Pag-akyat naming lahat ay agad na nagsarado ang pinto.
Maingat na nilapag ni Ian ang hawak niyang parang lampara sa gitna ng lamesa.
Malawak ang espasyo dito. Ang ilaw na makikita mo dito ay puti at asul.
"We can take another picture, why bring that?" Tanong ni Eula kay Ian nang punasan niya ang picture frame.
"This thing is so precious. Just see." Aniya atsaka lumapit sa lamesa.
Pinadaan niya ang kaniyang kamay sa likod nito atsaka parang may pinindot. Pagharap nito ay mayroon ulit siyang pinindot hanggang sa unti-unting naging maliit na isang kahon na lamang ang aming litrato.
Kaming lahat ay pare-pareho ang rekasyon dahil sa nangyari sa dating picture frame.
"A tablet?" Tanong ni Giz kaya siya ngiting tumango.
"How about this?" Turo niya sa parang lampara.
"Wait." Tugon niya at nagpindot ng kung ano ano sa tablet na hawak niya. Inilagay niya pa ang kanan at kaliwang kamay niya na para itong iniiscan.
Saan ba galing ang mga ito? Masyado na itong advance na teknolohiya.
Biglang tumunog na parang nabuksan ang parang lampara atsaka ito naglabas ng kaunting usok. Binuksan niya ito ng maingat at bumungad saamin ang parang mga kidlat na kulay asul na nasa loob ng babasaging harang. Mayroon rin itong maninipis na metal na nakasuporta sa babasaging harang.
"This is the electro technological power or ETP."
"Ano yun?" Tanong ko.
"It's a thing that could access our main power and has a connection into different power here or outside the earth."
"O-kay. Para saan?" Tanong naman ni Irish.
"Wait." Sambit niya.
"Kim, to Headquarters."
"Greetings, agent Mendoza. I am glad you are back." Sabi ng boses ng robot na babae.
"Happy to be here. Missing you though." Aniya atsaka natawa.
"Ha ha ha. It is so funny that I can not barely breathe." Tugon niya na may robot na tono kaya kami natawa dahil ang dating saamin ay para itong sarkastiko.
"Stable mode, Kim. I have a company here."
"Roger agent Mendoza."
"Okay where were we again?" Balik niya saamin.
"Para saan." Wika ni Irish.
"Oh, okay. So this thing is made from an extraterrestrial peridot. So you're wondering why blue is the color, right? It is because professional, our professionals rather, experimented this."
"One of the professionals unintentionally poured a little drop of electro magneto elixir to this when it's inside the hot chamber called CH09. It happened to be a miracle when it suddenly made an electricity, but that's not it. There's more."
"After the sudden electricity, our place black out. Then after a good seconds, there is a sudden trembling of land."
"Wait. I think I know why." Singit ni Irish.
"Gamit ang electricity na naproduce nito, sa sobrang lakas nito ay nagawa niyang magalaw ang core ng earth, tama ba?" Tanong niya kaya napangiti si Ian.
"Yes. It is. Pero alam niyo naman ang pwedeng mangyari pag lumindol diba?"
"Nagkaroon ng tsunami at pumutok ng sabay sabay ang ilan sa mga bulkan sa iba't ibang bansa. Ang dami ring naging bundok dahil sa pagtaas ng lupa. At..." sinadya niya itong putulin atsaka sinarado ng maingat ang bagay na pinag uusapan namin.
"There are so many meteoroids coming to the earth that causes a meteor shower."
"Papaanong- bakit buhay pa tayo ngayon?" Tanong ni Tin.
"Because when this thing kept inside the glass wall... it can stop the meteoroids from hitting earth. When they've done it, all the meteors came back to the outer space."
"Glass wall?" Tanong ko naman.
"This isn't just a glass nor a transparent glass. Inside this are mirrors. Just think about the lightning when it hit the mirror, it will bounce back right?"
"There are six layers here inside this." Sabi niya nang mapansing hindi namin ito halos maintindihan. May pinindot siya sakaniyang tablet at pinakita saamin ang itsura ng tinutukoy niya.
"This is the ETP. This is the first layer and this is made from a thick mirror. The second layer is an advance plastic, para kapag tumagos ang kuryente ay hindi ito makakalabas dahil may plastic na. The third one is a glass, and fourth is plastic again. The fifth is glass again and the the last is plastic. Then the metal to secure it and this is its shell." Paliwanag niya.
"Ahhh, ok. So why are we in the water?" Tanong ni Eula habang nakatingin sa maliit na bintana.
"Because it is the safest place we know. Under the ocean is safer than..." pag turo niya sa itaas.
"I get it. Kaya kayo dito nag settle kasi hindi ito madalas puntahan ng mga tao?"
"Exactly. Tignan mo na lang ang mga nilalang na iyon. Kung sa ibabaw kami ng lupa, malamang ay nasira na nila ang lugar namin. Hindi man agad agad, masisira't masisira nila ito. Hindi katulad dito sa ilalim ng karagatan."
"Ok. So change topic. Bakit ka nga ba nagpunta saamin? Doon? Kung may trabaho ka na dito, bakit ka umalis? Anong dahilan?" Tanong ko.
"Ok. As our Captain's rule, be honest. I will do it." Sambit niya atsaka ngumiti ng maliit.
"I work there since I was a kid. My father is one of the professionals there. So as their son, I'll continue what they left behind. I'll protect the earth."
"And to answer your question, I got there, to you, all of you, because I wanted to feel what a teenager feels like."
"But you didn't turn your back to them, right?"
"Yes." Sagot niya agad kay Giz.
"But my team, especially our Captain, is really mad at me. And yes, I'm a little nervous right now once he see me."
"Is he bad?" Tanong ni Eula kaya siya natawa.
"He is strict. Really strict, when he's in a captain mode." Aniya na para kaming binabantaan.
"But he is soft, crazy and childish sometimes if his captain mode is off. Although it's rarely to happen because of the weight our duties are." Dagdag niya atsaka natawa ng bahagya na animo'y inaalala ang mga ito.
Natigil kami nang may tumunog na animo'y nagbukas ang malaki at makapal na pintuan na gawa sa sobrang kapal na metal. Nang tuluyang tumigil ang sasakyan ay may kung ano ano pang pinindot si Ian sakaniyang tablet bago ito mamatay.
"Halina tayo. Ako na ang bahalang magpakilala sainyo." Sambit niya pagbukas niya ng pintuan.
Paglabas namin ay napayakap ako saaking sarili dahil sa lamig. Napansin ko rin sila Eula na nilalamig rin.
Sobrang lawak ng lugar na ang sinakyan namin ay kasyang kasya at maari pang maglagay ng dalawa pang ganito. Halatang sobrang kapal ng mga pader at kisame kahit ito'y tinitignan pa lang.
Alam ba ito ng mga gobyerno? Alam ba nilang may ganito? Alam ba nilang may mga teknolohiyang ngayon ko lang nakita at sa buong buhay ko'y hindi ko magawang maisip.
Halos ilang minuto kaming naglakad hanggang sa marating namin ang pintuan papasok sa panibagong lugar. Bumungad saamin ang tatlong magkakahiwalay na daan -sa kaliwa, gitna at kanan. Nagumpisa nang mag lakad si Ian sa gitna atsaka kami sumunod.
Ang kinalalagyan namin ay nasa mataas na palapag. Siguro'y nasa may pang isang daan mahigit kami.
Habang kami ay nasa gitna ay nakikita ko ang ilang silid na may lamang iba't ibang robot na parang pinag eexperimentohan ng mga taong nakasoot ng puti. Ang ibabang palabag lamang ang kayang makita ng aking paningin kaya kahit anong gawin kong silip sa susunod na baba o dikaya'y saaming itaas ay hindi ko magawa.
Nakakalula ang taas ng kinaroroonan namin.
"Anong meron sa ibaba?" Tanong ni Eula.
Bukod sa tunog ng yabag at boses namin ay naririnig rin namin ng bahagya ang ilan sa mga kuryente at metal na tumatama sa katulad nito na nasa loob ng mga silid.
"There are certain type of things what they're working on in different floors. Pero ang pinaka baba, the ground floor up to third floor, is where the private place here."
"Hindi lang basta kung sino ang maaring makapunta doon."
"Bakit?" Tanong ko.
"Ano ba ang meron doon?"
"The control system, the main power and the source of electricity here in headquarters." Tugon niya atsaka kami pumasok sa elevator.
"The Crest?" Tanong ko nang makitang pinindot niya ito.
"That's our floor." Sagot niya ulit.
Ilang segundo ang lumipas ay bumukas rin ito at nagumpisa na ulit kaming maglakad. Nagtungo kami sa isang silid na gawa sa metal at may password na pintuan.
"Incorrect password." Wika ng boses pagkatapos nitong tumunog.
"Anong?-"
Nagpindot ulit siya ngunit mali nanaman ito.
"Tsk." Aniya atsaka may pinindot pindot sakaniyang tablet.
"Gale? What's wrong with my room?" Tanong niya.
"Ian? Ikaw ba iyan? Kailan ka pa dumating?" Galak na sagot ng babae sakaniyang tablet.
"Kadarating ko lang. Bakit mali yung password na nilalagay ko? Anong nangyayari?" Tanong niya ulit kaya natawa yung Gale na sinabi niya.
"Captain ordered it. After what you've done?" Patawa niyang tugon.
"What? Yung gamit ko? Nasaan na? Sinong nandito?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Saglit. Papunta na ako jan." Pagtawa niya at matapos ang ilang segundo ay napatingin kami sa isang babaeng robot na naglalakad patungo saamin.
Kulay puti na may itim ang mga parte ng katawan nito.
Para siyang tao. Ang bawat kurba at detalye ng kaniyang katawan ay parang tao. Kung hindi lang dahil sa mga parang pindutan at kulay nito ay para na itong totoong tao.
"What's this?" Tanong ni Ian.
"May ginagawa ako. Dibale, kilala ka pa naman niya." Sagot ng babae.
"Sige. Patayin ko na. Maya na lang tayo mag kita. May tinatapos pa ako." Paalam niya.
"Alright." Ian sigh.
"Hello, GE15. Agent Mendoza here." Pakilala ni Ian.
"Searching Agent Mendoza." Sagot nito.
"Unknown." Sabi ulit niya kaya napairap si Ian.
"Okay. Hello, GE15. Snore King here."
"Searching Snore King." Wika nito at biglang tumunog na para itong nahanap.
"Hello, Snore King. May I help you?"
"I would like to open this room. Could you help me?"
"I am glad to help, Snore King."
"Please stop saying that." Iritang sabi ni Ian.
"Why, Snore King? Is there a problem with your lovely name?" Tanong niya kaya hindi na namin napigilan ang pagtawa.
"Snore King ka nga talaga. Ang lakas mo kasing humilik." Ani ni Giz atsaka ulit kami natawa.
Idinikit ng robot ang kaniyang kamay sa parang maliit na screen sa tabi ng door knob. May mga mabilis na numerong lumitaw sa tinginan ng password hanggang sa isa isa itong tumigil dahilan ng pagtunog ng pinto.
"Welcome agent Lopez. How is your day?" Bati ng babaeng boses pagbukas namin ng pinto.
"Lopez?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ian.
"That boy?! Siya ang naririto sa kwarto ko?" Hindi makapaniwala at pagalit niyang tanong. Bigla siyang natigil at mabilis na tumakbo sa kanang parte ng kwarto.
"No, no, no, no!"
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong namin paglapit niya saamin.
"My computer! He's using my computer! My headset!"
"Oww. Para saan ito?" Tanong ni Kurt habang hawak ang parang toothbrush na gawa sa metal.
"Amina nga." Pagkuha niya habang salubong ang kilay.
"Pinakialaman nila yung gamit ko? Why my computer? Why my headset?"
"Buti na lang ay hindi nila alam ang lugar na ito." Aniya atsaka binali ang toothbruh na hawak niya. Biglang bumukas ng bahagya ang isa sa pader malapit sa kaniyang parang refrigerator.
"Halikayo." Pag aya niya saamin kaya kami sumunod.
Masikip ang dinaraanan namin at medyo madilim. Ang nagbibigay lang ng liwanag saamin ay ang kulay pulang ilaw na nasa lapag na nagbibigay at nagtuturo saamin ng daan.
Pagbukas niya ng ilaw ay bumati saamin ang mahaba at malaking lamesa sa gitna samantalang parang shelves sa gilid na walang laman. Sa may bandang sulok naman ay parang pinaglagyan ng computers.
"No!" Malakas niyang sabi habang nakahawak sa ulo.
"My things..." aniya na parang namatayan.
"O...kay. let's sit here and watch how he die inside." Mapang asar na sambit ni Kurt at naunang naupo sa mahaba at pang mayamang sofa na malapit saamin.
"How could they do this to me, GE15?" Tanong niya na parang nagpapaawa sa robot.
May napindot ata si Tin pag upo niya kaya bigla kaming napasigaw nang maging kama ang inuupuan namin.
"This is cool. Ano pang pwedeng magawa dito?" Tanong ni Kurt at nagpindot ulit. Bigla ulit kaming napasigaw maliban sakaniya nang magkaroon ito ng tubig.
"A pool. Woah. This is cool." Manghang wika ulit ni Kurt.
"Stop it. Tignan mo, basang basa na kami." Inis na sabi ko dahil siya'y nakatayo at hindi basa.
"Damay-damay na ito." Ani ni Giz at hinila siya kaya kami ay napatawa.
"How could you all laugh while I'm here, mourning?" Matamlay na tanong ni Ian ngunit para saamin ay nakakatawa ito.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya dahil kami ay tumatawa pa rin.
"GE15, help me. They're laughing at me. I've been betrayed. They betrayed me." Pagsumbong niya.
"You look really sad, Snore King." Sagot ng robot kaya kami ulit napatawa. Inirapan naman na kami ni Ian.
Tumahimik na kami dahil ramdam naming hindi talaga ayos si Ian.
"Ian. Ano ba ang mayron dito?" Paglapit ni Eula kahit tumutulo pa ang kaniyang kausotan.
"Kinuha nila yung gamit ko."
"Ano ba ang mga iyon? Computers? Sino ba ang kumuha? Alam mo ba kung bakit?" Tanong niya. Sumunod na rin kami upang lumapit.
"Captain. Siya ang nag utos na kunin ang mga gamit ko."
"Bakit? Gamit mo ito ahh." Ani ni Tin.
"Kasi umalis siya diba?" Aniko naman.
"Pero kahit pa. Dapat ay hindi nila ito kukunin ng walang pahintulot sakaniya. Hindi naman siya umalis nang tuluyan diba? Ginagawa niya pa rin naman ang trabaho niya kahit wala siya dito mismo."
"Pero umalis pa rin siya. Baka hindi sang-ayon ang captain nila kaya niya ito ginawa." Sagot ni Kurt kay Irish.
"Ian?" Rinig naming tawag ng kung sino sa labas.
"Gale." Aniya atsaka tumayo kasabay namin.
"Ano, basa pa nga. Sige, mag swimming pa kayo." Sambit niya saamin habang natatawa.
"Maghanap tayo doon ng maisusuot niyo. Para kayong mga bata, tsk." Dagdag niya.
"Wow. Kami talaga ang bata huh. Sino yung parang magwala sa sahig kanina dahil kinuha ng captain nila yung gamit niya?" Tanong ko kaya niya ako inirapan.
Lumabas na kami at nakita namin ang magandang babae. Maikli ang kaniyang buhok at payat samantalang sakto lang ang kaniyang tangkad.
"Ian. Mabuti't naisipan mong bumalik. Ilang taon ka ring nawala." Yakap niya ng mabilis atsaka napatingin saamin.
"They're my friends."
"O-ok."
"L-X is everywhere. Anong nangyayari?" Tanong niya kaya nawala ang ngiti sa labi ng babae.
"The other ETP was stolen. Please tell me you still have the other one."
"Yes. In here." Pagturo niya sa hawak niya.
"Good."
"Ano na ang nangyayari dito?"
"Parang hindi mo nalalaman ahh. What's the use of your skills, Ian."
"I know. Pero hindi naman lahat makakayanan ng computers."
"Mamaya na natin ito pag usapan." Halos pabulong niyang sabi at alam na namin ang ibig nitong sabihin.
Sagrado ito at hindi namin ito maaring marinig.