Pagkatapos kong sumabak sa tila isang laban sa pabilisan ng pagtakbo, nakarating na ako sa parking lot. Mabuti nalang at nakailang balik kami dito kanina kaya alam ko na kung saan banda nakapark yung sasakyan ni Ate Sao.
Pagdating ko doon, napayuko nalang ako sabay sandal nang kamay ko roon sa bubong ng sasakyan. Naghahabol na naman ako ng hininga. Sobrang pagod ang naramdaman ko, kaya naman, kinuha ko yung water bottle sa loob ng shopping bag na hawak ko. Mabuti nalang at sa akin napunta yung bag na may lamang tubig.
Nang makuha ko yung lalagyan, agad agad ko itong binuksan at ininom na parang may mang aagaw sa akin kapag nagpakupad kupad ako.
Saktong katatapos kong uminom, biglang dumating yung napakagaling kong kasama. Para rin s'yang sumabak sa pabilisan sa pagtakbo. Hinihingal rin s'ya, kaya inagaw n'ya kaagad sa akin yung water bottle na may kaunti pang laman.
Agad n'yang ininom 'yon. Hawak pa rin n'ya ang mga shopping bags habang umiinom. Minsan nga, nagtataka na ako e. Ilan bang daliri meron sa katawan 'to?
Pagkatapos n'yang ubusin yung laman ng lagayan, bigla na naman s'yang humagalpak ng tawa. Sa tingin ko, hindi ko na kailangang magtanong kung bakit s'ya natatawa, parang alam ko na agad yung dahilan e.
Malamang, dahil doon sa lintek na pagsosorry ko sa glass wall.
Ang babaw diba? Nabunggo lang naman ako at nagsorry sa glass wall, pero hiyang hiya na ako at tawang tawa naman 'tong kasama ko.
"Sige ate, tawa lang noh?" sarkastikong sabi ko. "Ansaya saya e, grabe ang saya" dagdag ko pa. Hinagod hagod ko pa ang likod n'ya, baka biglang mabulunan 'to sa sarili n'yang laway, kasalanan ko pa.
"Naka..." hindi n'ya pa natatapos ang sasabihin n'ya, humagalpak na naman s'ya ng tawa. Napaikot tuloy nang wala sa oras yung mga eyeball ko.
Tawa pa rin s'ya ng tawa, kaya hindi na ako nagulat nang bigla s'yang ubuhin. Agad ko naman s'yang inabutan ng inumin, hindi ko rin alam kung saan nanggaling yung inumin na 'yon.
Tinapik-tapik ko nalang ang balikat n'ya habang umiinom s'ya. Tinitigan ko rin s'ya gamit ang pamatay kong tingin.
Ganon na lamang ang gulat ko nang bigla s'yang lumingon. Mukhang natatawa na naman ang walang hiya, naibuga ba naman sa akin ang tubig na iniinom n'ya.
Agad ko s'yang sinamaan ng tingin. "Ano ba!?" Hindi ko napigilang magtaas ng boses, nagulat din ako e.
Sasagot na sana s'ya ng biglang tumawa na naman. Honestly, wala namang nakakatawa e. Baka nanuno na to, o sadyang masaya lang talaga s'ya.
Napabuntong hininga nalang ako.
Ilang minuto pa ang lumipas, mukhang natauhan na s'ya. Tumigil na s'ya sa katatawa, "sakay na, tanga" unang salitang lumabas sa bibig n'ya pagkatapos n'yang tumawa nang sobra.
Binigyan ko s'ya ng walang kwentang tingin, "wow, nagsalita ang hindi tanga." Halos hindi makapaniwalang sabi ko. "Paano ho ako sasakay, e hindi mo pa naman binubuksan?" Dagdag ko pa.
Ako naman ang binigyan n'ya ng walang kwentang tingin. "Bonak, kanina ko pa nabuksan 'yan. Nakakuha ka na nga ng tubig kanina diba?" Sabi n'ya.
Ah, doon ko pala nakuha yung tubig na binigay ko kanina?
Bulong ko sa sarili.
Napakibit balikat nalang ako bilang tugon sa sinabi n'ya. Pagkaupo ko sa passenger seat, agad kong inayos yung seatbelt ko. Mahirap na, baka biglang may hindi tayo inaasahan. Ayo'kong mamatay dahil sa aksidente, hindi cool tignan. Kidding.
After maayos na ang lahat, tinignan ko ang loob nitong sasakyan n'ya. Kumpara sa ibang sasakyan nila, maliit lang 'tong gamit namin ngayon. Pero kung titignan mong maigi, sa unang tingin aakalain mong malaki ito dahil sa sandamakmak na gamit. Hindi pa maayos lahat.
Sa tingin ko nga 'e kumpleto na ang mga kagamitan sa bahay sa loob ng sasakyan nito. Merong kumot at unan, meron ding Air Bed na nakafold lang at walang hangin. May first aid kit na nakalagay sa maliit na container. Meron ding mga easy open na delata. May mga shampoo, conditioner, toothbrush at sabon pa.
At dahil hindi ko mapigilang hindi magsalita, "grabe Ate, ano ba 'tong sasakyan mo, mini condo?" tanong ko.
Bagamat hindi makalingon sa akin dahil nagmamaneho, nagkibit balikat nalang s'ya bago nagsalita, "you can say that" parang wala lang na sagot n'ya.
Nagkibit balikat nalang din ako bilang pagtugon sa sinabi n'ya saka tumingin nalang sa labas ng bintana. Nakakasiguro ako na maghahating gabi na kami makakarating sa bahay, medyo may kabagalan ang pagusad ng trapiko sa isang highway at gabi na rin, medyo mabagal din ang pagmamaneho ni Ate Sao.
Nakailang liko pa kami, bago namin marating ang highway na napakabagal umusad ang mga sasakyan. Sa tingin ko nga ay mas mabilis pa kung mag lalakad kami.
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim saka sumandal sa kinauupuan ko. Pati ang ulo ko ay malaya kong isinandal sa bandang bintana. Napakaraming tanong na naman ang nasa isip ko, napakarami ring what if's.
Napakahirap magoverthink, 'yan ang palagi kong kalaban.
Pero palagi naman akong talo, mas nangingibabaw lahat ng iniisip ko kesa sa nararamdaman ko at sa reyalidad.
Andami ko ring regrets na hindi ko alam kung bakit hanggang sa pagtulog ko minsan, maging sa lahat ng gagawin ko ay nakasunod sa akin. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako may pinagsisisihan.
Sa pagkakaalam ko kasi, sa lahat ng bagay na pinagdesisyunan ko, ni isa wala akong pinagsisihan. Kasi inisip kong mabuti 'yon e.
Habang nasa malalim na pag iisip, hindi ko namamalayan na nilamon na pala ng antok ang diwa ko. Bigla akong nakatulog.
Ngunit sa hindi ko maintindihang kadahilanan, sa gitna ng mahimbing kong pagtulog, pakiramdam ko ay nananaginip ako. No, hindi pala panaginip. It was a freakin' nightmare, bangungot.
Nakikita ko ang sarili ko sa malayo. Nakaupo sa kotse, nakapikit ang mga matang wari'y natutulog. Madilim na ang kalangitan, maraming bituin ang nagkikinangan.
Mahimbing ang tulog, kaya walang alam sa nangyayari sa paligid. Buhol buhol na trapiko at mabagal na pagusad ng mga sasakyan, sumabay pa ang ulan na biglang nagbagsakan mula sa kalangitan.
Dahilan kaya naging madulas ang daanan.
At sa hindi inaasahan, nalingat ang nagmamanehong kasama ko, hindi ko matukoy ang itsura pagkat malabo ito.
Biglang lumiko ang sasakyan kaya napunta ito sa kabilang linya na mayroon palang may kataasang bangin na nagaabang.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pagsigaw sa akin ng kung sino at ang hindi ko mawaring nagsisigawan o nagbubulungan ba sa paligid.
At isang kurap, nilamon na ng kadiliman ang diwa ko.