Mabilis na bumaba ng sasakyan si Destiny. Hindi siya nag-aksaya ng kahit konting saglit na lingunin si Bernadeth at Andres. Saktong huminto ang sasakyan sa parking lot ng malaking mall na iyon ay agad siyang bumaba at tinungo ang entrada tungo sa mismong supermarket section ng mall. Ngunit hindi pa siya masyadong nakakalayo ay nahabol siya ni Andres. Agad na pinulupot nito ang matigas na braso sa kanyang bewang. “Stop acting like a jealous wife, Destiny.” pabulong nitong wika sa kanyang punong tenga. “Hindi ako nagseselos dahil walang rason para magselos ako,” tumigil siya sa paglalakad. Hinawakan niya ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang at marahan na tinanggal iyon. Bahagya na inilayo niya ang katawan mula rito at tinitigan ito sa mukha. “Walang karapatan ang isang tulad k

