Chapter 4
PRESENT
Makalipas ang anim na taong pag kakakulong ng tatlo. Nasa Cebu Jail sila ngayon. Dahil sa anim na taon naring hindi dinadalaw ang mga ito ng kapamilya nila. "Pre kailan kaya natin makakamit ang parole mula sa pangulo.." nakatunganga lamang si Bryan habang nakatingala sa Langit.
"Hindi ko alam? Ang bigat ng kaso natin, walang hustisyang naganap sa kasong hindi naman natin ginawa." Sagot ni Ethan. "Tarantado kasi 'yong Wendel na 'yan, kung hindi lang kaso ang pag patay nako hindi na non masisilayan ang liwanag." Pag bibiro ni Kim.
"Pati magulang ko tinakwil ako." Malungkot na dagdag ni Kim
"Hindi ko din inaasahan na hanggang kulungan pala ang barkadahan natin!" Natatawang binatukan ni Ethan ang dalawang kaibigan. Hindi din kasi nila maiwasan na matawa sa guhit ng palad nilang nag buhol, nasayang lahat ang pag aaral nila ang kinita nila at pangarap na nauwi sa Pag kaka bilanggo.
"Hindi ko man lang nahalikan si Rina.." bulong ni Bryan habang gumagawa ng disenyo sa Garapon. Silang tatlo kasi ang inatasan na mag lead sa mga nakakatandang inmates binibenta ito sa mga touristang pumupunta ng Cebu. Ito ang naging libangan ng tatlo, kahit na anim na taon na silang nakakulong at least hindi nabubulok ang talento nila at nakukuha pa nilang ipamahagi.
Halos mga nakakulong dito ay kaibigan nila. Mabait ang namumuno sa kulungan na ito, hinahayaan nilang mag karoon ng libangan ang mga nakakulong. Sumikat narin ang kulungan na ito sa Youtube, dahil sa pag sayaw ng mga inmates, nag trending din ito social media.
"Seryoso ka Bro? Hindi mo man lang nahalikan si Rina? Andiyan na ang palay hindi mo pa tinuka?" Pang aasar ni Kim sakaniya. "Ako din, hindi ko man lang nahalikan si Joana Paey Aguinaldo." Sambit ni Ethan
"What? Diba lahat ng babae nakama mo bakit si Jopay hindi?" Natatawang tanong ni Bryan dito. "Karispe-rispeto si Jopay, sayang nga hindi man lang naging kami. Pero sana pag labas natin makita natin sila.." ramdam ng dalawang kaibigan ang Lungkot sa boses nito
Ni isang tawag mula sa ina niya at pag dalaw walang dumating. Hindi man lang siya hinanap at tinanong kung kamusta na siya. Masama padin ang loob niya sa Ina na kailanman hindi siya inaruga at hinayaan na lumaking mag isa kasama ang Yaya niyang namatay sa Eroplano.
"Pag labas natin dito kung pag bibigyan tayo ng panginoon bro, gusto ko sanang hanapin 'yong bahay ng Yaya ko dito, cebuana kasi 'yon mula namatay siya hindi ko man lang napuntahan ang bahay niya. Alam ko may naiwan pa siyang Anak, kahit 'yon man lang ay mapasalamatan ko.." mahinahon nitong sinabi sa kaibigan
"Pero alam mo kung anong good side ng pag kakakulong?" pag singit ulit ni Ethan
"Nag bago tayo, imagine bisyo kaliwa't kanan, babae matigas ang ulo sa magulang pero tignan mo? Nabago natin, nakuha nating pag sisihan."sagot ito ni Bryan sakaniya.
"Yeah? Pero sana mabigyan naman tayo ng pag kakaton na mag ka anak." Malungkot na sambit ni Kim. "Paano gago nakakulong tayo halaman lang mabubuntis dito pag tapos mong mag Fap.." natatawang sagot ni Ethan.
"Mag pakabuti lang tayo, hindi dahil gusto nating lumaya kung 'di gusto nating mag bago, ex convict ngalang ang record natin sa NBI.." sambit ni Bryan.
"Tatlong itlog!" Tawag sakanila nong Pulis na nag babantay sakanila. Nilingon ng tatlo ang Pulis.. "'Yong mga gamit sa Parol darating bukas, gusto sana ni chief kayo ulit ang mag turo, tyaka balita ko mag ka-kabanda kayo diba?" Tumango ang tatlo dito
"Gusto sana namin na mag alay kayo ng kanta sa mga dadalong social worker dito sa Kulungan, galing kasi sila ng Manila parang pag welcome manlang.." wala namang tanggi ang Tatlo dahil nag papaka good boy sila kahit ito naman ang totoo.
"Sige po walang problema doon." Tumango lang ang tatlo at sabay sabay na tumawa. Pakiramdam nila papalapit na ang pag laya nila.
~~~~
"Joana!!" Sigaw ng pinaka nakakatandang Social worker na si Ms. Teresa, nasa may Paanan palamang sila ng bundok at hingal na hingal na ito, ni wala na nga itong bitbit. "Akina po Ms. Teresa," walang bahid na Ma'am o Madam ang tawag nila dito dahil ayaw niyang tumanda kaya kahit sino ay Ms. Teresa lamang ang tawag nila dito. Matandang dalaga ito at buong buhay niya ay ginugol sa pagiging health worker at trabahador sa gobyerno.
Kasama ni Jopay si Rina, hindi na kailanman nag hiwalay ang mag kaibigan. Matapos ang anim na taon na bangungot, inampon siya ulit ng magulang ni Rina.
Ilang mahaba-habang psychological exam at counceling ang tinahak niya bago siya umayos.
Isang trauma ang magahasa, laking pasasalamat naman niyang hindi siya nabuntis at nakilala sa Video na ikinalat sa Internet. Naging pantasya din siya ng mga kabataan sa school nila noon.
Naging lakas niya ang kaibigan niyang si Rina. "Kamusta na kaya 'yong mga nakasama natin noong concert," nakaupo si Rina at nakalublob ang paa nito sa umaagos na Ilog. "Hindi kapa ba move on sa tatlong 'yon? Isa pa sila ang dahilan kung bakit kumalat ang videos ko online. At Si Ethan ang pangunahing lider kung bakit ako nagahasa!" Sinuot ni Jopay ang sandals niya at nilublob ang sarili sa Ilog.
"Naniniwala kabang sila ang may gawa non? Alam kong gusto ka ni Ethan pero pakiramdam ko hindi siya ang gumawa noon.." pag eexplain ni Rina sakaniya.
"Sino paba? Tiyaka 'wag mong mabanggit ang pangalan nong gagong 'yon. Malakas talaga ang pakiramdam ko siya din ang lalaking nang rape saakin, ang kapal ng mukha niya, naging mabait ako sakaniya pero 'yon lang ang babalik niya saakin? Siya talaga 'yon tiyaka ikaw huwag na 'wag monang babanggitin 'yang ultimate mong criminal crush na si Bryan ha!" Pagalit na tono ni Jopay at nag patuloy sa pag langoy
"Grabe ka naman! Basta Jopay si Wendel ang alam kong gagawa non.."
Nabulag si Jopay sa katotohanan, dahil sa mga balat kayong pag mamalasakit ni Wendel sakaniya. Ni minsan sa isip niya ay hindi padin mawala ang bangungot sa kanyang nakaraan.
Kasama nila ngayon na naliligo sa ilog ang mga batang katutubo, nag aya ang mga ito bago simulan na turuan nila itong mag basa. Naka tatlong balik narin sila sa Bundok na ito sa Zambales. Pero paborito talaga ito ng team nila dahil sa ganda ng MT.Pinatubo
"Jopay Rina and Tifa. Kayo ang sasama saakin sa pag lipad natin sa Cebu, doon ang utos saatin kaya after ng Zambales mag pack na kayo ng gamit. " nag liwanag ang mga mata ni Jopay, sa ilang taon niyang hindi nakabalik sa Cebu mag kakaroon na siya ng panahon at pag kakataon na makapunta dito.
"Yes Ma'am! Ano naman po ang project o 'yong mga tutulungan natin doon?" Tanong ni Tifa katrabaho nila ito na mukha pang bata sa liit nito pero napaka lakas kung mag buhat ng mga kahon kahon ng sardinas.
" 'Yong kulungan doon. Ang ilan kasi sakanila ay hindi na nadadalaw ng pamilya, ang iba doon na tumanda at bilang trabaho natin ang pagiging social worker kailangan natin na tulungan sila. May mga proyekto din kasi ang mga preso doon. Sila din 'yong mga gumagawa ng mga souvenir na binibenta sa Mga turista, isa pa malapit ng mag pasko."
"Mukhang exciting 'yan ha! First time kong papasok sa loob ng kulungan!" Tuwang tuwa si Rina at Tifa. Samantalang si Jopay, ang pag dalaw niya sa probinsya niya ang ikinakasaya niya.