L-X

2636 Words
"Ito. Sa tingin ko ay kakasya naman ito sainyo." Bigay niya saamin ng mga damit. Bigla siyang napahinto at napahawak sakaniyang kaliwang tenga. "Captain wants to talk to us." Sabi niya kay Ian. "Sige na. Magiging maayos lang kami dito." Ani ni Eula. Ilang segundo muna siyang hindi gumalaw hanggang sa sila ay umalis na. "Is there anyone here who's curious like me?" Tanong ni Irish at kahit hindi pa siya nagsasabi ng ibang detalye ay alam na naming gusto niyang sumunod sakanila Ian. "Ano sa tingin niyo?" Tanong naman ni Tin. Napatingin kaming lahat kay Giz dahil siya ang pinakapanganay saaming lahat. Ang susunod sakaniya ay si Kurt at susunod kami nila Eula at Ian samantalang ang bunso saamin ay sina Irish at Tin. Sabay sila ng araw, buwan at taon na kapanganakan kaya minsan ang tawag namin sakanila'y kambal. "Hindi natin alam ang lugar na ito. Baka kung anong mangyari saatin at sumakit pa lalo ang ulo ng kaibigan natin." Aniya at tinukoy si Ian. Ilang minuto kaming naglakad lakad dahil sa kainipan hanggang sa napatingin kami kay Giz na kung ano-ano ang pinipindot sa tablet ni Ian sa lamesa. "Ang galing nito. Na-aaccess niya yung iba't ibang kwarto dito. Sa palagay ko'y dito lang rin sa palapag na ito ang mga ito." Sabi niya habang nakatingin sa mga silid na nililipat lipat niya. Natigil niya agad ang pagpindot nang makita namin sina Ian kasama ang babaeng nagngangalang Gale. Nasa gilid naman niya yung dalawang lalaki na sa tingin ko'y sila ang naunang dalawang lalaki na nakita ko dati saaking apartment. Sa pagkakakatanda ko'y ang matangkad sakanilang dalawa ay si Owen, dahil narinig ko itong sinabi ng nabunggo ako dati. Sa isang gilid ay mayroong babae na halata sakaniyang katawan ang pag punta sa gym. Katulad niya yung lalaking nabunggo ako na parang ilang taon na silang nag g-gym. "Teka. May nagsasalita ata sakanila. Tignan mo, parang nakatingin silang lahat sa iisang parte." Wika ni Kurt. "Lakasan mo." Aniya ulit kay Giz kaya naman niya ito ginawa. "Pagkatapos mong umalis ng wala akong pahintulot, babalik ka? Tas aasahan mong pag bumalik ka ay parang walang nangyari?" Madiin at maawtoridad na sabi ng boses ng lalaki. Nakakatakot ang awra niya, nakakatakot siya, kahit hindi ko pa siya nakikita. Nakakatakot na ang boss ko, ngunit mas nakakatakot pa pala ang lalaking ito. Sa tingin ko ay siya yung captain nila. "What are you, a child? What am I? A mother who still accepts her son even if he've done multiple shits?" "If you don't want to be called child, then don't be one." Mas madiin niyang sabi. Napatingin naman ako kay Gale na bahagyang hinaplos ang likod ni Ian. Is this the captain who's soft, crazy and childish Ian have talked about? It's so far from what I am witnessing now. "You f****d up again, Agent Mendoza. You f****d up again." "Simple rules, simple task yet you f****d up. You disobeyed my rule, Agent Mendoza. You disobeyed your Captain's f*****g rule." Sambit niya ng madiin sa bawat salita. "Now what do you expect me to do to you? Accept?" "I apologize, Captain. I sincerely apologize for what I have done." Nakayukong sabi ni Ian. "Apologizing can't change what you've done, Agent Mendoza." "Look what you have just done. Look everywhere. You f****d up." Malakas niyang sabi kasabay nang paghampas niya sa lamesang nasa harapan nila. Hindi ko makita ang captain nila at ang kamay niya lang ang nakita namin nang hampasin niya ang lamesa. "You just prove that you don't deserve here. Go back there and don't ever come back here." Sambit niya atsaka namin narinig ang pagtunog ng upuan na nagsasabing tumayo siya. "I don't want to see your face, Agent Mendoza. Get out. All of you, get out." Maawtoridad niyang sabi kaya dali-dali rin silang lumabas. "Whoever you are, are you satisfied on what you've just watch?" Malamig na sabi niya makalipas ang ilang minuto kaya kami agad napaatras. Wala siya sa kamera at alam naming nasa gilid siya na hindi magawang makuhanan ng kung ano mang gamit ang nandoon. Narinig namin ang parang pagputol ng wire hanggang sa mawala ang imahe sa tablet. "His voice shivers me. Look, I'm trembling." Ani ni Tin habang pinapakita ang nanginginig niyang kamay. Napahawak ako saaking dibdib dahil sa bilis ng pagtibok nito. Nakakatakot siya. Bigla kaming napaharap sa pinto samantalang si Giz ay mabilis na pinatay ang tablet nang pumasok sila Ian kasama sila Gale. "Oh, ba't parang gulat na gulat kayo?" Patawa niyang tanong saamin. Nakaramdam naman ako ng pagkirot saaking puso dahil sakaniya. Alam kong ayaw niya kaming mag alala at alam kong hindi niya gustong ipaalam saamin ang nasaksihan lang namin kanina. "Ahh.. nothing. So, kamusta? Anong nangyari?" Tanong ni Eula. "Ayos lang naman." Tugon niya atsaka dumiretso sa lamesa. "Guys, this is Gale. Gale, these are my friends." Pakilala niya saamin atsaka sinabi ang bawat pangalan namin. Natigil siya sa pagsasalita niya sana nang pumasok ang mga kasama niya kanina. "Guys? A-anong ginagawa niyo dito?" "Woah. Who are them?" Walang reaksyong sabi ng matangkad na babae. Ang ganda niya. Her body is so fit. She's really cool. I want to be like her. But I think I don't have the time to go to the gym. Maybe next time. "Hey? Are you ok?" Saka lang ako nabalik sa kasalukuyan nang bahagya niya akong hipan sa mukha. "Ahh.. pardon?" Utal kong tanong kaya siya napatawa ng marahan. "I'm Mia. You are?" "D-dahlia. I'm Dahlia." "Hhmm. Dahlia. One of my favorite flower." "I'm Owen." Sabi naman ng isang lalaki kaya rin ako nagpakilala. "Dylan." Sabi naman ng lalaking nabunggo ako dati. Nakakalusaw talaga kung tumitig 'tong lalaking ito. No! Don't fall for it. It's a trap. You've been there before, Dahlia. You do not want to be there again. "Where's agent Lopez?" Tanong ni Ian na nawala ang ngiti sa mga labi. "He is-" "People?!" Rinig naming tawag sa labas kaya kami napaharap sa pinto. "Guys?!" Tawag ulit nito. "Ladies and Gentlem- hello there." Wika niya na parang nangaakit pagpasok niya sa pintuan. He has an orange hair with many piercings on his ears. Magkasing tangkad lang sila ni Mia at ang katawan niya'y parang katulad ni Kurt na pang atleta. "Kuristen. But you can call me Tin." "How about you miss gorgeous?" Malanding tanong niya kay Irish. "Ahhh.. Irish." She answers awkwardly. "Hans, darling." Pagkindat niya atsaka inabot ang kamay ni Irish atsaka ito hinalikan. Saaming lahat ay sakaniya niya lang ito ginawa kaya lahat kami ay nabigla maliban sa kasamahan niya at si Ian. "Ikaw. Ang lakas talaga ng loob mong kunin ang kwarto ko, ano? Pinagsamantalahan mo yung panahong wala ako. Ginamit mo pa yung computer at headset ko." Madiing sabi ni Ian atsaka hinabol ang lalaki na si Hans. "Bakit kasi umalis ka? Hindi ko na yun kasalanan. Tumigil ka na nga sa pag habol saakin." Aniya "Tumigil ka kasi sa pagtakbo saakin." Sagot din ni Ian. Napairap na lang si Mia habang naka krus ang braso. Habang naghahabulan sila ay naalala ko yung tungkol sa imbestigador na sinasabi nila Irish. Should I email them? "Enough." Utos ni Owen ngunit hindi nila ito pinapakinggan. "Tama na kasi Ian. May mahalaga akong sasabihin." Sambit niya. "Ano? Sabihin mo na." Paghabol pa rin ni Ian. "Code red." Aniya kaya agad napahinto si Ian at napatingin sakanila Mia. "Hindi mo pa sinasabi, Gale?" Tanong ni Mia. "Hindi pa. Hindi ko na nagawa. Pinatawag kasi tayo ni Captain." Sagot niya. Biglang tumunog ang alarm at kasunod non ang paghawak nilang magkakasama sakanilang kanang tenga na sa tingin ko ay nandoon ang earpiece. "Code red. Everybody, code red." Sabi ni Mia. "Let's go to Captain." Wika naman ni Dylan kaya na sila tumakbo palabas at sumunod din kami. "What is happening?" Tanong ni Eula kay Ian. "I think we are under attack." "By whom?" Tanong ko. "I don't know. Hindi ko pa alam." "Dito na muna kayo. I think this isn't the time for introducing you guys to our captain." Aniya habang kami ay nasa harapan ng pinto. Katulad ng ibang pintuan sa palapag na ito ay katulad ng pintuan ni Ian. Sunod-sunod na silang pumasok ngunit ang atensyon ko'y nasa lalaking nakalapag ang dalawang palad sa lamesa habang nakayuko na animo'y sobrang daming iniisip. Ang itim niyang kasuotan katulad ng kaniyang buhok ay katulad ng kaniyang awra. As the door closes our eyes met in a second. And in that second, his eyes makes me tremble. "Ohhh. Anong nangyayari sayo?" Pagsalo saakin ni Kurt at Giz dahil sa panghihina ng aking binti. I didn't know that someone's gaze can make someone weak. It's not a good weak, it's sort of a warning. Like he is sending me a message to back off. But wait. Siya yung lalaking.... s**t. My body. He saw me naked that time. "Bumalik na muna tayo." Sabi ni Giz kaya na kami naglakad pabalik sa kwarto ni Ian. Hindi pa kami tuluyang nakakalapit nang gumalaw ang sahig. "s**t. Umalis kayo sa maari kayong matamaan." Utos ni Kurt. "Damn it. Protect your heads." Dagdag niya. Ang mga ilaw na nasa itaas naming hindi ko inaasahang masisira ay sumabog. Napayuko kaming lahat samantalang si Kurt ay humarang saamin. Are we going to die here? I can't die yet. I have many things to do, and that includes sending my mail to the Investigator. "Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito." Aniya habang naghahanap ng maari naming mapuntahan. "Sa loob." Sabi ni Tin kaya kami nagmadaling pumasok sa silid ni Ian ngunit napatigil nang magsibasag ang mga kagamitan doon. Agad ko namang pinindot ang 'send' sa aking cellphone sa email address na binigay saakin ni Ian dati. I'm that desperate to find my father and brother, and I can't die right now. Not this time. "s**t. Hindi tayo pwede dito. Balik." Sambit ni Kurt ngunit napatingin ako sa parang lampara na alam kong iniingatan ni Ian. Tumakbo ako papunta doon at mabilis na kinuha kasama ng kaniyang tablet. "Sa tingin ko'y mahalaga ito." Aniko. "Let me borrow that, Dah. I'll try to contact Ian." Pagkuha ni Giz saakin ng tablet. Pagbukas ng pintuan kung nasaan sila Ian ay kasabay ng pagbitak ng aking kinatatayuan. "Dahlia!" Malakas niyang sigaw ngunit tuluyan na akong nalaglag. "No!" Sigaw nila. Nakita ko naman si Irish na nalaglag din. "Irish!" Sigaw ulit nila ngunit humarang na si Kurt at Ian upang makalayo sila Eula at hindi malaglag. Nakita ko si Mia na tumalon habang nagpabalik balik ang tingin saakin at kay Irish. Bigla akong napayakap saaking hawak nang may mabilis na yumakap saakin habang nakahawak sa.. wire? Hanggang sa maayos at maingat kaming nakarating sa lapag. Napatingin naman ako kay Mia na nagpunta sa pangalawang palapag at inabangan si Irish. Tumalon siya atsaka niya kinuha at napunta sa kabilang parte ng palapag. "Who are you? Are you with them?" Tanong ng lalaking matangkad na may mga tattoo sa mukha at braso. Marami rin siyang hikaw sa tenga ngunit mas marami pa rin ang hikaw ni Hans. He's black. Black American, I suppose. Base sakaniyang kulot na buhok at kulay ng kaniyang balat. Hindi ko masagot ang kaniyang tanong dahil naakit ako sa amoy ng kaniyang hininga. It's kinda minty. Ang amoy niya naman mismo ay masasabi kong nakakaagaw ng atensyon.. lalo na sa kababaihan. His scent is head turning. "Dahlia! Wait for me there." Malakas na sabi ni Mia kasama si Irish. "Dahlia. What a beautiful name, Miss Dahlia." "I'm Stone. Captain Stone." Pakilala niya atsaka lumapit sa gilid ng aking tenga na ramdam ko ang hininga niya saaking leeg. "Flower is mine. I'll make the flower mine." Mahina niyang sabi at humiwalay nang makababa sila Mia. "Get the hell away from her." Madiing sabi niya sa lalaki kaya siya napatawa ng bahagya. "Mia. Kamusta ka na?" "Tell that to your face. Come on Dahlia, let's go." Paghawak niya saakin atsaka ako marahang hinila palayo. "Ask that to Theo instead." Wika niya atsaka ulit tumawa. Nagtuloy tuloy na ang paggalaw ng sahig at ang ilang parte ng semento ay nalalaglag na. "Argh. I don't have my pick." Sambit niya habang naghahanap ng maari naming madaanan. Pick? Yung pick ng gitara? "Will this can help?" Pagabot ko sakaniya. "Where- where did you get this?" "Sa isang pinag ganapan ng krimen." Tugon ko. Mabuti na lang ay kinuha ko ito. "How can you use that?" Tanong ni Irish ngunit hindi siya sumagot. Ipinatong niya ito sakaniyang relo atsaka ito parang nag scan. Pagkatapos nito ay lumabas ang numerong mabilis na nagbibilang. "Installing?" Tanong ko kaya siya tumango. Pagkatapos nito ay tinapon niya ng mataas ang pick atsaka mabilis na may pinindot sakaniyang relo. Napaawang na lang ang aking bibig nang lumakit ito hanggang sa parang naging surfboard ngunit mas malaki ng kaunti. Maingat itong nagpunta saaming harapan na nakalutang sa ere. "Let's go. Kailangan nating magpunta sa itaas. Nandoon ang masasakyan natin." Aniya. Wala na akong nagawa kundi umakyat dahil sa paglaglag ng mga sahig sa mga palapag. Nakayakap kami sakaniya ngunit yakap ko pa rin ang parang lampara. "Mia. Give me her." Sabi ni Hans habang nakasakay din sa katulad ng sinasakyan namin. "Go to him. I know he'll protect you." Wika niya kay Irish. "Trust me, he'll protect you. We can't ride this thing if we're three. Dalawang tao lang ang kaya nitong isakay." Dagdag niya. Ilang segundo siyang nakatingin kay Mia hanggang sa humawak na siya kay Hans. "Now, hold on." Harap niya saakin kaya ako yumakap sakaniya ng mahigpit na nagpatawa sakaniya ng mabilis. Habang papalapit na kami sa taas kung nasaan ang sinakyan namin dati nila Ian ay napatingin ako sa lalaking tumulong saakin kanina kasama ng sa tingin ko'y kagrupo niya. "I think we were attacked by L-X." Aniya habang nakapantay saamin. "Why? Paano sila nakapunta dito?" Tanong ni Mia sakaniya. "I don't know. Sa tingin ko ay may traydor dito." "Sino?" "Hindi ko pa alam." "I think one of those who are in the higher position." "I think so. But maybe one of the professionals. Sila ang may gawa ng lugar na ito." "Yeah. Pero pwede din naman ang mga nasa computer industry. They can access the whole security here." "Yeah." Tipid niyang sang ayon hanggang sa makarating kami sa itaas. "Ask him that, okay?" Mapagbiro niyang sabi kay Mia atsaka tumingin saakin bago umalis. "Who is he?" Tanong ko. "He's from the other group. The Velvet, group. He is their captain." "Is he bad?" "What do you think?" Tanong niya saakin habang salubong ang aking mga mata. "No?" Patanong kong sabi ngunit nagkibit balikat lamang siya. Pagkarating namin sa loob ay mabilis akong niyakap ni Ian. "You're alive. Good." Aniya at mabilis na kumalas at bumalik sa lamesa na kung saan ay parang naging screen na. Sumunod naman sila Eula saakin. "Where's captain?" Tanong ni Mia. "He's finding the other ETP. Baka nandoon pa kasi sa ibaba." Sagot ni Ian. "What?" Hindi makapaniwalang tanong niya ngunit hindi na nagsalita pa. "I'm trying to access our system. Sinusubukan kong tignan kung anong nangyayari at binibigyan ko rin siya ng gabay." Aniya kaya tumango si Mia. "Captain? Are you there?" Tanong niya ngunit walang sumagot. May kung ano ano pa siyang pinindot atsaka ulit nagtanong. "Captain, please speak. Don't die, captain. Please." Sabi niya ulit. "Theo!" Malakas niyang sabi na parang umiiyak na ngunit walang luhang lumalabas sakaniyang mata. "Where's your f*****g respect, agent Mendoza?" Madiin at kalmado niyang tanong sa kabilang linya. "You're alive? I'm sorry, captain." "I'm not your captain anymore." "Yes you are, captain. Now I'm going to unlock the door." Pagiba niya agad. "Wait." "Why?" Tanong niya agad ngunit hindi siya sumagot. "Captain why? What's the matter?" "Nothing. Unlock it." Kalmado niyang utos ngunit ang dilim pa rin ng kaniyang awra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD