It's already 12 in the afternoon. Meaning, uwian na. Parang ayaw kong umuwi knowing na ganon na naman ang madadatnan ko sa bahay. Pero siguro matutuwa naman sila sa certificate na dala ko. Hindi ko alam, bahala na si batman.
Nagtricycle nalang din ulit ako pauwi dahil tirik na tirik ang araw. Napakahapdi sa balat ng sinag nito, idagdag pa na wala akong payong na panangga sa init ng araw. Idagdag na rin ang katamaran ko.
Ilang saglit lang ay nakarating na ako sa bahay. Parang lantang halaman akong naglakad papasok. Ikaw ba naman makipaglaban sa init ng araw at sa pagod, tignan ko lang kung hindi ka magmukhang lantutay.
Pagpasok ko sa bahay, antahimik. Parang walang tao kaya nagtuloy tuloy nalang ako hanggang sa kwarto ko. Ibinaba ko na agad ang mga gamit ko saka nag alis ng sapatos, nagpalit na din muna ako ng sando dahil sobrang init talaga. Saglit pa akong humarap sa electricfan bago nagdesisyon na kumain.
Nagpunta na ako sa hapag kainan. May nalutong ulam naman na at kanin kaya walang problema. Mukhang mag isa akong kakain ngayon, mas mabuti para makapahinga naman ang tainga ko sa mga sermon.
Si mama ang inaasahan kong nandito sa bahay ngayon. Wala si papa, sumakabilang bahay na. Broken family kami, siguro tatlong taon na din magmula nung iniwan kami ng tatay ko. Hindi ko alam, wala na kaming balita sa kanya. Basta isang araw, hindi na sya nagpakita sa amin. Ang sabi ay papasok lang sa trabaho, pero hindi na sya umuwi kinagabihan non. Hanggang sa tumagal at inabot ng ilang taon. Hindi ko nga alam kung broken family ba ang tawag doon e. Kaya rin siguro napakainit palagi ng dugo ni mama sa amin. Hirap na siguro syang itaguyod kaming tatlo. Sa tigas ba naman ng ulo ng mga kapatid ko ay sinong hindi iinit ang ulo doon.
Ang nagiisa kong lalaking kapatid ay sobrang tigas ng ulo. Siguro ay kasintigas ng bato ang bungo non. Katulad ng bunso, masyado syang bossy. Dapat lahat ng gusto nya ay masunod. Sa kanya nakuha ng bunso ang ugaling yon.
Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na ang pinagkainan ko. Hinugasan ko na din pati ang mga nasa lababo. Nang matapos, bumalik ako sa kwarto ko para magpahinga saglit. Ilang minuto nalang ay kailangan ko na namang pumasok sa eskwelahan. Alas dose imedya na, 1:30 ang start ng klase ko sa hapon. Mayroon pa akong ilang minuto para magpahinga. Gusto kong matulog saglit kaso baka sumakit ang ulo ko kapag nabitin. Kaya nakipagtitigan nalang ako sa kisame. Hinihintay kung may gagamba bang dadaan.
Paglipas ng ilang sandaling pakikipagtitigan ko sa kisame, biglang namungay ang mga mata ko. Gustong gusto nang pumikit pero nilalabanan ko dahil nga may pasok pa. Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa nagbabasakaling mawawala ang antok. Nag browse ako sa newsfeed ng f*******: ko, wala namang bagong chika na masasagap.
Nagsscroll lang ako ng biglang may message na lumabas. Nang tignan ko, galing yon sa group chat ng section namin. Isang announcement na nagsasabing walang afternoon class dahil nagpatawag ng meeting ang pamunuan. Batid kong hindi yon kabilis na pagtitipon dahil nag decide pa na walang pasok.
Ang mga mata kong inaantok kanina, ay bigla na lamang pumikit at ng hindi ko namamalayan, nakatulog na ako.
HINDI ko alam kung ilang oras ang tinulog ko, ng tignan ko ang orasan. Alas tres na ng hapon, halos tatlong oras din pala pero inaantok pa ako.
Bumangon nalang ako saka nag inat inat ng braso habang palabas ng kwarto. Tahimik pa din ang bahay, kaya naglinis nalang ako. Nagwalis ako at sinigurong ang lahat ng sulok ay matatanggalan ng alikabok. Nagpunas din ako ng mga ibabaw, katulad ng tokador, yung patungan ng tv at iba pa.
Nang masigurong ayos na, tinignan ko muli ang orasan na nakasabit sa dingding. Mag ffive na pala kaya bigla akong nagutom. Pumunta ako sa dining, kumuha ng tinapay at pinalaman yon. Nagtimpla din ako ng chocolate milk bago umupo.
Habang ineenjoy ko ang pagkain, biglang dumating sila mama. Kasama nya si bunso, na agad agad lumapit sa akin. Binigyan lang ako ng isang tingin ni mama bago sya umakyat para siguro magpahinga.
Tinignan ko nalang din sya saglit bago inasikaso ang bunso namin.
"Ate, penge ako." Sabi nya.
Agad ko namang inabot sa kanya yung kinakain ko saka kumuha ako ng panibago. Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Grabe ang ganda nitong batang to. Malayong malayo ang itsura sakin. Ang naibulong ko nalang sa sarili ko. Matagal ko na ring napapansin ang ganda nya, at habang palaki sya ng palaki, lalong lumalabas ang gandang taglay nya.
Ilang saglit pa ay natapos nya na ang kinakain nya pero hindi pa yata sya nakuntento at kinuha pa ang akin na agad ko namang inabot dahil busog na din naman ako.
Habang kumakain sya, tumayo na ako para ligpitin ang mga ginamit namin. Hinugasan ko na din yung mga kubyertos na ginamit ko. Ilang minuto lang, lumapit na si Anica para iabot sa akin ang mga ginamit nya na agad ko namang hinugasan.
Pagkatapos, napagpasyahan kong magpahinga na. Tutal ay nagawa ko naman na yata ang mga gawain ko dito sa bahay. Paakyat palang ako sa hagdan ng marinig kong bumukas ang pintuan, dumating na pala si Axel, ang nagiisang lalaki saming magkakapatid. Hindi nya ako pinansin kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko.
Pag dating sa kwarto, pumunta kaagad ako sa cr para mag shower. Hindi kalakihan ang bahay namin, sakto lang na magkaroon ng sariling cr ang pangunahing apat na kwarto. Ang ibang cr ay napapag gitnanaan ng dalawang guestroom. Si papa ang nag design nito, sya ang nagsilbing arkitekto sa sarili nyang bahay. Maaram din sya sa larangan ng engineering kaya hindi maipagkakaila na kahit simple lang, mukhang maganda ang disenyo ng bahay.
Nagsuot na lang ako ng dolphin shorts at simpleng puting tshirt. Nagawa ko na lahat sa cr kaya dire-diretso na akong humiga sa kama. Wala ng skin care, hilamos lang ng malamig na tubig saka sabon ayos na. Hindi ako maarte kaya siguro mukha akong patatas na nababad sa tubig, hindi naman sa pangit pero parang ganon na nga.
Kinabukasan, maaga ako nagising para mag handa papasok sa eskwela. Walang pasok kahapon ng hapon, panigurado ay hahatihatiin na naman ang oras para mapunan ng lesson yung mga oras kahapon.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako para kumain. Suot at bag na nasa balikat, dahan dahan akong naglakad papuntang dinning.
Akala ko mag isa ko lang kakain ngayon kasi maaga akong nagising. Pero sa kakupadan at kabagalan ko kumilos, ayun nauna pa ang mga kapatid ko sa hapag.
Tahimik akong naglakad palapit sa mesa. Binaba ko din muna ang bag ko para makakain ng maayos. Mukhang mainit ang ulo ni mama dahil kanina pa hindi maipinta kahit siguro ng pinakamagaling pang pintor ang mukha nya. Nakabusangot na hindi maintindihan. Hindi nalang ako nagbigay ng komento.
Ilang saglit lang ay tapos na kaming kumain, nauna ng umalis si Axel, sumabay siguro sa kapit bahay namin na kaklase nya. Si bunso naman ay umiinom pa ng gatas, hindi yata nabusog.
Habang hinihintay ko sya, nagbrowse nalang ako sa iba't ibang Social Media app. Wala namang bagong issue. Ilang minuto lang, nakatayo na si bunso sa harap ko. Inaabot sa akin ang baon at pamasahe namin sa araw na yon. Martes ngayon, walang flag ceremony kaya hindi na ako maghahabol ng oras kung sakaling hindi na naman sya magpaiwan.
7:15 ng dumating kami sa eskwelahan nila. Inihatid ko na sya sa silid ng section nya, naabutan namin ang teacher nya na nagwawalis sa loob. Ako nalang ang pumasok para ilagay ang bag nya sa upuan at para na rin tumulong sa guro nya na magwalis.
Pagkatapos, 7:35 na. Hindi naman ako nauubusan ng oras kaya hindi na din ako nagmadali sa paglalakad. Mukha nga akong pagong dahil sa kupad ko kumilos, idagdag pa ang bag na pagkalaki laki sa likuran ko.
Malayo layo ang classroom namin, sa dulong building pa. Kaya medyo mahaba din ang oras na ginugol ko sa paglalakad, mga limang minuto.
Pagdating ko doon, may kanya kanyang mundo ang mga kaklase ko. Mayroong nagseselpon, mayroon ding nagbabasketball gamit ang imaginary ball at imaginary basketball ring. Mayroon ding nagcecellphone sa gilid. Mayroon ding nagdadaldalan sa harap. Ang iba ay nag aaral, lalo na si Drew.
Gumawa nalang din ako ng sarili kong mundo, inaantok pa ako kaya niyuko ko nalang ang aking ulo sa lamesa ko. Parang iba ang pakiramdam ko ngayon, kaya hindi ko namamalayan na nakatulog ako.
Naalimpungatan ako ng may marinig na parang nagbubulungan. May humaplos din sa noo ko, dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at grabeng kahihiyan ang naramdaman ko ng marealize na nasa classrom ako at ang humaplos sa noo ko ay ang adviser namin. Inuyuko ko nalang ulit ang ulo ko.
"Ma'am--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita sya. "Ayos ka lang ba? Mainit ka, nilalagnat ka yata" sabi nya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, medyo nanghihina nga ako. Masakit din ang ulo ko, medyo nahihilo din ako kaya nanatili akong nakayuko.
Makalipas ang ilang minuto, nang medyo maayos ayos na ang pakiramdam ko, inangat ko na muli ang ulo ko at tinignan sila para ngitian at sabihin na ayos lang ako. Pero saktong pag angat ng tingin ko sa kanila, natulos sa kinatatayuan si Ma'am Sandoval.
"Drew, Yael, dalhin nyo sa clinic si Alexa!" Nagmamadaling sabi nya na ikinagulo ko. Maayos naman ako ah? Bakit kailangang dalhin doon?
"Sinong may contact number ng mama ni Alex?" Tanong ni Ma'am, akmang sasagot ako pero hindi ko maibuka ang mga bibig ko kaya nanahimik nalang ako.
"Ma'am, sa phone nya po" nagmamadaling sigaw ni Lloyd, hindi ko alam ang nangyayari sa paligid. May humawak sa bulsa ko, para siguro kunin yung phone. Inalalayan na din nila akong tumayo para dahan dahan na makaalis sa kinapupwestuhan ko.
Pagtayo, humawak ako sa balikat ni Drew. Ramdam ko na mayroong basa sa ilong ko, parang likido na dumadaloy palabas ng ilong. Hindi ko nalang pinansin baka luha lang o kaya naman ay pawis.
Hindi pa kami nakakalabas ng classroom, naramdaman ko nalang na nawawalan na ng lakas ang mga binti ko at sa hindi ko namamalayan, natumba nalang akong bigla at ang sigawan nila ang huli kong narinig bago nilamon ng kadiliman ang sistema ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Naalimpungatan lang ako ng marinig ko ang sirena ng ambulansya. Pansin ko rin na nakahiga ako sa loob at may nakakabit na oxygen mask sa katawan ko. Naka- uniform pa rin ako at para kaming nakikipag karera sa bilis ng takbo nitonf ambulansya. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Sa tatlong maliliit na upuan sa loob nito, katabi ko ang dalawang babaeng nurse na nakaalalay sa kinahihigaan ko, hawak din nila ang kamay ko na may nakaturok na karayom nakakonekta sa laman ng dextrose. Ang naka upo naman sa natitirang upuan ay ang pinsan ko, wala si mama. Hindi nya yata alam ang nangyayari sa anak nya o baka wala lang talaga syang pakialam.
Makalipas ang ilang saglit, naramdaman ko na medyo bumagal na. Sa tingin ko ay nandito na kami sa destinasyon namin na hindi ko matukoy kung saan.
Bumukas ang pintuan ng ambulansya, bumaba ang mga nurse at mayroong tatlo pang nurse ang lumapit sa amin. Naramdaman ko rin na dahan dahan nila akong nilalabas sa loob ng sasakyang to.
Paglabas, agad akong tinulak papunta yatang emergency room, nakasuot pa din saakin ang oxygen mask. Kaya nanahimik nalang ako habang nagmamadali silang maipasok ako sa ER.
Hindi ko alam pero biglang nawalan ng lakas ang mga mata kong imulat ito. Pakiramdam ko rin ay nauubusan ako ng hininga kahit may suot akong oxygen mask. Malabo na rin ang pandinig ko. At ang huli kong naramdaman,
Nilamon na naman ang diwa ko ng kadiliman.