Alexandria's POV
's**t! You never fail to ruin my mood asshole! Bakit 'di na lang kayo ni Cyrus ang magsama? Bagay kayo. Isang matandang hukluban at isang baliw!'
NAGTATAGIS ang mga bagang ko habang mariing hawak ang clutch ng motorsiklo. Hindi ko maiwasang mainis nang maalala ko ang usapan namin ni Papa tungkol sa Cyrus na iyon. Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papunta sa racing club. Malutong pa 'kong napamura nang makita kong traffic, kaya't buong gigil akong nag-menor at pinaharurot ang motorsiklo sa isang makitid na eskinita. Iyon kasi ang pinakamalapit na daan papunta sa racing club.
---
"HEY, babe! Bakit parang nalugi sa mahjong ang itsura mo? Nag-away na naman kayo ni Tito?" agad na bungad sa'kin ni Seiichi pagkarating ko sa club.
Sinimangutan ko naman siya at padabog na umupo sa bench saka pinagkrus ang mga binti. "Tang ina! Ang galing talaga sumira ng mood ng matandang 'yon."
"Kalimutan mo na muna 'yang problema mo. Baka mamaya, maaksidente ka ulit, eh. Mawawalan ako ng future wife!" biro nito na sinabayan ng malutong na halakhak. Pagkatapos ay naupo sa tabi ko.
Agad kong sinuntok ang balikat niya dahil sa pang-aasar niyang 'yon ngunit tila hindi man lang ininda ng damuho. Sa halip, tumawa lang ito ng nakaloloko.
"'Di ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo, Seii? Ako?" tinuro ko pa ang sarili. "Future wife mo? f**k! Nasisiraan ka na yata ng bait."
"Ouch! Ang sakit naman, babe! Sanay na sanay ka talagang sinasaktan ang feelings ko!" Humawak pa siya sa dibdib at umarteng nasasaktan.
"Ungas! Tigilan mo 'yang pagda-drama mo. Lalo akong nawawala sa mood. Baka tamaan ka!" pambabara ko naman saka tumayo na at ipinagpag ang pantalon ko. Magsasalita pa sana ako nang marinig ang hudyat na kailangan ng magpunta sa field sapagkat mag-uumpisa na ang karera. Kaya naman tumalikod na ako at tinungo ang motorsiklong naka-park sa hindi kalayuan.
"Babe! Ingat ka sa pagda-drive, ha? Tandaan mo, mamahalin pa kita!" malakas pang pahabol na sigaw ni Seiichi.
I raise my middle finger as an answer. Narinig ko namang humalakhak lang siya ng malakas pero hindi ko na 'yon pinansin pa. I'm sorry, Seiichi. 'Di ko maibibigay ang gusto mo. You don't deserve a s**t like me. . .
Hindi lingid sa'kin na may pagtingin si Seiichi. Nararamdaman ko ring sa biro na lang niya idinadaan ang lahat. Subalit ayaw kong bigyan siya nang pag-asa, dahil alam kong masasaktan ko lang siya sa huli. Mabuting tao siya at ayaw kong masaktan siya. Mas gusto kong kaibigan lamang siya at hanggang doon na lang iyon.
I've never experienced love. Not even once. Sa edad kong ito, 'di ko ninais na magmahal. Para sa'kin, kalokohan lang ang pagmamahal na 'yan. For me, love is just a waste of time, money and effort. Therefore, I prefer not to fall in love with anyone. Not now, never. Sarili ko nga, 'di ko kayang pahalagahan at mahalin, ibang tao pa kaya? Wala akong kakayahang magmahal. . . wala.
KASALUKUYAN na akong nakapwesto sa starting line at mahigpit na hawak ang clutch. Anim kaming maglalaban-laban ng gabing iyon para sa premyong labinlimang libo. Sa halos araw-araw kong pangangarera, ay kilala ko na ang mga ito. Karamihan ay anak ng mga mayayamang negosyante o kaya ay politiko na naghahanap lamang ng libangan.
At dahil nga sa mayayaman ang mga ito ay hindi rin biro ang kanilang motorsiklo. Mga matataas na kaledad ng motorsiklo, mamahalin at pawang mga customize. Itsura pa lang ay malalaman mong hindi biro ang halaga niyon. Maging mga may-ari ng mga motorsiklong iyon ay halos kilala ko na rin. Sila naman kasi ang madalas kong makalaban. But unlike them, I join race for the sake of money. Samantalang ang mga ito, sumasali lang dahil naghahanap ng challenge sa buhay. Well, gan'on naman yata talaga ang mga anak mayaman.
Habang inililibot ko ang paningin sa mga katunggali ay isang racer ang nakaagaw ng aking pansin dahil sa motorsiklo nito. Mukhang bagong miyembro ito ng club, dahil ngayon ko lang nakita ang motorsiklo niya. 'Ducati Diavel? Nice!' Pasimple ko pa itong sinulyapan at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng bahagyang kaba.
Fuck! Parang pamilyar sa'kin ang isang 'to. . . usal ko sa isipan habang palihim na nakatingin sa kung sino mang iyon. Para kasing nakita ko ang ang motor na 'yon pero hindi ko maalala kung saan. Subalit marahas rin akong napailing sa naisip. Baka imagination ko lang. . . wika ko pa sa isipan habang panakaw na nakatingin sa estranghero na ito.
Pinasadahan ko rin ang kabuohan ng lalaki. Malaki ang pangangatawan niya, matangkad na sa tantiya ko ay 5'11 ang taas at maganda ang pustura. Naka-all black siya na jacket at pants. Maging ang gloves niya at high cut boots ay pawang itim rin, na pinarisan pa ng itim na helmet at mask. Pawang mga mata rin lang ng estrangherong ito ang nakalitaw ng mga oras na iyon.
'Nice! Parang si Mask Rider Black lang!' Lihim akong natawa sa naisip na halimbawang iyon. Well, isa ang Mask Rider Black sa mga 90's show ang inabangan ko no'ng kabataan ko.
Hindi ko inalis ang tingin sa lalaki na 'to, sa 'di ko rin matukoy na rason. Kaya naman nang lumingon ang ungas sa gawi ko ay nagtama ang mga paningin namin. Weird, pero pakiramdam ko ay nakita ko na ang mga mata niya. Sandali lang ang itinagal noon dahil naasiwa ako, kung kaya't agad akong nagbawi ng tingin at itinutok ang atensyon sa race track.
Ilang sandali pa ay nakita kong tumayo na ang babae at itinaas ang kulay itim na flag. Senyales na umpisa na ng karera. Mariin kong pinihit ang clutch at itinodo ang takbo ni Amber. Mabibilis ang mga kalaban ko ngunit wala sa bokabularyo ko ang magpatalo. Naghihiyawan ang ilang manonood nang makitang nangunguna na ako sa karera. Ang ilan pa nga ay malakas na isinisigaw ang pangalan ko. Lalo naman akong ginanahan dahilan upang mas bilisan ko pa ang pagpapatakbo. Agad akong nag-over take sa mga kalaban kong nasa harapan ko lang. Maingat at mabilis ko itong ginawa, walang kamintis-mintis. Hanggang sa marating ko ang pinakaunang pwesto kaya napangisi ako.
Pasimple akong tumingin sa side mirror at bahagya pa akong nagulat nang makita kong nakabuntot sa likuran ko ang racer na binansagan kong Mask Rider Black, samantalang ang iba ay tila kinain na ng lupa sa bagal. Tss! Mukhang may nakalaban din akong magaling! Nakaramdam ako nang kakaibang saya dahil doon. Ngayon lang kasi ulit ako ginanahan ng ganito kaya naman pakiramdam ko, ay tumaas ang adrenaline ko. Pero 'di ako magpapatalo, ungas! Hindi pa ipinapanganak ang tatalo sa'kin! puno ng kumpiyansang usal ko sa sarili habang tutok ang paningin sa track. Sa kabilang banda, aaminin ko magaling ang damuhong ito. Mukhang sanay na rin siyang makipagkarera.
Hinigpitan ko ang hawak sa clutch at maingat na nagmaniobra nang dumaan kami sa pakurbang kalsada. Nang makalampas doon ay ibinirit kong lalo ang pagpapatakbo. Ngunit laking gulat ko nang mag-over take si Mask Rider Black sa akin at ngayon nga ay nasa unahang pwesto na, samantalang ako naman ay nasa pangalawa na. Dagliang umahon ang inis ko sa dibdib kung kaya't lalo kong hinigpitan ang kapit sa manibela at itinodo ang pagpapatakbo. Pero tila ayaw ng ungas na maungusan dahil hindi niya hinayaan na makalusot ako at malampasan siya. Kung saan kasi ako dumaraan ay nar'on ito upang humarang. f**k you! 'Di ako papatalo sa'yo ungas!' nanggigigil kong usal habang nakatingin sa likuran nito.
Sinilip ko ang race track. Ilang metro na lang at mararating na namin ng finish line kaya naalerto ako. Mahigpit kong hinawakan ang clutch at buong bilis kong pinatakbo si Amber, dahilan upang mapatayo na ako sa kinauupuan. Sumilip ako ng pagkakataon upang makasingit sa ungas na ito. At nang makakita tyansa ay kinabig ko ang motorsiklo patungo sa kaliwang bahagi ng race track, kung saan nasa kasalungat na bahagi naman naroon ang lalaking katunggali ko. Doon ako malayang humarurot dahil walang ano mang hadlang doon. Ngunit muli akong ginulat ng ungas dahil bigla na lang siyang sumulpot sa unahan ko at humarang sa daraanan ko.
Shit! f**k you ka! Hayop! Tang'na! sunod-sunod kong mura habang nanggigigil na hawak ang clutch at patuloy ang pag-arangkada.
Tuluyan na nga akong nailampaso ng damuho na ito. Naiwan akong nasa likurang bahagi lang niya at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makaalpas. Ilang sandali pa nga ay nasa finish line na ito at obviously, siya ang nanalo. Narinig kong nagpalakpakan at hiwayan ang mga tao. Samantalang ako naman ay hinihingal na huminto at hinubad ang suot na helmet habang basang basa ng pawis ang mukha.
"It looks like we have a new winner! 'Di ko akalain na may maglalampaso sa prinsesa ng racing!" anang announcer.
Umismid na lang ako ng marinig iyon saka bumaba sa motorsiklo. Luminga-linga pa ako sa paligid upang hanapin si Seiichi nang mamataan kong papalapit siya na may dalang towel at bottled mineral water. Malapad ang pagkakangiti ng bwisit na tila nanunukso. Sinimangutan ko lang siya at saka humalikipkip.
"Babe, sabi ko naman sa'yo, 'wag mo 'ko iisipin habang nagda-drive. 'Yan tuloy natalo ka!" pambubuska ng ungas sabay abot ng towel at tubig.
"Gago! Malas ka kasi sa buhay ko," singhal ko naman pagkatapos ay inabot ang bote ng tubig at agad uminom. Nang matapos uminom ay pinunasan ko naman ang mukha na naliligo sa pawis.
"Ouch! You're so mean. Nagbibiro lang, eh."
"Well 'di nakakatuwa gago!"
"Teka, sino ba 'yung tumalo sa'yo? Kilala mo ba? Parang ngayon ko lang siya nakita sa club, eh," tanong niya na ang tinutukoy ay ang lalaking tumalo sa akin. Hinanap pa ng mga mata ko ang ungas sa paligid pero 'di ko siya makita. f**k! Ba't ko ba kasi hinahanap ang hayop na 'yon? Pakialam ko ba!
"f**k! The hell I care! Ikaw ang may-ari nito, sa'kin mo itatanong," pambabara ko naman kay Seiichi saka binato ang bote ng mineral na wala ng laman sa isang tabi. Pagkatapos ay tumalikod na ko upang sumakay ulit ng motorsiklo. Pero naudlot ito nang may tumawag sa pangalan ko.
"Alexandria!"
Kunot-noo akong lumingon para malaman kung sino ito. Si Mask Rider Black na naglalakad papunta sa akin. Nakasuot pa siya ng helmet at may mask pa pero dahil may kalakasan ang pagsigaw niya ay narinig ko iyon. Hindi kasi siya kalayuan sa kinaroroonan ko. Tangina! Ano kaya kailangan nito? I-congratulate ako dahil natalo n'ya 'ko? Wow! Humarap ako sa damuho ng walang emosyon; poker face. Mabilis naman siyang naghubad ng helmet at mask. At gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang dumuhong si Mask Rider black, si Heinz. Malapad pa ang pagkakangiti n'ya na tila nasisiyahan na nakita ako dahilan upang lumitaw ang dimples niya sa pisngi.
Bigla ay inatake ako kaba sa hindi maipaliwanag na dahilan pagkakita sa kaniya. Pero sinikap kong 'wag iyon ipahalata. 'Tsaka bakit ako kinakabahan? Wala naman akong atraso sa kan'ya, ah? lihim ko pang pagpapakalma sa sarili.
"Hi, Alex! 'Glad to see you here."
Tumango ako at tipid akong ngumiti. Masama pa rin kasi ang loob ko dahil sa pagkakatalo. Sayang kasi iyong pera. Makadadagdag sana 'yon sa ipon ko. "So, ikaw pala 'yung kaninang gigil na gigil at ayaw akong palusutin? Well, congrats! You deserved it." Ayoko man sana haluan ng panunuya ang tinig pero iyon na yata ang lumabas.
Kumamot si Heinz sa ulo at alanganing ngumiti dahil sa sinabi ko."Sorry. I didn't know it was you. I shouldn't have done that. Na-exite lang kasi ako," hinging-paumanhin niya.
"It's okay. Tapos na, eh." Tumango pa ako sa kan'ya. "Gano'n talaga ang buhay, 'di laging pasko," matabang na sagot ko pa.
Ayaw kong maging bastos o arogante sa harapan ni Heinz dahil malaki ang utang na loob ko sa kan'ya, subalit gano'n yata talaga kapag laking kalye. Likas sa ugali ang pagiging bastos at hindi alam ang salitang good manners.
"Babe! Sino s'ya?"
Anak ng puta! Nandito nga pala 'tong Hapon na 'to! malutong kong mura sa isipan nang maalala na kasama ko nga pala si Seiichi. Marahil ay kating kati na ang ungas na malaman kung sino ang kausap ko. Lihim rin akong nagkuyom ng kamao dahil sa pagtawag ni Seiichi sa'kin ng babe sa harapan ni Heinz. Lumapit siya sa'kin at umakbay pa. Maang namana na nakatingin si Heinz sa amin, partikular kay Seiichi. Marahil ay inaakala n'yang boyfriend ko ang gagong Hapon na 'to! Tiningnan ko si Seiichi ng masama subalit ngiting nang-aasar lang ang isinukli niya sa akin. Tang ina ka! Humanda ka sa'kin mamaya! buong gigil kong usal habang kuyom-kuyom ang mga kamao.
"Who's this guy babe?" maang na tanong pa niya sa'kin, pero kay siya Heinz nakatingin. Bakas rin sa mukha niya ang iritasyon.
Bubuka na sana ang bibig ko upang sumagot nang magsalita si Heinz. "Hey, bro! I'm Heinz. Alexandria's friend," sabay abot niya ng palad kay Seiichi. "How about you?" ganting tanong pa niya habang nakangiti ng malapad.
Kumunot-noo si Seiichi at tiningnan ako na tila nagtatanong. Marahil ay nagtataka siya dahil alam niyang aloof ako sa mga kalalakihan. Sa katunayan, siya lang ang lalaking kaibigan ko. Hindi ko pa rin nasabi sa kaniya na si Heinz ang lalaking nagligtas sa akin nang mabaril ako. Hindi ako kumibo sa tanong ni Seiichi kaya naman naramdaman kong bumigat ang pagkaka-akbay niya sa balikat ko, pagkatapos ay kinabig pa ako upang magkadikit kami. Hayop ka! Feel na feel mo naman, gago! Gustuhin ko mang maialis ang braso niya sa balikat ko, hindi ko magawa.
Tumingin pa muna ang damuho sa akin ng makahulugan at saka nakangising nagsalita. "I'm Seiichi. Alexandria's fiancé," aniya sabay abot ng palad kay Heinz.
Halos malaglag ang eyeballs ko sa tindi nang pagkagulat. What? Fiancé? Nasisiraan na ba talaga ang demonyong 'to? Nang sulyapan ko si Heinz, maging siya ay tila nabigla rin sa tinuran ni Seiichi. Hayop ka talaga, Seiichi! 'Di ko mapapalampas 'to! Manghihiram ka talaga ng mukha sa aso! nanginginig sa galit na usal ko habang masamang masama ang mukha ko na nakatingin sa kaniya.
"Oh! I see," Tumango-tango pa si Heinz. "Nice meeting you, Seiichi. You look perfect for each other," saad naman ni Heinz sabay baling sa'kin na tila nasisiyahan sa nalaman. f**k! s**t!
Sa labis na galit ay mabilis ko silang iniwan at padabog na naglakad palayo. You will pay for this, jerk! Tatadtarin kita ng samurai at gagawin kitang sushi! usal ko habang naglalakad palayo sa mga ito. Sa gigil ko, ay katakot-takot na mura ang ipinaulan ko kay Seiichi sa aking isipan.