Nasa tapat na siya ng opisina. Hinawakan niya ng mahigpit ang seradura. Humugot siya ng malalim na paghinga saka iyon pinihit pabukas. “Andres, you've been ignoring me for a month now. Akala ko ba walang magbabago sa atin kahit kasal kana kay Serenity. ‘E ano itong ginagawa mo?” Lumapit si Bernadeth kay Andres sabay yumakap ito ng mahigpit. Nakatayo ang dalawa sa tapat ng glasswall panel na katabi ng two seated sofa. Para siyang natuod sa kinatatayuan habang nakatitig sa dalawa. “Stop this, Bernadeth. May asawa na akong tao. Kung sana ay hindi mo nalang sinabi sa ‘kin iyang naramdaman mo baka maging okay pa tayo.” Hinawakan ni Andres sa magkabilang balikat si Bernadeth at pinilit nitong binabaklas ang mga braso na yumayakap dito. “Kailangan ko sabihin sayo ang nararamdaman ko, dahil

