bc

The Billionaire's Ex

book_age18+
10.1K
FOLLOW
69.5K
READ
revenge
possessive
manipulative
billionairess
drama
twisted
mxb
heavy
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Aphrodite waking up one day without memory. Hindi kilala ang sarili at hindi alam saan nanggaling. She was lost... parang isang bagong panganak na walang alam. Hirap sa pag-adjust. Naghihintay ng may maghahanap sa kan'ya.

But those years of waiting? She choose to give up. Namuhay ng mapayapa kasama ang kan'yang inay na umampon sa kan'ya.

Paano kung isang araw? magpakita sa kan'ya ang hinihintay kanyang Ex? Isang mayaman na lalaki galing sa isang magandang pamilya at sinasabi nito na nanlalaki s'ya?

Ang mga bintang nito na nagpasakit sa puso n'ya. Ang kanyang anak na naghihintay sa kan'ya?

Paano kung isang araw nagbago lahat? Nagpakita na magandang motibo pero sa kabila ng lahat ay isa palang paghihiganti?

Mananatili pa ba s'ya sa tabi nito at hayaan na saktan s'ya? Or aalis na lang s'ya at babalik kung saan s'ya nararapat?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Kinakabahan akong umaantras habang nakatingin sa babaeng nasa tapat ko habang hawak hawak ang kanyang baril. Hindi ko alam ano gagawin ko, hindi ko alam kung sisigaw ba ako o ano. May hawak 'tong papel at ballpen. "Susundin mo lahat ng iuutos ko kung ayaw mo mamatay ka at ang anak mo," Umiling ako dito. Hindi ko alam gagawin ko. Puno ng takot ang dibdib ko habang nakatingin sa kan'ya. Hindi ko aakalain na magagawa n'y ang bagay na 'to sa amin ni Samuel. Bakit? Anong ginawa ko sa kan'ya? Bakit kailangan n'ya ako pahirapan ng ganito. "Gusto mo ba sumabog ang ulo mo ha!" Tuloy tuloy bumuhos ang luha ko dahil sa takot at kaba. Ano ba dapat kong gawin? "B-Bakit?" Nanginginig na tanong ko dito. "W-Wala naman kami ginawa sa iyo na masama kaya bakit?" Tumawa 'to ng malakas na para bang baliw na baliw. "Bakit hindi mo itanong sa sarili mo! Dahil sa'yo nakalimutan ako ni Samuel! Okay kami! Nagugustuhan na n'ya nga ako pero bakit ka pa dumating ha!" Napaantras ako ng itutok n'ya sa ulo ko ang baril na hawak n'ya. Samuel, asan ka na ba? Hanapin mo naman ako. Hanapin mo ako o kahit iligtas mo na lang ang anak natin. Nag mamakaawa ako sa'yo, Samuel. Kahit hindi na ako ang iligtas mo basta ang anak lang natin. "Ano? Kopyahin mo 'yan at sumama ka sa kan'ya," Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito at agad akong tumingin sa kan'yang likod. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang lalaking pinagkatiwalaan ko buong buhay ko. Nakatitig lang ako sa kan'ya, ang takot ko ay napalitan ng galit habang nakatingin dito. Seryoso lang ang tingin nito sa akin. "How could you do this to me!" Malakas na sigaw ko dito. "I tusted you! Both of you!" Tumawa lang 'to sa akin habang s'ya ay seryoso pa rin nakatingin. "Mahal na mahal ka n'ya pero ano? Pinili mo magpabuntis kay Samuel? Gaga ka din 'no?" Umiling ako dito. "Mahal ko si Samuel, mahal na mahal namin ang isa't isa at kayo? Mga demonyo---" Humapdi ang pisnge ko dahil sa malakas na sapak nito sa akin. Pero lumingon pa rin ako sa kan'ya at agad dinuraan ang kanyang muka. Mukang gulat s'ya sa ginawa ko at ngumisi ako. "Akala mo ba mamahalin ka ni Samuel pag nawala ako?" Tumawa s'ya sa akin. "Hindi mo alam? Kami na nga dapat noon bago ka dumating pero tangina ka kasi. Bakit ba kasi dumating ka pa sa buhay n'ya?" Tumulo ang luha ko, "Kaya wala kang choice kung hindi kopyahin 'to. Dahil kung hindi? Baka pati anak mo idamay ko para magsama na kayong dalawa!" Lumapit sa aming dalawa ang isang lalaking pinagkakatiwalaan ko. Pilit nito pinahawak sa akin ang ballen at isang papel. Tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa papel at isang ballpen. "Magsulat ka na kung gusto mo pa mabuhay ang anak mo!" Binigyan pa nila ako ng isang printed na kokopyahin ko. Wala akong choice kung hindi gawin 'to, kung hindi kopyahin para sa anak ko, para sa kaligtasan ng anak ko. Alam ko naman aalagaan 'to ni Samuel. Alam na alam ko kahit wala na ako. Samuel, Sorry for leaving you. But i found that i am not in love with you anymore. It's always been him. Hindi ko sinasad'ya ang nangyari dahil nagising na lang ako sa isang umaga na hindi na ikaw ang mahal ko. Sana maintindihan mo ako. Hindi ko kukunin ang anak natin dahil alam kong mas maalagaan mo s'ya, mas mamahalin mo s'ya. Ilang buwan na kita niloloko at hindi ko masabi sa harapan mo, Samuel. Sorry, sana wag mo na ako hanapin. Hindi ko na kaya pa magliHim sayo, samuEL Pakiusap alagaan Mo ang anak natin. goodbyE. Kinuha agad nito sa akin ang papel at agad na tinupi. Sana makuha ni Samuel ang gusto ko iparating. Sana lang... Hinila na ako nito patuyo at saka sinakay sa isang sasakyan. Wala na, Samuel. Pero sana malaman mo na hindi totoo ang lahat na nasa sulat. Pinunasan ko ang luha ko at tahimik lang ko na nasa backseat. "Siguraduhin mo na hindi na kayo babalik pa dito! Marami na akong binigay na pera at gawin mo ang lahat para mabuntis ang babaeng 'yan!" Ang sama sama nila. Sobrang sama nila at paano nila nagagawa ang ganitong bagay. Hindi ako papayag sa gusto nila na gawin. Kahit na mawala na ako, kahit kapalit pa na mamatay ako? Hindi ko hahayaan na hawakan n'ya ako. Si Samuel lang may karapatan sa akin at wala ng iba. "Here, baka kailanganin mo," Tumingin pa 'to sa akin at ngumisi sa akin. Nagsimula na umandar ang sasakyan habang ako ay tahimik na nasa backseat. "Alam kong hindi ka ganito. Hindi ka masamang tao, pero bakit?" Hindi ko maiwasan itanong sa kan'ya. "Hindi ba? Nangako tayo sa isa't isa?" "Shut up!" Piinikit ko ang mga mata ko. "B-Bakit mo 'to ginagawa sa akin? Sabi mo masaya ka para sa aming dalawa ni Samuel kaya bakit?" "I SAID SHUT UP!" Nagulat ako ng huminto ang sasakyan at agad s'yang bumaba. Pumunta s'ya sa backseat at agad nilabas ang isang bagay at pinisil sa mukha ko. "W-What is this?" Lumayo sa akin 'to at muling pumasok sa driver seat. Unti unting lumabo ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay. Nagising na lang ako ay hindi ko na alam nasaan ako pero nasa byahe pa rin kami. Tumingin ako sa labas dahil wala na akong gaano nakikita at sobrang dilim na. "N-Nasaan na tayo? Iuwi mo na ako!" Sigaw ko dito. "Pakiusap naman! Iuwi mo na ako! Ang anak ko!" Bumilis ang pag-drive nito. "Manahimik ka!" Puro puno na ang dinaanan namin at mukang nasa liblib na lugar kami. Agad ko s'yag hinawakan sa balikat na kinagulat n'ya. "Anong gagawin mo?" Pumunta ako sa front seat at saka ginalaw ang manibela! Inaagaw ko sa kan'ya 'to pero nagulat at ng itulak nito ang katawan ko at tumababa ang ulo ko sa bintana. "LUMUBAY KA!" Pero hindi ako sumuko. Nagulat ako ng sikmuraan ako nito kaya unti unti ako nanlalambot. Tumutulo ang luha ko. Nilakasan ko ang loob ko at agad kinuha ang baril sa dashboard at ka pinukpok sa kan'yang ulo. Nawalan 'to ng malay habang ako ay nakangiting tumingin sa harapan. Wala na kumokontrol pero kailangan kong lumabas ng sasakyan. Pilit kong binubuksan ang pinto sa gilid ko hanggang sa magbukas 'to. Hindi ko alam saan ako babagsak pero kung ano man ang kahahantungan ko? Tanggap ko na. Tumulo ang luha ko at hinayaan ang sarili ko na mahulog sa sasakyan. Nagpagulong gulong ang katawan ko pababa, at kung saan sanga akong tumatama at matitigas na bagay. Samuel, mahal na mahal kita. Kayo ng anak natin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
77.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
110.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
163.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook