Chapter 01

2220 Words
-THIRD PERSON P.O.V- "KYAAHHH!ANG GWAPO TALAGA NYA!" "Sana naman mapansin nya tayo kahit isang tingin at ngiti lang masaya na ako!!" "I'm willing to give everything mapansin nya lang ako." "He's my ideal man!" Napapailing nalang ang mga staff at ang manager ni Sergio dahil sa naririnig nilang ingay mula sa mga kabataang dalagang interns na nanunuod ngayon ng photo shoot nila sa bagong clothing company na ine-endorse ni Sergio ngayon. Sergio Fritz was an in demand model of Asia na pinag aagawan ng iba't-ibang malalaking clothing company.He was a model that you should pay off triple if you want him to represent your company because even in Europe and America,he is the only model they want. Maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kagwapuhang taglay ni Sergio dahil sa maamo at inosente nitong mukha na mas minamahal ng masa.Marami narin ang nagpapaabot ng sulat sa kanya upang sabihin ang nararamdaman nila para sa binata na ikinatutuwa nalang nya dahil marami ang atensyong napupunta sa kanya at nag eenjoy sya dun.Ang malaman na maraming nahuhumaling sa kanya ay ikinasisiya nya. "That' s a good pose Mr.Fritz try another pose and were done this day." puri ng babaeng photographer na malawak na ikinangiti ni Sergio na naging dahilan para mas lumakas ang tilian ng mga kababaihang nanunuod sa kanila. "Aish!Your smile Mr.Fritz bring commotion here on our workplace!Ang sakit nila sa tenga!" naiiling na reklamo ng babaeng photographer na mas ikinalawak ng iling ng binata. "Sorry for that Aika gwapo eh!Besides let them consume the nice scenery here which is me." pahayag ni Sergio bago nilingon ang mga babaeng kinikilig sa kanya as he winked of them na mas ikinagulo ng mga kababaihan. "Stop it Sergio!Don't flirt with them!" suway ng manager nya na ngiting ikinibit balikat nalang nya. Nilapitan ng manager ang mga babaeng interns at sinuway dahil sa ingay nila at nakakaistorbo sila sa trabaho ng binata.Pilit pinapaalis ng manager ni Sergio ang mga maiingay na ikinaaangal ng iba at dahil hindi kinakaya ng manager ni Sergio ang kakulitan ng mga fans ni Sergio ay tinawag na nito ang may ari ng clothing line na Boss ng mga ito kaya wala silang nagawa kundi bagsak balikat na umalis sa studio. "That was rude manager!Fans ko parin sila!" pahayag ni Sergio na sinamaan ng tingin ng kanyang manager. "Ginugulo nila ang trabaho mo dahil sa ingay nila!At ikaw umayos ka nga para kang hindi professional model sa ginagawa mo!" sita ng manager nito bago bumalik sa pwesto na kinauupuan nya. "Kahit kailan talaga ang harsh ni Manager sa akin." sambit ni Sergio na rinig nyang ikinatawa ni Aika, ang babaeng kumukuha ng litrato nya. "Ang flirt mo kasi sa mga fans mo pero hanggang kindat at pangiti ngiti ka lang sa kanila.Wala pa ata akong nababalitaan na may dinedate ka?" tanong nito habang inaayos ang camera nya para sa huling kuha nya sa binata Inayos ni Sergio ang huling pose nya na agad kinuhaanan ni Aika at tinapos ang unang set ng trabaho nila. Aika Hernandez is her childhood bestfriend na isa ng photographer,pag may photoshoots nya mas komportable sya na ito ang kumukuha sa kanya.He treats Aika as his little sister kahit isang taon lang ang tanda nya dito. "It's good and done!Good job Sergio!" ngiting bati sa kanya ni Aika na ikinalapit ni Sergio sa kanya at tinapik ang balikat ng dalaga. "Thanks for the shot Aika!Anyway to answer your thoughts, hindi ako interesado sa dating na yan,masarap maging single." sabi nya bago lumapit sa pwesto ng manager nya at umupo sa nakalaang bangkuan na para sa kanya at agad kumuha ng inumin na hindi nya kinakalimutan pag aalis sya at may trabaho. Kumuha sya ng isang yakult at binutasan ng straw bago ito ininom habang inaayusan sya ng make up artist nya. "May photoshoot ka ulit bukas Sergio sa isang kilalang perfume company.Kakapirma lang nila ng kontrata sa atin." sambit ng manager nya na ikinatigil nya sa pag inom ng yakult nya at nilingon ang manager nya. "Hindi ako free bukas Manager kasal ng kaibigan ko yun so hindi ako tatanggap ng trabaho bukas."  "Hindi pwedeng hindi ka pupunta doon Sergio we already have a deal." angal ng manager nya na malawak nyang ikinangiti dito. "Then cancel that deal." pahayag nya na ikinagulat ng manager nya na nakatingin sa kanya habang sya ay umiinom lang ng yakult nya. "Cancel?Are you Serious?Nakapirma na kami ng kontrata at malaki ang ibabayad nila." di makapaniwalang saad ng manager nya na ikinaalis nya tingin dito. "I don't care about how much money they would pay,importanteng araw meron ako bukas at kasal yun ng kaibigan ko. In that Situation Manager my friend is most imporatant than money.Hindi lang naman siguro ang company na yan ang kukuha sa akin so chillax kalang manager, hindi ka naman maghihirap kung tatanggihan mo ang isang iyan." normal na paliwanag ni Sergio na walang nagawa ang manager nya kundi ang bumuntong hininga na lang. Kilalang-kilala nya ang alaga nya at pag nagdesisyon itong unahin ang mga kaibigan nya ay walang makakapigil dito.Napapansin nya sa alaga nya na pagdating sa mga kaibigan nya ay hindi ito tumatanggi at laging itong pumupunta pag may tawag galing sa mga kaibigan nya.He knows that Sergio really treasured his friendship with his friend. Pilitin man nya ito ay alam nyang buo na ang desisyon ng alaga nya kaya wala syang magagawa kundi ikansel nga ang bagong kontrata na pinirmahan nila.Sa totoo lang pwede silang idemanda for breaching contract pero hindi nya alam kung paano sila nakakalusot.Nagfifile ng case ang company na napirmahan nila at hindi nila sinisipot pero at the end of the way ay malalaman nalang nya na binasura ng korte ang file nila na lagi nyang ikinapagtataka pero hindi nalang nya iniisip kung paano nangyari yun ang mahalaga hindi sila nakukulong. "Ang tigas talaga ng ulo mo." sita nya kay Sergio na tinawanan lang sya at inalok ng iniinom nyang yakult. "Gusto mo Manager?" "Huwag mo kong alukin ng pambatang inumin na yan!Hindi ko talaga alam sayo kung bakit gustong gusto mo yan!"  "Stress reliever ko ito Manager tsaka this will make my everyday ok!" ngiting paliwanag ni Sergio na ikinailing nalang ng Manager nya. "Iki-clear ko ang schedule mo bukas,your free the wholeday." pahayag ng manager nya na ikinatuwa ni Sergio sa kanya. "Kaya paborito kitang Manager eh!Lagi mo kong pinagbibigyan." sambit ni Sergio na ikinapoker face lang ng manager nya. "Ako lang naman ang manager mo Sergio at wala naman akong magagawa lalo na at involve ang mga kaibigan mo." pahayag ng manager nya na bahagyang ikinangiti ni Sergio. "Bumabawi lang ako Manager!" "Lagi nalang yan ang sinasabi mo sa akin!Dalawang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon bumabawi ka parin sa kanila.Malaki ba ang pagkakautang mo sa mga kaibigan mo?" tanong ng manager nya na ikinawala ng ngiti nya  "Malaki manager, hindi matatawaran ng pera ang atraso ko sa kanila at kahit matagal na yun i still feel the guilt." seryosong pahayag nya na ikinakunot ng manager nya. Dalawang taon na ang nakakalipas simula ng makagawa sya ng kasalanan sa mga kaibigan nya.Naging traydor sya at muntik ng maging dahilan para mapahamak si Taz at asawa nito.Hindi parin nya mapatawad ang sarili dahil isa sya sa dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ng kaibigan nyang si Taz,sya din ang dahilan kung bakit namatay ang ina ni Gail,sinira nya ang tiwala ng mga kaibigan nya sa kanya para lang ma please ang lolo Sid nya at gusto nyang bumawi buong buhay nya hanggang sa mawala ang guilt nya sa mga nangyare. Alam nyang naibalik na nya ang tiwala ng mga kaibigan nya pero pakiramdam nya hindi pa yun sapat.Kaya pag kailangan sya ng mga kaibigan nya ay mas inuuna nya ang mga ito kaysa sa mga bagay na ginagawa nya. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ng manager ni Sergio na ikinabalik ng ngiti nya sa manager nya. Nawala ang sumeryosong mukha ni Sergio na pinakita nya kanina at binalik na naman ang palangiti nitong mukha. "Paubos na ang yakult ko Manager baka pwede mo akong ibili." pakisuyo nyang sabi sa Manager nya na ikinaungos nito. "Tss!Sobra na ang kaadikan mo sa inumin na yan Sergio." naiiling na sambit ng manager nya na akmang aalis ng may maalala ito at muling nilingon si Sergio. "Sya nga pala gusto ng Lacoste na irepresent mo ulit ang bago nilang designs nila,ayaw nila sa iba at ikaw ang gusto nila.Tatanggapin mo ba?" sabi nya kay Sergio na nagkibit balikat. "Kung hindi matatapat yan sa lakad namin ng mga kaibigan ko tatanggapin ko."  "Akong bahala sa schedule mo sa kanila sayang din sila at ikaw talaga ang gusto nila at isa pa, gusto nila na may partner ka sa pagmomodel ng brand nila." sabi nito na ikinasalubong ng kilay ni Sergio. "Partner?Hindi ba sila na inform na i work alone?"  Ayaw nya kasi ng may kasama sa project nya dahil last time na pumayag sya ay masyadong na attached ang babaeng co model nya kaya muntik na syang magkaproblema dito. "Sinabi ko na sa kanila pero siniguro nila na hindi mauulit yung nangyari before." sabi ng Manager nya na kunwari ay nagpakita sa Manager nya na nag iisip. "Whose the model na gustong ipartner sa akin?" tanong nya habang kumukuha ng ikalawang yakult na iinumin nya. "Like what they want before Sergio, Therice Carvajal."  Natigilan sa pag inom si Sergio ng marinig nya ang pangalan ng babaeng ipapartner sa kanya at ikinasalubong ng kilay nyang ikinalingon sa manager nya. She remembered that name at kung hindi sya nagkakamali ay tinanggihan nya na ito ang makapartner nya dahil hindi nya gusto ang awra ng dalaga na nagsasabing danger ito para sa kanya. Dalawang taon na ang lumipas nang tinanggihan nya ito at hindi nya akalain na susubok ulit ito. "Turn down her again." pahayag nya bago tinuloy ang pag inom ng yakult na ikinataka ng manager nya. "Again?Tinanggihan mo din sya two years ago so tatanggihan mo ulit?"  "I don't want her Manager, her presence scream danger to me at ayoko sa gulo kaya turn her down.Sabihin mo sa kanila na maghanap ng iba na ipapartner sa akin." desididong sagot ni Sergio na wala na namang masey ang manager nya. "Fine!Hindi ko lang magets sayo kung anong danger ang sinasabi mo kay Ms.Carvajal?She's an epitome of beauty at hindi ko alam kung bakit ganyan mo sya tanggihan." "Kasi ayoko sa kanya Manager at---" Hindi natuloy ni Sergio ang sasabihin nya ng tumunog ang phone nya na agad nyang sinagot. "Hello buddy!Anong meron?" (7pm sharp sa bar ni Ford bachelor party para sa kanya.Don't be late Fritz kung ayaw mong ikaw ang magbayad ng lahat ng iinumin natin.) "Huh?Kasal ni Ford so bakit may bayad ang inumin natin sa bar nya?Hindi ba libre?" Nang makitang busy na si Sergio sa kausap nya ay naiiling na umalis ang manager ni Sergio para bumili ng pinabibili nito.Hindi narin naman nya makakausap ang alaga nya dahil mukhang pagkaibigan ang kausap nya ay hindi mo sya maiistorbo. Tumayo naman sa kinauupuan nya si Sergio at naglakad papunta sa may gilid ng studio para makausap ng ayos si Demon. "Bakit nagkukuripot si Ford ngayon eh kasal naman nya.Nahawa na ba sya kay Shawn?" (Gago!Sabi ni Rosales wala ng libre sa mundo.Isa pa bakit nagrereklamo ka eh hindi naman alak ang iinumin mo mamaya.) Natawa si Sergio sa sinabi ni Demon dahil kilalang-kilala talaga sya ng mga kaibigan nya at yun ang gusto nya ang walang maitagong lihim sa mga ito dahil ayaw nyang masira ulit ang tiwala nila sa kanya. "Masama sa atay ang alak Demon my friend, mas safe ako sa Yakult." sabi nya na rinig nyang mahinang ikinamura ni Demon sa paborito nyang inumin. Natapos ang usapan nila ni Demon at bumalik na sya sa upuan nya bago kinuha ang susi nya dito at mabilis na nagpaalam sa staff nila bago deretsong lumabas ng company. Pinagtitinginan sya ng mga babae habang naglalakad sya pero hindi nalang nya ito pinapansin.Sanay na naman syang laging pinagkakaguluhan.Mabilis na pinuntahan ni Sergio ang kotse at sumakay doon bago ito pinaandar para puntahan ang mga kaibigan nya. 7pm ang kitaan nila pero para sa kanya mas maaga syang pumunta mas ok para sa kanya.At dahil alam nyang hahanapin sya ng manager nya ay tinawagan na nya ito para alam nya kung nasaan sya  (Nasa store na ako Sergio at nabili ng yakult mo, hindi ka ba makapaghintay?) "Hahahaha Alam mong pagdating sa yakult manager hindi talaga ako makakapaghintay pero tumawag ako para sabihing wala na ako sa studio at umalis na.Pakideliver nalang sa condo ko yung binili mong yakult ha!Salamat Manager." (Teka Sergi-----) Hindi na pinatapos ni Sergio ang sasabihin nito ng patayin nya na ang tawag sa Manager nya. Nagmamaneho na sya papunta sa JEYA's bar para unang batiin si Ford dahil sa kasal nito bukas.Masaya sya para sa kaibigan dahil naging maayos na ang lahat sa kanya,naibalik na sa kanya ang babaeng mahal nya at bumalik na ang dating Ford na kilala nila.Isa si Ford sa mga kaibigan nya na gusto nyang makabawi dahil nasaktan nya noon ang babaeng mahal nya.Kaya hanggat maari ay susuportahan nya ito at ngayong gagaya na ito kina Taz,Balance,Shawn at Travis na piniling mamuhay kasama ang mga asawa nila ay masaya sya para dito. Ipinangako nya sa kanyang sarili na ang mga kaibigan nya muna ang uunahin nya kaysa sa kailangan ng sarili nya dahil iniisip nya na iyon ang tama nyang gawin para makabawi sa lahat ng kasalanang nagawa nya. Hanggat nasa puso nya ang guilt sa mga nagawa nya at nagawa ng namayapa nyang Lolo Sid ay hindi sya titigil hanggat hindi nya nararamdaman na ok na ang lahat. Buhay ng mahal sa buhay ng kaibigan nya ang kinuha nya kaya buhay nya din ang ibibigay nya para sa mga kaibigan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD