MY FAVORITE SHIRT

2041 Words
                                                                         “It’s my favorite shirt and I really want it back. Please take it off. Now!” sabi pa ng binata na may pilyong ngisi at mas pilyong kislap sa mga mata.          Nag-init ang mga pisngi niya sa pamilyar na ekspresyong nakita sa anyo ng binata. It was the same sexy look he had every time he wants to tease and seduce her when they were still together. Makalipas ang dalawang buwan ay ngayon lang niya ulit iyon nakita mula sa binata.          Mula kasi nang maghiwalay sila ay naging civil at pormal na ang pakikitungo ni Lio sa kanya. Kaya naman lalo tuloy siyang nalito ngayon. Ano bang gustong palabasin ni Lio? Was he really seducing her now after two months of treating her almost like a stranger?! Pero imposible iyon. Kaya imbes sakyan ang kung anumang kalokohan ng binata, inignora lang niya ang mapang-akit na ekspresyon nito.          “Sorry, finders keepers,” naka-arko ang mga kilay na kibit-balikat niya. “Nag-almusal ka na ba?” pilit niyang ginawang kaswal ang tono.          “Hindi pa. Actually, I haven’t had a decent breakfast in the past two months. Usually, I just drink coffee then head straight to the clinic.”          “Ano? Bakit? Almusal ang pinakamahalagang meal sa buong araw, Lio. Alam mo iyon. Gusto mong kainin ng small intestine mo ang big intestine mo? Magluluto ako ng almusal, huwag kang aalis,” kunot-noong aniya na dinuro pa ang lalaki.          Napangising nagkibit-balikat naman ang binata saka tumango.          “Okay.”          Bahagya niyang ikinagulat ang mabilis na pagpayag ni Lio. Naghahanda pa naman na sana siya ng isasagot sa binata sakaling igiit nitong umalis pa rin. Gusto sana niyang tanungin ang binata kung bakit hindi ito kumakain ng matinong almusal for the past two months. Dahil ba iyon sa nasanay na si Lio na lagi silang sabay kumain ng almusal mula nang maging sila at nang maghiwalay sila ay nawalan na ito ng ganang kumain mag-isa? Kahit kasi hindi sila matulog sa iisang bahay, tuwing umaga ay pumupunta ang isa sa kanila sa bahay ng isa para doon mag-almusal. Twenty minutes lang naman kasi ang distansya ng bahay nila sa isa’t isa. Pareho rin silang may kotse. At kadalasan ang twenty minutes ay kayang gawing fifteen minutes lang ni Lio kapag binilisan nito ang pagmamaneho.          Other couples have date nights, sila ay may date days. Marunong din magluto si Lio. Hindi nga lang masarap. Kaya kadalasan kapag ang binata ang in charge sa almusal nila, bumibili na lang ito ng lutong almusal sa kung saan-saang kainan na makita. Minsan sa mga kilalang fastfood chains na may breakfast meals. Pero kadalasan sa paborito niyang tapsilog restaurant bumibili ang binata dahil nga alam nito na paborito niya roon. At dahil malayo-layo ang twenty-four hours open na tapsilog restaurant na iyon, sasadyain pa ni Lio na gumising ng alas-tres ng umaga para bumili roon.          “Pancakes na lang pala ang meron ako dito at eggs. Okay na ba sa iyo iyon? Mamayang hapon pa kasi ako mago-grocery,” aniya habang inilalabas mula sa refrigerator ang limang piraso ng itlog.          “Yeah, okay na iyan. Need help?” ani Lio. Tumayo ito at lumapit sa kinatatayuan niya sa harapan ng kitchen sink.          “No, just sit down. Mabilis lang ito,” umiiling na mariing tanggi niya.           Dahil mas hindi siya makakakilos ng maayos kung tatayo ang binata malapit sa kanya. At dahil maliit lang ang espasyo sa kitchen niya, hindi maiiwasang magkadikit sila. Ngayon pa nga lang na may isang metro pa ang layo nila sa isa’t isa ay parang gusto nang lumabas ng puso niya mula sa loob ng dibdib niya sa labis na pagkasabik at pangungulila niya sa binata. Noong sila pa, balewala lang na maging hangin lang ang pagitan nila sa isa’t isa. Ayos lang na magkabungguan sila. Magkadikit ang mga braso at katawan. Ang totoo, kapag nagluluto siya ng almusal, laging nagkukunwari si Lio na tutulong sa kanya pero ang totoo ay nilalambing lang naman siya ng binata. He’d wrap his arms around her from her back then press his face at the side of her neck.          Nahagip ng mga mata niya ang biglang pagtamlay ng anyo ni Lio. Pero agad rin itinago ng binata iyon sa likod ng tipid na ngiti saka ito bumalik sa inuupuan nito. Was that regret she saw on his face? Or was it pain? Did she really hurt him when she rejected his offer of help? Naaalala rin kaya ng binata ang mga pagkakataong magkatabi silang nakatayo sa harapan ng kitchen sink niya at niyayakap siya nito mula sa likuran niya? Nangungulila rin kaya ang binata at nagnanais na maranasan muli ang mga pagkakataong iyon kaya ito biglang umoo sa alok niyang almusal?          Parang may dalawang daliri na matutulis ang mga kuko na kumurot sa puso niya sa kaalamang iyon. Pero mas mahihirapan naman siya kung hahayaan niya ang binata na lumapit sa kanya. Her mind knew they were over. Done. Finished. But her silly heart still believes there might be another chance for them. At ang bagay na iyon ang kailangan na siguro niyang pagsikapang iwasan.          Binasag niya ang shells ng tatlong itlog at binati iyon sa isang malalim na bowl. Kumuha siya ng isa pang bowl ay ibinuhos niya roon ang pancake mixture. Gawa rin niya ang pancake mixture na iyon. Pinaghahalo-halo na niya lahat ng dry ingredients at inilalagay sa sealed plastic bags. Para itlog at oil na lang ang ilalagay niya kapag iluluto na niya iyon. Personally, mas gusto niya ang timpla ng isang kilalang brand ng instant pancake mixture kaya isang box na lang ang natira sa stock niya niyon. Pero si Lio ay mas gusto ang pancake mixture na gawa niya mismo kaya iyon ang iluluto niya ngayon.          “So, you and Johnny, huh?” biglang sabi ni Lio.          Nagtatakang nilingon niya ang binata. Bakit binabanggit ni Lio ang pangalan ni Johnny? Ano’ng kinalaman sa kanya ng pinsan ng boyfriend ni Ivy? Ivy was one of her three best friends. And Ivy was also Lio’s youngest sister. It was even through Ivy that she first met Lio way back in college.          Samantalang ang Johnny na tinutukoy ni Lio ay isa sa mga pinsan ni Miong, ang boyfriend ni Ivy. Lead singer ng sikat na bandang Pizzaz si Johnny. Madalas dumaan sa flower shop ni Ivy si Johnny at ang dalawa pang pinsan ng lalaki na kasama rin ng lalaki sa banda. At dahil katabi lang ng bake shop niya ang flower shop ni Ivy, naging malapit na rin siya kay Johnny at sa dalawa pang pinsan nitong sina Tonio at Drico.          At alam iyon ni Lio kahit noong sila pa. Hindi naman naging issue iyon kailanman sa kanila dahil alam ni Lio na parang nakababatang kapatid lang ang turing niya kina Johnny. Pero ngayon, iba ang himig ng tono ni Lio nang pagsamahin nitong banggitin ang mga pangalan nila ni Johnny. May bahid ng disgusto. May bakas ng pagkadismaya. At may tono ng pang-aakusa.          Bigla ay luminaw sa kanya ang dahilan kung bakit tinanggap ni Lio ang alok niya na magkape at almusal muna ito. Gusto lang pala siyang interogahin ng lalaki tungkol kay Johnny. Bagay na labis na ikinadismaya niya.          “Ano kami ni Johnny, Lio?” may bahid ng inis ang tonong ibinalik niya ang tanong sa lalaki. Pumihit pa siya paharap sa lalaki para mas makita niya ang anyo nito.          Mukhang ikinabigla naman ni Lio ang pag-iiba ng tono at bahagyang paniningkit ng mga mata niya. At nang humalukipkip siya at itaas ang baba habang pinupukol ang lalaki ng naghahamong tinginay tila mas lalo itong nagulat. Bahagyang nanlaki paang mga mata ng binata at tiningnan siya na parang sinaksak niya ito ng kutsilyo sa dibdib.          He was looking at her like she just admitted that she betrayed him with another man. Bagay na imposibleng mangyari. Dahil unang-una, kahit sinaktan at iniwan siya ni Lio, nananatiling mahal na mahal pa rin niya ang lalaki. Pangalawa, wala naman na silang relasyon ng binata kaya kung tutuusin ay wala na itong karapatan na umastang galit at nasasaktan dahil ipinagpalit niya ito sa ibang lalaki. At pangatlo, walang malisya ang pagiging malapit niya kay Johnny. Walang malisya ang paglabas niya kasama sina Johnny lalo pa at grupo sila lagi kung lumabas. Lagi pa nga nilang kasama sina Ivy at Miong.          Mariing tumiim ang bagang ni Lio. His dark brown eyes looked even darker as it reflected the anger gathering inside him. Nakikita niya ang daan-daang mga salita na para bang nag-uunahang lumabas sa bibig ng binata pero mahigpit na pinipigilan lang nito. Pagkuwan ay bahaw na tumawa ang binata saka umiling-iling.          “Isn’t he too young for you? You’re only thirty, Didi. Hindi ba masyado pang bata iyon para maging sugar mommy ka? But hey, if that’s the kind of man you want in your life right now, who am I to judge you?” ani Lio na sinamahan pa ng kunwaring kaswal na pagkikibit-balikat.          Pero pinasisinungalingan naman ng halatang nagtatagis na mga bagang ng binata ang kunwari ay hindi apektadong aksyon nito. Walang kaswal sa galit at hinanakit na nakarehistro sa kulay disyertong mga mata ng binata.          Lalong naningkit sa pagka-insulto ang mga mata ni Didi. May ilang linggo pa bago ang thirtieth birthday niya kaya twenty-nine pa lang siya ngayon! She wasn’t even thirty and yet he was already calling her a sugar mommy?! Besides, dalawang taon lang naman siyang mas matanda kaysa kay Johnny, hindi dalawampu o tatlumpung taon!          Padabog na inilapag niya sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak na bowl ng pancake mixture at kung hindi niya napigilan ang sarili, padabog na ilalapag din sana niya sa ibabaw ng counter ang hawak na dalawang itlog. Buti na lang at nakontrol niya ang sarili. Dahan-dahan niyang ibinaba sa tabi ng bowl ang mga itlog. Bumunot muna siya ng malalim na paghinga. Pilit niyang kinakalma ang sarili.          “Ayokong sagutin ang walang kwentang statement mo,” aniya.          Pero kung siya ay nakuha pang maging mahinahon sa kabila ng walang basehang akusasyon ng binata, mukhang si Lio ay hindi na napigilan ang sariling galit nito. Mabibigat ang mga yabag na naglakad ang binata paroot parito sa maliit na espasyo ng kusina niya. He was like an angry and wounded bear that wanted to roar his pain and outrage.          “I mean, really, Didi? You’re really dating someone else now?! It hasn’t even been two months since our break-up yet you’re dating again?! Ganoon lang ba kadali para sa iyo na humanap ng kapalit ko? Off with the old man, on with the new and younger man? Or perhaps I should just call him your boytoy because that name certainly fits him!” may bahid ng galit, pagseselos at hinanakit ang malakas na boses ni Lio.          Pero para sa kanya, tanging ang nag-uusig na himig lang ng lalaki ang narinig niya. And just like that, her legendary patience snapped.          Marahas na nilingon niya ang dating nobyo. Sa bilis ng pagkilos niya ay nasagi niya ang bowl kaya bumangga iyon sa dalawang itlog. Gumulong ang mga itlog patungo sa gilid ng kitchen counter pero hindi niya pinag-abalahang saluhin ang mga iyon. Wala na siyang pakialam mahulog at mabasag man ang mga itlog na iyon. At kung hindi pa titigil si Lio sa mga akusasyon nito, malamang ibang itlog naman ang babasagin niya maya-maya lang.          “Ano’ng karapatan mong sabihin iyan sa akin, Julio?! Baka nakakalimutan mo kung sino sa ating dalawa ang unang nakipaghiwalay! Ikaw ang pumutol sa relasyon natin! Ikaw ang umalis! Ikaw ang nang-iwan! Kaya wala kang karapatang kwestyunin ako ngayon kung sino ang ipinalit ko sa iyo! You’re the one who broke up with me! You’re the one who broke my heart! You left me! I didn’t choose to end our relationship! Ikaw ang gumawa niyon! Kaya wala kang karapatang mang-akusa o magalit sa akin kahit pa limang lalaki ang ipalit ko sa iyo!” gigil na gigil na hiyaw niya sa lalaki habang nakaturo sa dibdib nito ang kanyang hintuturo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD