Chapter 3
Flashback 3
"Seryoso walang nangyari sainyo ni Ethan?!" Pag tango ni Jopay dito paulit ulit kasi ang tanong nito habang nag aayos ng libro si Jopay sa Library. "Oo nga kasi wala! Kahit naman mukhang sanggano 'yon o bad boy hindi naman pala bastos."
"Ms. Aguinaldo!" Mahinahong tinawag siya ng Guro.. "Ano po 'yon ma'am?" Tanong nito sa Guro. "Bumaba ka sa entrance may nag hahanap sayo.."
Agad namang bumaba si Jopay para puntahan ang taong ito. "Hey Jopay! Sabay kanang mag lunch saakin?" Nakasalubong niya si Wendel .."Ah kumain na kasi ako, mauna na ako ha may pupuntahan pa kasi ako." Pag tanggi ni Jopay dito
Nakita niya ang lalaking tinuro sakaniya ng Guard sa labas ng Unibersidad. nakaupo ito sa motor at naninigarilyo. "Hay kahit kailan mukha kang gangster!" Suway ni Jopay dito. Walang iba kundi si Ethan, inabot nito ang helmet sakniya. "Lunch tayo wala akong kasabay.."
"Kumain na ako Ethan! Tiyaka hindi ako sumasakay sa motor.." binalik niya ito at akmang tatalikuran pero nag salita si Ethan kaya't napatigil siya sa pag lalakad. "Pag tapos kitang patulugin sa bahay at gawin mong inidoro ang katawan ko tatanggihan mo ako?" Bwisit na sinabi ni Ethan
Hanggang ngayon kasi ay iniiwasan niya ito dahil sa kahihiyan na ginawa niya. Naalala niyang pinaliguan niya ito ng Suka. "Imagine? Naligo ako ng Sisig, at buo buong hotdog? Ano pa 'yong maasim? Chicharon na may sawsawang suka 'yang binuga mo saakin.." pang aasar ni Ethan habang natatawa.
"Ito na sasama na ako! Sorry na kasi, hindi naman kasi ako sanay uminom ng ganoon. Tiyaka naipit kasi 'yong Tiyan ko kaya ayon nabuhos ko lahat sayo ang dapat kong isuka."
Umangkas siya sa Motor nito at kumain sila kung saan sila ang inuman noon, karinderya ito tuwing umaga at sa gabi naman ay Bar. Tambayan ito ng mga estudyante mapa lunch o sa gimikan.
Sa ilang buwan na palagi siyang hatid sundo dito, hindi din niya maiwasang mag ka guto dito o mahulog narin. Mukha mang bad boy ang lalaking ito pero hindi kailan man binastos ni Ethan si Jopay.
"Nakakatakot si Wendel sis, mas gusto ko pa si Ethan sayo. Si Wendel kasi mukhang may sakit sa utak, laging nakasunod sayo nakakatakot 'yong tipo ng lalaking ganoon ang attitude hindi kasi normal?" Saad ng kaibigan niyang si Rina
Hindi naman inatupag ni Jopay ang sinabi nito dahil kaibigan parin naman niya si Wendel.
~~~~
"I would like you to meet our supervisor Wendel Dela Cruz." Pag papakilala ng Boss nila, nagulat si Ethan dahil sa tagal nilang nag lilingkod sa kompanyang ito ni hindi man lang sila nagawang ipromote bilang Supervisor. Nakuha pang mag Hire ng panibagong supervisor.
"Bro bakit ganoon? Kay tagal nating nag trabaho dito pag tapos bagito pa ang graphic artist na kinuha nila?" Medyo masama ang tono ni Kim sa mga kaibigan niya. Hindi din kasi matanggap ng mga ito ang nangyayari sa kompanya. Nag simula noong nag palit ng management ang kompanya, kung dati ay Japanese ang boss nila at ngayon isang pure chinese, nabawasan don ang benefits na nakukuha nila at six days a week na ang pasok nila. Iisang Day-off nalamang ang natira sakanila.
"Nabawasan pa ang gigs natin at sideline sa pag tattoo.." problemadong sagot ni Bryan habang nakataas ang paa sa ibabaw ng lamesa
"Wala chekwa kasi ang boss natin automatic kuripot'yan, pero si Boss cheng naman sa Bar galante? Hindi lahat talaga ng Chinese employer ay galante, madalas kuripot talaga, hayaan niyo may mga ibang projects naman na nag papagawa saatin.." sagot ni Ethan.
~~~~
Bilang parte ng pag tatapos nila sa eskwelahan, nag karoon ng Recollection ang mga Graduating students sa Cebu. Masaya si Jopay dahil makakabisita siya sa dating bahay ngunit hindi niya ito nagawa dahil sa bantay sarado ang mga estudyante. Binalak tumakas ni Jopay at pasimpleng lumabas ng Building. Nais sana niyang lumabas para mag libot o mag pahangin manlang. "MMH!" Pag pumiglas niya dahil may nag takip ng panyo sakaniyang ilong. Kakaiba ang amoy nito at kalaunan ay nakaramdam siya ng pag kakahilo.
Nakapiring ang mga Mata ng dalaga habang nakatali ang kamay nito sa Headboard ng kama. "Ahhh! Please tulungan niyo ako!" Sigaw nito. Nanginginig ang buong katawan niya lalona't may sapilitang pinainom sakaniya.
Para bang na e-echo ang boses ng lalaki at pawis na pawis siya, habang ginagalaw siya nito. Bago sa pakiramdam niya ang ganitong bagay, nakaramdam siya ng hapdi sa maselan niyang parte.
Tanging ungol ang dinig na dinig sa cellphone, Pinanunuod ito ng mga ilang kabataan sa computer at ilang Sites.
Isang S E X scandal na recorded ang pinanunuod ng mga ito.. "Pinay ba ito?" Tanong ng isang binatilyo habang pinanunuod ito.. "Oo nag tagalog, napaka ganda naman ng katawan niyan may bago nanaman tayong pag papantasyahan..
Matapos ang isang bangungot na nagyari sakaniya.
Nagising si Jopay sa ingay ng cellphone niya.. Nalalapit na ang graduation day nila pero hindi niya magawang pumasok para mag practice. Hindi padin siya makapaniwala na ang napanood niyang s*x scandal ay ang sarili niya. Hindi niya magawang mag reklamo sa pulisya dahil sa kahihiyan at takot dahil wala siya sa sarili noong naganap ang bagay na 'yon. Tanging na-alala lang niya noong nag karoon sila ng recollection na Cebu ay lumabas siya at isang lalaki ang sapilitang kumuha sakaniya.
Narinig niya ang malakas na katok mula sa pintuan niya. "JOPAY! Bakit hindi natin 'to isumbong sa Polisya? Si papa may kakilala naman siya! Pwede ka niyang tulungan! Ano ba kasi ang nangyari?" Pag a-alala ng kaibigan nito.
"Noong gabing 'yon tumakas lang naman ako para bumili at mag pahangin pero naramdaman kong may nag takip ng panyo saakin. Pag tapos nakapiring ang mga mata ko pag tapos mausok. May pinainom saakin hindi ko alam kung ano 'yon Rina. Binaboy nila ako, hindi ako sigurado kung ilan sila dahil pakiramdam ko they drugged me."
Hinagkan siya ng kaibigan at awang awa sa sinapit nito. Isang araw lamang ang Recollection nilang naganap sa Cebu pag tapos ng araw na 'yon hindi na siya makausap ng matino. Natagpuan nalang niyang tulalang nag lalakad pabalik ng building si Jopay at may ilang pasa sa Braso.
"Rina help me. Gusto kong ng hustisya, gusto kong pag bayaran nila ang ginawa nilang pang ba-baboy na ito!" Lalong humagulgol si Jopay sa sobrang takot at galit.
"Promotion and higher salary, pero may kailangan kang gawin." Utos ni Wendel kay Ethan. Gustong gusto niya din na mapromote pero hindi sa ganitong pamamaraan alam niyang merong tinatago si Wendel sakaniya.
"No, salamat nalang pero hindi ako interesado.." iniwan niya lamang ito sa desk niya, nakaupo padin si Wendel sa Upuan niya at pinakialaman ang computer niya.
"I know you like Joana, Ethan. Pero uunahan din kita sa lahat ng bagay .." kausap nito ang sarili at pinakialaman pa ang computer niya. Ginusto ng Chinese nilang employer si Ethan dahil nais nitong ipadala siya sa London para ipresenta ang pangalan ng kompanya.. Ngayon ay pinatapon sila ng kompanya nila sa Cebu dahil sa proyekto doon.
Ilang araw na ang nakalipas at si Ethan dumaranas ng Lagnat, ni hindi man lang niya nakita si Joana noong graduation dahil sa Extended ang hours niya sa trabaho. Hindi narin ito nakatira sa lumang address niya bago pa sila ipatapon na mag kakaibigan sa Cebu.
Alas nueve na ng gabi at narinig niya ang ilang malakas na katok sa pinto. "Wait! Sandali tang ina ang kulit!" Sinalubong siya ng limang Police. "Anong problema?" Tanong ni Ethan pinakita lamang nito ang warrant of arrest sakaniya.
Nanlaki ang mga mata niya ng mabasa ito. "What? Expanded Anti-trafficking? Cyber crime and Rape!? Tang ina saan galing to Chief?" Tanong ni Ethan at litong lito sa nakita niya. Napansin din niya si Bryan sa loob ng police mobile, nakayuko at nakatingin naman si Kim.
"Natumbong kadin dahil nag tago kapa dito sa Manila pag tapos niyong gawin ang krimen sa Cebu." Sinabi ng Pulis na kinausap siya. "What? I'm here for work! At sa Manila ako nag tatrabaho." Sigaw ni Ethan. Pero wala siyang nagawa. "Chief, Anong krimen 'yan? Nag trabaho lang kami sa Cebu!" Angal niya dito.
Sinara ng polisya ang bahay niya at pinosasan siya. "Sa polisya na po kayo mag explain, at kumuha ng abogado." Mag kakasama ang tatlong mag kakaibigan sa loob ng bilanggoan.
"What happened? Tinawagan mo ba si Mama mo?" Pag aalalang tanong ni Ethan kay Kim, bukod sa may kaya kasi ito ay pupwede silang matulungan nito na kumuha ng abogado dahil alam nilang wala silang mapapala kung sino man ang mapulot nilang abogado..
Bumuhos ang luha ni Kim at yumakap sakaniya. "Tang ina Bro, hinagudgod nila ang bahay at may nakuhang drugs sa kwarto ko sa loob ng bag ko! Paano nangyari 'yon? Ni hindi man lang ako tumira ng droga hindi ko nga alam ang lasa non. Mukha man tayong drug addict pero hindi ko nagawang tikman yan!"
Hindi lang Expanded anti-trafficking, cyber crime, rape ang kaso nila dumagdag pa ang Illegal Drugs. Mas lalong bumigat ang kaso nila pang habang buhay..
Dinala sila Sa Cebu upang doon litisin dahil doon nangyari ang Krimen. Napatunayan sa ilang beses na Trial na guilty sila. Kahit ituro nila si Wendel na naisip nilang nag set-up sakanila, wala naman silang sapat na pruweba dito. Alam nilang anak mayaman ito at pader ang bubungguin nila kung kakalabanin nila si Wendel. Ito lamang ang taong naisip ni Ethan na gagawa sakanila ng ganitong bagay. Alam nilang tatlo na abot hanggang buto ang pag ka-inggit nito matapos nilang ituring ito bilang tunay na kaibigan, bandang huli aahasin at sasaksakin lamang pala sila nito patalikod.