MISS YOU

1258 Words
                                                                                       At nang tumanggi siyang regular na sabayan ang binata sa pagja-jogging nito, hindi siya pinilit ng binata. Tumanggi siya dahil napuna niya noong ilang beses niyang sabayan ang binata sa pagja-jogging nito ay sinasadya ng binata na bagalan ang takbo para hindi siya nito maiwan. Hindi maabot ni Lio ang target nitong kilometro at oras dahil sa bagal niya kaya siya na ang kusang umayaw. Pero sinamahan naman niya ang binata sa gym na pinupuntahan nito. Kahit pa pirming nasa exercise bike lang siya sa tuwing naroon siya.          Iiling-iling na kinawayan ni Didi si Lio para sumunod sa kanya papasok ng bahay. Pagpasok nila sa front door pa lang ng bahay ay agad na itong sinalubong ng sabik na sabik na mga tahol ni Chinoy. Tumatalon-talon pa ang aso, para bang sabik na sabik na yakapin si Lio.          “Hey, buddy!” nakangiting bati ni Lio habang hinihimas ang ulo ng aso.           Halos sumampa na sa kandungan ng binata si Chinoy. Panay pa rin ang malalakas na mga tahol at pagkawag ng buntot ng aso. Kung umasta si Chinoy ay parang tatlong taon na hindi nito nakita si Lio. Pero hindi nagseselos si Didi sa reaksyon ng aso sa pagdating ni Lio. Kapag kasi siya naman ang matagal na hindi nakikita ni Chinoy ay ganoon din ang pagbati ng aso sa kanya.          “Obviously, na-miss ka niya,” sabi ni Didi habang nakasandal sa hamba ng pino at pinapanood ang paglalaro nina Lio at Chinoy. Gusto sana niyang sabihing siya rin ay labis na na-miss si Lio. Gusto niyang sabihin na araw-araw mula nang maghiwalay sila ay nami-miss niya ang binata. Pero mahigpit na pinigilan niya ang sarili. Kahit pa gustong-gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ni Lio sakaling aminin niya bigla sa binata ang bagay na iyon. They were both trying hard to make the situation seem normal. Pareho nilang sinusubukang gawing civil kung hindi man friendly kahit papaano ang pakikitungo sa isa’t isa.          Pero minsan, may mga pagkakataong gustong-gusto na niyang hayaang sumabog ang lahat ng kinikimkim pa rin niyang sakit ng kalooban sa paghihiwalay nila. Nanghihinayang pa rin siya na basta na lang nagwakas ang halos dalawang taon din nilang relasyon. Lalo na at hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya si Lio.          “Yeah. I missed him too,” tumatangong sagot ni Lio na nakatutok ang tingin kay Chinoy habang kinakamot nito ang tiyan ng aso.          “Akala ko mamaya ka pa darating.”          Tumingala si Lio sa kanya. Parang bigla namang nag-skip ng isang beat ang pagtibok ng puso niya nang magtama ang mga mata nila.          “Napaaga lang ang gising ko kanina. Kaya naisip kong agahan na rin ang pagsundo kay Chinoy.”          “ I see.”          “Bakit? Naistorbo ba kita?”          “No, no, hindi naman. Do you want to have a cup of coffee before you go?” alok niya sa lalaki na udyok lang ng nakasanayan na niyang gawin at ng kagandahang-asal na rin. Sa tuwina ay ginagawa niya iyon kahit na alam niyang tulad ng ibang pagkakataong inalok niya ng kape ang binata bago ito umalis kasama si Chinoy, tatanggihan lang ulit siya nito ngayon.          “Sure!”          “Ha?” gulat na bulalas niya sa hindi inaasahang pagpayag ni Lio. Bigla siyang nataranta. Hindi niya alam kung may kape pa ba siya. Mamayang hapon, pagkagaling sa bakeshop, pa lang siya mago-grocery.          “Sabi ko, sure. Magka-kape ako. Kung gusto mo ay magbihis ka na muna at ako na lang ang magtitimpla ng kape.”          Humakbang na patungo sa kusina si Lio. Agad namang sumunod si Chinoy sa binata. Kabisado ni Lio kung saan nakalagay ang mga bagay sa loob ng kusina niya dahil hindi iilang beses na magkasama silang nagluto roon.          “Ah, um, sure!” tugon niya kahit naguguluhan pa rin sa hindi inaasahang pagtanggap ni Lio sa imbitasyon niyang mag-kape ito. Naguguluhan siya dahil karaniwan na ay laging atat na atat na umalis agad ng bahay niya si Lio matapos ihatid o kaya sunduin si Chinoy. Minsan pa nga ay hanggang gate lang talaga tumatayo ang lalaki at ni hindi na pumapasok sa loob ng bahay niya. Hindi niya tuloy maiwasang magduda at kabahan sa posibleng rason ng pagpayag ni Lio na magtagal pa roon sa bahay niya ngayon.          Mabilis siyang nagbihis pag-akyat niya sa kwarto. Isinuot niya ang unang t-shirt na nadampot sa loob ng closet at tinernuhan iyon ng shorts. Tinuyo lang niya ng towel ang basang buhok at sinuklay. Hindi na siya nag-abala pang i-blow dry ang buhok. Sa haba ng buhok niya na umaabot hanggang sa gitna ng likod niya ay tiyak na matatagalan lang siya kung ibo-blow dry pa niya iyon. Pero bago bumaba ay naglagay muna siya ng face powder at pinasadahan ng lip gloss ang mga labi.           Pagpasok niya sa loob ng maliit na L-shaped kitchen ay nadatnan niyang nakaupo na sa paborito nitong silya sa tapat ng bilog na four-seater glass dining table niya si Lio. May hawak itong itim na mug na may nakalagay na HERS at tatlong pulang hearts. May katerno ang mug na iyon na HIS naman ang nakatatak na disenyo kasama ng tatlong pulang puso.          They bought those mugs at an arts cafe they visited five months ago. May kasama ring keychains, t-shirts at caps na may mga salitang HIS at HERS ang naturang mugs. Silang dalawa mismo ang gumawa ng mga designs sa naturang mga items. Akala nga niya noong una ay tatanggi si Lio na pumunta sa arts cafe na iyon at bumili ng mga couple items na iyon. It was too cheesy and it was something only a madly in love couple will do. And being cheesy or madly in love are not the words she’d use to describe Lio. Pero naaaliw na pinagbigyan siya ng binata sa hiling niya bagamat nagbiro ito na malaking bawas daw iyon sa macho points nito.          “Nice shirt,” nakangising komento ni Lio habang iniaabot sa kanya ang mug na katerno ng mug na hawak nito.          Tinanggap niya ang mug na batid niyang sakto sa gusto niyang timpla ang laman na kape. Memorized na kasi ni Lio ang gusto niyang timpla ng kape tulad ng memorized na rin niya ang timplang kape na gusto nito. Para sa kanya, one-eight teaspoon ng kape, one teaspoon ng asukal, one teaspoon ng chocolate powder, konting cinnamon at maraming-maraming creamer. Tukso nga ni Lio sa kanya noon, chocolate milk drink iyon na nilagyan ng kape at hindi talaga kape. Baligtad sila ni Lio na bagamat naglalagay rin ng creamer at asukal sa kape nito ay mas nakalalamang naman ang dami ng kape na halos hindi mo na rin malasahan ang creamer at asukal.          Kunot-noong napayuko siya sa suot na t-shirt habang humihigop sa mug niya. Napapalatak siya nang makitang isa pala iyon sa mga naiwang t-shirts ni Lio dito sa bahay niya. Dark blue t-shirt iyon na may nakasulat sa harapan na DR. GORGEOUS WILL SEE YOU NOW. Sobrang paborito ng binata ang naturang t-shirt na kahit halos maubos na ang mga letra sa mga salitang ‘gorgeous’, ‘will’ at ‘now’ dahil sa madalas nitong pagsuot at paglaba sa t-shirt ay ayaw pa rin iyong itapon ng binata. Regalo raw iyon sa binata ng isang ex-girlfriend nito. Bagay na kaswal na kaswal lang na inamin sa kanya ng binata. Kaya naman nakumbinsi siya na balewala na rito ang babaeng nagbigay ng t-shirt dito kahit pa nananatiling paboritong damit ng binata ang t-shirt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD