Chapter 02

2415 Words
CHAPTER 2 -THERICE P.O.V- "ANO BANG PROBLEMA NG MAYABANG NA LALAKING YAN?SINO SYA SA TINGIN NYA PARA TANGGIHAN NA NAMAN AKO BILANG PARTNER NYA?!"  Alam nyo yung galit ko ngayon?Ito yung galit na ang sarap ng manapak ng bwisit na tao.Nakakagigil na nakakaasar na ang lalaking yun!Hindi ko maintindihan kung bakit lagi nyang nirereject ang partnership sa akin.Pangalawang beses na ito at sumosobra na sya. Ano yun porket sobrang kilala at sikat syang modelo saan mang sulok ng bansa ay dapat magyabang sya ng ganyan at pag ayaw nya dapat yun ang nasusunod?Ano sya Hari na pag nagbigay ng utos dapat sundin?Umaasa ako na after nung pagtanggi nya na makasama ako sa isang modeling project ay irereconsider nya na ako ngayon tapos malalaman ko sa manager ko na tumawag ang manager ng hinayupak na lalaking makapal ang mukhang adik sa Yakult na tinurn down na naman ako bilang partner nya? May attitude diba? Sini ba sya sa akala nya para ganituhin ako?Naku talaga pasalamat sya at kilalang modelo sya dahil kundi ako na mismo ang tatanggi na makasama sa trabaho ang hudyo na yun.Pero dahil sikat nga sya ay kailangan kong madikit sa kanya para umangat din ako sa modeling career kahit papaano. Argghhh!Kung hindi lang masamang manakal ng tao baka sinugod ko na ang mokong na yun at sinakal sa sobrang inis ko. Kung susugod naman ako baka taguan lang ako nun tulad ng ginawa nya two years ago na kahit pigain ko ang mga kaibigan nya para ilabas ang adik nilang kaibigan ay hindi ko makikita ang isang iyon.Sumosobra na talaga ang adik na yun,iniisip ko tuloy na ipaban lahat ng yakult sa mundo baka sakaling maalog ang ulo ay maisip na deserved kong maging co-model nya. "Ba-baby can you please calm down?Sinasapianka na naman ng pagka amazona eh."  Asar kong nilingon ang manager ko s***h bestfriend gay ko na si Paolo but he wants to call him Paola dahil babae sya na nakulong sa katawan ng isang lalaki.Sayang ang lahi ng isang ito dahil gwapo ito yun nga lang lalaki din ang trip nya. Pabagsak akong umupo sa sofa at naasar parin na humalukipkip sa kinauupuan ko dahil hindi ko talaga magets anong utak meron ang lalaking yun! "Paano ako kakalma ha Paolo?He rejected me again!As in A-G-A-I-N,again!Dalawang beses nya nang ginagawa sa akin ito at hindi na ako natutuwa!" asar na sambit ko na kita kong ikinalunok ni Paolo dahil sabi nya nakakatakot daw ang awra ko pag ganito naka amazona mode ako. Sino ba kasing hindi magagalit sa ginawa ng lalaking yun?Pinalampas ko na ang unang beses na ginawa nya yun sa akin, fine kung ayaw nya edi huwag pilitin kaya hinayaan ko na then now ngayong ako ulit ang gustong ipartner ng isang clothing line sa kanya ay uulitin nya ang ginawa nya sa akin two years ago?Aba!Hindi na makatarungan yun,nakakainsulto ang ginawa nya! "It's Paola Baby tsaka hayaan mo na lang kung ayaw ng lalaking yun na makatrabaho ka.Oo at super sikat sya pero may iba pa naman na kilalang model ang pwede mong makatrabaho eh!"  "Common Paolo, i don't care kung hindi lang sya ang kilalang sikat na model pero his famous is beyond the universe at pag naging katrabaho ko sya ay pwedeng bumulusok pataas ang career ko.Aaminin ko na kailangan ko ang lalaking makapal ang mukhang adik sa yakult na yun para makilala din ako sa modeling career kaya ngayon na may chance na mang yari yun hindi na ako papayag na ireject na naman nya ako!" pahayag ko na ikinalapit sa akin ni Paolo at hinawakan ang kamay ko "Pero ayaw nga diba?Tumawag na sa atin ang manager nya.So Anong gagawin mo?" "Hindi pwedeng mapalitan ako!I need to be the co partner of that addict Yakult lover man by hook or by crook." "Hindi ko bet ang ganyang linyahan mo Therice ha!Baka sayo magback fire ang kung anong planong naiisip mo." Sita sa akin ni Paolo na ikinabuntong hininga ko. Nakakainis naman kasi eh!Anong mali sa akin at nirereject ako ng hinayupak na yun? "Paolo sabihin mo nga sa akin panget ba ako?" tanong ko sa kanya na agad nyang ikinailing "You're the epitome of beauty Therice Carvajal na dumadating sa point na naiinigit na ako sa gandang meron ka!"  "Kung ganun hindi ba ako ganun kasexy?" tanong ko ulit na ikinailing nya "Ang sexy kaya ng alaga ko!" "Then bakit two times akong nireject ng lalaking yun!!!!" Nakakafrustrate na ako sa totoo lang!Maganda naman ako at sexy pero bakit inaayawan nya ako?Anong mali sa akin? "Huwag mo na nga muna isipin yan, magkaka wrinkles ka kung poproblemahin mo yan eh!Don't worry baby kakausapin ko ulit ang manager ni Sergio Fritz na iaccept na partnership nya sayo.Ang mabuti pa magrelax ka diba may date kayo ngayon ng gwapo mong boyfie na si Aaron Dimlaz?"  Napabuntong hininga ako sa nasabi ni Paolo, nawala tuloy sa isipan ko na lalabas kami ngayon ng long term boyfriend ko na isang businessman.Aaron Dimlaz is my three years boyfriend at kahit disagree sya sa pagmomodel ko ay sinusuportahan nya parin ako.Minsan nga ay sinasabi nya sa akin na gusto nya ng magsettle down with me pero hindi pa ako ready lalo na at hindi ko pa na aachieve ang gusto kong peak sa career ko. He understand me at handa naman daw syang mag intay pag ready na ako and i'm thankful na ang boyfriend ko ay loyal at never naghanap ng iba. For him kasi relationship is for two person only kaya pinahahalagahan namin parehas ang relasyon namin kahit na minsan nawawalan ako ng time. "Muntik ko nang makalimutan." sambit ko na mahinang ikinahampas ni Paolo sa braso ko. "Ikaw talaga!Ang swerte mo na nga sa boyfie mo dahil mahal na mahal ka kahit wala kang time minsan sa kanya tapos kakalimutan mo na may date kayo ngayon." sermon sa akin ng manager ko Nawala kasi sa isip ko dahil sa kabwisitan ko sa adik sa Yakult na yun eh! "Sige na huwag mo na akong sermonan." sambit ko bagi mabilis kinuha ang phone ko sa purse na nasa ibabaw ng katabing lamesa at mabilis na tinawagan ang boyfriend ko na mabilis naman nyang sinagot. (Hello babe!I thought ako ang tatawag sayo para ipaalala na may utang kang date sa akin.) "Hindi ko nakakalimutan na may date tayo Babe.Tinawagan kita kasi bigla kitang namiss." paglalambing ko ng makita ko si Paola na bubulong bulong kaya mahina ko syang hinampas at tumayo sa kinauupuan ko bago lumayo sa manager kong tsismosa. (I missed you more babe.) Aaron is my childhood sweetheart at umabot ng tatlong taon ang relasyon namin kahit na maraming babae ang lumalandi sa kanya pero dahil ako lang ang mahal nya ay hindi nya nagagawa na lokohin ako.Ganun din naman ako na kahit may nakakatrabaho akong gwapo ay hindi nila nakukuha ang atensyon ko dahil mahal ko ang boyfriend ko at alam kong si Aaron na ang forever ko. "Kamusta ang trabaho sa office mo?Any woman barged on your office to flirt on you?" tanong ko na rinig kong ikinatawa nya. Pag tinatanong ko yun sa kanya lagi nalang nya akong tinatawanan. (Meron my secretary but i fired her already.I don't want any woman to flirt me,just you babe i'm more that content.) See how loyal he is?He is a kind of partner in life material kaya lang wala pa kasi sa isip ko ang magsettle down pero kung dumating ang time na maging ok na ako baka ako pa ang magalok ng kasal sa kanya. "Wag ka na kasing maghire ng babaeng secretary para hindi matempt na landiin ka.Bakit kasi ang gwapo mo?" ngiting tanong ko sa kanya na muli kong narinig na ikinatawa nya (My handsomeness is for you only babe.) "I know!" (Sige na i'll fetch you later.Huwag kang masyadong magpaganda dahil akin ka lang.I love you.) "Fine!I love you more." Binaba ko na ang phone ko ng mawala na sa kabilang linya si Aaron kaya babalik na sana ako sa pagkakaupo ko ng magulat ako ng nasa harapan ko na si Paolo. "Damn Paolo!You startle me!Nakikinig ka sa usapan namin nuh?" sita ko sa kanya na ikinaingos nya sa akin. "Ang sweet ni Papa Aaron bakit hindi ka pa umoo noon nung inaya ka nyang magpakasal?" "I told you hindi pa ako ready." sagot ko bago naglakad pabalik sa sofa at umupo ulit dun. "Kailan ka pa magiging ready ha Therice?Baka pag ready ka na ibang groom naman ang gusto mo hindi na si boyfie mo?" pahayag na na ikinapoker face ko sa kanya. Bakit naman nya nasabi na maghahanap ako ng ibang groom? "Anong akala mo sa akin papalitan ko si Aaron?Mahal ko si Aaron at walang makakapalit sa kanya." "Sabi mo eh!Who knows." sambit ni Paolo na kinuha ang sling bag nya na mukhang lalayas na sa bahay ko. "Aalis ka na?" "Yeah!Makikipag usap ulit ako sa Manager ni Sergio Fritz kaya ikaw enjoy the day with your boyfriend." sabi nya bago ako niyakap at naglakad na palabas sa bahay ko. Sumandal nalang ako at napabuntong hininga.Bigla kasing bumalik ang pagkabwisit ko ng banggitin ni Paolo ang pangalan ng lalaking yun. Pag tinanggihan parin ng hudyong lalaking yun ang manager ko talagang susugurin ko na sya.No one can turn down Therice Carvajal like that!Hindi ko sya tatantanan hanggang makulitan sya at pumayag na makasama ako sa trabaho. -THIRD PERSON P.O.V- "Kampay para sa pagpapatali ng tuluyan ni Ford sa kanyang minamahal!"  "CHEERS!!" Masayang nagsama-sama ang magkakaibigan sa isang table malayo sa mga taong nagkakasiyahan sa JEYA upang hindi masyadong maingay sa celebration party nila para sa kaibigan nilang si Ford na nakatakda ng ikasal bukas sa babaeng minamahal nya. "Sa dami ng nangyari sa lovelife mo Ford sa wakas matutuloy narin ang kasal mo." masayang sambit ni Blue kay Ford na di maalis ang ngiti sa mga labi nya. "Natapos na ang problema mo sa magkapatid na Ramirez kaya bukas kasapi ka narin ng grupo ni Westaria." nakangising pahayag ni Paxton na pang asar na binalingan si Taz na poker face lang. "Salamat sa tulong nyo guys!Hindi ko malalagpasan ito kung hindi ko kayo kasama." ngiting pahayag ni Ford na ikinatapik ni Sergio sa balikat nito dahil katabi nyang nakaupo si Ford sa upuan. "All for one, one for all tayo diba?Tsaka alam naman namin na ito talaga ang pangarapa mo.Halata naman eh, tatlong araw ka palang nagpapagaling pinilit mo nang makalabas ng Ospital." "Can't do anything about that Sergio gusto ko na talagang makasal si Sora sa akin at bumuo ng pamilya with her and with our daughter Miracle." pahayag ni Ford. "You deserved it Rosales." sabi ni Lu na nagtaas ng basong may alak para sa kaibigan. "At dahil ikakasal ka na bukas at tradisyon na natin na lahat kami ay bestman mo maliban sa tatlo dyan na happily married kailangan paghandaan namin yan." malawak ang ngiting pahayag ni Demon "Passed." maikling sagot ni Yo na sa baso lang nya nakatingin na naintindihan naman nila ang gustong sabihin nito. "Corny mo Yo!Kay Boss Taz kalang pumayag maging bestman tapos sa dalawang sumunod ayaw mo tapos aayaw ka na--sabi ko nga dapat di ako maingay eh!" pigil ni Sergio sa sarili nya bago tinakpan ang bibig dahil sa binigyan sya ng seryosong tingin ni Yo. "Welcome to the group Ford, masaya ako para sa inyo ni Sora." ngiting pag iiba ng usapan ni Balance na ikinakumento din ni Travis. "Lima na tayong natamaan matakot ka Fritz sinusunod-sunod na tayo ni Kupido." ngising pahayag nito na ikinailing ni Sergio "Bakit ako?Ano yang si Kupido in order?by rank?Diba pwedeng in any order,hindi ba pwedeng si Paxton muna o yang kambal ni Lucifer ang sumunod?O kaya yung ibang mga single dyan bakit ako agad?"  "Wag mo ko idamay dyan Fritz mas lalong hindi muna ako ayoko pa!" tanggi ni Demon na sunod-sunod na ikinatngi ng mga single. "Not me." maikling sabi ni Devil na tulad ni Yo ay busy sa hawak nyang inumin. "I'm being ready for that. If i am the next that cupid will hit his arrow why not." may ngiting pahayag ni LAY "Nakalimutan namin na may nakakuha na pala ng atensyon mo mahal na prinsipe." kumento ni Tad na ngiting ikinakibit balikat lang ni LAY "Mahal ko mga pasyente ko kaya tama na muna na yun ang lovelife ko." sambit pa ni Tad "Ikaw Lu gusto mo na?" tanong ni Sergio na poker face na ikinalingon nito sa kanya. "That's gross." "Maka gross naman ito!Parang kasuka-sukang mainlove ah!Ang saya kaya!" sitang sambit ni Travis kay Lu na hindi sya pinansin. "Basta ako bawal!" sabi ni Blue na ikinasang ayon ni Sergio "Bawal na bawal." sang ayon ni ToV "Tama bawal pa tayo!Ikaw Pax bakit hindi ka umaangal dyan?" sita ni Sergio kay Paxton na si Balance ang sumagot. "Paano aangal yan eh may pinadala na si kupido para kulitin ang isang 'yan."  "Kapangalan pa tama ba Taz?" sabi din ni Travis na ikinasama ng tingin ni Paxton sa kanya. "Manahimik ka Amadeus!" sita nito na ngising ikinatikom ng bibig ni Travis. "Tama na nga ang pagtanggi natin sa pag ibig na yan!Narito tayo para mag saya para sa kaibigan nating si Ford.Magpakasaya tayo dahil libre lahat ng inumin." deklara ni Demon na tumayo pa sa kinauupuan at itinaas ang basong hawak. "Gago ka Demon wala akong sinabing libre ang inuman natin.Magbabayad kayo!Bubuo na ako ng pamilya kaya kailangan kumayod." ngiting kontra ni Ford na tumayo na din at itinaas ang kopitang hawak na ikinagaya narin ng lahat na napatingin kay Sergio ng magtaas ng yakult. "Really Fritz?Yakult talaga?" sitang kumento ni Travis dito na inosenteng tumingin sa mga kaibigan. "Bakit?Yakult is health for my tummy, isa pa may bayad yan kaya magyayakult nalang ako libre pa." pahayag nito na nakatanggap ng mahihinang mura sa mga kaibigan na ikinatawa nya nalang. Masayang magcelebrate ang magkakaibigan pero hindi sila maglalasing ng husay dahil maaga ang kasal ni Ford.Asaran at kwentuhan ang maririnig sa lamesa nila ng matigilan sa pagtawa ni Sergio ng tumunog ang phone nya na agad nyang kinuha at ng makitang manager nya ang tumatawag ay tumayo sya at bahagyang lumayo sa lamesa ng mga nagsasayang kaibigan at sinagot ito. "Hello Manager napatawag ka?Kung di yan importante huwag mo na sabihin nag eenjoy ako kasama mga kaibigan ko." agad na sabi nya dito na rinig nyang ikinabuntong hininga nito. (Alam akong nag eenjoy ka kasama ng mga kaibigan mo pero Sergio pinuntahan ako ng Manager ni Therice Carvajal sa unit ko upang makiusap na tanggapin ang gusto ng Lacoste na ang alaga nya ang ipartner sayo.) "I already declined that diba?" (Oo nga pero ayaw daw pumayag ni Therice Carvajal na hindi sya ang makasama mo sa project!) "Makulit din pala ang babaeng yun nuh?Basta Manager tinggihan ko na yan kaya huwag ka ng makipag usap sa kanila." bilin nya bago pinatay ang phone nya at sinuksok sa bulsa nya "Therice Carvajal?Tinanggihan na kita two years ago susubok ka pa?Tsk!kakaibang babae." naiiling lang na kumento ni Sergio bago bumalik sa mga kaibigan nya at nakipag tawanan na sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD