00

200 Words
Tinalikuran ng lahat. Iniwan ng mga taong akala nya'y mananatili. Ipinagkait ang saya na sana'y kanyang nadarama. Namulat sa mundong walang mananatili, iiwan at iiwan ka ng mga taong iyong pinili. Nagkamali sa ibang desisyon. Ipinamukha na sya ay isa lamang na kasalanan na hindi nararapat mahalin nino man. Pinagkaitan nang malayang mundong kaniyang nais galawan. Itinago ang kaniyang pagkatao. Binigyan ng maraming dahilan upang pagtakpan ang katotohanan. Hindi biniyayaan ng malakas na pangangatawan. Sa murang edad, naranasan niya ang kasakiman ng mundo. Hindi man niya naaalala, subalit ang sakit na dulot nito ay nananatili sa kaniyang puso. Ang sugat na iniwan ng nakaraan ay patuloy siyang binabalikan upang muling ipaalala sa kaniya ang mga memoryang pilit nilang itinatago at inilihim sa mahabang panahon. Lahat ng sakit na nadarama, dahilan na sana upang maging kaaway ang mundo. Ngunit kabaliktaran ang kanyang gusto, ang harapin ang lahat ng problema, mahirap man o madali, ang mga ngiti ay hindi dapat nawawala sa mga labi. Subalit, magagawa nga ba niya ang pagpapanatili nang mga ngiti na kung siya na mismo ay nagnanais ng sumuko? Nagnanais ng talikuran na lamang ang lahat ng sakit dahil maging ang kaniyang katawan ay nag-nanais ng bumigay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD