siya sa kabilang linya na tila nasisiraan na ng bait, pagkatapos ay pinatay na ang linya. Naiwan akong nakatulala at hindi makakilos dahil sa mga narinig. 'O, Diyos ko! Ano'ng gagawin ko? Tulungan mo ako! puno ng emosyon na usal ko habang nakayuko at kuyom ang mga palad. Ilang sandali akong nasa ganoong ayos ng mag-angat ako ng tingin at dumapo sa larawang nakapatong sa side table na naroon. Dinampot ko ito at hinaplos. Larawan ito ni Elena habang karga niya si Alexandria noong tatlong taong gulang pa lamang ito. Naramdaman kong uminit ang sulok ng aking mga mata habang mapait na nakatitig sa naka-ngiting mukha ng aking asawa. Mahal, nangungulila ako sa iyo. . . Patawarin mo ako sa kasalanang nagawa ko sa iyo. Hindi ko iyon ginusto. Pinagsisisihan ko na iyon. Patawarin mo rin ako dahil napabayaan ko ang nag-iisa nating anak. Patawarin mo ako. . . naluluhang usal ko habang nakatingin sa larawan. Dahil sa halo halong emosyon na lumulukob sa akin ng mga oras na iyon ay tuluyan na ngang pumatak ang mga luha ko. Labis kong pinagsisisihan ang mga nagawa ko sa aking kabiyak noong nabubuhay pa ito. Nagpadaig ako sa galit at hindi man lang inalala ang aking asawa't anak. Siguro nga ay ito na ang karmang tinatawag. Alam ko naman sa aking sarili kung gaano kalaki ang kasalanang nagawa ko sa kaniya, kung kaya't marapat lamang na parusahan ako nang ganito ng Panginoon. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang aking sarili kung bakit nawala si Elena. . . Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili dahil nagpadala ako sa galit at hindi inisip ang magiging bunga ng aking mga nagawa. Kung sana'y pinakinggan ko ang mga paliwanag niya, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat. Kung sana'y hindi ako nagumon sa alak at sugal ay hindi ko makikilala ang hayop na iyon. Kung sana'y hindi ako nagpasilaw sa pera, maayos sana ang buhay ngayon ng aking anak. Napagtapos ko sana si Alexandria at hindi lalaking suwail. Kung sana'y maaari ko lamang ibalik ang panahon, itatama ko ang mga nagawa kong mali sa aking anak at asawa. Wala kang kwentang ama at asawa, Rodney! Ikaw ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ng asawa at anak mo! sumbat ko sa sarili habang panay ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Alam kong tama lang ang lahat nang ito sa akin. Tama lang na nagdurusa ako ngayon. Kung maaari nga lamang na kitlin ang aking buhay upang mapagbayaran ang mga kasalan ay ginawa ko na. Subalit ang hindi tama ay pati ang aking pinakamamahal na anak ay dinaranas ang kalupitan ng mundo. . . Hindi dapat siya nakararanas ng ganoon. Ako lamang dapat. . . ako lang, wika ko sa isipan habang hilam ng luha ang mga mata. I'm so sorry, Alexandria, anak. Patawad kung nararanasan mo ang ganito ngayon. . .Subalit ipinapangako ko sa aking sarili at sa iyong ina na bago ako kuhanin ng Panginoon ay itatama ko ang lahat ng aking pagkakamali. Pangako anak. . .pangako, buo ang loob kong usal sa sarili habang mahigpit kong tangan sa aking mga kamay ang larawan ng aking mag-ina. May mga bagay pa rin akong hindi sinasabi kay Alexandria. Isa na roon ay ang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang ina. Hindi pa ako handang sabihin sa kan'ya ang totoo dahil hindi pa iyon ang tamang panahon. Alam kong kapag nalaman niya iyon ay kakainin siyang lalo ng galit at baka makagawa pa siya ng masama. Mahal ko si Alexandria. Mahal ko ang aking anak. . .sa kabila ng mga nalaman ko ay mahal ko siya. At handa akong gawin ang lahat para sa kaniya kahit pa buhay ko ang maging kabayaran. Tuloy-tuloy lamang pag-agos ang aking luha habang yakap-yakap ang larawan iyon. Hinaplos ko pa ang mukha ni Elena sa litratong iyon habang panay ang buhos ng aking mga luha. Pakiramdam ko kasi ay nanumbalik sa akin ang sakit noong mawala siya sa akin. Iyong uri ng sakit na walang kaparis. . . hindi humihilom. . . hindi nawawala. Kahit bahagyang nanlalabo ang mga mata dahil sa luha, ay napangiti ako nang titigan ang masayang mukha ni Elena sa litrato. Punong puno rin ng buhay ang mga mata niya sa kulang iyon at may napakagandang ngiti sa labi. Mga bagay na hindi na niya makikita kahit kailanman. Elena, sana ay tulungan mo akong maisaayos ang lahat. Sana ay samahan mo akong harapin ang lahat nang ito. Sana ay bigyan mo ako ng lakas ng loob upang masabi sa ating lahat. . .Bigyan mo ako ng lakas ng loob, mahal ko. . .taimtim na usal ko habang kipkip sa aking dibdib ang larawan ni Elena. Nagdaan ang ilang minuto na tahimik lamang akong umiiyak, subalit nang agad kong maalala si Alexandria ay dali-dali ako'ng nagtungo ng banyo at naghilamos, upang maitago ang mugto ng aking mga mata. Nang matapos ay agad akong nagpunas ng puting tuwalya na naroon at tumungo ng pinto ng aking kwarto at saka lumabas. Balak ko kasing tanungin si Alexandria kung ano ang nangyari sa kanila ni Cyrus. Malamang ay paalis pa lamang ito ng mga oras na iyon. Kailangan ko siyang makausap kaya naman mabilis akong nagtungo sa sala. Tamang-tama naman na naabutan ko siya roon na nagsusuot ng sapatos. "Anak, happen to you and Cyrus?" pakli ko habang nagsusuot siya ng sapatos. "Ask him, 'Pa. Kayo naman ang nagkakaintindihan, 'di ba?" Bumuntong-hininga na lamang ako sa lamig nang pakikitungo niya sa akin at iiling-iling. "Kailan ka ba sasagot ng maayos sa Papa mo, ha?" pigil ang inis na wika ko sa kaniya. Nakita kong tumiim-bagang si Alexandria ngunit nanatiling hindi ako tinitingnan. "Kung ayaw mong sagutin kita ng pabalang, e 'di 'wag kang magtanong," pamimilosopo pa niya habang isinusuot ang leather jacket niya. Base sa itsura ng aking anak, magkakarera na naman ito. O, Diyos ko, ikaw na sana ang bahala sa aking anak, taimtim kong usal habang nakatingin sa aking anak. "I told him na tigilan na ako," maya-maya ay saad niya. Pagkatapos dinampot na niya ang bag pack at susi na nakalapag sa center table. Ikinagulat ko ng sinabi niyang iyon. Kaya pala galit na galit ang taong iyon! wika ko sa isipan na ang tinutukoy ang ay taong kausap ko kanina sa telepono. "At kahit kailan, 'di ko siya magugustuhan, 'Pa. So please, tama na. Tigilan mo na 'ko. 'Wag mo nang pakialaman ang buhay ko," mariing turan pa niya saka humarap sa akin ng may nagbabantang tingin. Pagkatapos noon ay tumalikod na rin siya at tinungo ang pinto. Lihim naman akong bumuntong-hininga habang pilit pinipigilan ang pag-ahon ng galit sa dibdib ko. Ayaw kong magtalo kami ng aking anak. Hindi ngayon kung kailan may banta sa buhay naming mag-ama. Nagtuloy-tuloy na siya ng paglabas hanggang sa narinig ko ang pagbuhay ng makina ng motorsiklo niya. Elena, please guide our daughter, mahinang usal ko pagkatapos ay tumayo na upang isara ang front door. Nang matiyak na naka-lock na ito ay agad akong nagtungo sa kusina upang tingan kung ginalaw ni Alexandria ang pagkain inihanda ko para sa kaniya. Subalit gaya nang dati, ni hindi man lang niya ginalaw iyon. Muli pa akong bumuntong-hininga at saka itinabi ang pagkain. Dahil sa mga nangyari ng gabing iyon, ay tila nakaramdam ako nang matinding pagod at antok, kung kaya't ipinasya kong magtungo na sa aking silid upang magpahinga. Kahit paano'y nasanay na rin akong matulog mag-isa sa aming tahanan simula noong mamatay ang aking asawa. Si Alexandria kasi ay laging madaling-araw o umaga na kung umuwi. Panginoon, ikaw na sana ang bahala sa aking anak. Lagi mo sana siyang pag-iingatan. . . panalangin ko bago naihiga sa aking kama at pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD