14

1632 Words
Alexandria's POV "ALEX!" Kumuyom ang kamao ko bago huminto sa paglalakad at bumaling kay Seiichi na walang kahit anong emosyon na mababasa sa mukha. Siya naman ay nanatili lang na nakatingin at tila nag-iisip ng sasabihin. Nang hindi siya kumibo ay muli akong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bench na hindi kalayuan. "Alex! Wait!" pigil niya sa'kin. Patuloy lang ang paglalakad ko na para bang walang naririnig. At nang hindi ako tuminag ay hinablot niya ang braso ko. Gigil naman akong humarap sa ungas at tumiim-bagang. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang sapakin sa tindi ng galit dahil sa kalokohang ginawa niya kanina lang. Pilit kong iwinawaksi ang braso ko ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya roon. 's**t! Kung 'di lang kita kaibigan, baka nasuntok ko na ang nakakairita mong pagmumukha!' "Why you're so mad? Dahil ba sa sinabi ko?" 'f**k! Nagtanong pa. May dapat ba akong ikatuwa do'n?' Hindi ako sumagot, sa halip ay matalim ko siyang tiningnan at malakas na hinigit ang braso mula sa pagkakahawak niya. Nabitawan naman niya iyon kung kaya't nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa bench. Naramdaman ko namang nakasunod ang damuho sa akin. Pasalampak akong umupo roon saka kinuha ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng pantalon ko at agad nagsindi. Sa sulok ng mga mata ko, ay nakita kong akasandal si Seiichi sa railings ng bench at nakapamulsa habang pinagmamasdan ako. Hindi ko maintindihan ang sarili nang mga sandaling iyon. Bagaman alam kong biro lang iyon ni Seiichi, ay may kung anong nagpupuyos sa aking kalooban at 'di ko alam kung ano ang tawag. At ang nakapagtataka pa'y tila may bahagi sa pagkatao ko ang humihiling na sana ay 'wag iyon paniwalaan ni Heinz. 's**t! Kung anu-ano ang naiisip ko. Wala akong pakialam kung maniwala man siya o hindi! usal ko sa sarili. Makaalis na nga! Sirang-sira na ang araw ko! Padabog akong tumayo upang sana ay umalis na nang magsalita si Seiichi. "Look, Alex," pakli niya sa akin. Humarang pa ang ungas sa daraanan ko. Dahil doon ay pinukot ko siya ng masamang tingin Narinig kong bumuntong-hininga siya saka nagsalita, "Okay, I'm sorry kung sinabi ko 'yon. I'm really sorry," hinging-paumanhin niya. Nanatili lang akong walang kibo saka binaling ang tingin sa ibang direksyon. "Pero bakit gan'yan na lang ang galit mo? At saka ano naman kung sabihin ko 'yon sa lalaking 'yon, Alex? Sino ba s'ya?" tanong n'yang tila nag-uusig. "He doesn't even know you. As if naman na may pakialam s'ya sa'tin. Don't overreact, Alexandria. 'Di naman 'yon big deal," pagkatapos ay umiling-iling pa ang ungas na tila nadidismaya sa inaasal ko. 'Wow! Gusto talaga makatikim nang isang 'to!' I looked away. Sinaway ko pa rin ang sarilig h'wag magpadala sa galit. Hinayaan ko lang siya sa mga gusto niyang sabihin. "Or should I say, you liked that jerk kaya gan'yan ka na lang mag-react." Tumawa pa siya ng peke. "'Di ko akalain na magkakagusto ka agad sa isang lalaki na ngayon mo lang nakilala." Eh? f**k! What? Tila lomobo ang ulo ko nang mag sink-in sa isip ko ang pang-iinsulto niyang iyon. Pakiramdam ko ay nag-akyatang lahat ang dugo ko sa ulo, dahilan upang hindi ko na napigilan pa ang sarili. Bumuwelo ako at malakas ko siyang sinipa sa tiyan. Sabi nang 'wag uubusin ang pasensya ko, eh! Nakatikim ka tuloy! Hinihingal ko pa siyang pinukol ng ubod-samang tingin. "s**t! What the f**k, Alexandria?! What's your problem?!" malakas na sigaw niya habang nakayuko at sapu-sapo ang nasipang tiyan. Mabuti na lang at madilim ang parte na iyon ng racing club kung saan kami nag-uusap kung hindi, marahil ay nakaagaw na kami ng atensiyon sa iba pang naroon. "He didn't even know you. As if naman na may pakialam s'ya sa'tin. Don't overreact Alexandria. 'Di naman 'yon big deal." "Or should I say, you like that jerk kaya ganyan ka na lang mag-react? "'Di ko akalain na magkakagusto ka agad sa isang lalaki na ngayon mo lang nakilala." Parang sirang plaka na paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabing iyon ni Seiichi. 'Tangina! May gusto ako sa lalaking 'yon? Ako pa ang overreaction, ha? Wow! Nauulol na yata ang hapon na 'to para maisip ang gan'ong katarantaduhan! f**k! Malaki ang utang na loob ko sa kan'ya dahil niligtas n'ya ang buhay ko pero ang magkagusto? s**t! It will never happen! Never!' nag-ngingitngit na wika ko sa isipan habang nakatingin sa kawalan at pilit ikinakalma ang sarili. Mabilis at malakas ang bawat t***k ng puso ko ng mga sandaling iyon. Marahil ay dahil sa matinding bugso ng damdamin. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong hawak pa rin ni Seiichi ang tiyan niyang nasipa ko. Hindi rin makakaila na nasaktan siya sa ginawa kong iyon dahil masama ang mukha niya ng mga oras na iyon. Hinarap ko siya at tumingin sa mga mata niya ng diretso, habang pilit na kinoknontrol ang sarili na magalit pa nang husto. Dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa damuhong ito. Aaminin kong kapag nagagalit ako, ay nakakapanakit ako ng tao. Bayolente ika nga ng iba. "Ano bang alam mo sa kung anong gusto ko? May alam ka ba?" galit na tanong ko sa kan'ya. "Iniisip mo lang 'yung sarili mo, 'yung mga kalokohan mo. 'Di mo naisip kung gusto ko ba 'yung ginagawa mo. 'Wag kang umasta na parang kilalang kilala mo na 'ko, Seiichi, dahil nagkakamali ka," galit at mariin kong sabi. Tila natigilan naman siya sa tinuran ko at maang lang na nakatingin sa akin na tila nag-hihintay pa nang susunod na sasabihin ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita ng hindi inaalis ang paningin sa kan'ya. Mas mabuti nang nailalabas ko ang saloobin sa kan'ya dahil baka kung ano pa ang magawa ko. "Wala akong gusto sa lalaking 'yon at hindi ako magkakagusto kailanman sa kahit sino. . . dahil wala sa bokabularyo ko ang letseng pagmamahal na 'yan!" Pinagdiinan ko pa ang salitang binitiwan para malaman niya na isang kahibangan ang ibinibintang niya sa akin. Subalit sa sinabi kong 'yon ay tila may dumaang sakit sa mga mata niya habang matamang nakatingin sa akin. Sa mga binitiwan ko kasing salita, para ko na rin sinabing hindi ko siya magugustuhan kailanman. Lihim akong bumuntong-hininga. I'm sorry, Seiichi. Ayaw kong bigyang pag-asa ang kung ano mang nararamdan mo sa akin. Masasaktan ka lang. Masasaktan lang kita. . . Ilang saglit ding namayani ang katahimikan sa aming dalawa nang muli akong magsalita. "Masaya 'ko kasi naging kaibigan kita. You know, I don't trust anyone except you. Kilala mo ako, Seiichi," kalmado ngunit may bahid pa rin ng galit na saad ko. "But it doesn't mean na pwede ka nang manghimasok sa buhay ko. Marami ka pang hindi nalalaman. I'll respect you as my friend. . . but you should know your limit," pagkasabi ko niyon ay akma na akong tatalikod ngunit naudlot iyon bigla siyang nagsalita. Nanatili lang akong nakatalikod at hindi humarap sa kan'ya. "I'm sorry, I shouldn't have said that, and forgive me for being selfish," sinserong paghingi n'ya ng paumanhid. "Ikaw nga pala si Alexandria. 'Yung babaeng 'di pwedeng biruin. 'Yung puro galit sa mundo ang pinaiiral. 'Yung hindi marunong ngumiti. . . I'm really sorry. Siguro nga, lumampas na 'ko sa limitasyon ko. . ." Hindi ako kumibo. Nanatili lang akong nakatalikod at nakatingin sa kawalan. "Pero kahit gano'n, gusto pa rin kita, Alex," puno ng emosyon na saad niya. Ramdam ko ang sakit ng sabihin niya iyon. Iyon bang tila may kumirot sa dibdib ko. Alam kong nasasaktan ko siya. Alam ko. . . "You said that, you don't trust anyone except me. Pero sinabi mo rin na marami pa akong 'di alam sa'yo. Sabihin mo nga, Alexandria" hinawakan ako niya sa magkabilang braso at pilit iniharap sa kan'ya. Walang emosyon naman akong hinarap siya. Ngunit hindi ko kinayang pagmasdan ang sakit na nababasa ko sa mga mata niya ng mga oras na iyon, kung kaya't nag-iwas na lang ako ng tingin. "Bukod sa pangalan mo at problema sa Papa mo, ano pa ba'ng sinabi mo sa akin? Wala na 'di ba? Pa'no ko makikilala 'yung totoong ikaw? 'Yung totoong Alexandria? Paano ko malalaman 'yung mga bagay na hindi ko pa alam tungkol sa'yo? Kung ikaw naman mismo 'yung nagbibigay ng limitasyon sa sarili mo na mas makilala pa? Ikinulong mo 'yung sarili mo sa mundo na puno nang galit at hinanakit. Ang totoo Alexandria, ikaw ang makasarili dahil you never trusted me. You know why?" he paused and looked at me with tears in his eyes. "Because even you Alexandria, you don't know how to trust yourself." Shit! Truth hurts, sabi nga ng iba. Parang patalim na sumugat ng malalim sa aking dibdib ang mga sinabi ni Seiichi. Masakit, mahapdi at kumikirot. . . It hits me hard. Pakiramdam ko ay may tinamaan siya sa pagkatao ko na hindi ko matukoy kung ano. Ano nga ba ang hindi mo pa sinasabi, Alexandria? Ang nakaraan mo ba? Parang may munting tinig na nagsabi ng mga iyon sa isip ko. Marahas akong napailing. No, hindi na niya dapat pang malaman iyon. Hindi na dapat pang malaman ng kahit sino ang nakaraan kong iyon, kahit si Papa. Ibinaon ko na sa kasulok-sulokan ang pangyayaring iyon sa aking buhay. Sa halip na sagutin si Seiichi ay pumihit ako at tuluyan nang tumalikod. Tama na iyong mga narinig ko sa kan'ya. Baka 'pag sumobra pa doon ay mawala pa ako sa sarili at makalimutan kong kaibigan ko siya. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Seiichi. Nang makarating sa lugar kung saan nakaparada ang motorsiklo ko, ay mabilis akong sumakay doon. Binuhay ko ang makina at pinaharurot ko iyon na tila ba nakikipaghabulan kay Kamatayan. Ma, I need you right now. . . ©BLITZKRIEG
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD