01

1712 Words
"Wala kang kwenta, simpleng pagwawalis na nga lang hindi mo pa magawa" naknampucha hanggang sa hapagkainan ba naman hindi mawawala tong linchak na sermon? Dios Mio dudugo na tong tenga ko sa mga sermon. Paulit ulit naman mga sinasabi nila. 'Alam kong wala akong kwenta, wag nyo ng ulit ulitin para ipamukha' naibulong ko nalang sa sarili. Napayuko nalang ako saka binilisang tapusin ang kinakain ko, pakiramdam ko ay hindi manlang ako nabusog. Parang hindi nga umabot sa sikmura ko yung mga nginuya ko e. Umagang umaga sira na kaagad ang araw ko. Kailangan ba talaga nilang ipagsigawan yun sa harapan ko? Kailangan ba talaga nilang ipamukha saakin yon kahit alam na alam ko naman talaga na ni katiting ay wala akong kwenta dahil wala akong nagawang matino. Ilang beses ko ng narinig yon, parang musika na nga lang na nagpplay sa utak ko tuwing marerealize ko na nagkamali na naman ako. Minsan napapaisip din ako, sadya bang pinanganak ako dito sa mundo para maging isang babaeng walang kakwenta kwenta? Ay ewan ko. Pagkatapos kong kumain ay naligo nalang ako at naghanda na para pumasok sa eskwelahan. Third year high school na ako sa isang pampublikong paaralan. Masasabing meron akong utak pero hindi naman naaappreciate ng pamilya ko. Ilang contest ang napanalunan ko, ilang awards ang naiuwi ko, ilang medalya ang naisabit sa leeg ko at ilang ribbon ang naidikit sa dibdib ko. Pwede na nga yata akong bumuo ng design ng pader gamit yung mga certificate ko, paniguradong makakabuo ako ng isang kwarto. Pero lahat ng yon tingin ko naman ay wala. Kasi wala naman talaga. Hindi lang ako ang matalino sa mundo, mas may matalino sa akin kaya palaging hindi nagiging sapat lahat ng ginagawa ko. Alas siete imedya na ng umaga, malapit na akong malate. Kaunting kembot nalang e flag ceremony na, araw ng Lunes ngayon kaya maaga aga ang kailangang pasok sa eskwelahan para sa pagtataas ng bandila. "Ma, pasok na ako. Magf-flag ceremony na" paalam ko kay mama. Parang walang buhay nya naman akong tinignan saglit bago kunin ang bag nya na pinaglalagyan ng kanyang wallet para bigyan ako ng baon. "Magtricycle ka na, kinse lang naman pamasahe. Isabay mo na yang kapatid mo, idaan mo sa classroom nila." Ampucha, malalate na nga ako e. Hindi na lang ako nagsalita, kinuha ko na ang baon ko at pamasahe. Tinawag ko na din ang kapatid kong bunso para idaan sya sa eskwelahan na papasukan nya. Kindergarten student sya sa isang pampublikong paaralan, kung saan ako nag aral nung ako ay elementarya pa lamang na katapat lang din ng pinapasulan kong eskwelahan. Walang kaso sa akin ang paghahatid sa kanya. Kaya lang, ayaw nyang magpaiwan kaagad kapag nakapasok na kami sa building nila. Kailangan ko pang hintayin ang teacher nya na laging late para pumayag sya na iwanan ko sya. Grabeng kamalasan naman ng buhay mo ineng. Pagkatapos ng halos sampung minuto ay nakarating na kami sa magkatapat na eskwelahan. Nagbayad na ako sa drayber at pumasok na sa loob ng paaralan para ihatid si bunso. Tatlo kaming magkakapatid, ako ang panganay. Lalaki ang sumunod sa akin, grade 5 student sya sa eskwelahan kaparehas ng pinapasukan ng bunso. Babae ang bunso namin, masyadong sutil at gustong lagi nasusunod. Ang hirap hindian kasi si mama ang makakalaban. Pagpasok sa classroom, inihatid ko na sya sa upuan nya. Ibinaba ko na ang bag, inilabas ko na rin ang notebook na kailangan nyang pagsulatan para kopyahin ang nasa blackboard nila. Inilabas ko din ang lapis at pambura nya saka sinigurado na maayos ang pagkakatasa ng mga lapis. Pagkatapos maayos ang lahat, lalabas na sana ako pero pinigilan ako ni bunso. Eto na nga ba ang sinasabi ko e. "Ate, antayin muna natin si teacher. Mamaya ka na umalis" sabi nya na parang dapat syang masunod. Jusko tong batang to masyadong bossy. "Ano kasi, bunso malalate na si ate. May flag ceremony kami ngayon, malapit ng magumpisa" kalmadong sagod ko sa kanya. "Pero hintayin muna natin si teacher" ayaw talaga papigil. Anak ng tupa, limang minuto nalang isasarado na yung gate. Kalma lang Alex, bata yang kausap mo. Bulong ko sa sarili ko. Pero linchak ang hirap kumalma knowing na ilang minuto nalang mapagsasaraduhan ka na ng gate tapos kapag gusto mo talagang pumasok, makokolekta naman ang ID mo. Haybuhay! Pagkatapos ng walang katapusang paghihintay sa teacher nitong kapatid ko, sa wakas ay makakaalis na din ako. Late nga lang ng ilang minuto dahil naririnig ko ng nagsasalita ang principal na sa tingin ko ay nasa entablado na. Marahil nagbibigay ng paalala tungkol sa konstruksyon na ginagawa sa gilid ng isang gusali. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Clear ang daanan, tumawid na ako. Lakad takbo na rin ang ginawa ko para makarating ng mabilis sa gate ng eskwelahan. Kamalas malasan, kamuntikan ko pang mahalikan ang sahig dahil muntik akong madapa. Jusmiyo, sinalo ko na ata ang lahat ng kamalasan sa mundo. Saglit ko pang kinausap ang gwardya sa gilid ng gate, pinasulat ang section at pangalan ko pati pangalan ng adviser ay pinasulat na din na agad ko namang ginawa para makapasok na. Saktong pagpasok ko ng gate, binigay ng principal ang mic sa head teacher namin para siguro sa ibang announcement. Nakailang tingin pa ako sa paligid para hanapin ang pwesto ng section ko, na nahirapan din ako dahil medyo malabo na ang mga mata ko. Nang makita ko ang kinaroroonan nila, nagpunta na ako doon. Lumapit muna ako sa presidente ng classrom namin bago pumunta sa bakanteng upuan. Ako ang sekretarya ng klase, taga check ng attendance pero ako pa itong late. Habang inaayos ang ilang papel na hawak ko, nagsasalita pa din ang nasa harapan. Hindi ko na nga maintindihan kung ano ang sinasabi nya dahil nagkanda lito lito na ako. "Oy, Alex, tawag ka sa stage oh." Bulong ng katabi ko, "bakit daw?" Walang kwentang sagot ko, masisisi nyo ba ako e medyo wala pa sa wisyo. "Tanga kasali ka sa prescon nung nakaraan diba? Ayun oh aawardan ata kayo" ay pucha, oo nga pala. Binigay ko nalang sa kanya yung hawak ko, ilang piraso ng attendance sheet, folder, ballpen, lapis at ilang piraso ng bondpaper. Pati ang bag ko ay ipinatong ko nalang ng parang wala lang sa upuan saka mabilis na naglakad papuntang stage. "Sa Pagsulat ng Balita, kategorya ng Filipino. Congratulation, Solenn Alexa Almeda!" Napapikit ako sa inis habang humahakbang sa hagdan ng entablado, hindi ba pwedeng Alex nalang? Bakit sinama pa yung Solenn? Medyo maayos pa kung Alexa, pero anak ng.. bakit pati Solenn, e sinama? Nang marating ko ang huling palapag ng hagdan, agad kong nilagay ang ngiti sa labi na parang walang problemang iniinda. Nakangiti akong humarap sa ilang guro na naroon, kasama na ang coach ko. "Congrats Solenn" saad ng Principal habang inaabot ang certificate. Ngumiti na lamang ako kahit inis na inis na ako sa Solenn na yan. "Congrats anak, you did great!" Bulong ni Miss Forbes, ang coach ko rito sa event na to. Ngumiti lang ako sa kanya saka humarap sa camera sa harap para sa documentation siguro. Nanatili ang ngiti ko hanggang sa matapos ang awarding, hindi naman sa nakangiti akong mag isa, paniguradong mukha na akong baliw kung ganon. I did my best, i did great. Naibulong ko nalang sa sarili habang pababa ng entablado. Sinalubong ako ng mga kaklase ko, na walang tigil sa pagsuporta sa akin. Kanina nga nuong inaabot sa akin ang kapirasong papel na ito ay sila ang may pinakamalakas na sigaw, nagtitilian pa. Akala mo ay mga nanalo sa loto. Proud sa akin ang mga tao rito sa eskwelahan, batid ko yon. Pero sa bahay kaya? Kapag pinakita ko ba itong nakuha ko ay matutuwa rin sila? O baka naman hindi na naman nila maaappreciate, baka ang mapansin na naman nila ay yung mas mataas sa akin. Iwinaksi ko ang mga yan sa isipan ng mapansing natahimik ako sa kinauupuan. Nakabalik na kami sa kanya kanyang silid aralan, at wala pa ang guro para sa subject na ito kaya naman napalalim ang paglalayag ng isip ko. Ilang saglit lang, bumukas ang pintuan ng aming silid aralan at bumungad sa amin ang maaliwas na nakangiting si Miss Cindy, ang guro namin para sa Science Subject. Bumati kami sa kanya, saglit na kwentuhan pa bago nagsimulang magklase. Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang unang subject, isang subject nalang ang kasunod pagkatapos ay break time na. Ipinagdarasal ng mga matitino kong kaklase na sana ay hindi na pumasok si Sir Arjo, ang English Teacher namin. Siguro nga ay malakas silang manalangin, pinakinggan ng langit ang mga dasal nila. Hindi nga pumasok si Sir sa kadahilanang bigla raw nagpatawag ng meeting ang pamunuan ng eskwelahan. Wala kaming ginawa sa mga natitirang oras. Hindi nag iwan ng kung ano anong activities ang teacher na yon. Kaya eto, naglalayag na naman ang isip ko. Kung saan saan na naman nakakarating. Parang nagrereply sa utak ko lahat ng mga salitang narinig ko. Anak ng pucha ayaw akong pagpahingahin. Kahit saglit ba ay hindi pwedeng ipahinga ko etong isip ko? Puro katoxican na ang laman. Mabilis na lumipas ang oras. Saktong pagtapat ng mahabang kamay ng orasan sa 10 o'clock, sabay sabay na naglabasan ang mga kaklase ko para pumunta sa canteen. Palibhasa ay nasa public, walang madaming lamesa na pwedeng pwestuhan ang kantina. Isang pahabang lamesa lamang sa gitna, kabilaang mahabang upuan at isang mahabang lamesa sa gilid ang naroon. Mayroon ring maliit na lababo sa gilid na pwedeng paghugasan ng kamay. Pinahupa ko muna ang mga tao bago lumabas. Sa nakalipas na minuto, nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi ko alam pero bigla nalang natulala ng walang dahilan. Limang minuto bago magsimula ang susunod na klase, sumaglit ako sa kantina para bumili ng tubig. Bukod sa paulit ulit ang tinitinda rito, wala akong ganang kumain sa ngayon kaya tubig na lang ang binili ko. Bumalik na rin agad ako sa classroom namin pagkatapos bumili. Dumiretso sa upuan saka nagmukmok. Mukhang malalate ang susunod na guro dahil wala pa sya hanggang ngayon. Limang minuto ang nakalipas sa dapat na simula ng klase. Tulad kanina, naglalakbay na naman sa kailaliman ang isip ko. Anak ng, ang hirap naman iwasan mag isip ng mga negatibong bagay. Haybuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD