Anong ginagawa niya rito? Bakit siya rito pinapunta ni Andres? Ano ba ang iniisip ng lalaking yun? Bigla ay kinabahan siya. Ngunit ang kaba na iyon ay kanyang binalewala. Mas nanaig sa kanya ang makausap ang ama ng kanyang mga anak. Kailangan niya itong makumbinsi na bawiin ang pag file ng custody dispute. Naghahalo ang inis at kaba niya sa damuhong ama ng mga anak niya. Kahit kailan talaga ay gustong-gusto siyang nahihirapan ng damuhong iyon. “Boss nandito na po si ma’am sa baba. Sige, boss. Sasabihin ko po.” Napalingon siya sa lalaking nagdala sa kanya rito. Alam niyang si Andres ang kausap nito sa kabilang linya “Pasok po kayo sa loob ma’am. May babae po na naghihintay sa inyo sa lobby ng hotel at maghahatid sa inyo kay boss!” “Salamat po!” “Walang anuman po, ma’am.” Madilim n

