15

1502 Words
Alexandria's POV In loving memory of Maria Elena Saavedra Born: January 1, 1966 Died: September 26, 2012 "'MA, I miss you so much! I really wish na sana ay nandito ka. Hirap na hirap na 'ko sa nangyayari sa pesteng buhay ko!" puno ng emosyong usal ko habang hinahaplos ang pangalan niyang nakaukit sa marmol. Kapag ganitong pagkakataon na pakiramdam ko ay kailangan ko ng karamay, dito ako sa puntod ni Mama nagpupunta. Nababawasan kasi ang bigat sa dibdib ko kapag kinakausap ko siya. Madalas ko itong gawin kapag nalulungkot ako at wala ni isa man ang pwedeng mapagsabihan ng mga hinaing ko sa buhay. Tahimik akong nakaupo sa ibabaw ng libingang marmol ni Mama habang karamay ang in-can beer at sigarilyo. Nag-iisa lang ako sa sementeryong iyon sa dis-oras ng gabi, pero ni kaunting takot ay wala akong nararamdaman. Wala sa bokabukaryo ko ang matakot. Fear is only for cowards. At hindi ko alam ang salitang duwag. Tanging ang ilaw lang ng poste at liwanang na nagmumula sa kandilang itinirik ko sa puntod ni Mama ang s'yang tumatanglaw sa akin ng gabing iyon. At habang nakatingin ako sa ningas ng kandila, tila ba unti-unting nagbabalik sa alaala ko ang mga nangyari no'ng mamatay si Mama. It's been 5 years simula nang mawala siya subalit hangang ngayon, hindi ko pa rin matangap ang pagkamatay niya. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sakit sa aking dibdib kapag naaalala ko kung paano nawala si Mama. . . Flashback Kauuwi ko lang galing paaralan nang maabutan ko si Mama na umiiyak sa may sala. Agad akong lumapit at dinaluhan siya. "Ma? What happen?" nag-aalalang tanong ko. Tumingin siya sa akin na basa ng luha ang mga mata. Mugto na rin ang mga ito tanda na kanina pa s'ya umiiyak. "Wala ito, anak. Don't worry about me. Stress lang ako sa business natin. Unti-unti na kasi tayong nalulugi, anak." Tumango ako ngunit may isang parte sa aking isip ang hindi kumbinsido na ito ang talaga'ng dahilan ng pag-iyak ni Mama. Knowing Mama, she's very strong woman. She can easily handle our business even it came into a very worst situations. Kung kaya't malakas ang kutob kong nagsisinungaling siya. Nahihinuha kong may dahilan kung bakit nagkakaganoon si Mama. Naupo ako sa tabi niya pagkatapos ay hinawakan ko nang mahigpit ang kaniyang mga kamay. "Tell me 'Ma, si Papa ba?" tanong ko. Lately kasi ay napapansin kong madalas na mag-away ang dalawa. Hindi man nila ito lantarang ipinakikita, ay hindi ito lingid sa akin. Napapansin ko rin na may mga pagkakataong hindi umuuwi si Papa. Kapag tinatanong ko si Mama kung bakit hindi ito umuuwi, ay sinasabi lang niyang busy siya sa trabaho. Tinapik ako ni Mamasa ulo at marahang umiling. "Hindi anak, walang kinalaman ang iyong Papa. Don't worry anak, kaya ito ni Mama. Intindihin mo na lamang ang iyong pag-aaral, ha?" saad niyang pilit pang ngumit sa'kin. Bumuntong-hininga na lang ako saka gumanti rin ng ngiti. "Okay 'Ma, I understand, pero kapag kailangan niyo po ng kausap, sabihin niyo po sa'kin. Nandito lang po ako lagi para sa inyo." This time ay ngumiti si Mama nang hindi pilit sa aking sinabi, saka niyakap ako nang mahigpit. Ginantihan ko rin naman iyon nang kasing higpit na yakap. "Maraming salamat sa Diyos dahil binigay niya sa amin ang isang napakabait na anak katulad mo, Alexandria. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ni Papa mo. Pangako, kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa'yo. Hinding hindi kita iiwan. . ." "Ako po ang dapat na magpasalamat sa Diyos dahil ibinigay po niya sa akin ang mapagmahal at mababait na parent's katulad niyo po. Hindi ko rin po kayo iiwan. Gusto ko po lagi lang kayong nasa tabi ko. Ipangako niyo po Mama," ani kong namumuo na ang luha sa sulok ng aking mga mata. "Pangako anak, hinding-hindi mangyayari iyon," sabay haplos pa n'ya sa aking buhok habang yakap niya ako. Subalit isang araw pag-uwi ko galing school ay maabutan kong may sasakyan ng ambulansya sa labas ng aming bahay. Hindi ko maintindihan ang nararamdan ng mga oras na iyon. Habang naglalakad ako palapit sa aming gate ay matindi ang kabog ng aking dibdib. Tila ba anumang oras ay lalabas na ang aking puso mula sa roon. Pagpasok ko sa aming nakabukas na gate ay bumulaga sa akin ang aming mga kapitbahay. Sa naabutang iyon ay nahihinuha kong may nangyaring masama at takot akong alamin kung ano iyon. Nanatili lamang akong nakatayo roon sa tapat ng aming gate at napako sa kinatatayuan. Maging ang mga binti ay hindi ko maigalaw. Nang mapansin ng mga nakikiusyoso naming kapitbahay na naroon na ako ay nagtinginan ang mga ito nang makahulugan. Ang iba ay naiyak pa at tila awang-awa habang nakatingin sa akin. Ang iba naman, ay pawang nagbubulungan ngunit dahil medyo malakas iyon ay narinig ko kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. "Bakit ba kasi ginawa iyan ni Elena? Dahil lang sa lalaki kaya kinitil niya ang buhay? Hindi niya man lang inisip ang anak niya." "Sinabihan ko na siyang hayaan na lang si Rodney at mag focus sa negosyo nila ngunit hindi nakinig. Paano na si Alexandria?" "Eh paano ba naman kasi, nahuli daw ni Elena na may kasiping na babae si Rodney sa isang motel. Tapos ang balita ko pa'y halos ubusin nito ang kanilang kabuhayan dahil sa bisyo at babae." Napatda ako dahil sa mga narinig at binalot ng matinding takot ang pagkatao ko. Hindi! Sinungaling kayo! Hindi totoo ang mga sinasabi ninyo! Hindi iyon magagawa ni Mama. Matapang si Mama at mahal na mahal niya ako. Nangako siyang hindi niya ako iiwan! hindi makapaniwalang usal ko sa sarili. Ayaw ko mang paniwalaan ang mga naririnig kong iyon buhat sa kanila ngunit tutol ng aking kalooban, kung kaya't ang kanina pang emosyon na aking pinipigilan ay tuluyang kumawala. Bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nilukob ako ng takot at matinding sakit ng mga sandaling iyon. Wala akong naririnig kundi ang sarili kong tinig na humahagulhol. "No! Hindi pwedeng mamatay si Mama! Ayaw ko. . . Hindi pwede. . . Hindi. . ." paulit-ulit ko iyong sinasabi sa sarili habang umiiyak. "Excuse me po, makikiraan. Kailangan na pong madala agad ang pasyente sa morgue," anang tinig ng isang lalaki. Ang mga tinig na iyon ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Kahit hilam ng luha ang mga mata ay nag-angat ako ng tingin at halos hindi ako makahinga nang makita ang isang bangkay na tinakpan ng isang puting kumot. Sa likod naman ng mga iyon ay nakasunod si Papa. Pulang-pula ang mga mata niya at namumugto, tanda na galing siya sa pag-iyak. Mabilis kong dinaluhan si Papa. Nang makita niya ako ay tila ngayon lang niya naalala ang tungkol sa akin, kung kaya't mabilis siyang lumuhod at niyakap ako nang sobrang higpit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Takot, pangamba, pagkalito at. . .matinding sakit ng kalooban. Habang yakap ako ni Papa ay patuloy lang ako sa pag-iyak. Maging ang mga taong nasa paligid namin ay nagsipag-iyakan rin. "'Pa? W-what. . . h-happen?" Sa gitna ng pag-iyak ay naglakas-loob akong tanungin siya. "Ang Mama mo, anak. . .w-wala na," pumiyok pa si Papa pagkasabi niyon. Marahil ay dahil sa pinipigilan nitong muling bumulalas ng iyak. Bagaman alam ko na na iyon ang sasabihin niya ay pinilit kong huwag maniwala. Nilabanan ko ang sariling takot at hinarap si Papa. Pinunasan ko ng palad ang aking luha sa pisngi. "No, 'Pa. Hindi ako naniniwala na magagawa akong iwan ni Mama. She promised me!" matapang kong turan pagkatapos ay pilit pa akong ngumiti. "Where's Mama? Pupuntahan ko siya. Nangako ako kay Mama na kahit anong mangyari ay hindi ako aalis sa tabi niya. . . Kailangan ako ni Mama, 'Pa!" Sa pagkakataong iyon ay niyakap ulit ako ni Papa nang mahigpit at saka humagulhol. "Anak. . . I'm sorry! I'm sorry, anak. . . I'm very sorry," paulit-ulit na saad ni Papa habang patuloy ang malakas niyang hagulhol. Hindi ko mawari kung para saan ang pag-hingi ni Papa ng tawad sa akin gayong alam ko naman na hindi totoo ang mga narinig ko kanina. Hindi iyon magagawa ni Papa. Naniniwala ako. Naniniwala rin akong hindi ako iiwan ni Mama, hindi niya iyon magagawa. . . "Hindi patay si Mama! Buhay siya, alam ko! Hindi siya patay!" pilit ko pa ring kumbinsi sa sarili. Sa puntong iyon ay kumalas ako sa pagkakayakap kay Papa at tumakbo patungo sa sasakyan ng ambulansya kung saan ipinasok ang bangkay na nakatakip ng puting kumot. Mabilis ding sumunod si Papa roon. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay agad kong ini-angat ang telang puti na nakabalot sa bangkay na iyon, at halos mawala ako sa sarili nang makita kung sino ito. . . Ang mukha niyang namumutla. . . Ang labi niyang walang kulay. . . Ang malamig at matigas niyang katawan. . . Ang bangkay ng isang babae sa aking harap ay. . . si Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD