bc

LANGIT... LUPA... IMPYERNO!: LIMBO HIGH SCHOOL

book_age18+
58
FOLLOW
1K
READ
system
heir/heiress
bxg
witty
nerd
campus
apocalypse
like
intro-logo
Blurb

‼️ HORROR GAME: FREE AND SLOW UPDATE ‼️Sa isang pampublikong sekondarya na paaralan ng Limbo, sa timog ng Metro Manila. Humigit—kumulang na nasa 12k students ang nag—aaral sa Limbo High School. Laging nangunguna ang paaralan na ito pagdating sa National Achievement Test, at Palarong NCR. Lahat ng mga estudyante rito ay matalino at magaling sa sports na siyang kinaiinisang ng ibang school.Paano kung ang sunod nilang salihan ay hindi ordinaryong test or sports competition. Isang competition na ang nakasalalay ay ang sariling buhay mo... Magagawa mo kayang lumaban para sa sarili mo? Kahit katumbas nito ay kamatayan ng teachers, classmates, schoolmates at kaibigan mo? Handa ka bang pumatay para sa sarili mong kapakanan?Langit, Lupa... Impyerno. Saan ka mahuhulog? Sa Impyerno kaya?Ilaban ang buhay para makaalis ka sa Impyernong larong ito. Dead or Alive?

chap-preview
Free preview
UNANG KABANATA: Weaklings!
“PUTANGINA! Ang bobo mo naman! Nasa likod mo na! Takbo!” Napatingin na lamang ako kay Anthony na malakas na nagmumura ngayon. Tinignan ko rin ang mga kaklase kong takot na takot na nanood ng movie. “Takot pala kayo, bakit horror movie pa ang pinanood natin?” asik ko sa kanila at tumayo sa sofa nila Ella. Nandito kami sa bahay ng best friend ko, gagawa kami ng reporting pero napunta sa panonood dahil tapos na raw kami. Tapos naman na kami sa visual aids, pero sa paghahati ng ire—report, hindi pa! “Hoy, Hannah? Saan ka pupunta? Takot ka rin siguro, ano?” nakangising sabi ni Ben sa akin. “For sure, takot ang President natin. Tapang—tapangan lang naman niyan, eh. Pero, babae ang heart niyan kapag kaharap ang crush niyang si—” Nilagyan ko ng tinapay ang bibig ni Candy. “Kumain ka na lang, Candy. O, ʼdi kaya, mag—make up kayo ni Clara, okay?” sabi ko sa kanya. Tinignan ko si Ben na hindi pa rin naaalis ang ngisi niya. “Hindi ako takot. Gagawin ko na ang reporting natin, hahatiin ko na para kapag tapos na kayong manood, magpapaliwanag na lamang ako sa inyo, maliwanag?” “Dapat tapusin mo na ito, Hannah. Ka—name ko iyong bidang babae rito, parehas pa kayong smart at magaling sa track and field, mabilis din siyang tumakbo, like you!” malakas na sabi ni Ella at tinuro pa ako. “Siyang tunay! Thrice na siyang nanalo sa palarong NCR, gold lahat ng iyon!” Sumabat pa itong si Clara na panay ang lagay ng powder sa face niya. “Shut up! You know what, Clara and Candy, payong kaibigan at kaklase, huwag niyong abusuhin ang mukha niyo sa makeup at baka kumulubot niyan kahit hindi pa kayo senior.” “No way!” “No freaking way!” sabay pa nilang sabi sa akin. Hindi ba nila alam na may chemical ang mga makeup? Binuklat ko na lamang itong book na reference namin sa reporting na gagawin namin bukas sa subject na Science, ang Physics. “Hannah, sobrang sipag mo talaga. Ayaw mo na bang manood muna?” Napataas ang tingin ko nang marinig ang boses ni tita Elena, ang mom ni Ella. “Hindi naman po, tita Elena. Ayoko lang po ang palabas, kapangalan ko po ang bidang babae. Nahulaan ko na rin po kung ano ang plot twist ng movie na iyon, iyong parents po niya ay mastermind, gusto siyang patayin para sa mana.” Madaling hulaan ang plot twist dahil na rin sa clue na binigay ng director. “Sobrang talino at observant mong bata, Hannah. Kaya tuwang—tuwa sina pareng Arthur and mareng Helena na may matalino silang bukod sa kuya mong si Hanzel. Kumusta na pala si Hanzel? Lumalaban pa rin ba sa Archery?” Tumango ako sa kanya. “Yes po, tita Elena. Nag—e—excel pa rin po si kuya sa archery sa university po na pinasukan niya... Ang alam ko po ay bibisita siya sa school para turuan at maging inspiration po siya sa mga naiwan sa Archery club nila as senior,” sabi ko sa kanya. Proud ako kay kuya Hanzel, he know what he wants. Unlike me, hindi ko sure kung ipu—pursue ko pa ba ang track and field pagdating sa college. “Thatʼs nice! Simula sa batch ng kuya Hanzel mo ay sunod—sunod na rin nanalo ang Archery club, actually, wala naman talaga iyan noon, nilagay lang dahil sa kanya, pero tignan mo naman, humahakot na rin ng awards kahit wala na ang kuya Hanzel sa club. Maganda ang naging pamamalakad niya.” Tumango ako kay tita Elena. “Tangina!” “Patay kang gago ka!” “Rest in Peace!” “You so idiot! Ang bagal kong tumakbo! Katulad ni Candy and Clara!” “Hey, weʼre not like her, ano! Mabilis kaming tumakbo ni Clara!” Napangiwi ako sa malakas nilang boses. “Um, sorry po, tita Elena. Teka lang po, pagsasabihan ko po sila,” sabi ko sa kanya at tumayo sa kinauupuan ko. Urgh, ang lalakas ng boses nila. Hindi naman nila bahay ito. Si Ella naman ay hindi sinusuway ang mga kumag. “Hey, ang lakas ng boses niyo. Lowered your voice, guys! Hindi niyo bahay ʼto!” Pinagsabihan ko sila, kaya tumikom ang kanilang mga bibig. Ang tingin ko naman ay bumaling kay Ella. “Ikaw naman, best, sawayin mo sila. Hinahayaan mo lang din.” Kinuha ko iyong remote at chineck ko ilang minutes na lang pinapanood nila. “Twenty minutes left, after niyan ay wala na munang manonood para matapos na itong reporting natin for tomorrow, okay? Mag—ga—gabi na rin kailangan niyo ng umuwi, lalo na iyong nasa Carissa subdivision at Hi—Top Subdivision, ubusan ng traysikel kapag ganoʼn ang oras. In case, na may sundo or magbo—book kayo ng car pauwi,” nakangiting sabi ko sa kanila. Pinaparinggan ko lang naman ay sina Anthony, and Ben na from Carissa Subdivision. Sina Candy and Clara naman ay sa Hi—Top Subdivision. Kami nina Ella, Wealand and Ether ay nasa iisang subdivision, ang San Jose Subdivision, na may—ari nila Ella. “Um, susunduin ako ng twin brother, isasabay na rin namin si Clara. So, nothing to worry, President!” nakangising sabi ni Candy sa akin at nag—umpisa na muling maglagay ng eye shadow sa eyes niya. “Whatever, basta after niyang pinapanood niyo, need na natin mag—discuss for tomorrowʼs reporting. Intiende?” Tinanguan nila akong sabay at muling plinay ang movie. Nakita kong umiiyak na ang bida, habang yakap ang isang bangkay. “Hays, kasalanan naman.” Tumalikod na lamang ako sa pinapanood nila at muling bumalik sa dining hall nila Ella, pero wala na roon si tita Elena. “Aralin niyo na ang topic, ha? Mag—isip na rin kayo kung anong klaseng tanong ang dapat masagot sa topic na hawak niyo. Alam niyo naman ang classmates natin, gigisahin tayo. Because the vision of our school is, intelligence and talent are the investment of every student.” Paalala ko sa kanilang lahat. All students studying at Limbo High School are smart and good at anything, whether it's sports or activities. That's why many public schools are jealous of us. Hindi ko sila masisisi, we are always on top. “Of course, we all know, Hannah! Sa iyo pa lang grabe ka nang manggisa!” Tinuro ako ni Wealand, but I rolled my eyes to him. “We're all smart so this is easy as a s**t!” Tinaas ni Clara ang paper na binigay ko sa kanya, ang report niya. “Yeah, definitely, Clara! We are pretty and brainy!” Hinayaan ko na lamang ang dalawang iyon. Hindi ko sila mapipigilan sa pagiging maarte nilang dalawa. “Guys, see you tomorrow!” Kumaway ako sa kanila, habang sina Candy and Clara ay sinundo nga ni Caspian, classmate rin namin ang isang ito. “Wahaha! Excited na ba kayong gisahin namin bukas! Heto na ang ganting inaabangan ko for Hannah!” malakas niyang sabi habang patuloy sa pagtawa. “Bring it on! For sure, masasagot ko ang tanong mo. Tanong ni Jameson ang pinaghahandaan ko tomorrow. Matalas ang pandinig ng isang iyon, advance reader din iyo and last, favorite niya ang Physics. Kaya ingat din kayo kay Jameson tomorrow!” paalala ko sa kanila. Nakita ko ang pagsara ng kanilang mga bibig. They know kung paano manggisa si Jameson, mas masahol pa sa akin ang isang iyon kaya mga siya ang top one at running for Valedictorian, wala naman kami tutol, he deserve it. “Tsk! Pinaalala mo pa si Jameson!” Ginulo ni Ben ang buhok niya. “Anthony, tara na umuwi na tayo! Mahaba pa naman itong report ko! Ayokong magtanong nang marami ang isang iyon!” Hinila na niya si Anthony. “Oh my gosh! Clara, we need to be handa for Jameson tomorrow. Argh, sasakit na naman ang head ko. Twin, letʼs go home na!” Nagpaalam na sila sa amin, kaya maging kami nina Wealand and Ether ay nagpaalam na rin kay Ella. “See you tomorrow, guys! Kaya natin ito!” malakas na sabi ni Ella. Sa first street ang bahay namin, sina Ella ay second street, bottom. Sina Wealand and Ether ay fourth street, magkatabi ang bahay nila, their best friends katulad namin ni Ella. Nakauwi na rin ako sa bahay at nadatnan ko si mom na naghahanda na ng dinner namin. “Eksaktong ang dating mo, Hannah. Mag—half bath ka muna then bumaba na rin para kumain ng dinner, okay?” mahinahon na sabi ni mom sa akin. Humalik ako sa kanyang pisngi. “Yes, mom!” sagot ko at mabilis na naglakad pa—akyat sa room ko. I need to freshen up para after kong kumain, magbabasa lamang ako ng thirty minutes, then matutulog na rin ako. Kailangang maging prepare ako bukas. After we eat dinner, tumayo na rin ako sa dining namin, pero nagsalita si dad kaya bumalik ako sa pagkakaupo ko. “Hanzel and Hannah, I and your mom ay aalis bukas. May kailangan kaming asikasuhin para sa business natin at pupuntahan na rin namin ang loloʼt lola niyo sa Batangas.” Napatingin si dad kay kuya Hanzel. “Hanzel, ikaw muna ang bahala sa kapatid mo, ha? Huwag mong pababayaan, okay? Ikaw ang kuya sa inyong dalawa,” saad ni dad sa kanya. “Of course, dad! Hatid—sundo ko ito starting tomorrow. Naka—break naman kami sa campus for one week. Kailan ba ang balik niyo?” “Two weeks, hanggang hindi bumabalik ang tito mo para magbantay mula sa grandparents niyo.” “Darling, tinawagan ko na si Elena. Iche—check niya sina Hanzel and Hannah every hour... Kaya, Hanzel and Hannah, behave habang wala kami, ha? Lalo ka na, Hanzel, sa susunod ka na mag—bar, okay?” “Um, yes mom! But, dagdag mo ang allowance ko once na bumalik na kayo, okay?” “Sure, Hanzel! Basta bantayan at ingatan mo lang si Hannah!” Umalis na rin kami ni kuya Hanzel. “Hannah, agahan mong gumising bukas, okay?” “Yes po, kuya Hanzel! See you tomorrow, my driver,” nakangising sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo kaya mabilis akong pumasok sa loob ng room ko. “Hannah Limbo!” malakas niyang sabi sa pangalan ko. Galit na siya agad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
675.3K
bc

The Pack's Doctor

read
425.6K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
277.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
424.1K
bc

Her Triplet Alphas

read
8.5M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
226.1K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
198.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook