THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Nakaramdam ng napakabigat na bagay si Theo sakaniyang ibabaw. Hirap niyang binuksan ang kaniyang mga mata.
Bumungad sakaniya ang walang malay na si Dahlia na ginawang harang ang sarili sa napakalaki at napakabigat na shelf na natumba sakanila. Bigla siyang nakaramdam ng parang malamig na tubig na gumising sakaniyang diwa nang makita niya ng malinaw si Dahlia. Ang ulo niya ay may dugo na umaagos hanggang sakaniyang mukha.
"Fuck." Paulit ulit niyang mura at pinilit iangat ng bahagya ang shelf upang sila ay makaalis. Nasa bandang dulo ng shelf ang tumama sakanila kaya ito ay sobrang bigat, ngunit mas mabilis makaalis kumpara sa gitnang bahagi.
Ang tanging nasa isip lamang ni Theo ngayon ay ang makaalis sila sa ilalim ng shelf, kaya ginawa niya ang lahat hanggang sa makaalis silang dalawa.
"Dahlia." Paggising niya ng bahagya kay Dahlia ngunit wala na siyang malay. Ang sarili niyang dugo ay humalo na sa dugo ng babae.
Napamura ulit siya ng sunod-sunod.
"Damn it." Aniya atsaka binuhat ang walang malay na babae.
Nagpunta siya sa pinaka dulo ng silid kung saan niya nakita ang isang tagong pinto na kanina ay pinagaaralan niya lamang. Alam niya na upang malaman at mapagaralan na may pinto maliban sa dinadaanan ng babae at lalaki kanina, pati ang ilan sa mga lalaking nagpahirap sakanila, ay kailangan niyang tiisin ang mga ginagawa sakaniya.
Malakas ang loob niyang hindi lang iisang pinto ang meron sa silid dahil ang silid na ito'y parang ganon sa silid na pinanggalingan niya noon.
Hindi nga siya nagkamali nang mapansin niya na lumabas dito ang ilan sa mga lalaking nagpahirap sakanila. Hindi ito masyadong pansin dahil sa mga malalaking shelves na nakatayo at nahaharangan ito kanina. Mukha rin kasi itong pader lamang. Hindi niya lang alam kung paano ito gumagana, kaya hinayaan niyang pahirapan ulit siya sa pangalawang pagkakataon.
Hindi ito malalamang pinto kung hindi ipipindot ang parang doorknob nito, kaya mabuti na lang at sa pangalawang pagkakataon ay nakita niya na ito. Ngunit hindi niya inasahan ang ginawa ni Dahlia sakaniya.
Ngayon ay naglalakad na siya habang buhat si Dahlia sa pintuang nakita niya kanina.
Ang nasa isip niya na ngayon ay makaalis sa lugar na ito upang maligtas si Dahlia.
Sa pinto na dinaanan ng mga nagpahirap sakanila ay paparating na ang babae at lalaki upang tignan kung buhay pa ba ang dalawa. Ngunit pagpasok nila'y bumulaga sakanila ang mga shelves na nagsitumba, pero walang mga bahid ng katawan o hibla ng buhok ng dalawang bihag nila kanina.
"Search the areas, now!" Malakas na utos ng babae na umalingawngaw hanggang sa labas ng silid kung nasaan ang mga grupo ng lalaki kasama ang mga nagpahirap sa dalawa kanina. Agad naman silang kumilos.
Ang babae naman ay agad na pumasok sa pintong pinasukan ni Theo upang makatakas. Nagmamadali siyang maglakad upang mahabol ang dalawa, alam niyang matagal sila dahil sa natamo nilang paghihirap.
Sa parte naman ni Theo, marami pa siyang nadaanan na maraming pagpipilian na daan, mabuti na lang at ang napili niya'y daan palabas. Pagkarating niya sa labas ay binati sila ng masikip at maruming eskinita. Napapalibutan sila ng nagtataasang mga lumang gusali.
Medyo madilim na, kaya minamadali niyang makaalis at makapag tago sa ligtas na lugar dahil hindi lang tao ang mga kalaban niya kundi ang mga L-X din.
Hindi siya nakakaramdam ng pagod kahit ilang minuto na siyang naglalakad habang buhat ang babae.
Nang makarating siya sa kalsada ay medyo nakahinga siya ng maluwag. Agad siyang naghanap ng pwede niyang magamit na sasakyan, ngunit kahit isa ay wala siyang makita. Napamura ulit siya dahil dito.
Habang naglalakad siya'y napansin niya ang pin na may hugis puso na nakadikit sa damit ni Dahlia. Umiilaw ito ng mahina na kulay pula at namamatay din. Agad siyang napangiti.
"Gale." He whispered.
Sa banda naman nila Athena, lahat silang nasa sasakyan maliban kay Gale na nakatingin sakaniyang smartwatch upang makita ang saktong lokasyon nila Dahlia, ay nakatutok sa daan.
Iniwanan na nila sila Ian, Dylan at Mia sa ligtas na lugar kasama sila Hans noong nagkita-kita sila matapos mangyari yung pagkuha ng mga kalaban kay Theo at Dahlia.
Sobra ang pagaalala nilang lahat.
"10 meters." Wika ni Owen habang nakatingin sa smartwatch ni Gale.
"5." Sabi niya nanaman.
Pagkatapos ay nakita nila si Theo na buhat-buhat ang isang babaeng walang malay. Silang dalawa ay balot sa dugo.
Agad itinigil ni Athena ang sasakyan sa harap nila at mabilis binuksan nila Eula ang pinto.
"Captain!"
"Dahlia!"
Tinulungan nila Owen, Gale at Eula sina Theo at Dahlia na makapasok bago patakbuhin ni Athena ang sasakyan ng mabilis. Dahil sa mabilis nilang galaw ay hindi na sila nakita o naabutan ng mga kalaban.
"What happened? Who did this?" Grabeng pagaalalang tanong nila Eula kay Theo, ngunit masyado ng pagod si Theo upang sagutin pa ang tanong nila.
Ngayon niya lang naramdaman ang sobrang pagod at panghihina, pati hapdi at sakit ng mga natamo niya kanina ay ngayon lang lahat nagparamdam.
"Wait a little more, Theo and Dahlia. Please, wait just a little more." Wika ni Gale.
Pagkarating nila sa gusaling kinaroroonan nila Hans kasama sila Mia ay agad silang sinalubong ng mga ito upang tulungan.
"Ian, focus on what you're doing. This isn't your fault. Don't be guilty." Sunod sunod na sabi nila Mia at Gale sakaniya nang tumayo siya galing sakaniyang ginagawa kanina.
"Here. Put them here." Wika ni Tin matapos nilang iayos ni Irish ang paghihigaan ng dalawa.
Pagkahiga nila ay mabilis na pinalabas nila Athena sila Owen sa ginawa nilang parang silid.
Gawa ang mga nagmistulang pader sa tela na pinagdikit dikit nila.
Si Tin ang umasikaso kay Dahlia, samantalang sina Irish at Athena kay Theo dahil sobrang dami niyang tama.
Matapos ang halos ilang oras ay tapos na sila. Puno ng bendahe si Theo, samantalang si Dahlia ay wala pa ring malay at nakabendahe din ang kamay at kaniyang ulo.
Sa labas kung nasaan sila Ian ay patuloy pa rin sila sa inatas sakanilang trabaho kanina. Ngunit kahit anong pigil ni Ian sakaniyang sarili ay hindi niya magawang hindi sisihin ang kaniyang sarili sa nangyari sakaniyang kaibigan.
"I told you to stop doing that." Gale said to him.
"I can't focus, Gale." He replied.
"If it's not because of your fast hand, we'll probably never gonna find their location."
"Ian, focus. Stop this! Pull yourself together."
"Ian." Tawag sakaniya ni Hans.
"To cure that guilty of yours, finish what Theo ordered you to do. In that way, their wounds and pains will have meaning and not be in vain."
Dahil sa mga sinabi ni Hans ay kahit papaano nabigyan si Ian ng kaunting kagustuhan tapusin ang ginagawa niya.
"Yes, vice-captain." He answered and goes back to what he were doing.
Sa kabilang banda naman kung nasaan sila Mia na tinitignan ang mga armas na kinuha nila Luke ay lumapit si Hans upang mapagusapan ang susunod na plano, para kung maging ayos na ang kanilang kapitan ay maaari na sila ulit bumalik sa ginagawa nila.
"Gale. Before I forgot again, here's the glasses Theo have kept the codes they got in the bank." Pag-abot ni Hans kay Gale ng salamin.
"Get a copy of it. After, try to decipher it along with the other codes we have. Get help from Luke."
"Okay." Tugon ni Gale.
"Alright. For now, let's discuss things. I'm gonna be needing what you've got." Pagharap ni Hans sakanila Mia.
"Kurt." Pagtawag ni Hans sakaniya at agad niya din itong naintindihan kaya siya lumapit sakanila Antonio.
"Antonio, my old friend. I'd like to know how far you guys are willing to help us." Sabi ni Kurt.
"My old friend, Kurt. You don't understand right? This is not just about helping you. It is about saving human kind and also using our weapons after a long-long time it was stocked."
Nang magkasalubong ang mata ni Kurt at Hans ay nagtanguan silang dalawa. Ito ang signal na nagsasabi kay Hans na maaari na silang gumawa ng plano kasama sila Antonio.
Pagkatapos papuntahin ni Kurt sila Antonio sa gitna kung nasaan sila Owen ay nagumpisa na silang magusap.
Ang una nilang pinagusapan ay ang pagkakasunod sunod ng mga importante. Ang nasa pinaka taas ay ang gumawa ng matinding depensa upang maprotektahan ang kanilang kinaroroonan laban sa mga L-X at gobyerno. Ang sumunod naman ay ang kagamitan na kinakailangan nila upang makapag trabaho ng mas maayos. Sumunod rin ang paghahanap at pagbawi kay Gizelle, at ang ibang grupo ni Luke, sila Captain Stone, dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang ideya kung nasaan sila. Ang pangalawa naman sa dulo ay kung paano nila mababawi ang mga ETP's at ang paghahanap ng tetrahedron. At ang pinaka huli ay kung paano nila gagamitin ang ETP's upang ma-activate yung tetrahedron at matapos na ang apocalypse.
Sa kanilang may bandang gilid ay nandoon sila Tin, Irish, Athena at Dylan na nageekperimento ng gamot, tulad ng gamot na kinuha ng Heneral sakanila dati.
"Dylan. May I ask you something? It kinda bothers me." Tin stated.
"That you find me attractive?" Dylan jokingly said. Bigla naman siyang binato ni Tin ng nakita niyang bote sa gilid. Mabuti na lang at nasalo ito ni Dylan.
"I'm being serious." She said.
"What?" Tamad na sagot ng lalaki atsaka inilapag sa lamesa ang boteng binato sakaniya kanina.
"What vial did you gave me before, the right one or the left one?" Tanong ng babae kaya naman napaisip dito ang lalaki.
"The right one." He answered.
"Whose right? Yours or mine?"
"Yours, of course."
"Mine?!" Hindi makapaniwalang tanong ng babae.
"I told you clearly that 'on your right', not on 'my' right."
"I heared 'my', which is yours." He said.
"Stupid." Tin sighed.
"That's an acid one." She added.
"Then someone's getting burn by acid." Dylan jokingly said.
Alam naman nila kung sino ang tinutukoy dito ni Dylan.... ang kanilang Heneral, kung ito man ay kaniyang gagamitin.
"But you're still stupid. What if one of us uses that instead? Then it'll gonna do harm than good." Tin said with an irritation.
Sa kabilang dako naman ay nakahiga pa rin si Theo sa kaniyang higaan at nakatingin lamang sa kawalan. Hindi pa rin mawala sakaniyang isipan ang itsura ng mga lalaking nagpahirap sakanila. Bigla naman sumagi sa isip niya ang mukha ng isang taong kinamumuhian niya. Mabilis siyang umiling upang mawaksi ito sakaniyang isip. Ang inalala niya na lamang ay si Dahlia.
Pinilit niya na tumayo nang siya ay nagkaroon na ng kaunting lakas. Naglakad siya papunta sa kabilang parte kung nasaan si Dahlia nakahiga at wala pa ring malay.
Naupo siya sa gilid kung saan may upuan atsaka tinignan ang mga natamo ng babae.
"Why did you do that?" He whispered.
"Why did you saved me?"
"Why did you say sorry while crying to me?"
"Why are you crying? What are you crying for?"
"Are you crying because of the situation or are you crying because of my situation?"
"Why are you always with me when I'm in a tough situation?"
"Is it fate or just an illusion?"
Balak na sana niyang umalis nang biglang tumunog ang cellphone ng babae na nasa gilid. Hindi na sana ito papansinin ng lalaki, ngunit ito ay nag-ring.
Nagdalawang isip ang lalaki kung sasagutin niya ba ito o hindi. Kinuha niya ito at binasa kung sino ang tumatawag. Walang pangalan ang nakalagay.
Hindi ito pinansin ni Theo dahil baka ito'y galing sa gobyerno. Baka kung sagutin niya ito, ma-track kung nasaan sila ngayon.
Aalis na sana ulit siya nang mag-text ang number na tumatawag kanina. Hindi niya dapat ito bubuksan at babasahin, ngunit naalala niya na may pamilya ang babae sa ibang bansa. Naalala niya na minsan itong hiniling ni Dahlia kay Ian na hanapin sila dati.
Napilitan siyang buksan at basahin ang nilalaman.
Ang sabi dito ay nahanap na daw nila ang puntod ng kaniyang ama't kapatid. Nakalibing daw sila sa isang napaka pribadong sementeryo sa Norte. Ang mga nakalibing daw dito ay ang mga bayani, presidente at mga parte ng maharlikang pamilya.
"Who is this?" Tanong ni Theo sa hangin at tinukoy ang taong nagbigay alam kay Dahlia tungkol sa puntod ng kaniyang ama't kapatid.
Bigla ulit tumunog ang cellphone ng babae na nagsasabing mayroon nanamang panibagong text. Pagbukas ulit dito ni Theo ay nakita niya ang dalawang lapida.
'Timothy Fernandez' 'Alwinton Fernandez'
Napaisip naman dito ang lalaki. Sa tingin niya'y narinig o nakita na niya ang dalawang pangalang ito. Pamilyar ito sakaniya, hindi niya lang halos matandaan kung saan niya na ba narinig o nakita ito.
"Theo?"
Agad napaharap ang lalaki kay Hans nang pumasok siya dito.
"What are you doing here? Why are you holding her phone?" Asked Hans.
"Aren't you supposed to be on your bed?" Tanong niya atsaka lumapit kay Theo. Hinawakan niya ang mukha pati braso ng lalaki at tinitignan kung gaano kalala ang natamo niya.
"Still good, right?" Tanong niya kay Theo.
"Yep. Now you can let go of me." Aniya atsaka inalis ang mga kamay ni Hans sakaniya. Napatawa naman ng bahagya dito si Hans atsaka lumapit sa may kurtina palabas.
"Don't open other people's personal phone." Hans said that made Theo look on his hands.
Pagkakita niya dito'y wala na ang hawak niyang cellphone. Napalitan na ito ng isang pirasong saging.
Hindi niya man lang naramadaman ang pagpalit ni Hans sa kaniyang hawak.
Pagkaharap niya naman kay Hans ay nakita niyang nasa kamay na nito ang cellphone ni Dahlia kaya siya napabuntong hininga bago mapatawa ng bahagya.
"Alright. You win. I shouldn't open other people's personal things." Theo said.
"If you're ready to go outside, let us know, okay? But don't push yourself too much, Theo. We're doing well." Hans reassured him and then returned Dahlia's phone to her bedside before leaving them alone.