“Don't let yourself fall for him. Pigilan mo ano man ang nararamdaman mo para kay Andres habang maaga pa. Andres is not the man you think he is. He has a demon inside him, and the moment he will unleash that demon inside him, it will surely hurt you and the people you loved.” Those words Red said, echoed in his head. Hindi iyon mawala-wala sa kanyang isip. Bigla ay nabitawan niya ang paring knife, bumagsak iyon sa sahig at naglikha ng ingay sa loob ng kusina. “Iha, Destiny?” Si Manang Ada na agad hinawakan ang kanyang kamay. “O-Okay lang po ako, Manang, Ada.” “Anong okay ang pinagsasabi mo na bata ka? Ayan nga at dumudugo ang hintuturo mo, o!” Hinila ni yaya Ada ang naroong rattan chair at pinaupo siya. “Umupo ka. Linisin natin iyang sugat mo.” “Okay lang talaga ako manang. Maliit

